Chapter 34: Last Step: Like.. FOREVER
Enrick's POV
Halos isang linggo ko na rin pinaplano ang balak kong pag-amin sa babaeng gusto ko. I just wanted everything to be perfect. Para wala syang takas sa akin. Haha.
Araw-araw kong kinakausap si Acle, at base sa mga pag-uusap namin, mukhang may pag-asa nga ako. Ang saya ko. :)
Araw-araw din akong nag-iisip kung anong dapat kong gawin para maging romantic ang pag-amin at panliligaw ko.
Handa na ang lahat. Kinausap ko na ang kasabwat kong si Janica. This is it. I hope she'll like this. :)
Pumunta na ako sa room namin and last subject na para sa araw na ito. 5:30pm matatapos ang class so, all I've got to do is wait.
"Acle. May pupuntahan tayo mamaya." bulong ko sa kanya bago mag-umpisa ang last subject class namin.
"Huh? Sa-saan? Bakit?"
"Basta. I have to tell you something."
Klase. Klase. Klase.
"Class dismiss." -prof. Hudyat na ng pagtayo ko. Pumunta agad ako sa pwesto kung nasaan si Acle.
"Acle, let's go." tapos hinawakan ko yung wrist nya.
"Ho-hoy! Enrick! Saan kayo pupunta?" -si Marx. Agad ko naman syang nilapitan at binulungan. After that, napahinto sya at..
"Ako ang kasabay nya pag-uwi." Marx na nakapoker face.
Hinigit ko na si Acle at sinabi sa kanya kung ano ang gagawin namin.
"Ta-talaga? Ba-bakit ako pa?" halatang nagulat sya sa mga inamin at sinabi ko sa kanya.
"A-ayaw mo ba sa akin?" natatakot ako sa mga susunod na salitang maririnig ko mula sa kanya.
"Hindi naman. Gustong gusto nga kita eh! ^_^" nagtwinkle yung mga mata nya, and just by seeing that, napangiti ako.
"So payag ka na? Tayo na? :)" tanong ko.
"O-o naman! Waaaah! Excited na ako Enrick!" -Acle.
"Wait. Dapat gandahan mo ang acting mo huh. Wag mo ipapahalatang kasabwat kita dito."
"Oo naman! Game na game ako dyan!" -Acle na excited. Grabe. Tuwang tuwa sya.. but me? I feel so nervous right now!
----
Angel's POV
Nasaan na kaya yung babaitang yon? Uuwi na kami e. Bigla biglang nawawala. Haay.
Naglakad ako palabas ng room para hanapin si Acle. Good thing, nakasalubong ko sya!
"Angel. Nauuhaw ako! Samahan mo muna ako sa canteen. Please?" -Acle.
"May tubig ako dito, you want?"
"Uhmm. Gusto ko ng juice e. Hehe. Please, samahan mo na ako." haay ang kulit.
"Osige. Tara na huh? Uwi na agad tayo after that. I have to do something pa eh." sabi ko.
"Okay. ^_^" ang saya nya naman ata masyado?
Lakad.lakad.laka--
Sa canteen..
"Enrick! Anong ibig sabihin nito huh? Ba-bakit *sniff*" umiiyak si.. si Janica? Yung girlfriend ni Enrick.
"I--I'm sorry pero.. I can't be with you anymore. Sorry Janica.. wag ka nang umiyak." tapos pilit nyang niyayakap si Janica pero hinahampas lang sya nito sa dibdib.
"Anu bang nagawa ko Enrick? *sniff* Ma--maganda naman ako ah? *sniff* loyal ako.. pero.. *sniff* bakit mo ako hihiwalayan bigla?" -Janica na umiiyak.
Si Enrick? Nakikipagbreak? Bakit?
"Sorry.. Janica.. mahal kita pero, pero mas mahal ko si.. Mas mahal ko si Angel.. Sorry.."
Pagkarinig ko ng pangalan ko.. para akong sinementuhan sa paa. Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Wala akong masabi. Para akong nawalan ng bibig.
