"Ang Plano ng Diyos"

13.5K 42 1
                                    

Jeremias 29:11
Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.

          Maraming pagkakataon sa buhay natin na tayo ang nasusunod, nakadalasan nakakalimutan na nating pakinggan ang payo ng iba kung kaya naman kapag tayo'y nasadlak at bumaksa hirap tayong bumangon muli. Ngunit ganon paman, dahil sa pag-ibig at katapatan ng Diyos sa buhay natin tayo'y nakakasigurong may maganda siyang plano para sa atin basta ipagkatiwala natin sa kanya ang ating mga plano,kinabukasan at mga layunin sa buhay. Hayaan mong ang Ama nating nasa langit ang siyang mag patakbo ng iyong buhay patungo sa lakbaying nais niyang pagdalhan saiyo , sapagkat ika'y nakatitiyak na kapag ginawa mo yun Hinding-hindi ka magsisisi.

          Hayaan mong maging katuwang mo ang Espiritu Santo sa lakbaying ito ng iyong buhay at tulungan kang mas lalong magtiwala sa Diyos para sa iyong kinabukasan na kung saan ang plano ng Diyos ang siyang masusunod at hindi ang sayo.

          Ama naming nasa langit, sa pangalan ni Jesus, Maraming salamat po sa panibagong prebelihiyong ito ng aking buhay. Salamat po sapagkat ipinaintindi nyo sa akin na maliban na ipagkatiwala ko sa inyo ang aking kinabukasan ay duon palang ako makatitiyak na may magandang planong naghihintay sa akin. Salamat po sa mga Planong inyong inilaan sa akin at sa kinabukasang punong-puno ng pag-asa. Dalangin ko po na kayo ang patuloy na kumilos sa aking buhay hanggang sa kayo'y dumating, sa pangalan ni Jesus... Amen.

HOPE and a FUTURE-Tagalog DevotionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon