The Boss

By heyairaaa

337K 6.3K 798

Meet Vanessa Batungbakal, ang babaeng laki sa hirap, palaban, balahura at tirador ng part-time job. Tindera s... More

The Boss
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 8

18K 539 42
By heyairaaa

Itim Na Sasakyan

NAKATULALA ako sa hawak kong 1,500 pesos habang minumurder si Wax sa utak ko. Aba! Inisahan ako ng baklang yun at yung tatlong libo pala na sinasabi nya ay hati pa kami kaya ito lang ang nakuha ko. Okay na din siguro to kesa sa wala. Malaking halaga na din ito para sa isang araw.

Bago ako umuwi ay pumunta ako sa isang drugstore para bumili ng gamot ni Mama. Halos maubos ang nakuha kong pera dahil sa mahal ng mga gamot nya. Wala din akong sapat na pera para ipa-check up sya kaya nagtyatyaga muna ako sa pagbili ng gamot na inereseta sa amin nung clinic ng baranggay namin.

Sumakay ako ng jeep para makauwi na. Saktong-sakto lang ang nakuha kong pera para makauwi at makabili ng ulam na hindi delata. Nagbayad na ako at may isang papel na umagaw sa atensyon ko na nasa loob ng luma kong wallet.

Napataas ang kilay ko ng makita ang calling card ni Alex. Tawagan ko kaya sya para malaman kung may pwede pa syang i-raket sa akin? Kahit isang libo sa isang araw ay pwedeng-pwede na sa akin. Baguhan palang ako kaya kahit maliliit na pagmomodelo ay tatanggapin ko. 

Pagdating ko sa baranggay namin ay napagpasyahan ko nalang na maglakad tutal ay hindi pa naman madilim. Ang pamasahe ko sana sa tricycle ay ipinang-load ko nalang para matawagan si Alex.

Ilang ring palang ay sumagot na agad sya. “Hello?” bungad nya agad. Yung boses nya ay parang natataranta at kinakabahan. Nung kaninang nakita ko sya ay parang okay pa naman sya, may problema kaya?

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. “Hello, Alex, si Vanessa ito.” marahan kong sagot.

“Vanessa?” tanong naman nito at parang mas lalong kinabahan. Napakunot ang noo ko.

“Ako yung kasama ni Wax. Okay ka--” Bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay nagulat ako ng binabaan nya ako. Akala ko ay naputol lang ang linya pero nung tinawagan ko sya ulit ay hindi nya nya sinasagot.

Nagtaka naman ako sa kinilos nya pero ipinagkibit-balikat ko nalang iyon. Siguro ay may problema sya ngayon. Sa susunod ko nalang sya kakausapin.

NAKIKITA ko na ang liwanag ng gasera sa bahay namin. Naputulan kami ng kuryente dahil hindi pa ako nakakabayad kaya ngayon ay nagtyatyaga muna kami sa gasera. Seven palang ng gabi at malamang gising pa si Mama. 

Simula nung nagsimula akong magtrabaho ay bihira ko nalang sya abutan na gising dahil halos nine na ng gabi ako nakakauwi.

Pagbukas ko sa kahoy na pinto namin ay nakita ko agad si Mama na tulala sa kawalan. Napakunot-noo ako at nagtaka, may problema kaya sya?

“Ma, nandito na po ako.” sabi ko para matawag ang atensyon nya. Bumaling sya sa akin at nagulat ako nang makita na mukhang kagagaling lang nya sa pag-iyak. Nakatulala lang sya sa akin at hindi ko mabasa ang iniisip nya.

Agad kong nilapag ang mga dala ko at natatarantang lumapit sa kanya. “Ma? Okay lang po ba kayo? May masa--”

Napahinto ako sa pagsasalita ng maramdaman ko ang palad nya na dumako sa pisngi ko. Nanlumo ang buong sistema ko at parang nanuot ang sakit ng sampal ni Mama sa pisngi ko.

“Ma...” naiiyak na bulong ko nang makahuma ako sa pagkabigla sa ginawa nya. Binaling ko ang tingin ko sa kanya at bakas sa mukha nya ang galit.

