Mafia Boss Obsession [PUBLISH...

By Miss_Terious02

2.1M 36K 1.5K

Sa edad na twenty three ay ulila na sa magulang si Abigael Mendez at tanging ang tita niya na lamang ang kasa... More

Mafia Boss Obsession
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Thank You!
MIBF 2023

Chapter 38

38.2K 652 26
By Miss_Terious02

Enjoy reading!

Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang nangyaring kaguluhan. Nakakulong ngayon si Kian dahil hindi ako papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng mga magulang ko. Ilang taon ko rin hinintay 'to. At hindi ko palalagpasin ang pagkakataon na makulong na ang may gawa no'n. Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Tatayo na sana ako nang maunahan ako ni Jennysa pagbukas ng pinto. Hinintay ko na lang kung sino iyon at napangiti ako nang makita ko si Jarenze at Tita Rose na pumasok.

"Abby, anak!" Tawag ni tita habang papalapit sa kinatatayuan ko. Agad ko naman siyang niyakap. Simula kasi nang ikasal kami ni Harvey ay hindi pa sila nakakapunta rito.

"Tita, napadalaw po kayo?" Wika ko.

"Gusto ka lang namin makita. Nabalitaan kasi namin ang nangyari sa inyo ni Harvey. Nag-aalala ako sa 'yo." Nag-aalalang sagot niya.

"Okay lang po ako, tita. Huwag po kayong mag-alala." Sagot ko at niyakap siya.

"Mabuti naman at nakulong na ang lalaking 'yon. Nako, mabuti na lang talaga at hindi kami nagkita ng lalaking 'yon dahil baka masampal ko pa." Galit na sabi ni tita na ikinatawa namin ni Jarenze.

"Kalma, Tita Rose. Gusto mo ba puntahan natin sa kulungan?" Natatawang sabi ni Jarenze.

"Nako, huwag na. Tataas lang ang blood pressure ko sa kanya." Sagot ni tita.

Buong maghapon din sina Tita Rose at Jarenze sa bahay at lihim akong napangiti dahil kahit papaano ay nagkaroon ako ng oras sa kanila.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil parang bumabaliktad ang aking sikmura. Agad akong napabangon at tumakbo patungo sa banyo at doon sumuka. Napalingon ako sa pinto nang pumasok si Harvey na halatang nag-aalala. Lumapit siya sa 'kin at hinagod ang likod ko.

"Okay ka lang? Dalhin kita sa hospital." Nag-aalala niyang sabi.

"Okay lang ako." Nahihirapan kong sabi. Pagkatapos kong magsuka ay agad na akong nag mumog at naghilamos.

"Sigurado ka?" Tanong niya. Tumango lang ako at lumabas na ng banyo. Bigla akong kinabahan sa naisip ko. Parang ganito rin ang pakiramdam ko noon nang nalaman ko na buntis ako. Baka hindi lang ako natunawan. Pagkaraan ay umupo muna ako sa kama. Si Harvey naman ay nakatayo lang at nakatingin sa 'kin at nasa mukha niya pa rin ang pag-aalala.

"Maligo ka na. Baka ma-late ka pa sa office mo." Sabi ko.

"No. Hindi ako papasok ngayon." Sagot niya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa naging sagot niya.

"Bakit naman?" Nagtataka kong tanong.

"Babantayan kita. Baka kung ano pang mangyari sa 'yo." Sagot niya.

"Ano ka ba? Okay lang ako kaya maligo ka na at pumasok sa opisina." Sagot ko. Ngunit hindi pa rin siya umaalis sa kanyang kinatatayuan.

"Company ko 'yon, love, kaya pwede akong umabsent." Mayabang niyang sagot. Inirapan ko na lang siya.

"Bahala ka nga r'yan." Sabi ko at humiga ulit sa higaan dahil inaantok pa ako.

Tanghali na ng magising ako. Agad na akong bumangon at inayos ang sarili ko. Wala si Harvey sa kwarto nang magising ako. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at pumunta sa kusina. Nakita ko roon si Jenny at Manang Nora na abala sa pagluluto.

"Hija, kakain ka na ba?" Tanong ni Manang Nora. Umiling lang ako bilang sagot.

"Nakita niyo po ba si Harvey?" Tanong ko.

"May pinuntahan lang saglit. Babalik din naman daw siya agad." Sagot ni Manang.

