My Rented Boyfriend (Complete...

Galing kay missrxist

54.5K 914 23

Mareyna's plan backfires when she discovered the weird beating of her heart and the 'kilig' factor that Cast... Higit pa

Teaser
Rented BF 1
Rented BF 1.2
Rented BF 2
Rented BF 2.2
Rented BF 3
Rented BF 3.2
Rented BF 4
Rented BF 4.2
Rented BF 5
Rented BF 5.2
Rented BF 6
Rented BF 7
Rented BF 8
Rented BF 9
Epilogue
Rented BF 4
Rented BF 4
Rented BF 5
Rented BF 6
Rented BF 7
Rented BF 8
Rented BF 9
Epilogue

Rented BF 10

1.5K 19 0
Galing kay missrxist

After one year and half...

NAKANGITI si Marey habang masayang tumutulong sa paghahanda ng orders ng mga customers sa Cecilia's eatery. Hindi 'yon gano'n kalakihang restaurant pero sapat pa rin para kumita ng malaki araw-araw at madalas ay maraming customers doon dahil malapit 'yon sa paaralan ng grade school to college. Dahil malaki-laki ang kinikita ni Castle sa modeling career nito sa States ay buwan-buwan itong nagpapadala ng pera para sa pagpapagamot ng tatay nito at sa pagpapatayo ng maliit na restaurant ng mga magulang para mapagkunan ng daily expenses.

Inihalo na din ang sari-sari store ng pamilya sa restaurant dahil everyday ay nauubos ang niluluto ng nanay ni Castle at nagpapabalik-balik din kasi ang mga customers dahil sa masarap na pagkain, nag-hire na din ng dalawang helpers ang ginang. Dumalaw siya doon para kumain sana sa restuanrant kaso dahil masyadong madaming customers ay tumulong na muna sila ni Chasen na ngayon ay nasa intership na ito ng teaching nito at malapit ng mag-graduate, si tatay Narsing naman ang siyang nagkakahera sa restaurant.

Hindi niya mapigilang mapangiti sa tinatamasang tagumpay ng restaurant ng pamilya at sa tagumpay na nakakamit ni Castle. Pagkatapos kasi ng six months sa modeling contract nito ay pina-extend pa ang contract nito for a year, nagpa-partime din daw ito sa isang coffee shop na pag-aari ng kaibigan ng isa sa mga tauhan sa agency kung saan ito nagmo-modelo, pandagdag din daw nang kinikita. Baka daw in five months pa ito makauwi, sayang daw kasi 'yong mid year bonus na maaari nitong matanggap sa shop kapag umalis ito doon, since mabait daw ang amo nito doon.

Madalas silang magka-skype ng binata pati rin ang pamilya nito para magka-kumustahan, masayang-masaya siya para sa lalaki at miss na miss na rin niya ito at iba pa rin kasi kapag nakikita niya ito ng personal, gusto na rin kasi niya itong mayakap at mahalikan.

Nagpunta din siya ngayon sa restaurant para magpaalam sa mga magulang ni Castle at sa kapatid nito na pupunta siya sa States para dalawin ang pamilya niya at makita na rin si Castle. Nang kumalma na ang ka-toxic-an sa restaurant ay lumapit siya sa counter kung nasaan ang mga magulang ni Castle, ngumiti ang mga ito sa kanya.

"Kumain ka na rin anak," ani tita Cecilia. Akmang kukuha ng plato niya ay mabilis niyang inawat ito.

"Ahm tita, next week po ay hindi ninyo muna ako makikita dahil pupunta po ako sa States, isu-surprise visit ko po ang parents ko at si Castle." Masayang balita niya.

Natuwa naman ang dalawa sa sinabi niya. "Maganda naman kung gano'n anak dahil tiyak miss na miss ka na din ng pamilya mo at syempre ni Castle, iyakap at ihalik mo kami sa kasintahan mo, ha." Nakangiting sabi ni tito Narsing saka ito kumindat sa kanya.

Simula kasi nang sagutin niya si Castle a year and a half ago ay mabilis nilang ibinalita sa miyembro ng pamilya nila kasama na ni Jelly na naging daan sa pagkakakilala nila ni Castle. Masayang-masaya ang lahat para sa kanila dahil bagay na bagay daw sila ng binata, siya man ay hindi rin makapaniwala na isang taon mahigit na ang lumipas sa relasyon nila ng binata, ito na ang pinakamatagal niyang relasyon at aabutin pa 'yon ng forever.

