A Rebel Heart (#1)

By parachutelemon

17.8K 591 152

What does it take to change a rebel heart? #AHS1 More

GENERAL DISCLAIMER
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
WAKAS

Kabanata 44

251 8 3
By parachutelemon

Kabanata 44

Nilibot ko ang paningin sa buong opisina ni Kuya Stratus. Malawak ito at nasa pinakataas ng building kaya overlooking ang buong siyudad. Kakadating ko lang ng Manila at sinundo ako ng iilan sa mga tauhan niya sa airport. I looked like a criminal habang naglalakad palabas ng airport dahil mga lampas yata sila sa sampu na nakabuntot sa akin hanggang sa makarating dito sa office niya.

Naglakad lakad ako sa harap ng kanyang malaking mesa at tiningnan ang iilang mga files na nakapatong doon at agad ding tumigil dahil wala akong maintindihan.

Napalingon ako sa pintuan nang pumasok ang isang babae na naka-pencil cut skirt at puting polo na nakatupi hanggang siko. She smiled at me.

"Good morning Attorney Heanndra. Kukunin ko lang po ang files sa mesa ni Sir Stratus." Paalam niya sa akin kaya tumango ako at ngumiti din sa kanya.

Tumabi ako sa harap ng mesa at nilahad sa kanya ang mesa.

"Go ahead." I said.

Tumango siya sa akin at naglakad papalapit sa mesa. Binuklat niya ang iilang folders doon at nang mahanap ang nais ay agad siyang humarap sa akin.

"Papunta na po si Sir Stratus, Attorney." Sabi niya kaya tumango ako at sinundan siya ng tingin na lumabas ng opisina.

Where the hell did Kuya Stratus go anyway? Umupo ako sa malaking swivel chair niya at ginalaw ang pendulum swing na naka-display sa kanyang table. Sinundan ko ng tingin ang bead na tumatama sa isa pang bead.

Napatigil ako sa pagtingin doon nang bumukas ang pintuan at nakita si Kuya Stratus na pumasok. His stance is so stiff na para bang laging handa sa ano mang masama na mangyayari.

Dumapo ang tingin ko sa balbas niya sa kanya mukha. He looks more old with his beard on. Kumunot ang noo niya sa akin at lumipat iyon sa pendulum swing na gumagalaw.

"Kanina ka pa? I'm sorry may pinuntahan ako." Malalim na boses niya at isinara ang pintuan. He removed his leather jacket at isinabit iyon sa standee na nasa gilid lang ng pintuan. Tumayo ako sa swivel chair at lumipat sa sofa na nasa harap ng kanyang mesa.

"Not really. I'm just here because gusto kong mag-paalam na hindi muna ako uuwi sa condo mo mamayang gabi. I'll be with Sarah and Kaz." Sagot ko na tinapik ang dalang maleta sa gilid ko.

Umupo siya sa kanyang swivel chair at tumango sa akin.

"Ayaw mo mag hotel?" He asked pagkatapos ng iilang sandali na katahimikan.

Iyon ang naisip ko kanina habang nasa eroplano but Sarah suggested na sa kanya na lang ako matutulog dahil siya lang naman daw mag-isa ang nandoon sa condo niya. Plus, we will go clubbing. later at kapag malasing ako mamaya for sure hindi ako pababayaan ni Sarah, lalo na si Kaz.

"It's okay. I'm just gonna sleep with Sarah." Kibit balikat ko.

"Just bring the necessary things you'd like to use at iwan mo na lang ang iba dito. Uuwi na ako bukas sa Stefanina, ako na ang magdadala." He said kaya tumango ako.

"I'm also staying hanggang sa Saturday para sa exhibit ni Quest."

Tumango siya sa akin habang may binabasa na folder sa mesa.

"I've got an invite also but I can't come. I'll just send someone to bid for her paintings." Aniya kaya nagkibit balikat na lang ako.

Pagkatapos noon ay lumabas kaming dalawa ni Kuya Stratus at kumain ng breakfast sa baba. Hinatid niya ako sa condo ni Sarah sa Taguig at agad na nagpaalam.

"Be careful with medias, Heanndra. You are not an ordinary person. Sikat ka dito sa Pilipinas because of your rising company and your modeling career." Pagpapa-alala ni Kuya Stratus sa akin kaya umirap ako.

