Marrying Mr. Arrogant (PUBLIS...

By FrozenFire26

68.3M 895K 107K

[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a... More

Chap. 1 - PART ONE
Chapter 2
Chapter 3
★Video Trailers★
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Special Chapter
Author's Note
Chap. 47 - PART TWO
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
EPILOGUE

Chapter 66

572K 10.3K 1.1K
By FrozenFire26

Chapter 66


[Vianca's POV]


Lumipas ang mga araw na wala akong narinig na anumang balita mula kay Mitsui.


Ang iniisip ko noong una ay baka busy lang siya, kaya hindi muna nagpapakita sa amin ni Lei. Pero lagpas dalawang linggo na, wala pa rin kaming komunikasyon sa kanya.


"Vianca, nagpapalamig lang 'yon. Baka nagbabakasyon sa isang isla," sabi sa akin ni Ashley. Nandito siya ngayon sa bahay para kunin ang naiwan niya pang mga gamit.


Nasa sala kami pareho. Siya nakatambay at nakikipagkuwentuhan lang, habang ako naman ay inaasikaso ang mga school materials na gagamitin ko.


Napunta ang usapan namin kay Mitsui, kaya nabanggit ko sa kanyang two weeks na nga ang nakakaraan pero hindi pa siya ulit nagpaparamdam sa amin ni Lei.


"Baka nagre-refresh sa Boracay. Para makaiwas muna sa mainit na panahon at sa init ng ulo mo." Binigyang-diin niya talaga ang mga katagang "init ng ulo."


Oo na! Alam ko kung anong ipinapakahulugan niya do'n. Inaway ko raw si Mitsui, kaya hindi nagpapakita sa amin.


"Nagbabakasyon grande lang 'yon. Sa lugar kung saan maraming nakapalibot na sexy at magagandang babae. 'Yong mga tipong sweet at mabait ang ugali, hindi 'yong hina-hard siya." Halata sa tono ng pananalita ni Ashley na pinaparinggan niya ako.


"Eh 'di maghanap siya ng easy to get. Ang dami namang naglipana diyan sa kalye," hindi interesadong sagot ko. Nakayuko lang ako habang patuloy na nagsusulat sa class records na ginagawa ko.


"Kaya nga magpa-hard to get ka lang, Vianca. Mainam yan. Kaunti na lang kayong natitirang ganyan. For sure, ikauunlad yan ng Pilipinas," sarcastic na tugon niya naman sa akin.


Minsan matalas talaga ang tabas ng dila ni Ashley. Pinagpapasensiyahan ko na lang. Sanay na rin naman ako.


"Pero, talaga? Okay lang sa 'yo?" pangungulit niya 'di kalaunan.


Mula sa sulok ng mga mata ko ay nakita kong bahagyang lumapit ang mukha niya. Parang binabasa niya kung totoo ba ang naging reaksyon ko.


"Naku! Ang duda ko sumuko na 'yon sa 'yo. Ang hirap mo kasing suyuin. Nag-effort na nga 'yong tao, hindi mo man lang na-appreciate. Imbes na maging masaya, nagalit ka pa." Hindi pa rin siya humihinto sa pangongonsensiya niya.


"YAH! Hindi ka pa ba titigil!" singhal ko kay Ashley. Inis na hinampas ko sa ibabaw ng mesa ang hawak kong ballpen.


"Tama na! Oo, kasalanan ko na. Nadala lang talaga ako ng galit ko sa ginawa ni Mitsui at ng assistant niya. Tapos idagdag mo pang nag-PMS ako ng araw na yun." Inaamin ko na may mali rin ako sa mga pangyayari.



"Hahaha! Sabi ko na nga ba, meron ka nang time na 'yon! Kilala kita!" Humagalpak naman siya ng tawa. Baliw talaga.


"Malas lang ng asawa mo. Siya ang napagbuntunan mo sa mga panahong nagiging immature 'yang ugali mo. Hahaha! Buti nga sa kanya!"


Tss! Nagawa pa niyang  i-enjoy ang mga nangyari.


"Hmm? On second thought... now that I come to think of it, mas malas nga pala ako kay Mitsui." Napahawak siya sa baba niya na animo'y may malalim na iniisip.


"Viaaan! Wala pa sa kalahati ang mood swings mo kapag meron ka, compared noong buntis ka! Ahuhuhu... Naaalala ko pa kung gaano mo ako pinahirapan no'ng naglilihi ka!" lugmok na sabi niya. Ngayon naman ay parang umaarte siyang naiiyak. Bipolar talaga.


