A Rebel Heart (#1)

parachutelemon द्वारा

17.8K 591 152

What does it take to change a rebel heart? #AHS1 अधिक

GENERAL DISCLAIMER
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 49
Kabanata 50
WAKAS

Kabanata 48

295 10 2
parachutelemon द्वारा

Kabanata 48

"What?! What the fuck did you just say?"

Napalingon ako sa laptop ko na nasa taas ng kama nang sumigaw si Sarah doon. Napatigil din ako sa pagpipili ng susuotin na damit bukas para sa event na magaganap.

I just told her that Clicko is married and that Samantha is an assuming bitch.

"What an asshole! I can't believe it! Alam naman nating lahat na hindi ganoon na klase ng lalaki si Clicko di ba? What in the world happened to him?" Hindi makapaniwala na sabi naman ni Felly.

Binitawan ko ang hawak na damit at umupo sa harap ng laptop. Sinulyapan ko si Kazandra sa pinakagilid ng screen na tahimik lang na nakatingin sa aming lahat. Huminga ako ng malalim at itinali ang buhok ko.

It's not Clicko's fault. Base on what I've heard last night, pinili ni Vita na maging pribado ang kanilang kasal ni Clicko dahil ayaw niyang kumalat pa iyon. And according to Clicko, Vita doesn't want him to say something to the media. Which means, sumusunod lamang si Clicko sa kanyang asawa. He's a very good husband afterall.

"Stop saying that he's an asshole." Sabat ko at nahuli ang pag-irap ni Sarah.

"Oh? So you are now defending the guy that you hated so much? That's new." Nakangisi na sabi niya kaya tumawa na rin sina Kazandra at Felly.
Bumagsak ang balikat ko at humalukipkip sa harap nilang tatlo.

"He's not an asshole okay? He's just protecting his wife and their relationship from the media..."

Kinagat ko ang labi ko nang mapatigil at nag-iisip ng idudugtong doon sa sinabi.

"And I think that he's a great husband to his wife." Tumango tango na sabi ko. Tumaas ang kilay ni Sarah sa akin samantalang gulat na gulat naman sina Felly at Kazandra.

Probably because of the same reason. They must've been shocked na ipinagtatanggol ko na si Clicko ngayon, samantalang halos isumpa ko siya sa harap ng mga kaibigan ko noon.

"So you're really defending him? He's already forgiven?" Tanong ni Kazandra na sa wakas ay nagsalita na rin.

I slowly nodded. I guess, we're okay now.

"Yeah. We talked last night." Sagot ko at agad napangiwi sa sa mga mura na narinig mula kina Sarah at Felly.

"Shocks? Truly? So he's really married? Fuck, Heanndra. You need to get out of there as soon as possible." Nag-aalala na sabi ni Sarah.

Alam kong concern lang sila sa nararamdaman ko. Saksi sila sa lahat ng iyak at pagbubuhos ko ng aking mga hinanakit kay Clicko at pati na rin sa sarili ko. And I know it, before they even think about it ay naisipan ko na rin iyan. One of my reasons kung bakit ako bumalik dito ay para sa kasal ni Kuya Commulus at Ate Ciara. After their wedding babalik din ako sa California.

"Sars, I'm fine. After the wedding ay babalik din ako kaagad sa California and probably marry Brooklyn for good." Tuloy tuloy na sabi ko at agad natawa sa reaksiyon nilang tatlo.

"It's not funny." Naiinis na sabi ni Sarah.

"What is that even mean? Revenge for Clicko? He's married so you're going to get yourself married too?" Sarcastic naman na sabi ni Felly.

Napairap ako dahil nagbibiro lang naman ako at ganito na ang kanilang mga mukha. Brooklyn is too good for me at hindi ko kayang gawin siyang panakip butas dahil lang naiingit ako kay Clicko. I don't deserve Brooklyn, that's the truth.

"Relax people. I'm just joking, okay?" Natatawa kong sabi.

We talked all night at umabot pa iyon ng madaling araw because of Sarah talking about Seth Lacson. Natulog ako ng sobrang late na kaya late rin akong nagising kinabukasan. Halos murahin ko ang sarili nang makita na past twelve noon na.

"Nanang Melinda! Nanang!" Sigaw ko habang pababa ng hagdan. Halos magpanic na ako dahil wala na akong nakikita na kahit isang tao sa bahay.

