A Rebel Heart (#1)

Par parachutelemon

17.8K 591 152

What does it take to change a rebel heart? #AHS1 Plus

GENERAL DISCLAIMER
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
WAKAS

Kabanata 47

272 8 2
Par parachutelemon

Kabanata 47

"Heanndra, quit spoiling my daughter." Seryoso na sabi ni Kuya Commulus sa akin habang pareho naming pinagmamasdan si Corin na may dala-dalang soccer ball at pinaglalaruan iyon.

Halos matawa ako dahil hindi ko inaasahan na mahihiligan din ni Corin ang laro na iyon. She's seven years old now and looks like Kuya Commulus, just a girl version. Her long curly hair was swaying habang tumatakbo siya at sinusundan ng kanyang yaya.

Huminga ng malalim si Kuya Commulus kaya nilingon ko siya sa gilid.

"Minsan lang akong umuwi dito kaya hayaan mo na ako Kuya. Plus, malapit ka ng ikasal hindi na kayo uuwi dito kina Daddy. We won't see Corin everyday."

Totoo naman talaga iyon. Binigyan sila ni Daddy ng lupa at bahay sa kabilang siyudad. That's his gift daw sa kanila ni Kuya Commulus at Ate Ciara para sa kanilang nalalapit na kasal. Medyo malayo iyon kaya siguradong malulungkot sina Daddy at Mommy kapag lumipat na sila ni Corin doon. Ilang taon din kasi na dito sila nanirahan sa bahay at nakakalungkot isipin na tatahimik na ito dahil wala na ang ingay ni Corin.

"Our home is just two hours away Heanndra. And I'm sure Corin will also miss her Lolo and Lola kaya magpupumilit din iyon na pupunta dito." Sagot ni Kuya Commulus kaya napatango ako.

"Heanndra, I'm glad you decided to go home early. Ang akala ko ay hindi ka na makakauwi." Wika ni Tito Jericho isang gabi nang sabay kaming kumain lahat.

Our relatives are all here para sa pamamanhikan na magaganap bukas. Pwedi naman na dito na lang sa bahay gawin iyon para malapit sa lahat, but Tita Regina suggested something about a beautiful beach resort. So they decided na doon na lang gawin iyon. Bukas pa ang dating ng mga relatives ni Ate Ciara na galing ng Cagayan de Oro. So yes, tomorrow will absolutely be a busy day for all of us.

"I needed to go home early dahil may kailangan din akong asikasuhin about The Zeal." Sagot ko sa kanya. He nodded at kay Kuya Cirrus naman may itinanong.

Napadako ang tingin ko kay Corin at sa lalaking anak ni Ate Maxine na si Banther. May hawak na laruan si Corin at mukhang sinusubukan itong agawin ni Banther sa kanya. Nasa dulo ako nakaupo kaya hindi ko kita kung ano iyong pinag-aagawan nila. Agad na kumunot ang noo ko at sinulyapan si Kuya Commulus na katabi nilang dalawa. He's talking to Dad kaya hindi niya rin napapansin ang dalawa. Tinapos ko ang pagkain at naglakad papunta doon.

"Hey guys. What are you up to?" Nakangiti na tanong ko. Napatigil silang dalawa sa pag-aagawan ng isang mukhang keychain.

"Nothing Auntie. Corin just don't wanna let me play her toy!" Naiinis na sabi ni Banther at itinuro ang palad ni Corin na nakakuyom. Marahil ay doon niya itinago ang toy na sinasabi ni Banther.

"Corin? Bakit naman ayaw mong e-share kay Kuya Banther ang toy mo?" Tanong ko.

Ngumiwi si Corin sa tanong ko at matalim na tiningnan si Banther. Nilahad niya ang kamay na nakakuyom at medyo nagulat ako sa nakita doon.

It's a keychain na may tatlong iba't-ibang bagay na nakasabit. A soccer ball, a letter C and a telescope. Kumunot lalo ang noo ko. Pilit kong iniisip kung kailan ko ba binigay sa kanya ang keychain. I've never gave her something like that. Baka naman bigay nina Kuya?

"Kuya Banther, this is not a toy okay?" Naiinis rin na sabi ni Corin at nilapag sa mesa ang keychain. Hinila ko ang bakanteng upuan sa gilid ni Corin, katabi ni Kuya Commulus. Umupo ako doon at humalukipkip.