"Fish tea ka! Hinding-hindi ko makakalimutan sa tuwing pinapabili mo ako ng mga pagkaing tinatakam ka. Kahit hatinggabi na, inuutusan mo pa akong lumabas ng bahay para lang ma-satisfy ang weird cravings mo. Madalas mo pa akong tarayan 'pag 'di ko sinunod ang gusto mo. Shemay! Muntik pa akong maholdap dati, kasi pakalat-kalat ako sa kalsada kahit dis-oras na ng gabi."


Bagama't nakakainis ang pagiging OA ni Ashley, naaawa naman ako sa ikinuwento niya. Totoo kasi lahat ng 'yon. Siya ang nagsakripisyo noong ipinagbubuntis ko si Lei, lalo na noong nasa first trimester pa lang ako. Pasalamat talaga ako sa pagiging maunawain niya. Hindi naubos ang pasensiya niya sa akin.


"Ash, 'wag ka namang ganyan. Nagi-guilty tuloy ako sa 'yo," pag-aalo ko sa kanya, dahil hindi na maipinta ang mukha niya.


"Ah basta! Ngayon pa lang Vianca, inuunahan na kita. Kapag naging preggy ka ulit, magpapakalayo-layo muna ako. Aakyat ako ng bundok para 'di mo ako makontak. Para kapag hindi natiis ni Mitsui yang mood swings mo at nag-away na naman kayo, hindi ka makakatakbo sa 'kin. Hindi ako madadamay!"


"Tumahimik ka nga. Ang advance mo mag-isip. Hindi pa nga kami nagkakaayos, buntis na agad ang nandiyan sa utak mo!" saway ko kay Ashley.


Ang lakas talaga ng tama nitong best friend ko. May silbi ang mga advice niya kapag nagseseryoso siya, ngunit ang tindi naman ng kabaliwan 'pag tinotopak.


"It will happen. Believe me! My instinct has never been wrong. Matapos mong makatanggap ng enlightenment galing sa 'kin, back in each other arms na kayong dalawa. Magkakaroon na rin ng kapatid si Lei. Ayieee! Me is so kenekeleg! Love is in the air, I can feel it!" Ngayon naman ay para siyang teenager na napapa-smile sa kilig.


Napa-roll eyes ako sa harap niya. "Ash, pwede ba, tumigil ka na? Five years kaming naghiwalay, tapos gano'n-gano'n na lang? Sa isang iglap, magkakabalikan kami at gagawa na agad ng pangatlong baby?"Aish! Kinilabutan tuloy ako sa sinabi ko.


"No matter how much you deny, at any rate, doon din naman ang punta n'yo. Tandaan mo, once you loved a person, kahit ilang taon pa man ang dumaan, there will still be some of that love left. At ang pagmamahal na 'yon ang maaari mong gamitin to start all over again," giit niya.


Napahilot ako sa noo ko. "Oo nga, nando'n na ako. Mahal na kung mahal. Pero 'wag mo naman akong pinangungunahan. Hindi 'yon gano'n kadali. Kung talagang pursigido si Mitsui, hindi niya ba magawang maghintay? Kung tutuusin, ako nga hinintay ko rin siya noon nang maraming beses."


"I understand where you're coming from. But, Vian, just because you know he would wait for you, doesn't mean you can let him wait that long. Sige ka, baka sumuko na talaga sa 'yo nang tuluyan si Mitsui."


Huminga ako nang malalim. "Okay. Ganito, makikipagbalikan ako at magsisimula ulit kami. Pero isa lang ang sigurado ako. After he broke me, hindi na ako 'yong babaeng katulad ng dati na sinaktan at niloko niya. Bibigyan ko siya ng chance na muling papasukin sa buhay ko, pero kailangan niyang ipakita sa 'kin na nagbago na nga siya."


Sumang-ayon si Ashley sa sinabi ko. "Well, okay na rin naman. Part of yourself is still guarded, but at least you're willing to give him a chance. Mas mabuti na 'yon kaysa wala."


"Kaya nga 'wag niyang uulitin ang mga kasalanang ginawa niya noon. Kasi sa oras na muli niya akong lokohin, ilalayo ko na talaga sa kanya si Lei," nagbabantang saad ko.


"Ayan ka na naman, eh. Ang pessimist mo. At this point, it's no longer the pain that makes you suffer. It's your own negative thought that makes things seem worst. Hindi ka marunong tumingin sa brighter side ng asawa mo. Akala mo lagi ka na lang niyang sasaktan, kaya iwas ka nang iwas."