"Miss Heanndra?" Nabuhayan ako ng loob nang makita si Manong Patau na papasok pa lang sa loob ng bahay.

"Manong! Nasaan po si Nanang Melinda?"

Kumunot ang noo niya sa akin at napakamot sa ulo.

"Umalis na si Nanang Melinda, Miss Heanndra. Kasama po nina Ma'am Helena at Sir Andranno doon po sa beach resort?" Takang takang sabi niya.

Shit? Nandoon na sila Mommy at Daddy? What about my cousins? Kuya Cirrus? Or even Kuya Stratus?

"Eh sina Kuya po? Mga pinsan ko?" Tanong ko.

Bumagsak ang balikat ko nang umiling siya sa akin.

"Miss, pumunta na po sila ng beach resort lahat. Ang akala ko nga po ay nandoon na rin kayo."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig galing sa kanya. Nandoon na silang lahat? What about me? Hindi man lang ako ginising? Huminga ako ng malalim habang tinitingnan si Manong Patau na hindi rin alam ang gagawin sa akin dahil naiwan ako dito sa bahay.

"Paano ngayon iyan Miss Heanndra?" Litong tanong niya. Sinuklay ko ang buhok at nag-isip. I can go there alone. I just need a car.

"Manong, pakitingnan na lang po sa labas kung may sasakyan pang naiwan."

Tumango si Manong Patau sa akin at agad na lumabas ng bahay. Tumakbo ako sa taas para tawagan si Kuya Cirrus. Agad kong hinanap ang cellphone at tinawagan siya.

"Where are you Kuya?" Sigaw ko nang sagutin niya iyong tawag. Huminga siya ng malalim sa kabilang linya bago sumagot.

"Sandy Hurricane." He lazily said probably talking about the beach resort.

"Why did you leave me here?! Hindi niyo man lang ako ginising?" Naiinis na tanong ko.

"Heanndra, anak!" Napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Mommy.

"Mommy bakit niyo naman po ako iniwan dito sa bahay? You didn't even tried to wake me up?"

Nilapag ko ang cellphone sa mesa at ni-loud speak na lamang iyon habang naghahanap ng maisusuot. I even feel hungry and I wanted to eat kaya lang ay gusto ko ng sumunod sa kanila doon.

"Honey, Nanang Melinda tried to wake you up many times kaya lang ay hindi ka magising. Siguro ay napagod ka. What did you do last night anyway?" Malumanay na boses ni Mommy.

Napasapo ako sa aking noo nang maalala na nakipag-usap ako magdamagan kina Sarah, Kazandra at Felly kaya late na akong natulog. But that doesn't mean na hindi ako magigising kapag ginising nila ako. Magigising naman ako kapag nilakasan nila ang katok at tawag sa pangalan ko. Wala naman akong naalala na may narinig ako na sigaw o katok kanina.

"I talked to my friends mom. Just tell someone to fetch me here."

"I'm sorry Heanndra pero wala dito ngayon ang dalawang sasakyan. Bumabiyahe iyon papunta ng airport to fetch CJ's family."

What? Halos magputakan ang mga ugat ko sa katawan sa narinig. Seriously? What the hell is going on?

"So anong oras ako masusundo dito?" I sighed as I tried to massage my head. This is frustrating! Bakit ba kasi nila ako iniwan dito?

"The dinner will start at six o'clock Heanndra, so don't you worry. Ipapasundo ka namin okay?"
Nakahinga ako ng maluwag. Then, it's going to be okay.

"Okay Mom. I'll hang up now. Take care." I said at agad na pinutol ang tawag.

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto nang marinig ang katok doon. Mabilis kong binuksan iyon at nakita si Manong Patau na parang balisa.

"Miss Heanndra, wala na pong sasakyan na natira. Dinala po nilang lahat ang dalawang sasakyan, pati na rin po iyong dalawang luma na." Aniya.

I smiled at him and nodded.

"It's okay Manong. Ipapasundo na lang daw po nila ako mamaya."
Tumango din siya sa akin at agad na bumaba.

I spent the rest of the hours sa loob ng kwarto at naglinis. I even saw some of my books and notebooks noong nag-aaral pa ako dito. Napatigil ako sa pagliligpit nang makita ang soccer ball na ipinanalo ni Clicko sa akin dati sa arcade.