"Corin is that your keychains?" Nagtatakang tanong ko. Sinulyapan ko si Kuya Commulus na nakatingin na sa akin habang kausap ko si Corin.

"Yes Auntie." She said and smiled. Kinuha ko ang keychain sa mesa at ngumiti kay Corin.

"Auntie will borrow this okay?" Nakangiti na sabi ko. Tinapik ko si Kuya Commulus sa gilid kaya tumango siya sa akin.

"Did you gave this to her?" Tanong ko sa kanya habang nilalapit ang keychain. His eyebrows shoot up at agad na umiling.

"You should ask Corin kung sino nagbigay sa kanya ng keychain na 'yan." Kuya Commulus said. Kumunot ang noo ko but he just smirked at me. He then turned to Dad to talk about something.

"This keychain is nice Corin. Where did you get this?" I asked while showing it to her.

"Ninong Clicko gave it to me." Diretsa niyang sabi kaya napatigil ako ilang sandali.

Ninong what? Mali yata ako ng dinig.

"Who?"

Corin smiled and pointed her earring.

"Ninong Clicko! He visits here everytime! He also gave me this cross earrings! You should meet him, Auntie! He's so cool!" Natatawa na sabi ni Corin.

My heart shutoff for a moment. Napalunok habang tinitingnan ang keychain na hawak hawak ko. What the hell? I didn't even know na kilala pala ni Corin si Clicko! He visits here everytime?! What was that?

Nilingon ko si Kuya Commulus nang tumikhim siya. He smiled at me kaya hinampas ko siya sa braso. Ako lang yata ang hindi nakakaalam sa mga nangyayari dito! My God!

"Really Kuya? Ninong Clicko?" Sarcastic na tanong ko at pinakita ang keychain sa kanya. Ngumisi siya at nagkibit balikat na lang. Sabay kaming lahat napalingon sa dumating na sasakyan.

"Speaking of, Ninong Clicko is here." Natatawa na sabi ni Kuya Commulus na parang inaasar ako. Matalim ko siyang tiningnan na agad na tumayo at sinalubong ang dalawang lalaki na lumabas ng sasakyan.

Napaayos ako ng upo nang makita si Martin na papalapit na sa mesa namin. Lumapit si Kuya Commulus sa kanya at nakipagkamay. Mataman kong tiningnan si Clicko na may kinukuha sa likod ng sasakyan.

He's totally different ngayong nakasuot lang siya ng plain white shirt, an olive colored shorts and a white snickers shoes. Umiba din ang gupit ng buhok niya, undercut ba tawag doon? Sinundan ko ng tingin ang gold wrist watch niya habang papalapit na rin sa mesa namin.

"Ninong!" Malakas na sigaw ni Corin at mabilis na tumakbo patungo kay Clicko. Humahangos siya at mukhang madadapa pa.

"Corin!" Tumayo ako para sundan siya pero agad ding napatigil nang agad siyang nakarating kay Clicko.

Clicko smiled as he tried to carry Corin. His biceps and arm muscles bulge nang tuluyan niya na itong naikarga. He kissed Corin in the cheeks at agad napadako ang tingin sa akin. Napaatras ako at napayuko na lang.

"Clicko!" Natatawa na bati ni Kuya Commulus kay Clicko. Naglakad si Clicko patungo sa mesa habang karga pa rin si Corin.

"Congratulations Commulus. You're finally gonna tie the freaking knot!" Natatawa na sabi ni Clicko habang kinakamayan si Kuya Commulus at isang kamay naman ay sinusuportahan si Corin.

Napakagat ako sa labi at lumapit na rin sa kanila. All of them are trying to talk to Clicko and Martin. Ako lang yata ang tahimik at hindi nagsasalita. Napairap ako sa mga nangyayari. Ano naman ngayon kung hindi ako makisali sa kamustahan nila? As if matutuwa ako sa maririnig ko sa kamustahan na iyan.

"Ninong Clicko, I think Auntie Heanndra likes the keychain you gave me. She keeps on holding it kanina pa. Can I like give it to her na lang?" Napakurap kurap ako sa boses ni Corin sa harap ko.

"What?" Takang tanong ko at tiningnan ang kamay ko. Napapikit ako nang maalala na hawak ko pa rin pala ang keychain ni Corin.

Shit Heanndra.

Sinulyapan ko si Clicko na nasa harap ko na rin. Kumunot ang noo niya sa akin at bumaba ang tingin sa kamay ko na may hawak ng keychain.