"Ganon po ba? Sige po, salamat." Sagot ko.

Palabas na ako ng kusina nang may biglang pumasok sa may sala. Nakatutok sa akin ang baril na hawak ng isang lalaki na may takip ang mukha at tanging mata lang ang nakikita sa kanya Dahil sa takot ay hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Sino ang mga 'to? Mga kalaban ba 'to ni Harvey?

"Huwag kang gagalaw. Subukan mong sumigaw wasak 'yang bungo mo." Pagbabanta niya sa 'kin. Agad niyang hinuli ang mga kamay ko at itinali sabay tutok ng baril sa ulo ko. Narinig ko naman si Manang Nora na papalapit kasama si Jenny.

"Hija, Abby, sino---Diyos ko!" Gulat na sabi ni Manang Nora. Hindi rin siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan dahil sa takot.

"Manang, okay lang po ako. Huwag po kayong lalapit baka po madamay pa kayo." Sabi ko. Halata sa mukha nila ang takot at hindi alam kung anong gagawin.

"Narinig niyo iyon? Huwag kayong lalapit. Sabog ang utak nito." Matapang na sabi ng lalaki. Unti-unti niya akong pinapalabas ng bahay at doon ko nakita ang dalawang security guard na wala ng buhay. At sa labas ng gate ay may isang itim na sasakyan na naghihintay. Nang makalabas kami ng gate ay bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas roon ang isang naka-itim na babae. Nang humarap siya ay roon ko lang siya nakilala.

"A-angelica." Gulat kong sabi. Agad siyang ngumiti sa akin.

"Ako nga, Abigael." Sagot niya.

"Walang hiya ka talaga!" Galit kong sigaw sa kanya. Hindi niya ba talaga ako titigilian? Pagkatapos nang nangyari sa anak ko ay may mukha pa siyang ihaharap sa akin ngayon? Kung hindi lang ako nakatali ay baka nasampal ko na siya.

"Ipasok mo na 'yan sa loob." Utos niya sa lalaki na humahawak sa akin. Hindi na ako nakapalag nang sapilitan nila akong ipasok sa loob ng sasakyan. At ang hindi ko inaasahan ay ang paglagay ng isang lalaki ng panyo sa mukha ko kaya unti-unting nanlalabo ang aking paningin hanggang sa mawalan ako ng malay.

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Tanging nakabukas na bintana lang ang nagsisilbing ilaw sa loob. Nakaupo ako sa isang upuan habang may mga tali ang aking mga paa at kamay. Kahit anong gawin ko ay hindi ko matanggal ang tali. Nasaan ako? Saan ako dinala ni Angelica? Pinipilit kong tanggalin ang tali sa kamay ko ngunit hindi ko kaya. Masyadong mahigpit ang pagkakatali. Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang limang lalaki at nakasunod sa kanila si Angelica.

"Kumusta, Abigael?" Tanong niya at ngumiti sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ka pa kasi bumalik? Hindi ka pa ba nadala noon sa ginawa ko. Ang tapang mo rin!" Galit niyang sabi. Gusto ko siyang sabunutan ngunit hindi ko magawa dahil nakatali ako.

"Walang hiya ka, Angelica. Ano bang kasalanan ko sa 'yo?" Galit kong tanong. Tumawa lang siya na para bang nababaliw na.

"Tinatanong mo pa ba 'yan, Abigael? Harvey is mine." Sagot niya.

"Hindi ko inagaw sa 'yo si Harvey, Angelica. Wala kang alam kaya huwag mong sabihin na inagaw ko sa 'yo si Harvey." Sagot ko.

"Kasalanan mo kung bakit ako nakulong nang ilang taon, Abigael. Nang dahil sa 'yo ay itinakwil ako ng mga magulang ko at nasira ang buhay ko!" Galit niyang sabi. Nakulong siya?

"Nakulong ka?" Gulat kong tanong.

"Hindi mo alam 'di ba? Si Harvey pa mismo ang nagpakulong sa akin dahil sa pagkawala ng anak niyo." Saad niya.

"Pero ayaw kong manatili habang buhay sa kulungan kaya tumakas ako. Kailangan kong makaganti sa ginawa niyo sa akin. Kailangan niyong magbayad!" Napasigaw ako nang binaril niya ang isang maliit na vase sa gilid ko.

