One Word, Two Syllables

By Kkabyulism

81.6K 2.7K 341

One hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakan... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
LAST CHAPTER
Epilogue

Chapter 48

361 23 5
By Kkabyulism

"Gusto mo bang umuwi na muna ako?" Natigilan ako sa tanong ni Mama sa'kin pagtapos kong ikwento sakaniya lahat. Lahat ng nangyari sa'kin nitong mga nakaraang buwan.

"No, Ma. Ayos na po sa'kin na nakausap kita at nasabi ko lahat," nakangiti kong sagot sakaniya.

Ang mga lungkot at sakit na nararamdaman ko ay nawala na parang bula. Lahat ng naiisip kong pangit na bagay ay napawi mula nang kinwento ko kay Mama. Iyong tipo na sa tuwing nagkekwento ako ay nawawala ang sakit sa mga kwento na iyon. Maybe that's the power of my mom. Iyong masasabi kong kahit anong mangyari ay may isang tao na makikinig sa'kin sa lahat.

"Sigurado ka ba, Tiffany? Pupwede kong ipasabi sa Papa mo na uuwi na muna ako para makasama kita," suhestyon niya and it's very tempting! "Sa tingin ko kaya ka nagkakaganyan ay masiyado ng matagal ang hindi natin pagkikita."

I pouted when she told me that. I think that's true. Ito ang unang pagkakataon na ilang buwan ko na siyang hindi nakikita at hindi ko pa siya nakakausap araw-araw. I want to see my mom. I want to hug my mom. That's why everything is making me cry. I'm missing them so damn much.

"Mama naman," sabi ko sakaniya habang binubunot ang mga damo na nasa paanan ko.

"Namimiss ko na ang baby girl ko," tumawa ako kahit na parang may panibagong karayom ang tumutusok sa puso ko ngayon.

"Miss ko na rin kayo ni Papa, Ma," sagot ko sakaniya.

"Kung aalis ako ngayon dito ay baka bukas, nandiyan na ako sa Maynila," nanlaki ang mga mata ko at agad siyang pinigilan sa balak niya.

"Ma, ayos lang po ako. At magiging busy rin naman po ako."

"You're not fine, Tiffany. Tignan mo ang nangyayari sa'yo--"

"Ma," pigil ko sakaniya. Kung uuwi siya sa probinsya at pupunta sa Manila at gusto kong magtagal siya. Ayoko nang saglit lang. Ayoko nang panandalian lang. I miss her so much na pakiramdam ko kulang kahit ang isang linggo na kasama siya.

"Ayos lang po talaga ako. Pangako! At saka mago-OJT na 'ko, Ma. Hindi rin po tayo gaano magkikita," sabi ko sakaniya.

Huminga siya ng malalim kaya ngumiti na ako. That's her sigh of defeat, and I just won. Itinigil ko ang pagbubunot ng damo para pagmasdan ang kamay kong nagkaroon na ng lupa.

"Anak..."

"I miss you so much, Ma. Pero kailangan ko na pong patayin ang tawag," malambing kong sinabi sakaniya.

"Siguraduhin mong hindi mo pinapabayaan ang sarili mo, 'nak," malungkot niyang sabi. At sa ganoong pagkakataon ay naiimagine ko na ang itsura niya.

Niyakap ko ang mga binti ko at sinubsob ang mukha sa tuhod.

"Opo, Mama. Kayo rin po ha. 'Wag niyo pong papabayaan ang sarili niyo. I love you po, at pakisabi na rin kay Papa na miss na miss ko na siya."

"Sasabihin ko, Tiffany. Itext mo ako palagi ha? May signal na sa tinutuluyan namin."

Mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Pinutol na namin ang tawag namin pero ang ngiti sa mga labi ko ay hindi na nawala kahit na noong tumingala ako at napansin ang kulay kahel na langit.

Kung nasa probinsya ako at nakaupo sa hill ay malamang mas makikita ko ang kabuoan ng langit na 'to, pero dahil nasa Manila ako ay maraming mga matatayog na gusali na humaharang sa langit.