"Oo na. Makikipag-ayos na nga ako kay Mitsui, 'di ba? Nasa kanya na 'yon kung mapapatunayan niya ang sarili niya. Ang mas mabuti mong atupagin, 'yang lovelife mo. Kaya ka hindi nagkakanobyo, kasi puro ka kalokohan," paglilipat ko ng topic kay Ashley.


Nagiging seryoso na ang usapan naming dalawa. Gusto ko ng light mood lang. Masyado na akong nai-stress nitong mga nakaraang araw.


Pinagmasdan kong maigi si Ash at nakita kong matamis siyang napangiti.


"Excuse me, Vianca. I'm not single. I'm just in a long distance relationship," proud na sabi niya.


Tinaasan ko muna siya ng kilay bago ako muling nagsalita. "Weh? Luma at gasgas na 'yang linya mo. Hindi na 'yan bebenta sa 'kin. Alam ko na kasunod niyan, kasi 'yong bf mo nasa future pa," pambabara ko sa kanya.


One year ago pa nang huli siyang nagka-boyfriend. Mula noon, wala na akong nabalitaang nanligaw sa kanya. Kaya papaanong magkakaroon siya ng karelasyon?


"Nope. You're definitely wrong, my dear bestie. Nasa long distance relationship talaga ako... Simply because my imaginary boyfriends live in Korea. Take note, boyfriend with -s, as in plural form. Marami silang bfs ko," taas-noong pahayag niya.


Muntik ko nang ibato kay Ashley ang ballpen na nasa kamay ko, dahil sa isinagot niya.


"Seriously, kailan ka ba titigil diyan sa pagiging obsessed mo sa K-pop na 'yan? Puwes, marami kayong nangangarap ng ganyan. Madami kang kaagaw," pagbabasag ko sa trip niya sa buhay.


"Tse! Panira ka talaga! Kita mong nagde-daydream ako. 'Di mo man lang sakyan!" asar-talong sabi niya sa akin. "Teka, nasaan na ba si Lei?"


Hinananap niya bigla si Lei na tiyempo namang kalalabas lang mula sa room nito.


"Baby, halika dito. May itatanong sa 'yo si Ninang." Tinawag niya si Lei na patakbo namang lumapit sa amin.


Pinaupo niya muna ang bata sa lap niya bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "Lei, 'di ba may bago kang crush na Koreana. Sino nga 'yon?"


Tsk! Pati si Lei naimpluwensyahan na. Pinapaniwala niya kasing anak ni L.


"Si Park Bom po," mabilis na sagot ni Lei.


Napangiwi si Ashley. "Hindi naman 'yan ang pinag-usapan natin kahapon, ah? May isa pa. Hindi si Bommie!" Napaismid siya dahil mali ang naisagot nito. Mukhang may magaganap pa yatang fanwar dito sa bahay.


"'Di ba I told you, it's either Hyoyeon or Yuri lang? Pwede rin si Tiffany or Sooyoung. Except Jessica, medyo ice princess yun eh. Okay na rin kahit sino kina Seohyun, Yoona, Taeyeon at Sunny. Magaganda naman silang lahat. But of course, I still prefer Hyo!" mahabang litanya ni Ash sa anak kong tahimik lang na nakatitig sa kanya.


"Now, sino nang crush mo?" muling tanong niya.


"Si Hyo na po," masunuring sagot naman nito.


"Wow! Very good!" Nanggigigil na kiniss niya sa pisngi si Lei. Tuwang-tuwa siyang na-brainwash na naman niya 'yong bata.


Although, ang pagkakarinig ko nga sa sinabi nito ay 'Si Yoona po.'



***

Makalipas ang isang linggo ay hindi pa rin nagpapakita sa amin si Mitsui. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala.


Ano kayang nangyari? Kahit simpleng tawag para kay Lei, wala man lang kaming natatanggap mula sa kanya. Baka nga siguro nagtatampo at masama pa rin ang loob niya hanggang ngayon. O baka nga sumuko na, gaya ng sinabi sa akin ni Ashley.


Bahala siya sa buhay niya. Kung 'di siya interesadong mapalapit kay Lei, hindi ko siya pipilitin. Hindi ko ipagsisiksikan na magkalugar sa kanya ang anak ko. Noong una, akala mo kung sinong desididong makuha ulit kaming mag-ina. Hindi naman pala kayang panindigan ang mga sinabi niya.


Nakaka-ewan siya! 'Yan ba 'yong sinabi niyang nagbago na siya? Parang hindi naman. Katulad pa rin siya ng dati. Hindi niya pa rin kayang pagsikapan ang gusto niya. Akala niya mabibili ng pera ang lahat ng bagay sa mundo.