"Kulang pa nga 'yon, Angelica. Kulang pa 'yon sa sakit na naramdaman ko nang mawala sa akin ang anak ko. Sobrang sakit no'n para sa 'kin. Buhay ng anak ko ang kinuha mo." Umiiyak kong sabi.

"Mas mabuti nga at nawala ang anak niyo. Dagdag lang 'yon sa problema ko." Sabi niya na mas ikinagalit ko.

"Baliw ka na, Angelica. Pagbabayaran mo rin ang mga ginawa mo sa 'kin." Galit kong sabi. Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Abigael. Pero sigurado ako na nababaliw na si Harvey ngayon kahahanap sa 'yo." Sabi niya at tumawa ulit ngunit agad din siyang huminto nang may narinig kaming kalabog mula sa labas.

"Ma'am, wala ng sumasagot na tauhan natin sa labas." Sabi ng isang lalaki na tauhan niya.

"Mga tanga kasi kayo! Bantayan niyo 'yang pinto." Galit niyang sabi at itinutok sa akin ang baril niyang hawak. Ilang saglit lang ay bumukas ang ang pinto at pumasok si Harvey kasama si Kyle at ang mga tauhan niya.

Agad namang tinutukan ng mga tauhan ni Angelica sina Harvey ng baril kaya ganoon din ang ginawa nina Harvey.

"F*ck! Damn you, Angelica." Rinig kong pagmumura ni Harvey nang makita akong tinututukan ng baril ni Angelica.

"Kumusta, Harvey?" Nakangiting tanong niya.

"Pakawalan mo siya, Angelica." Utos ni Harvey sa kanya ngunit tumawa lang siya.

"At bakit naman kita susundin? Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa akin!" Galit niyang sabi.

"Angelica, kapag may nangyaring masama sa asawa ko ay talagang tutuluyan kita." Pagbabanta ni Harvey sa kanya.

"Hindi ako natatakot sa 'yo, Harvey. Mauuna munang mawasak ang bungo ng pinaka mamahal mong asawa bago mo ako mapatay." Sagot ni Angelica at mas diniinan pa ang pagtutok ng baril sa ulo ko.

At napasigaw ako nang marinig ko ang sunod-sunod na pagputok ng baril at nakita ko na lang ang mga tauhan ni Angelica na nakahandusay na sa sahig.

"F*ck you, Harvey!" Sigaw niya kaya mas lalo lang akong natakot.

"H-harvey." Tawag ko habang umiiyak.

"Ano? Magpaalam na kayo sa isa't isa." Saad ni Angelica at tumawa.

"Don't you dare, Angelica. Hindi na mapapakinabangan 'yan katawan mo kapag may ginawa kang masama sa asawa ko." Pagbabanta ni Harvey sa kanya.

Umiiyak lang ako habang nakatingin kay Harvey. Takot na takot na ako. Ito na ba ang katapusan ko? Makakasama ko na ba ang mga magulang ko? Ngunit nagulat ako nang biglang nahulog ang baril na hawak ni Angelica at may tumutulong dugo sa kanyang kamay.

"Nice shot, baby." Napatingin ako kay Kyle na ngayon ay kinakausap ang kanyang baril at inihipan pa ang dulo.

"Hayop ka, Kyle!" Sigaw ni Angelica habang hawak ang kamay niya na patuloy pa rin sa pagdurugo. At napapikit ako nang binaril ni Harvey ang paa niya.

At pagkatapos ay lumapit si Harvey sa kinaroroonan ko at mabilis na tinanggal ang tali ko sa aking kamay at paa. Inilayo niya ako kay Angelica na ngayon ay namimilipit sa sakit dahil sa kanyang mga tama sa kamay at paa.

"Stop crying, love. You're safe now." Sabi ni Harvey at niyakap ako.


Miss_Terious02

Continue Reading

You'll Also Like

496K 9K 33
[PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023)] ❤️✨ Pearl Maxine and Xander Ethan's Love Story. "I'm His Obsession And He's My Badboy " ...
34.5K 760 34
WARNING: MATURED CONTENT | P-18 | COMPLETED Lazarus Nikolas Lefevre the new hottie Profesor of Crescent University... Genevieve Schuyler Clementine a...
200K 8.3K 17
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.
1.2M 43.1K 44
The serial killer wants to make you suffer.