"Sure po." Nakangiting sabi din niya. Saglit pa silang nagkausap bago siya um-order ng lunch niya. At nang puwesto na siya sa nabakanteng mesa ay nakalimutan na niya ang paligid niya dahil sa sarap nang kinakain niya. Hindi niya ito unang beses na matikman ang luto ni tita Cecilia pero sa tuwing nakakakain siya parang first time niyang matikman ang mga 'yon; one of the best foods, ever!

L.A. CALIFORNIA, U.S.A

AFTER almost fifteen hours of long flight from NAIA to Los Angeles International Airport ay nakadating din siya nang safe. Hindi niya ipinaalam sa parents niya na dadalaw siya sa mga ito dahil gusto niyang i-surprise visit ang mga ito, gusto niyang makita ang gulat at kasiyahan sa mukha ng mga ito. Sa susunod na mga araw naman ay si Castle ang susurpresahin niya sa New York—hinuli niya ito dahil mananatili siya sa apartment nito dahil na-miss niya ito nang husto at sobrang excited na siyang makita ang kasintahan.

After half an hour na biyahe sa isang taxi papunta sa bahay nila sa Los Angeles ay agad din siyang nakarating. No'ng mga panahong hindi pa siya abala sa trabaho and during her college days breaks ay dumadalaw sila ng pamilya niya sa pamilya nila dito sa States at sa bahay na ipinatayo ng kanyang mga magulang.

Napangiti siya nang malaki dahil na-miss din niya ang bahay nila dito sa States. Hapon na siya nakarating sa bahay at tiyak sobrang matutuwa ang mga ito pagkakita sa kanya. Nag-doorbell na siya sa main gate ng bahay saka nagtago sa CCTV na nakakabit sa harapan ng pintuan.

"Whose there?" narinig niyang tanong ng daddy niya sa CCTV speaker, napangiti siya at hindi sumagot pero patuloy lang siya sa pag-doorbell. Kapagdaka'y ang mommy naman niya ang nagsalita para tanungin kung sino siya hanggang sa marinig niyang bumukas ang pintuang papasok sa bahay at nakita niyang lumabas ang isa sa mga pinay na katulong sa bahay at nagulat ito nang makita siya kaya napasensyas siya ng silence at mabilis siyang pinagbuksan ng gate at tinulungan siyang dalhin ang isang maletang dala niya.

Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng bahay at ayon kay ate Marlyn ay nasa kusina daw ang parents niya at nagluluto ng dinner since mahilig din magluto ang mga ito—tulad ng nanay ni Castle. Nakatalikod ang mga ito sa kanya kaya mabilis siyang naglakad at yumakap sa likuran ng mga magulang na ikinapitlag ng mga ito at bago pa makalingon ang mga ito sa kanya ay...

"Surprise!" masayang sigaw niya. Gulat at pagtataka ang nakarehistro sa mga mukha ng dalawa ngunit mabilis din siyang niyakap nang mga ito. "I've missed you so much, mom and dad!" masayang sabi niya.

"My baby!" tuwang-tuwang wika naman ng mommy niya saka siya hinalikan sa kanyang pisngi at muling niyakap nang mahigpit.

"What are you doing here? Oh God, am I dreaming?" amazed pa ring wika ng daddy niya, kaya hindi niya napigilang mapangiti. Pinisil niya ang pinsgi ng daddy niya na ikinadaing nito, kaya natawa sila ng mommy niya.

"Nandito ako for two reasons," nakangiting sabi niya. "One is to surprise you both and second to surprise Castle." Aniya.

"Oh yeah, he's here in States. Unfortunately, he's too busy with work and medyo malayo kami with each other kaya hindi pa namin nami-meet pero siguro naman ngayon mami-meet na namin." Nakangiting sabi ng mommy niya.

Tumango naman siya at ngumiti. "I'll bring him here when he's available, mom and dad." Nakangiting sabi niya. "By the way, ano'ng niluluto ninyong dalawa? Nagutom ako bigla!" masayang sabi niya. "And I also brought Filipino pasalubongs for everyone, I'm gonna visit lola, lolo and cousins tomorrow then I will gonna visit Castle the next day," nakangiting imporma niya.

Na-excite naman ang histura ng mga magulang niya at masayang-masaya talagang makita siya at gano'n din naman siya sa mga ito. Muli silang nagyakapan bago nagpatuloy sa pagluluto ng mga ito ng sinigang na baboy. Kumalam nang malakas ang kanyang sikmura na ikinatawa nang malakas ng mga magulang niya.