Kinuha ko iyon at pinaglaruan. This is probably the first thing he gave me. Ang akala ko ay wala ng may natira sa akin na mga gamit na galing sa kanya because I give back the necklace he gave me. Hindi ko naisip na may ibinigay pa pala siya sa akin bago iyong kwintas and this is the soccer ball.

"Sayang ka..." I said as I tried to shoot it inside the box.

When the evening comes ay agad na akong nagbihis at naghanda. I'm sure dadating na mamaya ang sundo na ipinadala nila Mommy para sa akin. Inayos ko ang suot na Bohemian off shoulder jumpsuit habang nakatingin sa salamin. I paired it with a cute, white strappy sandals.

"Miss nandito na po ang sundo ninyo!" Katok ni Manong Patau sa labas kaya mabilis akong naglagay ng pabango at kinuha ang maliit na bag na dadalhin ko.

Lumabas ako ng kwarto at mabilis na bumaba sa hagdan. Humina ang mga hakbang ko nang makita si Clicko na nakaupo sa sofa namin. He's wearing a black board shorts and a Hawaiian shirt. Kumunot ang noo ko ng ilang sandali bago napagtanto ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon.

Don't tell me siya ang sundo na sinasabi ni Mommy? This is seriously ridiculous! Bakit ba siya na naman ang susundo sa akin? Damn it! Eight years na ang lumipas, hanggang ngayon siya pa rin?

Napairap ako nang dumapo ang tingin niya sa akin. Agad siyang tumayo nang makita ako na pababa na sa hagdan. He was about to walk towards me nang nagpatuloy na ako sa pagbaba sa hagdan.

"What are you doing here?" I asked as if I really don't know the real reason why he's here.

Hindi man lang nahiya sina Mommy na ustusan si Clicko ng ganoon na lang? For God's sake he's a captain of a squadron in the army tapos inuutusan siyang sunduin ako? He has a wife too! Ano na lang ang sasabihin ni Vita kapag nalaman niya na sinusundo ni Clicko ang ex-girlfriend niya? I don't want her to think na gusto ko rin ang mga nangyayaring ito.

"Your mom told me to bring you with me sa Sandy Hurricane since hindi makakapunta si Kuya Sandro para sunduin ka." He formally said.

"Clicko you can always say no to them, okay? You don't have to do things like this just because they told you to do so." I seriously said habang mataman siyang tiningnan.

He didn't say anything instead ay yumuko lamang habang nakapamaywang. Ilang sandali pa iyon saka siya nagsalita.

"What are you talking about?" He seriously asked.

"I'm talking about this. Bakit ka pumapayag na inuutusan lang ng ganoon nina Mommy?"

Kumunot ang noo niya and tilted his head a bit na para bang isang malaking palaisipan ang sinabi ko. I will tell them to stop asking Clicko to do things for them dahil nakakahiya na. Clicko is a respected person. Hindi bagay sa kanya na inuutusan lang.

"Your mom didn't asked for this. I told them na hahabol ako sa dinner and I found out that you are still here. Pareho lang naman tayo ng pupuntahan kaya bakit pa babalik si Kuya Sandro dito para sunduin ka, when you can go with me." Paliwanag niya.

Napataas ako ng kilay at medyo namuo ang kahihiyan sa loob. So he volunteered to do this, then?

"Bakit? Ayaw mong sumabay sa akin? I thought we're good?" Dugtong niya nang ilang sandali akong natulala sa harap niya.

Umayos ako sa pagkakatayo at tinaasan ulit siya ng kilay.

"Sino ba nagsabing ayaw kong sumabay? Let's go then at baka masyado pa tayong gabihin sa daan." Deklara ko at kaagad siyang iniwan doon.

Nauna akong lumabas at napatigil nang makita ang pamilyar na sasakyan na naka-park sa harap. Seriously? Buhay pa pala ang lintek na pickup na iyan? And this is his car now? This is all stupid. Pinaglalaruan ba ako ngayon? Because I seriously wanted to stop this stupidity.

"What's wrong?" Nagtataka na tanong niya nang mapansin na hindi pa rin ako gumagalaw papalapit sa sasakyan.

Tumikhim ako at nagpatuloy sa paglalakad papalapit doon. I opened the back door at papasok na sana nang nagsalita siya.