Ilang minuto kong pinagmasdan ang langit habang naaalala ang mga nangyari noong nasa probinsya pa kami. Pigilan ko man ang sarili ko ay hindi ako magtagumpay sa pagalala kung paano kami unang nagkakilala ni Kurt.

He's been one of my crushes simula noong nag-aral ako dito sa school. Everytume he sings felt like I'm in heaven kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya sa tuwing nagpe-perform siya sa stage, pero dahil crush ko siya ay ginawa ko ang lahat para mahanap ang Facebook ay ibang sns accnt niya. At dahil hindi kami friends ay hindi ko nakitang may pinagdadaanan na pala sila ni Quaizel.

Kilala sa school ang pagiging partners nilang dalawa, pero hindi agad pumutok ang balitang wala na sila. Or maybe, pumutok ito pero nasa probinsya ako kaya hindi ko agad nalaman. Kung hindi ko pa siya nakilala sa probinsya ay hindi ko malalaman...

Bumaba ang tingin ko sa screen ng cellphone ko at tinignan ang picture naming dalawa doon. I swiped my screen at nakita ang dami ng pictures naming dalawa na natatakot akong i-upload sa Facebook ko. Tinignan ko ang isang picture at mas lalong pinagmasdan iyon,

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil doon ko nakita ang mga ni Kurt. It's so genuine and warm na kapag nakita mo ay malalaman mong masaya talaga siya. Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko dahil doon ko lang naalala kung paano siya ngumiti at kung paano magningning ang mga mata niya sa tuwing magkasama kami.

I've been blinded by my jealousy and insecurity na hindi ko nakita kung ano ang totoo niyang nararamdaman para sa'kin.

Damn. Nobody told me that loving someone can be this hard, that having feelings for someone can be this complicataed. No one taught me this kaya hindi ko alam ang gagawin ko. I chose to break up with him than to talk to him about me having second thoughts about us.

Kung hindi ko pa narinig kanina kung gaano niya ako kamahal ay hindi pa ako magigising. Bakit kailangan pang marinig kong sinasabi niya iyon kay Quaizel? Bakit kailangan ko pang mapatunayan na mas mahalaga na ako sakaniya kaysa kay Quaizel? Why do I keep competing with his ex-girlfriend?

Huminga ako ng malalim at pinindot ang lock ng cellphone ko para maging black na ang screen na ito. I saw my reflection on my phone and there I saw the pain. Pain I've inflicted to myself. Pain I've created.

Ibabalik ko na sana ang cellphone ko pero umilaw ang screen nito at nakita kong lumabas ang pangalan ni Kurt...

Kurt:

I love you.

Kumunot ang noo ko sa nabasa ko dahil naramdaman ko nanaman ang maiinit na likido na dumaloy sa puso ko. I bit my lower lip dahil gusto ko siya muli puntahan pero huminga na lang ako ng malalim at nagtipa ng mensahe para sakaniya. I think he's tired right now.

Tiffany:

I love you more, babe. Pahinga ka ha. It's not your fault.

Ibinaba ko sa ibabaw ng hita ko ang mga kamay ko kasama ang cellphone na tinititigan ko. Hoping to receive another message from him. Hoping to hear from him. I said those words dahil alam kong iyon ang kailangan niyang marinig. If I'm blaming myself kaya nandito sa ospital ngayon si Quaizel ay malamang siya rin. He's blaming himself at hindi iyon ang kailangan niya. He needs to rest.

Nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman ko ang mga bisig na yumakap galing sa likuran ko. Nilingon ko ang pinagmulan noon pero hindi ko nagawa dahil sumunod ang ulo niya. Isinandal niya ang noo niya sa balikat ko at hindi ko man lang nakita ang itsura niya kanina. Unti-unti akong nakahinga ng maluwag nang nakita kong si Kurt ang nakayakap sa'kin.

I hold his hands at hinayaan siyang yakapin ako. Isinandal ko pa ang ulo ko sa gilid ng ulo niya. Nakatayo siya habang nakayakap sa'kin at kahit na may nakaharang sa likod ko at sa dibdib niya dahil sa inuupan kong bench ay hindi niya inalintana.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya at mas hinigpitan niya rin ang yakap niya sa'kin. We stayed that way for minutes na walang nagsasalita. Para bang maramdaman lang namin ang isa't-isa ay maayos na. Like everything's gonna be alright basta ba nandito kami para sa isa't-isa.