KINAKABAHAN si Marey habang naglalakad siya papasok sa isang three storey apartment kung saan nakatira si Castle. Madalas na din nitong ikinukuwento noon sa kanya kung saan ito nakatira at nakita rin niya noon sa skype na may kaliitan lang ang apartment since mahal ang mga tirahan sa States at simple lang pero maayos naman at malinis. Sobrang excited na siyang makita ang kasintahan.

Nagdala siya ng malaking backpack dahil balak niyang makitira muna sa apartment nito at makasama ito saglit, three weeks lang kasi siya sa States at gusto niya i-well spent 'yon sa mga mahal niyang sinadya talaga niya doon.

Sumakay na siya sa bumukas na elevator dahil nasa third floor ang apartment ni Castle, nang bumukas ang elevator ay mabilis na rin siyang lumabas at naglakad patungo sa room 314. After a year ay makikita, makakausap na niya ng harapan, mayayakap at makakasama na uli niya ang binata, maiyak-iyak din siya sa sobrang pagka-miss dito.

Nang makatapat siya sa apartment ni Castle ay mabilis na siyang nag-doorbell at inihanda ang kanyang mga ngiti ngunit unti-unting napawi ang mga ngiti niya nang isang maganda at sexy at half American girl ang nagbukas sa kanya ng pintuan. Kumabog at kumirot ang puso niya at animo'y nagfla-flashback na naman ang lahat nang nangyari sa kanya sa nakaraan.

Niloloko din niya ako? Naiiyak na tanong niya sa sarili. Palaban siyang babae ngunit nang mga sandaling 'yon ay tila pinanghinaan nang husto ang kanyang kalooban at ng kanyang katawan dahil sa nalaman. Nang mga sandalin ring 'yon ay gusto na lamang niyang magtatakbo paalis sa lugar na 'yon. Sumakit nang husto puso niya—'yong tipong unti-unti nang nawawasak dahil sa natuklasan.

"Yes?" nagtatakang tanong ng babae dahil nakatingin lang siya dito.

Ayaw na niyang makita si Castle, wala siyang lakas ng loob na makita ito at makita siya nito na lubos na nasasaktan. Basta ang gusto lang niya sa mga sandaling ito ay makalayo na sa lugar at saka na lang siya makikipag-usap sa lalaki tungkol sa nangyari ito at sa pakikipaghiwalay. Masakit man pero oo, makikipaghiwalay siya dito kung mas masaya ito sa babaeng kasama nito.

"N-Nothing." Nabubulol na sabi niya saka na siya tumalikod sa babae at nagmamadaling naglakad papunta sa elevator, nakakairita pa dahil iisang elevator lang ang mayroon sa three storey building at kung kailan siya nagmamadali ay saka naman nagtatagal ang elevator.

Napapunas siya sa kanyang mga mata dahil tuluyan nang nahulog ang mga luhang pigil na pigil niyang tumulo. Ito ang unang beses niyang iiyak sa isang lalaki dahil ni kailanman sa mga naging ex niya ay hindi siya umiyak, marahil ay dahil hindi talaga niya minahal nang husto ang mga 'yon at kay Castle pa lang siya tinamaan nang gano'n katindi.

Nang bumukas ang elevator ay akmang papasok na siya sa loob nang makita niya kung sino ang laman niyon, it was Castle na may bitbit na mga grocery items na marahil ay ito ang nag-boluntaryong mag-grocery para sa pagkain nila ng babaeng kasama nito sa apartment.

Napatulala ito at napakurap-kurap nang makita siya at animo'y hindi makapaniwala na nakikita siya nito hanggang sa nabitawan na nito ang mga bitbit na grocery items.

"R-Reyna?" hindi makapaniwalang sabi nito at akmang lalapitan siya nito ay mabilis an siyang naglakad at tinungo ang exit door pababa sa hagdan ay ayaw na muna niyang kausapin ang lalaki. Masakit na masakit pa ang puso niya. Kahit may kabigatan ang bag niya ay mabilis pa rin siyang nakababa sa hagdan ngunit nagulat siya nang mas mabilis na bumaba si Castle at naharangan na siya. "W-What are you doing here?" anito.

"Bakit? Hindi ba ako pwedeng pumunta dito?" tanong niya saka niya nilagpasan ang lalaki. Ngunit mabilis uling nakaharang ang binata sa harapan niya.