Naguguluhan ako at hindi ko alam ang sasabihin. Wala akong matandaan na ginawang masama sa kanya o kahit sinabi man lang. Tumulo ang luha ko ng makita ko kung gaano sya kagalit sa akin sa di ko malamang dahilan.

“Ma, bakit nyo po ginawa yun?” utas ko at punong-puno iyon ng hinanakit.

Tiningnan nya ako ng masama at nakita kong tumutulo na din ang luha nya. “Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito, Vanessa? Kulang pa ba ang lahat ng ginawa ko sa iyo? Sabihin mo kung saan ako nagkulang. Lahat ginagawa ko para matustusan ka at para mabuhay tayo.” iyak nya at parang naiintindihan ko na kung ano ang nangyayari.

Sinabi na nya sa akin ang linya na ito dati pero hanggang ngayon ay naguguluhan pa din ako sa tunay na dahilan kung bakit nya iyon sinasabi sa akin. Pinahid nya ang kanyang luha gamit ang kanyang mga palad saka malamig na tumingin sa akin.

“Di ba sabi ko sayo, lumapit ka lang sa ibang tao kahit kanino basta huwag lang sa mga Vera Cruz. Lalo na kay Mayor Luisito. Oo, pumayag akong magtrabaho ka pero hindi ako kailanman pumayag na lapitan mo sila! Tapos ngayon sa anak pa ni Mayor ko malalaman na doon ka sa kanya nagtatrabaho at si Mayor Luisito pa ang nag-alok sayo na gawing sekretarya ng nya.” paliwanag nya at narinig ko na naman ang hikbi nya.

Hindi pa maproseso ng utak ko ang sinasabi nya. Pumunta dito si Luke? Tapos sinabi nya lahat kay Mama? Bago pa ako makapagsalita ay tumayo na si Mama at tumalikod sa akin.

“Pumunta sya dito kanina at ipinaalam ka kung pwede kang sumama sa kanya sa isang probinsya. Wala akong sinabi. Sino ba naman ako para magdesisyon sa anak ko na hindi naman nakikinig sa akin?” malamig na saad nya. Parang sinasaksak ang puso ko.

Sinundan ko sya na pumunta sa kusina. “Bakit ba, Ma? Bakit noon pa man ay ayaw mo na sa mga Vera Cruz? Bakit mo ko pinapalayo sa kanila? Di ba ang dami na nyang naitulong sa atin kaya hindi ko maintindihan kung saan galing yang galit mo sa kanila.” diretsahang tanong ko.

Noon pa man ay pinagbabawalan nya akong pumunta sa mansyon ng mga Vera Cruz kahit doon sya nagtatrabaho. Pasaway lang ako kaya palihim akong pumupunta doon at lagi kong iniinda ang mga palo nya tuwing nahuhuli ako pero hindi ako tumitigil. Doon ko nakilala si Luke, ang lalaking nagpapasaya sa akin noong bata pa ako.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin at tanging mga hikbi lang namin ang naririnig ko. “Kailanman ay hindi mo iyon maiintindihan, Vanessa. Lahat ng tulong nila ay walang kwenta sa lahat ng ginawa nila sa pamilya natin.” puno ng galit na utas nito.

Mas lalo akong naguluhan. Sa tagal naming kilala ang mga Vera Cruz ay wala akong alam na ganito. Magtatanong na sana ulit ako ng nakita kong nahihirapan na huminga si Mama.

“Ma!” sigaw ko at nagmamadaling nilapitan sya para alalayan pero hinawi nya ang kamay ko.

“Umalis ka muna. Baka mas lalo akong atakihin dito kapag nakikita kita.” sabi nya pero hindi ako nagpapigil at inalalayan syang maupo muna pero patuloy nyang hinahawi ang kamay ko. Mas lalo tuloy akong napaiyak.

“Umalis ka muna!” sigaw nya at iyon na talaga ang naging cue ko para umalis muna sa bahay.