"Don't sit at the back. Hindi mo ako driver." Masungit na sabi niya kaya napairap ako.

Fine! This is his car anyway at nakikisakay lang ako, ulit. Padabog kong isinara ang pintuan sa likod at binuksan ang sa unahan. Sabay kaming pumasok at tahimik niyang pinaandar iyon hanggang sa makalayo kami doon sa bahay.

Ang sabi ni Manong Patau kanina, two hours daw ang biyahe papunta sa Sandy Hurricane kaya malayo-layo din ang biyahe na ito. I will pretend that I'm the only one riding the car dahil ayaw kong makipag-usap kay Clicko. I know I said sorry to him the other day but it doesn't mean that it's already super okay. Of course, may bitterness at galit pa rin ng kaonti. Hindi naman agad mawawala iyon.

"Why are you so silent?" Basag niya sa katahimikan sa loob ng sasakyan.

Nilingon ko siya mula sa pagtingin sa gilid ng mga naglalakihang puno at palayan.

"Ano ba ang gusto mong sabihin ko?" I asked not looking at him dahil binalik ko na ulit ang tingin sa labas.

"I want you to say that you are okay and that we are okay now." He directly said kaya napalingon ulit ako sa kanya.

Ano ba ang ibig niyang sabihin doon? Hindi ba ay nag-sorry na ako sa kanya? And I already said that he's forgiven for everything he did to me. Ano pa ba ang gusto niyang marinig mula sa akin?

"We are okay Clicko. I told you that you are forgiven, so technically speaking we are okay."

Tumango tango siya habang nakatingin sa daan. Humalukipkip ako at itinuon na rin ang tingin doon.

"Bakit parang galit ka?" Tanong niya.
I'm not angry! Why would he say that I am?

"I'm not angry, okay? Can you just stop talking and just drive?" Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Ayaw ko ng tahimik. I want you to talk while I'm driving." He said kaya napataas ako ng kilay. Inuutusan niya ba ako?

"Then play some music para may ingay dito sa loob! Why would you asked me to talk? Hindi naman ako maingay!"

He laughed at umiling iling.

"The speaker of this car was broken." Natatawa na sagot niya. Kinalas ko ang halukipkip ko at napairap.

"Then it's not my fault that your car speakers are broken. Bakit ba kasi ito ang sasakyan na dinala mo? You are a rich person so why the hell would you bring this broken car?!"

How funny. He even brought a painting worth a million tapos itong sirang sasakyan ang dinadala niya ngayon? He should buy a car worth a million too.

"As you can remember this is Kuya Martin's old car. Iyong sasakyan ko ay iniwan ko sa Manila, ito lang ang natirang sasakyan sa bahay so I'll have to deal with this." Paliwanag niya.

Hindi na ako nagsalita hanggang sa nakalabas na kami ng San Carlos. This will be the longest two hours of my life. Sana lang ay makarating kami doon ng maayos at mabilis so that I can get away from Clicko.

"Why do I feel like we're not really okay?" Tanong niya ulit.

Pagod ko siyang tiningnan. Bakit ba ang kulit kulit niya?

"Of course Clicko! Noong isang araw lang naman tayo nakapag-usap. That doesn't mean na talagang okay na ang lahat. What do you expect? Maging close friends kaagad tayo? You think everything will be alright in just a few days?!" Sarcastic na sabi ko.

He looks stunned about what I said. Kumunot ang noo niya sa akin habang nililiko ang sasakyan sa kabilang daanan.

"Few days? Heanndra, it's been eight years. It's been eight years since you left without hearing any of my explanations." Galit na sabi niya.

Nagulat ako nang bigla niyang itinabi ang sasakyan sa gilid at tumigil doon. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. I was about to say something pero naunahan niya ako.

"Alam mo ba ang naramdaman ko noon? Huh? I felt like I was dying. Dying because of pain, dying because of missing you, dying because I didn't have a chance to say everything to you. You didn't gave me my chance to explain!" Sigaw niya kaya napapikit ako doon.

What does he mean? That it's my fault kung bakit halos mamatay siya noon? Hindi ba siya iyong nagsinungaling sa akin? He did that to himself! Why does he putting the blame on me?