"Yan? Yang babaeng yan ang mahal mo? Ipinagpalit mo ako sa babaeng yan?" dinuduro na ako ni Janica.
"Oo! Itong babaeng to! Mahal na mahal ko sya pero di ko masabi sa kanya dahil naduwag ako. Natakot akong baka di nya rin ako gusto.. kaya eto ako ngayon.. Patuloy pa rin syang minamahal kahit na wala akong assurance na gusto nya rin ako."
Naguguluhan na talaga ako. Halo halo ang emosyon ko. Di ko alam kung malulungkot ako, o magagalit, o sasaya o kikiligin. Tsk. I'm so stocked right now. What should I do? Magbrebreak sila ng dahil sa akin? By judging the face of Janica, she really looks so broken. I hate to see girls crying. Alam nyo yan.
"Magsama kayong dalawa! I hate you both!" sigaw ni Janica. Bigla syang tumakbo. I can't help myself but follow her.. and comfort her. Ganito ako kahina pagdating sa mga babaeng umiiyak at nasasaktan.
Ang bilis nyang tumakbo! Haays. Nakaheels pa naman din ako. -.- Hinubad ko muna yung sapatos ko para mas mabilis akong tumakbo. Hanggang sa makarating kami sa roof top.
Grabe. Nakakahingal, paikot ikot muna kami sa buong building bago dito naman sa roof top. Iba ang trip ng babaeng 'to.
"Sa wakas! Napagod ka din. Kelangan mo ba talagang libutin yung buong building Janica?" sabi ko bago pa man kami lumabas sa open air part ng roof top.
"Oo. :)" baliw ba sya? Kanina umiiyak sya tapos ngayon, nakangiti sya sa akin?
"Huh? I don't get you. I was here to comfort you.. pero mukha ka namang okay na. Sige. I gotta go." sabi ko. Nakakadisappoint. hingal na hingal ako tapos ganto. Tss. Lumakad na ako, nakakaisang hakbang palang ako, bigla naman syang nagsalita..
"Hindi ako girlfriend ni Enrick. It's just a part of the surprise he made for you.. Kaya sana.. sana.. mapagbigyan mo sya. I did this because I'm his friend. I want him to be happy.. so please make him happy." gulat na gulat ako sa mga nalaman ko. So..
All this time, inakala kong girlfriend ni Enrick si Janica? Nag-emote ako para sa wala? WTH. That's so.. so.. ugh!
And before I knew it, may biglang humawak sa kamay ko mula sa likod.
"I'm sorry. Pero.. wala ka nang magagawa, mahal kita eh." yung boses na yun. Sya. Ang taong gusto ko.
No. Let me rephrase that.. Ang taong mahal ko.
Binuksan nya yung pinto palabas at nakita kong nakaset-up yung pinakaroof top. Ang ganda. :O Punung-puno ng balloons tapos may dinner table sa gitna. Tapos nakita ko si Matt na nagpipiano. Nag-umpisa namang kumanta si Enrick. Natutunaw na ako.
Tunaw na pala talaga. This place was so.. romantic!
Now Playing: Moving Closer by Never the Strangers
When you smile, everything's in place
I've waited so long, can make no mistake
All I am reaching out to you
I can't be scared, got to make a move
Nakangiti sya habang kumakanta. Yun na siguro ang pinakamatamis na ngiting nakita ko.. at hindi ko akalaing sa akin sya nakangiti.
Ang gwapo ng mukha nya.. nakalong sleeves na blue na 3/4s at black pants. Ang ganda ng boses nya.. nagniningning ang mga mata.
While we're young, come away with me
Keep me close and don't let go
Di ko maiwasang ngumiti. Ugh. I'm blushing! No.. I'm.. I'm burning hot right now. Lalo na yung cheeks ko.
Inch by inch, we're moving closer
Feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment
I'm moving closer to you
I'm moving closer to you
Papalapit sya sa akin habang kumakanta. May dalang white roses. Iniabot nya sa akin yun at nagpatuloy sa pagkanta.
