A Rebel Heart (#1)

By parachutelemon

17.8K 591 152

What does it take to change a rebel heart? #AHS1 More

GENERAL DISCLAIMER
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
WAKAS

Kabanata 45

316 9 0
By parachutelemon

Kabanata 45

"Akala ko naman kung ano ang nakita mo!" Gulat na sigaw ni Felly kay Sarah.

Binalingan ko siya ng tingin at nakitang lasing na lasing na siya dahil pumipikitpikit na ang kanyang mga mata at tumatawa na siya kahit wala namang nakakatawa.

She's talking about a guy named Setheano, iyong ka fling lang daw sana ni Sarah pero nagkagusto si Sarah dito. I know Seth, nakasama ko siya sa isang board meeting sa California. His family owns an advertising company and many more associated bussines. His Dad and three of his uncles are in politics. So basically, galing siya sa mayamang angkan. I also know that he's a type A playboy. Some of the Filipina models I know na gumagawa ng pangalan sa modeling industry sa ibang bansa ay naka-fling si Seth Lacson.

I just didn't know na pati pala isa sa mga best friends ko ay nadali ng gagong iyon at heto siya ngayon at iyak ng iyak sa harap namin. Akala ko din kung sino iyong nakita niya sa likod ko at gulat na gulat siya at nagmamadali na lumabas sa bar.

"Damn it! Kitang kita ng dalawang mga mata ko Fel! Seth is making out with someone!" She whined at tuloy-tuloy na ininom ang JD na nasa harap niya.

"Urgh!" Kazandra groaned nang makita na halos hindi na mainom lahat ni Sarah ang JD dahil lumalabas na sa bibig niya ang inumin at dumadaloy na sa damit niya pababa.

Pagkatapos noong nangyari sa bar ay lumipat na lang kami sa isang gastropub at uminom. Good thing nakita ni Sarah si Seth at agad ding umalis. Ayaw kong manatili doon knowing that Samantha is there also. Napapikit ako nang maalala ang usapan namin kanina sa loob ng CR.

"Gaga! Hindi mo ba naiintindihan ang salitang fling Sarah?!" Naiinis na sabi ni Felly. She tried to sit at ayusin ang sarili but failed to do it dahil nahuhulog ang puwetan niya sa high chair na inuupuan.

Ngumiwi si Sarah kay Felly at umiyak ng malakas. Narinig ko ang mura ni Kazandra sa gilid at tiningnan ang mga tao sa loob ng pub. Napasapo ako sa aking noo nang makita na halos lahat ng tao ay sa amin na nakatingin dahil sa iyak ni Sarah.

Inis na kinamot ni Felly and kanyang magulong buhok at may kinuha sa kanyang clutch bag. Umilaw ang cellphone niya at may tiningnan siya doon.

"Gusto mong marinig ang ibig sabihin ng fling? Kasi mukhang hindi mo alam eh!" Natatawa na sabi ni Felly at may hinahanap sa cellphone.

Tumawa si Kaz kaya natawa na rin ako. What the fuck. Kami lang yata ni Kazandra and medyo sober pa rin hanggang ngayon. And I've never seen them like this. Iyong lasing na lasing talaga. For sure, bukas ay wala ng maalala itong dalawang to.

"Fling is a brief sexual relationship, a short period of time spent doing enjoyable and exciting things. Examples, she had a fling with her boss." Basa ni Felly doon sa cellphone niya. Inagaw ni Sarah ang cellphone at nagbasa din doon.

"Sarah had a fling with Seth Lacson, the most valuable playboy of this generation!" Natatawa na sabi ni Felly at nakipag-high five sa akin.

Kumunot ang noo ko nang tingnan ako ni Felly ng mataman. Bumaling siya kay Kazandra at itinuro ako. Kumunot rin ang noo ni Kazandra and muttered "What?".

"Heanndra, nakita kita na lumabas ng CR kasabay ni Samantha Gayson. Iyon ba ang minanadali mo?" Seryoso na tanong ni Felly sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Akala ko hindi niya nakita iyon dahil nagmamadali na kaming lumabas sa bar at ngayong lasing na lasing na siya, hindi ko akalain na maaalala niya pa iyon.

"Nasa bar din kanina si Samantha? Anong nangyari?" Gulat na tanong ni Kazandra sa akin. Napadilat ng mata si Sarah at matalim na tiningnan si Kaz.