Kalaunan ay lumuwag ang pagkakayakap niya sa'kin kaya niluwagan ko rin ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Tumayo siya ng maayos habang pinagsasalikop ang mga kamay namin, mabilis din ang ikinilos niya para makaupo sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang mukha niya habang siya ay nakatitig sa mga kamay naming magkasalikop.

Inilapit ko ang katawan ko sakaniya at binitawan ang kamay niya para maipulupot ko ang mga ito sa katawan niya. Ang kanang kamay niya ay pumunta sa likod ng ulo ko at pinaglaruan ang buhok ko habang ako ay isinandal ang ulo sa dibdib niyang malakas ang tibok ng puso. Itinapat ko doon ang palad ko at pumikit para maramdaman ang puso niya.

Hinalikan niya ang gilid ng noo ko bago niya ipinulupot sa katawan ko ang isa pa niyang kamay.

We don't need words right now. May mga bagay na hindi kailangan sabihin. May mga bagay na mas mararamdaman kung hindi mo sasabihin and right now... that's what we're doing. Staying with each other kahit na walang sinasabi, dahil alam namin ang nararamdaman ng isa't-isa.

"You have classes tomorrow, right?" Pagputol niya sa katahimikan namin. Tumango ako bilang sagot sakaniya.

"I want to spend one day and night with you," mahina niyang sabi. Iniangat ko ang ulo ko para makita siya at sinalubong niya ako ng tingin. Oh baby, you looked tired. And hurt.

"Saan tayo pupunta kung sakali?" Tanong ko sakaniya. Ngumiti siya ng tipid bago niya isinandal muli ang ulo ko sa dibdib niya.

"Somewhere far. Just you and I," bumaba ang tingin ko sa kamay niyang pinaglalaruan ang isang kamay ko. Hinawakan ko ito at pinagsalikop ang mga kamay namin.

"I want that," bulong ko sakaniya.

Isang araw lang ako aabsent dahil sa isang araw ay wala na akong pasok...

Wala ulit nagsalita pagtapos ng paguusap na iyon. Pinagmasdan ko ang mga halaman sa paligid namin at napansin kong ang mga pasyente na naka-wheel chair ay unti-unti nang pinapapasok sa loob ng ospital. Dumidilim na rin ang paligid kaya siguro kinailangan na nilang bumalik.

"Tiffania..." kumunot ang noo ko at nilunok ang nakabara sa lalamunan ko bago ko sinagot ang tawag niya sa'kin.

"Kurt," bigkas ko sa pangalan niya.

"Pinapasama nila ako kay Quaizel sa ibang bansa," ngumiti ako kahit na hindi niya nakikita. Ngumiti ako dahil alam kong maririnig ko ito sakaniya. Ngumiti ako dahil kung hindi ko gagawin ay baka malungkot ako.

"For how long?" Tanong ko sakaniya.

"Hindi ako sasama," sagot niya at napawi na ang ngiti ko sa labi mo. At inexpect ko na ring sasabihin niya ito.

Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sakaniya. Ayokong may masabi ako na maka-apekto sa desisyon niya. If he has to be with Quaizel then he should. If he doesn't want to be with her, then he shouldn't. But that decision should come from him, hindi dapat sa'kin at sa kung kanino man. Sakaniya lang.

"He's not my girlfriend anymore," sagot niya muli.

"Pero mahalaga pa rin siya sa'yo, Kurt," sagot ko pabalik sakaniya.

"She can come to the doctors without me."

"But she wants to be with you."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa'kin kaya pinagpatuloy ako ang sasabihin ko sakaniya. I know that saying something would affect his decision, pero minsan kailangan kong magsakripisyo para maipukpok sa tao ang dapat niyang marinig. Hindi ang gusto niyang marinig.

"Hindi mo responsibilidad si Quaizel pero sa tingin ko kailangan mong pag-isipan ang desisyon na 'to, Kurt. Seven years of being with her isn't some kind of a joke. What you had was deep and intense that you should think this through. She has a place in your heart that no one else can touch," mahaba kong sabi sakaniya.