"Well, it's yours. Would you like to give it to Auntie?" Tanong ni Clicko kay Corin at sumulyap sa akin.

Tumango si Corin kaya tumango rin si Clicko. Kinuha niya ang dalang paper bag sa mesa at binigay ito kay Corin.

"This is a telescope, we can assemble this later so we can watch the stars. Do you like that?" Natutuwa na tanong ni Clicko kay Corin. The little girl nodded at agad na tumakbo papunta kay Ate Ciara dahil tinawag na siya nito.

Bumagsak ang tingin ko sa keychain na hawak. I didn't know Clicko is good with kids. I've never seen him like this before. I guess I missed everything for the last eight years. I didn't even know that Clicko visits here and he even gave Corin some gifts. Kung titingnan mukhang sila pa ang mas close kaysa sa amin.

"Heanndra. Come here let's drink this wine that Clicko brought." Napatigil ako sa pag-iisip nang tinawag ako ni Mommy.

Tumango ako at agad na sinundan sila sa fountain area. May mesa din doon kung saan nakalapag ang wine na dinala nila ni Martin kasama ang iba pang sweets.

"Heanndra, kumusta ka na?" Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ang boses ni Martin. He smiled at me habang hinihila ang upuan na katabi ko.

Ngumiti ako at kinuha ang baso ng wine na binigay sa akin ng maid.

"I'm fine Martin. Great to see you." Sagot ko. He raised his wineglass and offered me a toast. Tumawa ako at itinaas rin iyong akin. We made a toast at uminom.

"Bigla kang nawala. I didn't even get to say thank you to you noong ilang araw akong nasa hospital at ikaw ang nag-alaga sa kapatid ko." Tuloy-tuloy na sabi niya kaya napatigil ako sa pag-inom ng wine at nilapag ang wineglass sa mesa.

Sinulyapan ko sina Kuya Cirrus at Clicko na tahimik lang na nakikinig sa amin ni Martin. Natigil din sa pag-uusap sina Mommy, Daddy at iilang mga Tito at Tita namin.

"You're welcome Martin. No problem about it." Agad na sagot ko at umiwas ng tingin.

Damn it, Martin. Ang tagal tagal na noon. Why would he bring that up?

Napalingon ako kay Daddy nang tumikhim siya at tiningnan ako.

"How's the land of Don Yulo, Heanndra? Pumayag na ba siya?"
Tumango ako at ngumiti.

Probably one of the best things that happened so far simula ng umuwi ako dito, ay iyong pagpayag ni Don Yulo na bilhin ko ang lupa niya. The rest are just... bullshit?

"Yes Dad pumayag na siya. Nagkita kami sa exhibit ni Quest last week."

"Oh? Nandoon ka rin pala Heanndra? Clicko was also there." Gulat na sabi ni Martin. Napatingin ako kay Clicko na nakatingin na rin sa akin habang umiigting ang mga panga.

I remember how he fucking say that I'm not important to him anymore. How I cried to Sarah and Felly the whole night at kung paano niya ipinamukha sa akin na marami na siyang pera dahil binili niya ang isang painting worth two million pesos at sinabi na nakikisakay lang ako sa lintek niyang sasakyan.

"Yeah I saw him with his girlfriend Samantha Gayson." Deklara ko habang nakatingin kay Clicko.

Kumunot ang noo niya sa akin at agad na tumikhim. He was about to say something nang tumama si Martin at Kuya Stratus.

"I thought you're going with Vita?" Nagtataka na tanong ni Kuya Stratus pero natatawa pa rin.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Clicko. What so funny? And who the hell is Vita?

"Vitara is busy. Dumating si Samantha sa venue ng mag-isa so I accompanied her dahil wala rin naman akong kasama." Paliwanag ni Clicko at sumulyap sa akin.

Napataas ako ng kilay. Kahit kailan sinungaling talaga siya! He just accompanied Samantha? Then why would she said to me that she is Clicko's girlfriend? Halos isampal na nga ni Samantha sa mukha ko iyon tapos sinasabi niya ngayon na nagkita lang sila sa venue at naisipan na pumasok ng sabay dahil wala silang partner na dalawa? Shit lang? Kalokohan!

Tahimik akong nakayuko lang at nakikinig sa usapan nila.

"But I thought you and Samantha are dating, Clicko. Hindi ba iyon ang lumalabas na balita?" Singit ni Kehla sa usapan kaya napatingin ako sa kanya. They never knew a thing about what happened to me and Clicko.