I know that. Kaya nga nagsuot ako ng fedora hat para hindi ako makilala ng karamihan dito at ayaw ko rin na mag hotel dahil alam kong hindi ako makakagalaw ng maayos kapag inaabangan ako ng media sa labas.

"Sars? Nandito na ako sa looby. Sunduin mo na ako."

Agad kong narinig ang matinis na tili sa kabilang linya kaya natawa ako at binaba na ang tawag. Umupo ako sa sofa ng lobby at pinagmamasdan ang iilang tao na pumapasok at lumalabas sa malaking building na ito.

Agad na nalipat ang tingin ko sa ingay na nasa labas ng entrance ng building. Hindi medyo kita sa pwesto ko but there are some reporters na nagkukumpulan habang sinusundan ang isang babae na naglalakad papasok ng lobby. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan iyon.

A tall lady then entered the crystal door. Maalon ang medyo blonde na buhok. She's wearing a white classy jumpsuit and a black high heels. Maputi, kaya naman kita ang make up na nasa mukha niya. She walks like a pro model in a runway habang may dalang clutch bag. She didn't mind the reporters as if sanay na siya sa mga ito.

"Miss Samantha! Miss Samantha!" Kaway noong mga reporters para bumaling ang babae sa kanila ng tingin.

I raised my eyebrows as the girl turned to them at tumigil sa paglalakad sa gitna ng lobby. Samantha Gayson? So this is her?

Halos marinig ko na ang boses ni Kaz na nagsabi noon na maliit lang ang mundo at magkikita-kita rin kaming lahat dito. Sobrang liit ba talaga at nandito rin siya sa building kung nasaan ang condo ni Sarah?

Of course, this building is one of the best and famous buildings here in Taguig.

"Miss Samantha, are you gonna walk for Attila's Summer Collection Runway?" Tanong noong isang reporter. Samantha smiled and a flash of camera can be seen everywhere near her.

Napataas ako ng kilay. Someone offered me to walk in that runway too but I declined it since ayaw ko na talagang umuwi dito sa Pilipinas. But damn hell, look at me now kung nasaan ako? Manila, Philippines.

"Yes of course I will. What kind of question is that!" Gulat na sabi ni Samantha at tumawa.

Napataas ako ng kilay. She's a freakin model? Okay, halata naman iyon sa buong appearance niya. May condo unit din kaya siya dito? Or she's just visiting someone here? Napakagat ako ng labi sa iniisip at agad na tinapon iyon.

"Will your boyfriend be there also and watch you walk?" Tanong noong isa pang taga-media. Tumawa si Samantha na parang kinikilig at tumango tango.

"Captain Colston will be there? Hindi ba naka-duty siya ngayon?" Another one asked her.

"Yes he is but he will be home by the time of the fashion show." Nakangiti na wika ni Samantha.

I can't stand hearing everything kaya naman napairap ako. Sinulyapan ko ang malaking orasan sa looby at nakitang twelve minutes na ang lumipas.

Where the hell is Sarah?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at padabog na kinuha ang maleta ko sa gilid. I stopped from pulling it when I heard a loud crack of a thing that's been broken. Tiningnan ko iyon at nakita na nahulog sa sahig at nabasag ang isang maliit na vase na nakatungtong kanina sa maliit na mesa sa gilid ng sofa.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Binitawan ko ang hawakan ng maleta at kagat labi na tingnan ang tao sa paligid. Nanlamig ako nang makita na sa akin nakatuon ang tingin ng lahat maging si Samantha. She looks stunned nang makita ako.

Some reporters then moved and flocked in front of me.

"Attorney Henzon of Zeal?" Tanong noong isa na mukhang hindi pa sigurado. A flash of camera is all over. Nag-ingay ang buong paligid at napako ako sa kinatatayuan ko.

Tiningnan ko ulit si Samantha pero natabunan na siya ng iilang mga media sa harap ko.

Okay. Relax Heanndra. Just answer the damn questions and then leave.

"Ah yes." Simple na sagot ko at ngumiti sa kanilang lahat.