"Tiffania--" but I'm not done yet. He should listen to me first.

"Dito papasok ang katagang, 'kung tayo ay tayo talaga'," dugtong ko sakaniya. "Pag-isipan mo, Kurt Justin. This is Quaizel we're talking about."

"Kung sasama man ako ay hindi ako magtatagal. I'll come back for you," sabi niya. "Pero hindi ako sasama."

"Kurt--"

"Sinabi ko sa'yo ang paghingi nila ng pabor sa'kin na sumama sa ibang bansa, pero hindi ako sasama, Tiffania. I've made that clear to them."

Kinagat ko ang ibabang labi ko bago kumawala sa pagkakayakap niya. Naabutan ko ang nakakunot niyang noo habang nakatingin sa'kin.

I've read too many novels and watched too many movies at palaging ito ang kasama sa mga problema. If those novels and movies are telling me na nagkatuluyan ang mga bida pagtapos ay papaniwalaan ko. They would't write those kung hindi nila naramdaman at pinapaniwalaan.

Pinagmasdan ko ang mga mata niya at ngumiti bago hinaplos ang pisngi niya.

This guy infront of me is in love with me. Ngayon ko nakikita ang mga mata niyang may pagmamahal na para sa'kin. At pakiramdam ko sasabog ako habang pinagmamasdan siya na may ganoong nararamdaman para sa'kin.

"Why do you still love me after I've hurt you?" Tanong ko sakaniya. Kumunot lalo ang noo niya dahil sa random question ko.

"Because I love you," simple niyang sabi.

"I broke up with you," paalala ko sakaniya pero ngumiti lang siya at hinatak ako palapit sakaniya. Nagdilim na ang mga paligid at ang mga ilaw sa gilid ng ospital ang nagsilbing ilaw namin sa gabing ito.

Pinagmasdan ko muli ang mga mata niya dahil nakikita ko nanaman ang kagandahan ng mata niya nang dahil sa ilaw ng buwan.

"I still love you," ulit niya sa'kin.

"Why?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at namuo na ang mga luha sa mga mata ko. Gusto kong marinig. Gusto kong sabihin niya sa'kin.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at sinalubong ang tingin ko sakaniya only that, I can't see him clearly dahil sa mga luha ko. He's blurry. Everything around me is blurred.

"Remember the first time I laid my eyes on you?" Marahan akong tumango sa tanong niya. "This sounds so fucking corny, Tiffania, pero sa tingin ko totoo 'yung nag-slow motion paligid ko."

Gusto ko siyang hampasin dahil sa sinabi niya pero pinagpatuloy niya ang sasabihin niya na itinigil ko ang balak ko.

"My relationship with Quaizel was broken. It's like a glass that no one knows how to fix it up," mahina niyang sabi. "But then I saw you smiling and I promise you, when I saw that smile I almost swear to God that I want to put that smile on your face everyday."

"Kurt..." nanginginig kong tawag sakaniya dahil sa pagkagaralgal ng boses ko.

"You're too small and thin that I want to protect you from this cruel world. I wanna be your protector that I thanked God for giving me that opportunity when Tita Berna told me I can stay with you because your mom is leaving."

"Nasabi ko pa nga na ang ganda-ganda mong babae pero ang anghang ng boses mo. You curse a lot na kabaligtaran ng itsura mo dahil sobrang hinhin kung titignan ka, but then... whenever you roll your eyes at me and gets mad at me... I want to hug you."

"You're making these all up!" Paninira ko sa litaniya niya pero tumawa lang siya ng mahina at pinunasan ang mga luha kong lumalandas sa pisngi ko.

"No'ng nahimatay ka sa palengke, pakiramdam ko nawala kaluluwa ko. I'm responsible sa kung ano man ang mangyari sa'yo. And then I realized... you hate small spaces. Kaya malaki ang kwarto mo. Kaya ang banyo niyo ay malaki rin kung ikukumpara sa ibang simpleng bahay. Kaya hindi pataas ang bahay niyo kundi palapad. Malawak ang salas niyo pati na rin ang kusina. Pati ang terasa niyo ay malawak din."