Tumawa si Kuya Martin at napasulyap sa akin. I smiled at him kaya tumango siya sa akin.

"Why would Clicko date her? He's married to Vitara." Natatawa na sabi ni Martin kaya napatingin ulit ako sa kanya.

What? Clicko is what? Married? Sino si Vitara? Shit talaga! Ang dami dami niyang babae! And he's fucking married! Kailan lang?

Sandaling natahimik ang aming table. Napalunok ako ng ilang beses habang matalim na tinitingnan si Clicko. C'mon speak up!

"That's all the media. I don't wanna speak up since iyon ang napag-usapan namin ni Vita." Seryoso na sabi ni Clicko.

"I agree. Vita is very particular pagdating sa mga media right? That's why she wanted your wedding to be private dahil ayaw niya na lumabas pa iyon." Dugtong ni Kuya Commulus.

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya. What? So he's not denying it? He's really married then? Bumagsak ang balikat ko sa mga narinig sa usapan na ito. I shifted from my seat at agad natabig ang wineglass sa harap ko. Natumba iyon at natapon ang buong laman sa dress ko.

"Shit..." Bulong ko at tumayo para tingnan ang dress ko. Ang kulay violet na likido ay kumalat sa ivory kung damit. Napapikit ako at sinapo ang noo.

"Excuse me. I'll just change." Pagpapaalam ako. Nasulyapan ko si Clicko na seryosong nakatingin sa akin. I rolled my eyes habang tumatalikod.

Mabilis akong naglakad palayo doon sa mesa nila. Humina lamang iyon nang makarating na ako sa hagdan papasok sa bahay. I actually don't mind the stain in my dress I just really wanted to get away from there. Huminga ako ng malalim at naupo sa isang baitang ng hagdan.

He's married. Clicko is married to Vitara. Okay. He already moved on Heanndra. What about you? Kailan mo ba balak umusad huh? Kuya Commulus even knew all about it pero hindi niya sinabi sa akin?! Maybe he thought that it's not necessary anymore to tell me that.

Bumagsak na ng tuluyan ang mga luha sa mata ko. Kahit anong pigil ko doon ay talagang traydor ang mga iyon dahil kusa itong lumalabas.

Bakit ba kasi ang hirap hirap bitawan? Bakit ba kasi? Ako na nga ang niloko noon diba? Dapat ngayon, ako ang masaya at may bagong kasama! Pero bakit, wala? Bakit nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon? Everyone is happy pero bakit ako hindi?

Bakit ako hindi masaya? I should be happy because I was hurt before.

"Great Heanndra! After all of this is over babalik ka na ng California and never ever set your freaking feet here, again."

Galit na sabi ko sa sarili habang pilit na pinupunasan ang mga luha. I swear to God, Kuya's wedding will be the last. Pagkatapos nito ay kaagad na akong babalik sa California. I seriously looks stupid in here.

"What's that Ninong Clicko?" Napatigil ako sa pagpunas sa luha ko nang marinig ang maliit na tinig ni Corin.

Nagpalinga-linga ako at nakita silang dalawa ni Clicko sa gitna ng mga damuhan di kalayuan sa kinauupuan ko at nakaupo doon. Sa harap nila ay ang telescope na dala ni Clicko kanina. Na assembled na ito at nakasilip doon si Corin.

"It's called Orion. It means a mighty hunter." Sagot ni Clicko habang nakatingin kay Corin na nakasilip sa telescope. Sumunod na tumingin ay si Banther at nagtawanan silang dalawa ni Corin.

I sighed as I look at him being great with kids. May anak na kaya sila ni Vitara? How long are they married? Are they living in the same house and sleep in the same room? Of course, they are married. Natural naman siguro iyon.

I suddenly understand why he said that I am not that important anymore and why he acts like that. I can't really say the right word to describe how he acts in front of me but he acts like he doesn't really care about me, like he's just doing anything for me because of what my family tells him to do.

I remember the same old feeling. It was just like before. Noong una pa lang kaming nagkakilala. He's moving according to what my family tells him to do. He's doing it because of a favor, a gratitude and because he was told to do so. It's not really his will to do it because of me.

"What are you doing here alone?" Napatigil ako sa pagtingin sa kanila ni Clicko at nilingon si Kuya Commulus na nakatayo na sa tabi ko.