"I was just surprised to see you here!" masayang sabi nito saka siya niyakap nang mahigpit na mahigpit at naramdaman pa niyang humalik ito sa kanyang ulo ngunit mabilis din siyang kumalas sa lalaki.

"Pero mas na-surpresa ako sa nakita ko, Castle." Aniya at muli na namang naglandasan ang luha sa magkabilang pinsgi niya, na ikinabahala nito.

"Why, babe?" nag-aalalang tanong nito saka pinunas ang luha sa mga mata niya. "What happened?" anito saka muli siyang ikinulong sa mga bisig nito. "I've missed you so so much." Anito.

"Do you really love me, Castle?" tanong niya.

Kumalas ito sa pagkakayap sa kanya. "So much." Sagot nito.

"Then, who was that girl? Sino ang babaeng nasa loob ng apartment mo?" umiiyak na tanong niya. "You know I hate liars and cheaters, but you—"

"Wait!" mabilis itong nagtaas ng dalawang kamay. "Sino'ng babae ang sinasabi mo? I don't have any girl friends here bukod sa mga co-models ko. Nakikipag-usap ako sa mga kapitbahay ko pero hindi ko pa sila close friends." Anito.

"Eh, sino ba 'yong babaeng nasa loob ng apartment mo?"

"Loob ng apartment ko?" kunot-noong tanong ito saka nanlaki ang mga mata nito. "Tinataasan ako ng mga balahibo sa sinasabi mo, e, sino'ng babae ba ang sinasabi mo? Teka, ano'ng apartment ba ang kinatok mo?" tanong nito.

"'Di ba ang sabi mo sa room 314 ka?" aniya, saka siya nagpunas ng luha sa kanyang mga mata.

"Room 314?" tanong nito saka ito napangiti nang tila may napagtanto ito, saka siya kinabig at muling niyakap. "Babe, sa room 319 ako sa pinakadulong bahagi ng third floor." Bulong nito sa kanya. "At wala akong kasamang babae doon unless may white lady. At talagang makakakita ka ng babae sa room 314 dahil may nakatira doong mag-asawa." Nakangiting sabi nito, na ikinalaki ng kanyang mga mata—at pakiramdam din niya ay pulang-pula na nag mukha niya sa kahihiyan.

"H-Hindi mo 'yon babae?" pag-uulit niya.

Kumalas ito sa pagkakayap sa kanya at hindi napigilang matawa. "Bakit pa ako kailangang maghanap nang iba kung sa 'yo pa lang buo na ako?" nakangiting sabi nito saka siya mabilis hinalikan sa kanyang mga labi. "Wala akong ibang babae at wala akong balak na maghanap ng ibang babae dahil nasa akin na ang Reyna, maghahanap pa ba ako ng iba?"

"Totoo?" naiiyak na naman niyang sabi, tumango naman ito at tipid na ngumiti. "Sorry na, hindi naman sa wala akong tiwala sa 'yo pero nakailang beses na kasi akong nasaktan dahil sa parehong pangyayari at ayoko nang maulit pa 'yon uli." Aniya.

Tumango-tango ito. "I understand," ani Castle saka nito kinuha ang kamay niya para itapat sa puso nito. "Pero maniwala ka sa akin, sa puso ko ay nag-iisa ka lang at wala nang space para sa ibang babae. Mahal na mahal kita at masyado kitang mahal para ipagpalit lang sa iba. I value and treasure you so much because I love you."

Hindi na niya napigilang ma-touch sa sinabi nito. "I love you din, sobra." Aniya.

Napangiti ito at hinaplos ang kanyang pinsgi. "Always bear in mind that you're my true love, forever love and the queen of my heart."

Napangiti siya sinabi nito at mabilis na tumingkayad para halikan ito sa noo. "At hindi lahat ng reyna ay para sa hari dahil minsan ay para sa isang magiting na mandirigma. At ang reyna'ng ito na nasa harapan mo ay gustong manirahan sa isang castle kasama ang magiting na mandirigmang mahal niya."

"At masayang-masaya ang magiting na mandirigma dahil pinili siya ng reyna." Anito, saka ito yumukod at hinalikan ang ibabaw ng kanyang kamay. Napangiti na lang silang dalawa sa matatalinhagang pinagsasasabi nila.

"Oops, 'yong gr-in-ocery mo, nasa loob pa rin ng elevator baka kinuha na 'yon ng iba!" aniya.