"Ano ang koneksyon niyan?" Tanong ko sakaniya.

"I want to be with you," tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. "Napatunayan kong gusto kitang samahan sa lahat. This world is crowded na gusto kitang tulungan. What if this world starts sucking all of your spaces at hindi ka makahinga? I wanna be there. I want to help you. Na kung dadating ang panahon na hindi ka makahinga... you can breathe through me."

Lumapit pa siya at inilapat ang labi niya sa labi ko.

"You can breathe through my lips," with those words I cried. I hugged him tight at hinayaan ang sarili kong umiyak dahil sa mga sinabi niya.

Hindi ko ineexpect na ganito pala ang nararamdaman niya. At hindi ako makahinga ngayon dahil sa sobrang saya at sakit na nararamdaman ko. It's like I'm too happy na it's starting to get hurt. It hurts dahil hindi ko alam ang mangyayari sa'kin kung sakaling mawala si Kurt sa'kin. He's not my world, but he's giving me a new world. Wherein there's no pain as much as possible at hindi ko alam kung deserve ko ba 'to.

I love him so much and I'm not gonna let him go. Again. Not again. Not ever. I'll keep him in my life forever.

"Eversince our first date, palagi kang umiiyak."

Hinampas ko siya ng mahina sa braso kinalas ang pagkakayakap ko sakaniya dahil sa sinabi niya. I wiped my tears and smiled at him.

"Because you're making me happy, Kurt. Most of those tears I've shed were because of happiness," nanlaki ang mga mata niya at tumawa na ng malakas bago ako yakapin muli. Nakita ko ang relief sa mukha niya na parang masaya na siya dahil masaya ako ngayon sa harapan niya.

Pumikit ako at umiyak nang umiyak because this man is too precious. I've never met someone like him. Mas mahalaga sakaniya kung ano ang napaparamdam niya sa ibang tao, kaysa sa kung paano ang nararamdaman niya. I've read something like that.

Nabasa ko iyon sa libro at naibulong ko noon sa sarili ko na walang gano'ng taong selfless. Na mas importante ang iba kaysa sakaniya. And here he is. Proving me wrong. I saw it in his eyes. Na mas concered siya sa'kin kaysa sakaniya. That if right now, sasabihin ko sakaniyang let me go because he's too much, he will let me go. Dahil ang importante sakaniya ay ako. Hindi bale nang masaktan siya basta masaya lang ako.

"I'm sorry for breaking up with you," I managed to say between my sobs pero naramdaman ko ang pag-iling niya sa'kin at ang paghigpit ng yakap sa'kin.

"Don't say sorry," sagot niya sa'kin. "Don't ever say sorry for choosing yourself first over someone else."

Ikinuyom ko ang mga kamao ko dahil sa sinabi niya because I swear to God, I will do anything it takes to give him the happiness he deserves. To give him the peace of mind he deserves.

"Don't say sorry to me," sabi niya. "If you've questioned your worth because of how I made you feel and you chose to break free from me, then it's not your fault."

I'm sorry, Kurt. I'm really sorry. Can I take back that time? And instead of breaking up with you, sasabihin ko sa'yo kung gaano kita kamahal kaya kinain ako ng takot ko? It's not because your love for me isn't enough. It's the trust to myself. I've doubted my worth dahil wala akong tiwala sa sarili ko at dahil doon, nakipag-break ako sa'yo.

"I'm inlove with you," bulong ko at yumakap pa ng mahigpit habang sabay naming pinagmamasdan ang tahimik na langit. Ang langit na kahit madilim ay nagbibigay ng liwanag sa'min. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko bago isinandal ang ulo niya sa ulo ko.

"I will always love you," sagot niya.

And this is the night I can consider as one of my perfect silent nights. Having him beside me while staring at my favorite view.

Continue Reading

You'll Also Like

4.2K 624 49
'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mu...
3.2K 200 32
Kiara Sheen Tanaka is said to be the friendliest and the kindest Phantom. Her smile heals the soul and her presence instantly lights up a room. But s...
285K 15.5K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
175K 3.1K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...