"Remember when we hang out at the mall? Yun yung unang beses na nakasama kita ng tayong dalawa lang. You smiled at me.. and that was the first time I believe in "LOVE AT FIRST SMILE."
Who'd have thought that I'd breathe the air
Spinning 'round your atmosphere
I'll hold my breath, falling into you
Break my fall and don't let go
Napangiti naman ako sa mga sinabi nya. Tumahimik lang ako while blushing.. I let him speak. I love hearing his voice.
"Naglaro tayo ng basketball sa arcade nakipagpustahan ka pa nga.. Grabe. I'd never thought that you? A girl with a pretty face would play basketball that great!? I was amazed. Malupet ka."
Inch by inch, we're moving closer
Feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment
I'm moving closer to you
"Haha." napatawa ako dun.
"Now, I just wanted to ask you.. Dahil ako ang nanalo sa pustahan natin noon.. Ibibigay ko sayo ang nag-iisang wish ko.. Ano ba ang wish mo?" tanong nya sa akin.
"All I wish is..."
Inch by inch, we're moving closer
Feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment
I'm moving closer to you
"Me?" -Enrick.
"Excited much? Haha. Oo na. Sige na. Ikaw nga ang wish ko. Matagal na." sagot ko.
"Re-really? Is that serious?"
Moving closer...
Closer to you...
Moving closer...
Pero.. hindi pwede.
I'm moving closer to you
"Hahaha! Akala mo ba, ganun lang kadali yun? Hi-hindi kita gusto! Wag kang assuming!" sigaw ko. Tinulak ko sya palayo sa akin.
"A-angel? Na-nanaginip ba ako?"
"Hindi. All you have heard is the truth! Hindi kita mahal! Ang totoong wish? I wish you'll never ever meddle in my life! Sorry pero hindi pwedeng maging tayo!" sigaw ko kay Enrick.
Nakita ko nalang ang disappointed nyang mukha na puno ng lungkot at isang patak ng luha na nasundan ng marami pang luha. Naaawa ako sa kanya.
"Mission failed. Wish granted." tumungo sya, tumalikod, at nagsimulang naglakad palayo.
----
Enrick's POV
Ang sakit. Parang binagsakan ako ng mundo pagkarinig ko ng mga salitang lumabas sa bibig nya.
Ginawa ko naman ang lahat ah? Nagsimula ako sa Step 1, which is to know her more. Step 2, plan my confession. The third and last step was supposed to be successful as planned.. the big day wherein I call it, "THE BIG DAY" Pero bakit ganito? I feel so broken.
I thought everything's perfect. Yun ang akala ko.. Lumakad na ako palayo habang may tumutulong luha sa mga mata ko. That was the first time I cried for a girl.
Habang naglalakad ako, may yumakap sa akin mula sa likuran..
"You're too good at surprises.. but I guess, you lose again this time." ang boses ng babaeng akala ko.. magiging akin na pagkatapos ng gabing ito. Nanghihina ako sa yakap nya at sa pagbulong nya sa akin.
"Wha-what do you mean?" I asked.
"You gave up easily.. I hate you." she said while hugging me tighter from the back.
"..." ako.
"I'm sorry. I lied. I love you. I really do."
Those words.. ang pinakagusto kong marinig sa kanya.
"Di ko alam kung totoo pa ba yang sinasabi mo." sabi ko habang nanginginig ang boses ko.
"I love you.. it's the truth. I was joking before.. pero totoo na 'to. I'm sorry if I made you cry." medyo natatawa pa sya habang sinasabi nya sa akin yan.
"Napaiyak mo na ko, napasaya mo pa ako.. Iba ka talaga." sabi ko. Humarap ako sa kanya at hinawi ko ang buhok nya.. at ngumiti sya.
"I've changed my mind.. babaguhin ko na ang wish ko." she said.
"Huh?"
"Enrick Gervin Ayala.. I wish.. you stay in my life like.. FOREVER."
With just that.. I feel completely astonished.
"Your wish is my command. I love you Angelique Trish Mendoza.. like.. FOREVER. :)"
Mission Accomplished. I won the most beautiful trophy. It's her.. my Angel.