"Syempre nandoon sila ni Seth, Kalib, Napoleon at iba pang mga sikat na personalities sa iba't-ibang larangan. Malamang nandoon din sila Samantha. Para silang mga beehives, kung nasaan sila nandoon din ang maraming tao."
Napatingin ako kay Sarah na mukhang hindi na lasing kung makapagsalita.

"Anong ginawa sa'yo ni Samantha? Sinaktan ka ba?" Tanong ni Felly kaya umiling ako.

"You think papayag ako na sasaktan niya ako? To hell with her. Parang hindi mo naman ako kilala." Sagot ko at nagulat nang tumawa si Sarah.

"So, anong ginawa niyo? Nag-usap? Seriously? Anong pinag-usapan n'yo?"

"She told me that she's Clicko's girlfriend." I said at mas lalo pang natawa si Sarah. Sinabayan na rin ito ni Felly kaya napakunot ako ng noo. Hindi ko alam kung nakakatawa ba talaga iyon o talagang lasing lang silang dalawa.

"Sinabi niya talaga sa'yo yun?" She asked at uminom ulit sa panibagong bote ng JD.

"Akala ko naman pinag-usapan niyo kung paano ka niloko ng lintek na Clicko na yun! Alam mo nakakasalubong ko sa lobby yan noong nagdaang buwan, binabati niya naman ako. Alam mo bang ang hot niyang tingnan sa uniform niyang pang-sundalo?"

Nakapikit na sabi ni Sarah at tinukod na ang siko sa mesa. Hinilig niya ang gilid ng kanyang ulo sa kamay at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Hindi ko na makita sa kanya iyong mukha niyang nagmamakaawa noon sa amin na sabihin kung anong nangyari sa'yo, kung bakit mo siya iniwan?" Aniya at tumawa ng kaonti.

"Eh, gago! Syempre niloko ka niya eh kaya mo siya iniwan di ba?" Galit na sabi niya at umakbay pa sa akin.

Nanatili akong tulala at nakatingin lang sa maraming bote ng Jack Daniels na nasa harapan ko. Kahit nakailang bote na ako ay hindi ako kasing lasing nina Sarah at Felly. I stopped between drinks kaya siguro hindi ako nalalasing.

"Sinungaling talaga iyang mga letcheng lalaki na 'yan! Gagong Seth! Akala mo naman gwapo ng hayop! Ako pa talaga ang hahabol sa kanya? Kapag nagkataon puputulan ko siya ng--" Sigaw niya at agad naputol dahil nawalan na siya ng malay. Napangiwi ako nang tumama sa mesa ang mukha niya at lumagapak iyon.

"Shit." Mura ni Kazandra sa gilid kaya nilingon ko rin siya. Tulog na rin si Felly na may hawak hawak pang bote habang nakasandal sa headrest ng upuan.

Tatayo na sana ako para alalayan si Sarah ng makauwi na but Kazandra hand me another bottle of the drink kaya napakunot ako ng noo pero tinanggap pa rin iyon. Ngumiti siya at umiling habang umiinom ako doon.

"Sarah was right, Heanndra. Alam mo ba na araw-araw kaming inaabangan ni Clicko sa labas ng classroom namin? Tanong siya ng tanong kung kailan ka babalik?" She seriously said at uminom din sa bote niya.

I already know that. Kahit sina Lyrra at Kuya Cirrus noon ay sinabi na sa akin na tinatanong sila ni Clicko tungkol sa akin and I would always, always feel sorry for him at that time. I wanted to go back and be with him again but everytime I attempted to, bumabalik lahat ng sakit dulot ng mga ginawa niya sa akin then anger would follow. Ang hirap dahil kinalaban ko ang nararamdaman ko. My heart and my mind battles at para akong mababaliw kapag ganoon.

"And I remember noong napaaway sina Nad at Dexter dahil pinagtutulungan nila si Dio. But Dio has a group of friends na madalas din makipag-basag ulo kaya ayun, nabugbog din sina Nad at Dexter." Natatawa na kwento niya.

I felt sad about it. Hindi ko sila kinausap noong umalis ako papunta ng California. I only talked to Sarah and Nad at that time. Ngayong sinabi na ni Kazandra na napaaway ang dalawang kaibigan ko na lalaki ay para akong nakokonsensiya especially for Dexter dahil hindi ko siya nakakausap noon habang siya ay nandito at pinagtatanggol ako. I didn't even say thank you to him for defending me.

Huminga ako ng malalim at malungkot na binalingan ng tingin si Kazandra.