Tiningala ko siya at tahimik na umiling. He sighed at umupo sa tabi ko. Tiningnan ko siya na nakangiti habang nakatingin din sa kanila ni Corin.

"I didn't know Corin is so close with Clicko." Wala sa sarili kong sabi habang nakatingin pa rin sa kanilang tatlo ni Banther.

Kuya Commulus chuckled kaya sumulyap ako sa kanya.

"You know, hindi ko rin alam na magiging ganoon sila ni Clicko. Looking back, maliit pa lang si Corin palagi ng nandito si Clicko sa bahay. I guess nasanay lang si Corin sa presence ni Clicko."

"He always give some gifts to Corin. It's okay though since isa naman talaga siya sa mga ninong ni Corin noong binyag niya." Kuya Commulus said.

I smiled. Hindi ko rin alam iyon. I wonder kung anong ginawa ko sa loob ng walong taon at parang ang dami dami kong hindi alam sa kanilang lahat dito.

"And you didn't tell me he's already married Kuya." Natatawa na sabi ko kahit gustong gusto ko ng umiyak sa harap niya.

He seriously looked at me and tap my shoulder.

"Should I? I thought you don't want to hear about him anymore. That's what you said every single day I would tell you about something, remember?" He asked confused.

Napakagat ako sa labi at tumango. I remember those days. It's all my fault, I know. He tried to tell me things pero hindi ako nakikinig sa kanya.

"It's okay kasalanan ko din naman." Malungkot na sabi ko.

"Are you okay?" He asked.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag-iyak. But at the moment I I looked Kuya Commulus ay bumuhos na ang luha ko. Nanlaki ang mga niya at agad akong niyakap.

"I'm sorry Heann." Aniya habang hinahaplos ang likod ko. Humagulhol ako sa dibdib niya at agad ding pinigilan ang iyak dahil baka marinig ako ng mga tao sa labas.

Ilang sandali pa akong umiiyak  kay Kuya Commulus nang marinig namin ang sigaw ni Corin sa malayo.

"Papa!"

Kumalas ako yakap niya at pinunasan ang mga luha ko. Damn it. Kailan ba ako titigil sa kakaiyak? Tumalikod ako at mabilis na pinunasan ang mga luha. I'm sure nakasunod lang si Clicko kay Corin.

"Hey baby. Are you done stargazing?" Tanong ni Kuya Commulus kay Corin. She looked at her Papa and then to me. Kumunot ang noo niya sa akin at lumipat ng tingin kay Kuya Commulus.

"Papa, is Auntie Heann okay? Why is she crying?" Tanong ni Corin.

Tiningnan ako ni Kuya Commulus at tumawa sa sinabi ni Corin. He kissed Corin's forehead at ginulo ang buhok ng anak na babae.

"Auntie Heann has her period! She's getting emotional, that's why."

Natatawa na sabi ni Kuya Commulus. Nanlaki ang mga mata ko at napasulyap kay Clicko na nakangiti na ngayon sa harap namin. Tumayo si Kuya Commulus habang karga si Corin.

"Let's go inside. Let's tell Mama about the stars okay?" Ani Kuya Commulus.

Tumango si Corin at nag-paalam na rin sa aming dalawa ni Clicko. Pinagmasdan ko silang dalawa na papasok sa bahay hanggang sa mawala sila sa paningin ko dahil lumiko na sa kusina.

Dahan-dahan akong lumingon pabalik sa harapan ko at nakita doon si Clicko na nakatayo pa rin at nakatingin na sa akin. I don't know what to say ngayong kaming dalawa na lang ang naiwan dito. The last time we talked was at his car noong exhibit ni Quest. That was not even a good talk dahil nagsigawan lang kami doon.

"Great to see you hanging out with my niece." Basag ko sa katahimikan naming dalawa.

He sighed at humalukipkip sa harap ko. Kumunot ang noo niya sa akin at tumikhim bago nagsalita.

"Glad you decided to come home." Matigas na sabi niya sa akin. His voice is so full of anger at hindi pa siya nakuntento ay tinaasan pa ako ng kilay na parang nanghahamon.

I smirked at him and looked at the sky. I tried to swallow the lump in my throat at pinipigilan na umiyak ulit.

"This isn't my home. This will never be home for me." I said at agad na tumayo at lumapit sa kanya. Kinalas niya ang halukipkip at agad napaatras sa paglapit ko.

