All I have to Give (Absinthe...

By Lumeare

786K 23.7K 2.3K

Nuraya just knew she had to give it all. Sa hirap ng buhay kailangan niya na lang talagang ibigay ang best ni... More

All I Have to Give
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Wakas
Special Chapter

Kabanata 3

20K 722 83
By Lumeare

Kabanata 3

Good night

Natapos ang panunuod namin ng battle of the bands. Hindi na ako nagulat na ang banda ng lalaking iyon ang nanalo. Magaling sila at halos lahat inaabangan talaga na sila ang mananalo. At gaya nga ng nasabi sa announcement ay pipili ang myembro ng nanalong banda ng makakadate ngunit wala namang sinabi ang mga miyembro kanina at sinabing manggugulat na lang daw sila. Ngunit wala naman siya doon nang tanungin ang banda nila. Marami nga ang nanghinayang nang makitang kulang ang mga ito.

"Sure ka na mauuna ako sa'yo? Pwede ka naman naming ihatid ni Kuya Oli." sabi sa akin ni Jeni nang nasa waiting shed na kami.  Nakatayo kaming dalawa at hinihintay ang kanilang sasakyan.

Umiling ako kay Jeni. "Out of the way, Jeni. Baka pagalitan ka ng parents mo kapag natagalan ka." sabi ko.

Ngumuso si Jeni. "Sabagay. Pero maiintindihan naman iyon ng parents ko. Kapag naman nalaman ni mommy na inihatid kita siguradong matutuwa pa iyon sa akin. Alam mo namang love ka nun." aniya.

Napatawa ako. Kilala na ako ng pamilya ni Jeni ngunit nahihiya pa rin naman ako sa kanila. Parang gusto pa nga akong ampunin ng mommy niya.

"Naku 'wag na. Abala pa iyon kay Kuya Oli, Jeni. At saka wala naman sigurong masamang mangyayari sa akin kapag ako lang umuwi mag-isa. "

Ilang beses pa akong pinilit ni Jeni na sumabay ngunit sumuko din sa huli. Nang dumating si Kuya Oli ay nagpaalam na siya at niyakap pa ako. Baka kako'y yun na daw ang huli naming pagkikita.

Minsan talaga ang oa na ni Jeni.

Umupo na lamang ako sa waiting shed habang naghihintay nang masasakyan. Kadalasan ay taxi na lang ang madalas na dumadaan kapag pasado alas syete na ng gabi.

Hinawi ko ang buhok na umalpas mula sa pagkakaipit sa aking tainga. Nang nalaglag ulit iyon ay sinakop ko na lang ang aking buhok at itinali. Ilang taxi na ang dumaan at sa tuwing tatayo na ako ay may nauuna namang sumasakay.

Napabuntong-hininga ako at dinungaw ang aking relong pambisig. Malapit ng mag alas otso at nag-aalala ako na baka hinihintay na ako ng Tiya sa bistro. Sinabi ko pa namang hindi ako masyadong gagabihin. Sobra yata akong naaliw sa musika na nakalimutan ko ang oras.

Isinandal ko ang likod sa pader ng shed at matiyagang naghintay. Ilang segundo lang ay may naramdaman akong tumayo malapit sa kinauupuan ko.

Umayos ako ng upo at tiningala ang bagong dating. Una kong napansin ang kumikislap na bagay sa kanyang tainga. At dahil sa ilaw ng shed ay natanaw ko ang kanyang mukha.

Pamilyar na pamilyar sa akin ang buhok na iyon at ilong. Akala ko ay umuwi na siya dahil wala siya sa awarding. Pero nandito siya at nagkasabay na naman kami.

Lumingon siya sa akin at dahil mabagal akong mag-iwas ng tingin ay nahuli niya ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o di kaya'y sasabihin lalo pa'tang malalim na naman niyang titig ang nasilayan ko. Tila inilulubog ako nito sa kinasasadlakan ko.

"You're still here…" aniya sa matigas na ingles. Hindi ko alam kung para sa akin ba yun pero dahil ako lang naman ang nandito ay tumango ako.

"Ikaw…yung nasa battle of the bands diba?" tanong ko sa kanya. Nakatingin pa rin naman siya sa akin kaya naman hinintay ko ang sagot niya. Isang tango ang natanggap ko at hindi ko alam kung bakit napangiti ako.

Siguro ay dahil hindi siya nagsungit nang magtanong ako. At siguro ay dahil naiintindihan niya kung ano ang sinasabi ko?

Hindi ko rin alam. Puro siguro lang ang alam ko.

Tumingala ulit ako upang tingnan siya at tila estatwa akong natigilan nang mahuli ko siyang nakatitig sa akin. Hindi siya nag-abalang umiwas ng tingin.

"B-bakit?" tanong ko na may halong pagtataka.

"Nothing," aniya at tumahimik. Ako naman ay napalunok bago tinanay ang taxi'ng paparating. Napatayo ako at pumara. Buti na lang at walang nangahas na unaha  ako para pumara.

Huminto ang taxi sa tapat ng shed. Akmang papasok na ako nang may maramdaman akong pumigil sa akin.

Lumingon ako at tiningnan ang kamay na nakahawak sa akin. Nang itinaas ko ang aking tingin ay malalim ang titig niya sa akin.

"You are riding that damn thing? What if you'll get yourself in danger?" Aniya na tila may bahid ng inis. Hindi ko alam pero napabitaw ako sa paghawak ng door handle at napatulala na lang.

Marahan niya akong hinila paalis sa tabi ng taxi. Sinundan ko ng tingin ang ginawa niyang pakikipag-usap sa tila inis ng taxi driver. Narinig ko pang nagmura ito sa kanya at ginantihan niya ito ng banyagang salita.