"I'm sorry hindi ako nakapagpaalam sa inyo noon. Sorry din dahil inabot pa ng iilang buwan bago ko kayo na contact." Malungkot na sabi ko. Umiling si Kazandra at ngumiti.

"It's okay we understand you and hello? Sa tingin mo ba nakapagpigil si Sarah na huwag sabihin sa amin ang lagay mo? Alam mo naman na walang filter ang bibig niyan! Nangangati iyan parati." Natatawa na sabi niya at tinapik ang pisngi ni Sarah. Sarah groaned a little dahil sa tapik na iyon.

"Ang sabi ni Sarah sa amin pumupunta daw palagi si Clicko sa bahay ninyo noong naghahanda ka pa lang na umalis pabalik ng America? Have you guys ever talked?"

Napakagat ako ng labi habang inaalala ang mga panahon na palagi akong kinakatok ni Kuya Stratus sa kwarto at sinasabi na nasa baba daw si Clicko at gusto akong kausapin. But I pretended not to hear it kaya kahit kailan ay hindi na kami nakapag-usap hanggang sa umalis na kami.

"Yes it's true pero hindi naman ako bumababa kaya wala ding pag-uusap na nangyari. Kuya Commulus said he wanted to explain his side to me." Mapait na sabi ko.

Tumango si Kazandra sa akin at tumikhim bago nagsalita.

"Clicko told us the reasons why he did those things to you..." Aniya kaya napatigil ako sa pag-inom at tiningnan siya.

What are his reasons anyway? Looking back, I really don't care about his reasons kasi ang alam ko lang ay niloko niya ako. Whatever his reasons are, hindi pa rin mabubura na niloko niya pa rin ako that's why I didn't bother on listening for his stupid explanations. And the embarassment he gave me? Takot na takot ako noon na malaman na nag-iba ang tingin sa akin ng mga tao, lalong lalo na iyong mga nakakilala sa akin. People are so full of judgements at ayaw ko ng marinig ang lahat ng panghuhusga laban sa akin.

"Kazandra whatever his reasons, you can't deny the fact that he lied to me. Pinagpustahan ako! I gave my freakin virginity to him all because of a fucking bet? At talagang kay Dio pa siya nakipagpustahan? Kazandra, hiyang-hiya ako para sa sarili ko!" I paused for a moment dahil alam kong sasabog na ako dito kapag tuloy-tuloy akong maglalabas ng sama ng loob.

"Wala akong pakialaman sa mga rason niya. I only thought about myself at that time dahil naloko ako at nasaktan. I just wanted to get away from him." Pagtatapos ko.

Kazandra let out a heavy sigh at yumuko.

"Hindi mo man lang ba natanong kung bakit niya nagawa iyon sa'yo? Don't you want an explanation for everything? Natahimik ka lang ba na hindi nasasagot ang mga bakit diyan sa isipan mo?" Tanong niya. I bit my lip at agad napatingala and tried to close my eyes. I shake my head trying to get away with the drunkenness I felt.

"None of those reasons mattered now. I'm okay. He's okay. Even without those reasons, I can still manage to go on." Pagtatapos ko sa pag-uusap namin.

I wanted to know everything, noon. Gustong gusto ko dahil alam kong mababaliw ako kakaisip kung bakit niya ako niloko. I also wanted an answer but I'm too scared to know the truth. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin ang mga sagot na sasabihin niya sa akin. Natatakot ako na kahit ano pang mga rason ang sabihin niya sa akin ay mamahalin ko pa rin siya kahit mukha na akong tanga. I just wanted to protect and guard my heart.

"Geez my head is aching big time!" Mahinang sabi ni Sarah habang hinihilot ang sentido.

I stopped from putting a mascara at agad siyang nilingon na nasa loob ng bathtub at nakahiga. Wala namang tubig sa loob pero nandoon siya at nakapikit lang habang iniinda ang sakit ng kanyang ulo.

Napangisi ako. Paano hindi sasakit ang ulo niya, eh ginawa nilang tubig ni Felly ang Jack Daniels kagabi! Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Kazandra ay agad na rin kaming umuwi kagabi. Inihatid lang niya kaming tatlo sa condo unit ni Sarah at siya naman ay umuwi sa bahay nila ni Ezra.