Naglakad ako sa madilim na kalye dito sa amin. Patuloy kong pinapahid ang mga luha ko na ayaw pa ding tumigil. Ngayon ko lang nga syang naabutan na gising dahil late na ako umuuwi tapos ganito pa. Minsan lang sya magalit sa akin kaya sobrang sakit sa akin ang nangyayari ngayon.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ng makita ko ang pamilyar na itim na sasakyan na paparating. Agad akong pumunta sa gitna ng kalsada at hinarang iyon. Mukhang nabigla ang nasa sasakyan at malakas na bumusina pero hindi ako umalis. Akala ko nga ay sasagasaan ako pero huminto ito bago pa itong mangyari.

Narinig ko agad ang mura ng taong nasa sasakyan habang bumababa mula roon. “Miss, gusto mo bang magpa-- Vanessa?” pasigaw pa syang nagtanong pero medyo huminahon ito ng makita ako.

Namuo ang galit at inis sa sistema ko nung makita ko sya. Sya ang dahilan kung bakit kami nag-away ni Mama. Sya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.

“What are you doing? May balak ka bang magpakamatay?” madiin nyang sabi sa akin pero hindi ko iyon pinansin at pinagpapalo sya sa dibdib. Hindi ko na ininda kung magkalapit man kami ngayon at amoy na amoy ko ang bango nya. Gusto kong iparamdam sa kanya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Kahit sa pisikal man lang.

“Gago ka talaga! Bakit ba ang hilig mong guluhin ang buhay ko?” sigaw ko sa kanya at hindi pa din tumitigil sa pagpalo sa kanya kahit pagod na ako. Napatigil lang ako ng hawakan nya ang dalawang kamay ko.

“Stop! Bakit ka ba ganyan? And why are you crying?” mahinahon na saad nito at mas lalo akong napahagulhol. Kaya ayokong umiiyak dahil nahihirapan akong tumigil at sobrang ingay ko pa.

“At nagtanong ka pa talaga? Ikaw itong may kasalanan dahil ikaw itong walang hiya na pumunta sa bahay namin at sinabi kay Mama na sa iyo ako nagtatrabaho. Ang kapal-kapal talaga ng mukha mo!” sigaw ko at hindi ko na inalala na boss ko sya at pwede nya akong tanggalin pagkatapos nito.

Bakas ang pagtataka sa mukha nya at sobrang lalim ng titig nya sa akin. Seryoso nya akong tinititigan at hawak nya pa din ang dalawang kamay ko. Nanghihina na ako at sya pa ang nakakakita ng mahinang estado ko. Napakagaling, Vanessa.

Habang nagtititigan kami dito ay parang may kakaiba sa puso ko. Pinikit ko ang mata ko saka kinagat ang labi ko para pigilan ang paghikbi. Pinapakalma ko ang sarili ko. Hindi ito kasalanan ni Luke dahil wala syang alam. Ako ang nagdesisyon dito at hindi ko dapat sisihin ang iba.

Tumango-tango ako na parang baliw dito ng mapagtanto ko iyon. Dumilat ako at nakita kong tumititig pa din sya sa akin. Nagtiim ang kanyang panga ng bumitaw ako sa pagkakahawak nya sa kamay ko.

“Sorry sa kadramahan ko. Sorry din sa pagharang ko sa sasakyan mo at sa paninisi sayo. Sige, alis na ko.” mahinang sabi ko saka tumalikod at hindi na hinintay ang sasabihin nya.

Pinahid ko ang mga bwisit kong luha na ayaw tumigil. Hindi ako iyakin kaya siguro naiipon ang mga luha ko kaya hindi iyon nauubos.

Hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman kong may humila sa kamay ko at pagharap ko ay bumangga ako sa matigas na dibdib na pinapalo ko kanina. Amoy na amoy ko na din sya at parang hinehele ako ng amoy nya.

Naramdaman kong may kamay na humawak sa braso ko at ang isa naman ay hinahaplos ang likod ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng malaman ko kung ano ang ginagawa nya. Napahinto ang luha ko pero napapahikbi pa din ako na parang sinisinok.

“Shh, don’t cry. Hindi magandang view para sa isang lalaki ang umiiyak na babae.” bulong nya sa akin at nagdulot iyon ng kakaibang pagkabuhay sa sistema ko.

Umiiling-iling ako sa isip ko. Hindi dapat ganito. Sya dapat ang mahulog sa akin. Hindi ako.

Continue Reading