"Are you blaming me Clicko? What do you expect I'll do? Tanggapin ka ulit kahit kasinungalingan lahat ng sinabi mo sa akin? I was hurt! I was hurt because of what you did! Mali ba na isalba ko ang sarili ko sa'yo?"

Kinagat niya ang kanyang labi at pagod na umiling sa akin.

"I'm not asking you to stay with me. I just wanted you to hear my explanations. I just wanted you to know my reasons at kahit ano pa ang desisyon mo pagkatapos ay tatanggapin ko pa rin." He said at tumulo ang ilang luha sa kanyang mga mata.

Bumagsak ang tingin ko sa gear stick na nasa gitna namin.

"You didn't gave me my chance and it hurts thinking na iniisip mo na hindi kita minahal ng totoo. Because I did loved you Heanndra. It was all true." He said at marahas na pinilis ang kanyang mga luha.

For a long time, ngayon ko lang siya ulit nakita na umiiyak. The last time I've seen him cry like this was when Martin got ambushed. Bumilis ang pintig ng puso ko at nawala ang lahat ng dapat na sabihin.

"You were hurt. I know that and I'm so sorry okay? I'm sorry. Gago ako alam ko 'yun. But don't you think my explanations are deserved to be heard too?" Naghihina na sabi niya at halos ibulong na lang ang huling mga salita.

"I was scared! I was scared okay?! Natatakot ako na pakinggan ang mga paliwanag mo! Paano kung sabihin mo na totoo nga na kasinungalingan lahat? That you don't really love me? That you were really just after my virginity? Iyon ang tumatakbo sa isipan ko Clicko! At habang iniisip ko iyon ay halos mamatay rin ako!" Sigaw ko at naiyak na rin. Kinalas ko ang seatbelt at agad na humarap sa kanya.

Fire away, Heanndra. This is it. Sabihin mo na ang lahat lahat. He's married anyway at wala ng silbi ang lahat ng ito. This is just for the sake na malaman ang rason sa likod ng lahat ng mga nangyari noon so everything will be at peace. Your mind and heart will be at peace.

"I'm not ready to let you go because I love you so much. Alam ko sa sarili ko na kapag narinig ko na ang paliwanag mo, kahit magmukha akong tanga ay gugustuhin pa rin kita even if you don't feel the same and I felt so stupid about myself!"

He muttered some curses at malakas na hinampas ang manibela na nasa harap niya.

"I just wanted to save myself from breaking Clicko pero bakit parang ako pa ang masama? Hindi ba ako naman ang niloko? Why does it feel like I'm at fault here?" Naiiyak na tanong ko.

Nanlaki ang mga mata niya at agad na nagpanic. Inabot niya ang mukha ko pero agad ko itong iniwas.

"Hindi kita niloko. Nagsinungaling ako, oo pero hindi kita niloko. Everything I said were all true and everything we did, we all did those things because we loved each other. Walang panloloko doon, Heanndra." Matigas na sabi niya.

Tumango ako at mabilis na pinunasan ang mga luha. Okay, it's my fault after all. I didn't let him explain his side. Sana kung hinayaan ko siya na magpaliwanag hindi naging ganito ang lahat. It's my fault. I'm at fault.

"I'm sorry. Kasalanan ko. I'm sorry. I'm sorry. I'm really really sorry. It's my fault." I tried to hold my tears pero hindi iyon nakayanan at agad ding bumuhos.

Yumuko ako at humagulhol habang hinahilamos ang mga palad sa mukha. I keep on saying I'm sorry because I really am. I'm selfish. Sarili ko lang ang iniisip ko. Clicko was right, hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. All I did was think about his faults at kung paano ako nasaktan. I didn't get to see that he can still explain his side and that he's hurt also.

"I'm sorry it's my fault." Sigaw ko.

"I didn't say it's your fault. All I'm saying is that you failed to gave me my chance to explain my side. Don't worry, wala kang kasalanan dito. I'm still at fault here and I will forever be sorry for that."

He seriously said. Mas lalo pa akong naiyak dahil naalala ko na kapag umiiyak ako tulad nito, he would just stop me from crying and tell me to stop shouting at him because he didn't like the sound of my voice when shouting. But now, it seems like he really doesn't care about it. He doesn't care about me anymore. I'm not that important to him anymore.

He started the engine at nagpatuloy sa pagmamaneho. Tumigil na din ako sa pag-iyak at inayos ang sarili. We were silent na halos marinig ko na ang paghinga namin. Kalalabas pa lang namin sa San Carlos at tumigil pa kami ng ilang minuto kaya naantala ang biyahe namin. Tahimik kong isinandal ang ulo ko sa bintana at hindi namalayan na nakatulog na pala ako.

"Is that it? Okay. We'll find something around here. Yes. She's here with me. She's just sleeping. Okay, bye." Narinig ko ang boses ni Clicko kaya dumilat ako at iginala ang paningin sa paligid.

Madilim doon at tanging ang street lights lamang ang nagbibigay ng liwanag. Tiningnan ko si Clicko na nasa labas ng sasakyan at kakatapos lang tumawag sa kanyang cellphone.
Bakit kami tumigil ulit? What happened?

Sinundan ko siya ng tingin na pumasok na sa front seat. Napatigil siya ng ilang sandali pero agad ding nagpatuloy sa pagsa-start ng makina ng sasakyan.

"Your brother called me. Ayaw ng bumiyahe ng mga bangka papunta sa isla kung nasaan sila ngayon dahil gabi na at malakas ang alon..." Aniya na nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Baka bukas pa daw ang biyahe ulit. He suggested that we should just find a place to stay for tonight at bukas na lang tayo tumulak papunta ng Sandy Hurricane." Pagpapatuloy niya.

Wala na akong lakas makipagtalo dahil pagod na pagod na ako kakaiyak kanina. I just wanted to rest and sleep. Wala na akong pakialaman kung saan kami matutulog. Kahit dito na lang sa sasakyan ay walang problema sa akin.

I didn't say anything. Hinayaan ko na lang siya na gawin ang gusto niya. Siya naman ang may alam dito and I don't want to talk to him dahil gusto ko ng magpahinga.

Tumigil kami sa isang mukhang tavern na nasa gilid lamang ng daanan. The place looks small but clean. Naunang bumaba si Clicko at agad na umikot para pagbuksan sana ako pero mabilis akong kumilos at agad na binuksan iyon. Napatigil siya sa paglalakad at hinayaan ako na lumabas doon. Sinundan ko siya habang naglalakad sa reception area ng tavern.

A girl in her mid twenties welcomed us with a smile. Mabilis na dumapo ang tingin niya sa kasama ko at ang magiliw na ngiti niya kanina ay naging malanding ngiti.

"Welcome Sir..." Bati niya kay Clicko completely ignoring my presence.

Napairap ako at hinayaan na lang siya na makipag-usap sa babae. Total, mukhang siya lang naman ang balak na kausapin noong malanding babae.

"Two rooms please." Malalim na boses ni Clicko. The girl smiled at agad na tumango.

Shit lang? She's not even beautiful! Tanggap ko pa kapag lumandi siya na maganda siya! Pathetic.

"Sir, I'm sorry only one room left but it's deluxe room." Disappointed na sabi noong babae matapos tingnan ang monitor na nasa harap niya.

Napatingin siya sa akin at ngumiwi kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Bitch.

"Then one deluxe room Miss." Inis na sabi ko at agad na lumapit kanilang dalawa.

Nagulat ang babae at mabilis na nilapag ang susi para sa kwarto namin. Marahas ko itong kinuha at matalim siyang tiningnan.

"He's married so quit flirting!" Sigaw ko sa babae at binalingan ng tingin si Clicko na hindi gumagalaw at gulat na gulat sa ginawa ko.

I rolled my eyes at iniwan siya doon nakatayo lang.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

THE BHANUSHALI HOUSEHOLD. idk द्वारा

सामान्य साहित्य

355K 21.7K 37
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...
𝐄𝐗 - 𝐇𝐔𝐒𝐁𝐀𝐍𝐃 🪕 द्वारा

सामान्य साहित्य

589K 27K 42
Needs editing [ the destiny series #1] 𝑻𝒉𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆 𝒑𝒖𝒔𝒉𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒂𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒃𝒖𝒕 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒚 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏 𝒑𝒖𝒍𝒍𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒕𝒐𝒈...
My subconscious desire varushi द्वारा

सामान्य साहित्य

1.5M 128K 62
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...
MOHABBAT-E-DIWAANGI Aanya_writess द्वारा

सामान्य साहित्य

220K 16.2K 20
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...