Malapit ng mag four o'clock at susunduin na ako ni Brooklyn mamaya para sabay na kaming pumunta sa exhibit ni Quest. Maghahanap ako doon ng painting na pwedi kong bilhin at iuwi sa California para sa bagong bahay na lilipatan ko sa Orange County katabi ng bahay ni Neil. May silbi rin pala ang invitation na ibinigay ni Quinnito sa akin. Plus, I'll talk to Don Yulo later. I'll make sure he will sell his freakin land to me.

Tiningnan ko ang sarili ko sa whole body mirror. Matagal kong pinagmasdan ang sarili at napasapo na lang sa noo nang mapagtanto that I'm all in black. Off-black midriff top together with it's pair, a loosely hanging trouser na kapag hindi ako masyadong gagalaw mapagkakamalan itong mahabang palda.

"Gaga? Saan ang lamay?" Nagulat ako nang magtanong si Sarah na nakahiga pa rin sa loob ng bathtub.

Tumawa ako at kinuha ang clutch bag na silver at lumabas na sa malaking CR niya. I saw Felly lazily sitting in the bean bag habang nanunuod ng TV. Nagpaalam ako sa kanilang dalawa at sinabing babalik din ako pagkatapos noong exhibit. Brooklyn texted me already na nasa baba na siya at naghihintay sa akin.

Pagkalabas ko ng elevator ay agad siyang bumulaga sa akin na nakaupo sa sofa ng looby. As usual, he's wearing a suit and tie. He smiled at me habang papalapit ako sa kanya.

"Hello," He said and hug me.

"Hello!" I greeted back.

Ginaya niya ako palabas ng building at agad na binuksan ang pintuan ng front seat para sa akin. Umikot siya at pumasok na rin sa loob. The venue of the exhibit isn't that far kaya wala pang isang oras ay nakarating na kami doon.

Medias are everywhere. Pagpasok namin sa loob ng venue ay agad kaming dinumog ng mga media. Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Brooklyn kaya napalingon siya sa akin at ngumiti.

"Relax. Just smile." Bulong niya and turned to the media for a picture.

"Sir Brooklyn and Miss Heanndra, are you gonna bid for some paintings tonight?" Tanong noong isang lalaki.

Brooklyn smiled and nodded.

"Of course. Questine Soriano's paintings and photos are world class. It would be an honor to bid for those masterpieces." Sagot ni Brooklyn at agad na naglakad.

Nilubayan na rin kami ng media nang makalayo na kami sa pintuan ng venue. Nilibot ko ang paningin sa malawak na room at nakita ang maraming magaganda at nakakaakit na paintings at pictures. Some were just abstracts pero parang may buhay sa loob noon. There were also some pictures in black and white of a man. Marami iyon, but all of those pictures are kind of a stolen pictures dahil walang picture na nakatingin ang lalaki sa camera. The angles are just sideways, mayroon na nasa harap pero nakayuko siya o di naman kaya ay nakatingin sa gilid pero kahit ganoon ay maganda pa rin ang pagkakakuha.

Napako ang tingin ko sa isang painting sa gilid. At first magulo siyang tingnan because of the different colors but then looking at it very intently, I realized what is the painting. It's a painting of a girl and a boy riding a ferris wheel. Nasa kabilang dulo ang babae habang nasa kabilang dulo naman ang lalaki. They're starting at each other with lonely eyes. Tiningnan ko ang pangalan nito sa baba.

"Space, 2017."

"I like that painting. I'll bid for it later." Bulong ko kay Brooklyn na nakapako pa rin ang mga mata sa painting. Nilingon ko siya at tumango naman siya sa akin.

"Yes later. But for now let's meet some of my father's subordinates." Aniya na itinuro ang iilang matatandang lalaki at babae na nag-uusap sa isang gilid. Tumango ako sa kanya at naglakad kami doon para makisali.

"Brooklyn iho!" Wika noong isang babae at agad nakipagbeso kay Brooklyn.

"Gentlemen, ladies this is Heanndra Henzon, owner of The Zeal and Governor Andranno's daughter." Pagpapakilala sa akin ni Brooklyn. Nanlaki iyong mga mata ng ilan sa kanila.

"Oh! So you are the owner of The Zeal? I thought it's also the company of your Mom!" Natatawa na sabi ng isang medyo may kabataan pang lalaki.

I smiled. Everyone thinks like that because apparently The Zeal is still under my Mom's company pero gumagalaw ito sa kanyang sariling pangalan. Besides, I am a lawyer. Who would've thought I am the CEO of an athletic clothing company? Ang layo naman talaga kasi.