"Aish!" Sa inis ay ibinagsak ko sa mesa ang dala kong libro.


"Mommy, are you alright?" Naagaw ang pansin ko nang nag-aalalang tinig ni Lei.


Nasa faculty room nga pala kaming dalawa. Nakaupo siya sa tabi ko habang hinihintay akong matapos sa mga ginagawa ko.


"Ha? Ah, oo... okay lang ako." Bakit ba ako nagpapaapekto kay Mitsui? Pati tuloy si Lei nakakahalata na.


Dinampot ko ulit ang libro sa ibabaw ng table. Inayos ko ito at saka inilagay sa loob ng bag. Pagkatapos ay nagpaalam na ako sa mga co-teachers kong naiwan sa faculty office at magkasama na kaming umuwi ni Lei.



***

Naglalakad na kami sa may school grounds patungo sa gate nang saglit na huminto si Lei at itinuro sa akin ang suot niyang rubber shoes.


Napansin kong natanggal sa pagkakatali ang sintas niya. "Sandali lang, doon muna tayo. Ayusin natin ang shoelace mo." Niyaya ko siyang tumabi muna kami sa daan.


Noong nasa gilid na kami ay akmang luluhod na sana ako sa harap ni Lei nang may biglang pumigil sa akin. Hinawakan ako nito sa kaliwang braso.


"Let me," sabi ng isang napakapamilyar na boses. Boses na huli kong narinig tatlong linggo na ang nakakaraan.


Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.


Ah.. Wala 'to..


Pinilit kong 'wag na lang iyon pansinin. Nakahinga lang ako nang maluwag, dahil okay naman pala siya. Hindi ko na kailangang mag-alala kung ano nang kalagayan niya.


"Daddy!" masayang tawag sa kanya ni Lei. Lumitaw ang sobrang pananabik sa mukha nito. Halatang miss na miss na siya nito.


Binitawan na ako ni Mitsui at si Lei naman ang pinagtuonan niya ng pansin.


"How's my son? Did you miss me?" Ginulo niya ang buhok nito. "Sadly, your mom doesn't seem to miss me that much."


"I'm fine, Dad! Siyempre po na-miss kayo ni Mommy. She loves you so much, eh."


Hindi ako mapakali sa sinabi ni Lei. Parang naiilang ako na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung paano magre-react. Hindi ko rin inaasahan ang lalong paglakas ng kabog sa dibdib ko. Kumpara kanina ay mas bumilis pa ang pagtibok nito.


Palihim kong sinulyapan si Mitsui at nakita kong umangat ang isang sulok ng mga labi niya. Tsk! Naniwala naman agad sa bata!


Lumuhod siya sa harap ni Lei at inayos ang pagkakatali ng sintas nito. Wala na akong ibang nagawa kundi ang panoorin na lang siya sa ginagawa niya.


"Let's go. I'll take you home." Tumayo na si Mitsui at kinarga niya si Lei na agad namang niyakap ang mga braso sa batok niya.


Nauna na siyang naglakad papunta sa parking lot, kaya sumunod na rin ako sa kanila.


Pagkasakay namin sa kotse ay nagyaya siya na kumain kaming tatlo sa labas.


"Wag na tayong kumain sa restaurant," sabi ko habang nasa biyahe kami. Nasa passenger's side ako, samantalang si Lei naman ay nakaupo sa backseat.


Napabuntong-hininga siya nang malalim. Ang akala niya siguro hindi ako pumayag sa ideya niya, na ayokong makasama niya ang anak namin.


"Umuwi na lang tayo sa bahay. Ipagluluto ko na lang kayo. Maaga pa naman," dugtong ko. 'Di ba nga sinabi kong makikipag-ayos na ako sa kanya? 'Yon ang naisip kong paraan na makabawi kahit papaano.


Nilingon ko si Mitsui at kitang-kita ko nang sumilay ang ngiti sa mukha niya. Hinayaan ko na lang siya. Masaya sila ni Lei sa ganitong bagay, kaya wala akong karapatang ipagkait ito sa kanila.



********


Continue Reading

You'll Also Like

8.6K 227 22
✅ COMPLETED ✅ I MrHeartbreakersLove SideStory I [Nathan Antonio's story] Isa lang naman ang tumatakbo sa isip ni Anna, iyon ay kung saan siya kukuha...
469 210 29
Ang sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang masakit at may halong saya. Posibleng ang dalawang ito ay maramdaman natin. Sinadya man o hindi. Kung sa pa...
100K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
1.9M 6.5K 8
He is an actor. She's a brat. COMPLETED