Ngumiti ito. "Hindi nila kukunin ang hindi sa kanila at strict rules 'yon dito sa apartment." Nakangiting sabi nito saka uli ito yumakap sa kanya nang mahigpit. "Akala ko in five months pa kita makikita pero na-surpresa mo talaga ako."

"Miss na miss na kasi kita pati sina mommy at daddy kaya para ma-relieve ang sadness, kailangan ko kayong makita lahat." nakangiting sabi niya. "Pinapa-kumusta ka din pala ng pamilya mo," kumalas siya saglit sa pagkakayakap nito at hinalikan ito sa pinsgi. "At inihalik ko na ang tatay mo sa 'yo." Aniya. Natawa naman ito sa ginawa niya.

"Alam mo bang nag-off ako ng two days sa part time ko at sa modeling ko para dalawin ang parents mo sa Los Angeles? Pinag-aaralan ko na nga 'yong mga specialties ni Nanay para maipagluto ko ang parents mo." Nakangiting imporma nito sa kanya. "At hindi ko nasasabi sa 'yo na nakaka-skype ko din ang parents mo every weekends after nating mag-skype. Ipina-sikreto ko muna sa parents mo para masurpresa ka kapag nagkakilala na kami, e, close na agad kami." Nakangiting sabi nito.

"Ah, ang daya!" tuwang-tuwang sabi niya.

"Kailangan kong maging workaholic para sa pamilya ko at sa future nating dalawa." Anito at ngumiti at kinilig naman siya. "Buti naman at ang workaholic boss ay nag-leave sa work?" kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at kinuha nito ang backpack niya at ito ang nagdala niyon saka siya hinawakan sa kamay para igiya sa apartment nito, pagkatapos nilang kunin ang grocery items na naiwan sa elevator. "So, kumusta na?" nakangiting tanong nito.

"Okay naman ako," natatawang sabi niya, para kasing hindi naman sila magka-skype everyday, e. "Ikaw?"

Tumawa din ito. "Ito, in love na in love na in love pa din sa 'yo." Masayang sabi nito. saka siya mabilis kinintalan ng halik sa kanyang sentido.

Kinilig na naman uli siya. "Ngapala, maayos naman lagi ang pakiramdam ng tatay mo, masayang-masaya kasi siya dahil proud na proud siya sa inyo ni Chasen kasama na ang chef na si tita Cecilia." Aniya.

Ngumiti si Castle. "Salamat sa pagsama sa kanila every check up nila, ah, ikaw talaga ang guardian angel namin, e." nakangiting sabi nito.

"Para na rin silang pamilya sa akin."

"At pamilya ka na rin sa amin." Sagot naman nito.

"Ano'ng lulutuin mo para sa lunch natin?" mayamaya ay tanong niya.

"Eh, di adobong manok at chopseuy."

Kumislap ang kanyang mga mata. "Paborito ko!"

"Dapat e, ipo-post ko ang mga niluto ko sa FB mamaya kapag nag-chat tayo para matakam ka, kaso nandito ka pala," nakangiting sabi nito.

"At nakatadhana talagang matikman ko ang mga luto mo." Nakangiting sabi niya. "I'll be staying here with you at sa free time mo at sabay nating dadalawin uli ang pamilya ko para pormal ka na nilang makilala." Aniya.

Nasiyahan naman ito sa kanyang sinabi. "Yay! Bigla yata akong kinabahan pero syempre mas excited ako."

"Road to forever?" nakangiting tanong niya sa lalaki.

"Road to forever and ever till infinity and beyond!" malakas na sigaw ni Castle, saka nito initaas ang magkasugpong nilang mga kamay, nagkatawanan na lang sila nang makarating sila sa third floor ay halos magsilabasan pala ang mga tao sa kani-kanyang kuwarto dahil sa malakas na pagsigaw ni Castle kanina. Nagkatinginan na lang sila at lihim na nagkatawanan.

At the touch of love, everybody becomes a poet, blissful, corny at the same time. And the things you didn't expect you to become.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

6.1M 84K 86
Paano kung may biglang kumatok na artista sa pintuan ng bahay mo, at sinabing siya ang ASAWA mo. Maiinis ka ba? Maguguluhan? o maiinlove? :">. NO...
63.7K 996 11
Paano kung sa isang iglap, magbago ang nakasanayan mo ng buhay? Forcing you to do what you don't really wanna do, and making you to be someone you're...