Nag-usap pa kami at tinanong pa nila ako tungkol sa The Zeal. Agad natigil iyon nang mag-ingay ang media sa panibagong dating na bisita. My eyes immediately flew on the entrance of the room. Wala akong makita dahil nagkukumpulan ang media doon. Whoever is this person, he or she must be a famous one.

Ilang sandali pa iyong pagkukumpulan at agad na bumulaga sa akin kung sino iyong mga dumating. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras ng kaonti sa nakita. What the fuck are they doing here?

Samantha Gayson is smiling all over. She's wearing a silky white suit at kitang kita dito ang makinis niyang cleavage and a white silky skinny pants. Her hair is in a wet look at pulang pula ang mga labi.

Beside her is freaking Clicko Manuel Colston looking hella expensive in a jet black suit and tie. Nakaayos ang kanyang buhok at hindi man lang ngumingiti sa camera. His jaw clenched nang may nagtanong na media at seryoso niya naman itong sinagot.

Kitang-kita ko dito sa pwesto namin ang kulay asul niyang mga mata. His face is still the same but a bit older because of his stubble. His body becomes matured, it's obvious kahit naka-suit and tie siya. I saw him naked in front of me and I definitely know the difference.

Matapos iyong tanong ng media ay agad na silang naglakad. Ang grupo namin ang nakadirekta sa pintuan kaya naman napasulyap silang dalawa ni Samantha sa amin. Napakagat ako sa labi ko at agad na tumalikod. Dumoble sa bilis ang pintig ng puso ko at natataranta ako na hindi ko alam.

"What's wrong?" Tanong ni Brooklyn nang makita ako na tumalikod at hindi alam ang gagawin.

"Ah, I'll just go to the comfort room. I'll be back." I smiled at him. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmamadali na hinanap ang CR ng building.

Nang makita iyon ay agad akong pumasok. I immediately throw the clutch bag sa gilid ng sink at binitawan ang hininga na kanina ko pa pinipigilang kumawala. Kumapit ako sa sink at agad na sinapo ang noo.

"What the fuck? Shit! Shit! Shit!" Naiinis na sigaw ko at kinagat ang labi para hindi marinig ang pagwawala ko dito sa loob.

Bakit siya nandito? Ang akala ko ba sa katapusan pa ng buwan ang uwi niya? Why do I even care?!

Inis ko na kinuha ang dala kong make up sa bag para mag retouch. Tiningnan ko ang pisngi ko at nilagyan iyon ng blush on. Sinunod ko ang paglalagay ng lipstick. Nang mapagtanto na okay pa naman ang make up ko ay iritado kong nilagay iyon sa bag.

"What the hell am I doing?! Okay pa naman ang make up ko so why the freaking hell am I retouching?!" Inis na tanong ko sa sarili habang nakatingin sa salamin.

"Heanndra, umayos ka. Show no mercy, and as always fake it till you freakin make it!"

Fuck it! I need to see Don Yulo and talk to him immediately so I can get the fuck out of here.

Matapos makipag-usap at pagalitan ang sarili sa loob ng CR ay agad din akong lumabas. Mabuti na lang at walang tao na pumasok kanina. Dahan-dahan akong lumabas at nilibot ang paningin sa paligid.

Shit naman! Huwag mo kasing hanapin, Heanndra! Ano ba!?

Umayos ako sa pagkakatayo at hinanap si Brooklyn. Nandoon pa rin siya sa kung saan ko siya iniwan kanina. He smiled at me kaya mabilis akong lumapit doon. May ibang mukha na na nandito at nakisali na rin.

"Heanndra, this is Don Yulo Alvaro.The owner of the property your company wanted to buy?" Pagpapakilala ni Brooklyn sa isang matandang lalaki.

He's also wearing a suit and tie. He's hair is all white at may tungkod siyang dala-dala. He looks healthy to me, kahit sabi ni Quinn noon na may malubhang sakit daw siya. Ngumiti siya sa akin at naglahad ng kamay.

"Yulo Alvaro." Aniya.

"Heanndra Henzon, Sir. I would like to buy your land." I directly said and he laughed at that.

"You are just like your father. Mabilis kumilos pagdating sa negosyo. Ang akala ko ay hindi ka dadating iha. I was expecting you would just ignore my request and decline your building construction." Natutuwa na sabi ni Don Yulo.

Napangiti ako. I'm glad na may nakita siyang katangian sa akin na pareho ng kay Daddy. I wanna be like him when it comes to this kind of industry. Tuso, maparaan at matalino.

"Don't worry I'll sell the land to you. Tinitingnan ko lang kung pupunta ka ba talaga dito para makita ako, and now you're here!" He said happily kaya napatango ako.

Okay. Mission accomplished. He will sell the land to me. I can go home now pero agad napadako ang tingin ko sa painting na gustong gusto ko. Shit, the painting! I'll have to attend the auction first to get it.

"Captain Manuel!" Napatigil ako sa pagtingin sa painting nang makarinig ng isang tawag sa isa sa mga matanda sa grupo namin.

Bigla akong nanlamig nang masulyapan si Clicko na papalapit sa banda namin. Wala siyang kasama. Nasaan si Samantha?

Agad akong napaayos ng tayo nang nakalapit na siya sa amin. He smiled doon sa matandang lalaki na tumawag sa kanya and shake hands with some of the people in our circle. His dimples are now prominent. Damn it, talaga Heanndra? Talaga?

"Clicko!" Maligayang tawag ni Don Yulo sa kanya. His eyes darted on me for a moment bago binalingan ng tingin si Don Yulo.

"Don Yulo. How are you?" Seryoso na tanong ni Clicko at napatingin ulit sa akin.

"I'm okay iho. I'll be flying in Switzerland  for my treatment. Ikaw, how are you?" Natutuwa na tanong ni Don Yulo kay Clicko.
He licked his lips at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.

"I'm good. Galing po akong Russia for some negotiations with their troops." Sagot ni Clicko.

Napairap ako habang nakikinig sa usapan nila. Why am I here anyway? Sinulyapan ko si Brooklyn na may kausap rin na isang lalaki.

Fuck. Great! Sino ang kakausapin ko dito? Ang sahig?

"Oh? So, kailan ka babalik sa trabaho?" Tanong ni Don Yulo.

Kumunot ang noo ni Clicko at tumikhim.

"I'm on leave for two months. And I need to attend a family friend's wedding." Sagot ni Clicko at sumulyap sa akin.

He caught me off guard while looking at him kaya kumunot ang noo niya sa akin. He's staring as if may nagawa akong malaking kasalanan sa kanya.

He's probably talking about Kuya Commulus wedding at teka nga, bakit ganyan siya makatingin sa akin? Hoy! Baka makakalimutan mo ikaw ang may kasalanan sa akin uy! Tss, ano? Galit siya? Mas galit ako! Gago siya!

Nalipat ang tingin ko kay Don Yulo na nakangiti sa akin. Tinapik niya sa balikat si Clicko at tinuro ako.

"Heanndra, I want you to meet Captain Clicko Manuel Colston of The Philippine Army." Nakangiti na pagpapakilala ni Don Yulo.

Clicko's jaw clenched for a moment before laying his hand for a handshake. Napataas ako ng kilay sa ginawa niya. He seriously wanna shake hands with me? His cold stare makes me shiver and it's not a familiar stare. I  just wanted to be in a fireplace for a moment.

"Clicko, this is  Attorney Heanndra Henzon. The owner of The Zeal?" Baling naman ni Don Yulo kay Clicko.

Huminga ako ng malalim at tinanggap ang kamay niya na nakalahad pa rin sa harap ko.

"Captain Colston. Nice to finally meet you, Attorney." He said in a deep voice.

Nanlamig ako nang ginalaw niya ang kamay naming dalawa dahil sa handshake. A familiar electric wave travels all over my body at napalunok ako. Bumitaw siya sa kamay ko at agad na bumaling kay Don Yulo.

"Excuse me. I have to find my date."

Seryoso na sabi niya at agad kaming tinalikuran.

Bumagsak ang balikat ko habang tinatanaw siyang naglalakad palayo.

Continue Reading

You'll Also Like

KASHI By stuckinatale

General Fiction

396K 19.8K 42
"So, Mrs. Kashi Abhay Pratap Singh..chalte hai. Goodbye..". Saying this, he left her broken in this world of betrayal. ~~~~~~~~~~ Kashi, a simple gir...
6.1M 208K 52
She has it all except his heart. She had done both amazing and ridiculous things but was still treated as a wallflower. She's been a good wife. Bu...
8.2M 301K 45
Carly Atwood always remembered the man that used to live in the loft above the barn when she was a little girl. John was her childhood crush, he was...
Ice Cold By m

General Fiction

2.2M 83.6K 49
[boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feelings for so...