HOPE and a FUTURE-Tagalog Dev...

By Jake-Humpsky

91.1K 204 7

"Hindi naman mahalaga kung mahina o malakas ka, ang importante ay ang kaya mong harapin ang iyong mga kahinaa... More

"Ang Plano ng Diyos"
"Iwasan ang Pagsisinungaling
"Kalakasan Ko'y Ikaw"
"Purihin ang kanyang Pangalan"
"Hiwaga ng Diyos"
"Pagtitiwalang Lubos"
"Paghatol"
"God Secret"
"BUSY ako Eh"
"UNAHIN AKO"
"Patnubay mula sa Diyos"
"Pagtanaw ng utang na Loob"
"Ang tipan ng Diyos"
"Be Faithful"
"Paglalapastangan at Pagpapabaya"
"Trusting God No Matter What"
"Keep Your Eyes on Me"
"God is the source of Strength"
"Obedience"
"The Salvation"
"Goal"
"Armor of God"
"Remember Your Creator"
"Fruit of the Holy Spirit"
"Take Hold"
"Forgiveness & Trust"
"Best Friend-HOLY SPIRIT"
"Praise the Lord"
"Believe in God"

"Ang Pamumunga"

2.6K 4 0
By Jake-Humpsky

Juan 12:24-25
[24]Pakatandaan ninyo: hangga't hindi nahuhulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung ito'y mamatay, mamumunga ito nang sagana.
[25]Ang taong nagpapahalaga sa kanyang sarili lamang ay siyang mawawalan nito, ngunit ang taong hindi nagpapahalaga sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

Marami sa atin sa kasalukuyang panahon ang tila ba nakatuon lang ang pansin sa kanyang sarili na kung saan, may iniaatas ang Diyos na isang gawain ngunit, kanya itong isinasantabi. Napakasakit lang na isipin na maihahalintulad ito sa isang butil ng trigo na lumipas ang maraming panahon at ito'y nabulok at hindi napakinabangan. Marahil pinagdaraan mo ang ganitong sitwasyon na tila ba hindi mo alam kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng "maliban na lang kung itoy mamatay ay doon palang ito mamumunga ng sagana." Ito ang tamang pagkakataon upang balikan ang sinabi ni Jesus sa (Mateo 16:24) " Ang sinumang nagnanais na sumunod sa akin, ay kinakailangang itakwil Niya ang kanyang sarili , pasanin ang krus at sumunod sa akin." Na kung saan tama nga na paano ka nga magbubunga kung nananatili ka parin sa iyong mga maling kasalanan. Kasalanang matagal mo ng iniiyak, iniluhod at isinuko sa Diyos, ngunit patuloy mo parin itong ginagawa.

Hingin ang paggabay ng Espiritu Santo na tulungan ka nitong maisapamuhay ang bawat aral na iyong natututunan, at kung ikaw sa ngayon ay napapakinabangan na sa gawain ng Diyos at nagkakaroon na ng bunga. Ito ang tamang pagkakataon naman upang mas lalo tayong lumapit sa Diyos at patuloy na gabayan at ingatan ka sa misyon na naiatas sayo. At patuloy kang gamitin na ilaw sa mga taong ipinagkatiwala sayo.

Ama naming nasa langit, sa pangalan ni Jesus. Salamat po panginoon sa umagang ito ng aking buhay , salamat po sapagkat ipina-intindi niyo po sa akin na ang buhay ay hindi po pala tungkol sa sarili ko lamang. Mayroon pa po palang mas mahalaga at ito ay ang paglingkuran ko rin ang aking kapwa, na mailapit at makilala rin ang Diyos na aking pinaglilingkuran. Tulungan niyo po ako Panginoon na ako'y mamunga rin at magamit kung saan mang misyon nyo ako ilalagay. Hayaan niyo pong ang ilaw na nagmumula sayo papunta sa aking buhay ay makita rin ng mga taong nakakadaumpalad ko. Sa pangalan ni Jesus.

Continue Reading

You'll Also Like

516K 14.9K 13
Paano maniniwala ang isang tragic writer na may happily ever after? Pag-ibig kaya ang muling magpapatunay sa kanya na ang buhay ay hindi laging malun...
72.6K 1.5K 22
COMPILATION of inspirational messages, personal thoughts and opinions including Bible Verses that will encourage you on your journey with God. Chris...
4.6K 431 37
"Isa lamang akong instrumento at ang Diyos ang dapat mong mas ibigin, higit pa kanino, higit pa sa akin."
612 4 8
This book is essentially a story of the spiritual growth a young lady Cambria Q. Enriquez experienced over her life. A specific occurrence that alter...