Nang makaalis ang taxi ay hinarap niya ako. Napangiwi ako nang maramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa akin. Tila nakita niya iyon kaya naman lumuwag ang hawak niya at nakahinga ako nang maluwag.

Nanatili kaming nakatayo sa gilid ng daan at pinapakiramdaman ang isa't isa. Hindi ko alam kung bakit ako nandito at nanatili kasama niya. Pupwede naman akong sumakay ng taxi at hindi nagpapigil.

"Paano ako makakauwi niyan ngayon?" tanong ko sa kanya na may bahid ng inis. Matalim ang tingin ko sa kanya na ngayon ay nakatitig sa akin. Nagtiim bagang siya bago may kinuha sa bulsa. Isang cellphone ang inilabas niya at may tinawagan siya doon.

Hindi ko alam ang mga sinasabi niya sapagka't hindi naman iyon Ingles o Filipino. Siguro ay linguwahe sa kanyang pinanggalingan. Ang huli ko na lang na narinig ay ang pagpapa"thank you" niya.

"Ano? Paano ako uuwi niyan?" tanong ko sa kanya.

"We'll have to wait for someone. I don't want you to ride that damn taxi by yourself."

"Pwede mo naman akong sabayan ah?" mahina kong sabi ngunit tila narinig niya. Kunot ang kanyang noo nang lingunin ako.

"What?" aniya.

Umiling-iling ako at napabuntong-hininga. Ngayon talagang mahihimatay na talaga sa paghihintay ang tiya. Low batt pa naman ako ngayon. Nahihiya naman akong makitawag sa kasama ko ngayon.

Ilang minuto lang ay may umilaw sa bandang kaliwa namin. Nang lumingon ako ay isang mamahaling kotse ang huminto sa tapat namin. Napasinghap ako nang hatakin ako ng lalaki at binuksan niya ang pinto ng kotse.

"Get in."

"Huh? T-teka baka out of the way ang bahay namin." apila ko.

"I don't care just get in." aniya. Napanguso ako at walang choice kundi ang pumasok na lang at umupo. Umusog ako nang pumasok siya at sinara ang pinto.

Inilibot ko ang tingin sa loob ng kotse ay namangha ako.Maganda ang loob ng kotse at mamahalin talaga ang dating. Medyo maginaw kaya napakuskos ako ng braso.

"Let's go, Geo." ani ng katabi ko. Umandar naman ang kotse. Ang katabi ko naman ay may pinindot sanhi upang mabawasan ang lamig sa loob.

"Saan po tayo sir?" rinig kong tanong ng driver.

Ramdam ko ang paglingon niya sa akin. "What's your address?" tanong niya sa akin.

Lumingon ako kasi alam ko namang bastos ang hindi tumingin sa kinakausap.

"Sa Magsaysay St. " sabi ko.

"You heard her." aniya. Wala naman akong narinig na sagot sa driver at basta lang itong nagdadrive. Tinanaw ko ang dinadaanan namin. Hindi na ako magpapababa sa bistro dahil baka nandoon pa ang Tiya at magtaka iyon kung sino ang naghatid sa akin. Alam na alam pa naman ng Tiya kung si Jeni ang kasama ko.

Nilingon ko ang katabi ko at nakasandal lang naman siya sa upuan at nakapikit. Malalim ang kaniyang paghinga dahil pansin ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya. Tinitigan ko siyang mabuti. Sa kaniyang mukha pa lang ay galing na sa marangyang pamilya. Sa pananalita at tikas pa lang. Kakaiba ang dulot niya sa mga kababaihan at nasaksihan ko iyon kanina. Siya na yata ang pinakagwapo sa lahat ng nakita ko.

Nagmulat siya ng mata at agad na napatingin sa akin. Napaawang ang labi ko at nag-iwas ng tingin. Tinanaw ko ulit ang bintana habang kagat ang ibabang labi. Ang sarap batukan ng sarili ko. Nakakahiya, Raya.

Nang makita kong malapit na kami sa bahay ay napalingon ako sa kanya. "Diyan lang ako sa may itim na gate." sabi ko.

Tumango siya at hindi na nagsalita. Siguro ay narinig na rin iyon ng driver at inihinto ang kotse sa tapat ng aming gate. Hindi ako nakakilos agad nang binuksan niya ang pinto sa banda niya at lumabas. Umusog ako malapit doon at bumaba. Isinara niya ang pinto kaya napausog ako malapit sa kanya. Naramdaman ko ang simpleng pagdampi ng aming mga balat. Tumingala ako at nagtama ang aming paningin.

Umayos ako ng tayo at maliit na ngumiti sa kanya. "Thank you." mahinang sabi ko at napayuko.

"Just don't go home by yourself, next time." aniya. Tumango ako at ngumiti. Nakita kong natigilan siya bago tumango. Umatras ako nang buksan niya ang pinto ngunit bago siya pumasok ay hinarap niya ako.

"Good night." aniya at pumasok. Bago pa ako makasagot pabalik ay umandar na ang kotse. Tulala ako habang pinagmamasdan ang kotse niyang papalayo.

"Good night…" bulong ko na lang sa hangin.

Continue Reading

You'll Also Like

102K 2.4K 59
UP Series #1 Adam Trevino- a famous and heartthrob basketball player of UP Fighting Maroon, a model and engineering student at UP Diliman. Ariadne G...
62.9K 3.8K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
400K 14.5K 44
Syden Amaryllis only dreamed of three things in life: to find her parents, to have her own complete family and to be a doctor. Nabuhay ang pag-asa ni...
3.4M 94.7K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...