Tumigil ako ng ilang distansiya sa kanya at kinuha ang keychain ni Corin sa bulsa ng dress ko. I grabbed his hand at agad na nilagay doon ang keychain. Natigilan siya at napakurap kurap sa ginawa ko.

"You give that back to Corin dahil hindi niya iyan tatanggapin kapag ako ang bumalik." I said.

Kinagat niya ang kanyang labi pero agad din niyang binitawan iyon dahil natawa siya. He thinks this is funny? Nakapamaywang na siya ngayon habang nakayuko.

"Haven't you heard her? She's giving this to you." Aniya na medyo frustrated na ang boses. I smiled at agad na umiling.

"You gave it to her and I can't take that."

Mataman ko siyang tiningnan na hindi man lang makatingin ng diretso sa akin. He laughed. But not a happy laugh, it's like a laugh when you realized how stupid you are. Sandali lamang iyon at bigla na siyang sumeryoso. He looked at me and his jaw clenched.

"Ano naman ngayon kung galing sa akin? Can't you take something from me? What seems to be the problem about it?" Galit na tanong niya at umambang lalapit pero agad akong umatras.

Sinundan niya ako ng tingin nang kinapa ko ang kwintas na suot. Hinanap ko ang lock noon sa likod at agad na kinalas. Nilahad ko ito sa harapan niya at nanlaki ang mga mata niya sa nakita. It's the soccer ball necklace he gave me noon. Hindi ito nawala dahil palagi ko itong sinusuot kahit saan man ako magpunta.

"I'd like to give this back to you. Thank you for giving me that necklace. It made me stronger for almost eight years." I said with a shaking voice.

Kumunot ang noo niya at unti-unti iyong napalitan ng lungkot. Bumagsak ang balikat niya habang malungkot akong tinitingnan. Siguro, tulad ko ay nasasayangan rin siya. But we can't do anything about it now.

Everything is over. Everything is over for us.

"Huh?" Nanghihina na sabi niya.

Napalunok ako at lumapit sa kanya. Nilagay ko sa bulsa ng kanyang short ang kwintas at tuloy-tuloy na itong pumasok sa loob. He's not moving kaya madali kong nagawa iyon.

"So that's it? You kept the necklace Kristoff gave you but you never going to keep mine?" Nanghihina na tanong niya at halos hindi ko na marinig iyon.

I smiled. I suddenly realized that a person's great love will not always be the one that person is going to end up with. Pweding iyong first love mo ang great love mo, or the one that got away or someone you truly loved and will love forever no matter what happens. Kahit ilan pa ang bagong dumating, the feeling you have for that one great love will never be the same.

"I kept you in here." Nakangiti na sabi ko while pointing the left side of my chest.

Napapikit ako ng ilang sandali habang dinadama ang  tibok ng puso ko. Mas lalo pang kumunot ang noo niya sa akin but the sadness in his eyes was there nang minulat ko ang mga mata.

"You're finally moving on?" He asked kaya natawa ako.

Hindi ko inaasahan na ganito mangyayari ang closure naming dalawa. I never even thought this day would come! The world is really cryptic but it works in a very very astonishing way. And I'm glad this day happened.

"I don't know about that but what I'm saying is, I wanted to say that I forgive you for everything you did to me. Whatever your reasons, it's forgiven..." I said.

Malungkot niya akong tiningnan so I smiled at him. This is not a sad ending. I learned to forgive and that's a great one. Probably the second good thing that happened to me so far, is this.

"And I hope you also find in your heart the ways to forgive me. I'm sorry Clicko. I'm really really sorry for leaving you without hearing your explanation."

I clearly said at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko sa harap niya. Hindi niya iyon nakita dahil nakayuko na lang siya ngayon.

"I hope you will always remember that I did love you. And even if I knew that it was all a lie, I am still thankful that I once had you." Pagtatapos ko.

I smiled at umatras ng ilang hakbang.

"Have a good night ahead."

I said at hindi na hinintay ang kanyang sasabihin pa. Mabilis akong tumalikod at naglakad papasok sa bahay, completely leaving him speechless.



Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

1.5M 128K 62
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...
6.1M 207K 52
She has it all except his heart. She had done both amazing and ridiculous things but was still treated as a wallflower. She's been a good wife. Bu...
443K 16.2K 192
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...
435K 31.4K 43
ပဲပြုတ်သည်ငပြူးနဲ့ ဆိုက်ကားဆရာငလူးတို့ရဲ့ story လေးတစ်ပုဒ်