"I heard that Zeal construction here in the Philippines is still on going. Is it the reason why you're here in Manila?" Tanong noong mas bata na taga media.

Kumunot ang noo ko at nag-isip ng sasabihin.

"Yes you're right and I'm also here to attend my brother's wedding next month."

"You're not here to walk for Attila's collection?" Tanong ulit ng parehong taga media.

Someone offered me that. They even want me to be the final walk of the runway but I freaking declined it.

Gusto kong sabihin iyon but let's stick to the right answer.

"No, I am not. I'm sorry but I have to go." I tried to sound disappointed and malungkot at agad na hinila ang maleta ko papasok sa elevator. Iginala ko ang paningin sa paligid at nakita na wala na si Samantha sa kahit saan.

Mabuti na lang at ako lang mag-isa sa elevator hanggang sa makarating ako sa floor na sinabi ni Sarah sa akin noon. Tahimik ang hallway kaya mabilis akong naglakad at hinanap ang number ng unit ni Sarah. Nang makita ay agad kong kinatok iyon.

Fuck you Sarah. You're so dead to me!

Ilang sandali at bumukas iyon at bumulaga sa akin si Sarah na naka bathrobe pa at nagto-toothbrush. Natigil siya sa pagto-tootbrush nang makita ako.

"Oh my God! Heanndra!" Sigaw niya sa akin kaya natawa ako at nakalimutan na dapat pala ay galit ako sa kanya dahil pinaghintay niya ako sa looby.

"Come in! Come in!" Sigaw niya sa akin kaya umirap ako at pumasok na sa loob.

Her condo is in a minimalist design. Malawak ito overlooking din sa siyudad. Sinulyapan ko siya na nasa sink at tinatapos ang pagto-tootbrush.
Tingnan mo ito. Hindi pa pala nakahibis at talagang pinaghintay ako sa looby ng ilang minuto.

"Bakit ang tagal mong bumaba? I almost got drowned because of the media asking me irrelevant questions." Iritado kong tanong at umupo sa bean bag na nasa mini living room niya. I will call this mini dahil may mas malaki pang living room sa kabilang side.

"Matagal? God, Heanndra. I told you to wait for thirty minutes. Tingnan mo nga kung naka-thirty minutes na?" Natatawa na tanong niya at pumasok sa kwarto niya kaya tumayo ako at sumunod sa kanya. Pati itong kwarto niya ay minimalist style din.

"May media sa baba? Bakit?" Dugtong na tanong niya sa akin. Binuksan niya ang kanyang cabinet at naghanap doon nang maisusuot na damit.

"Hindi mo sinabi na dito pala nakatira si Samantha Gayson? Siya ang pinagkakaguluhan ng media at nadamay lang ako." I said at pinagmamasdan siya na naka-bra at panty lang sa harap ko habang nagbibibis.

"Samantha? She's not living here. Wala iyong condo unit dito but Clicko has one here." Tuloy tuloy na sabi niya kaya nalaglag ang panga ko.

From what I've heard on duty si Clicko ngayon? Samantha is here because Clicko has a condo unit here? Are they living together?

She didn't even say that to me, na may condo unit din pala si Clicko dito! Kung alam ko lang, edi sana kay Kuya Stratus na lang ako tumuloy or di kaya nag-hotel na lang ako.

Damn it, Heanndra! Eh ano naman ngayon kung may condo unit siya dito? For God's sake he's living with someone already! Baka nga may nangyayari na sa kanilang dalawa eh.

"Magpahinga ka muna ngayon. Mamayang gabi na tayo lalabas kasama sina Kaz." She said at hinila ako palabas ng kwarto.

Gusto niya na magpahinga ako pero pinalabas niya ako sa kwarto niya. Napairap ako sa sinabi niya na gusto niya na magpahinga ako. Alam ko kung ano ibig sabihin niya doon. Her definition of pahinga is mag-kwentuhan kami hanggang sa magsawa at doon pa lang mangyayari ang tunay na pahinga.

Okay sige. Pagbibigyan ko siya ngayon dahil na miss ko naman talaga na makipagkwentuhan sa kanya. We have a lot of catching up to do.

Sinundan ko siya sa kusina na may kinuhang mga pagkain sa refrigerator at nilapag iyon sa counter top. Umupo ako doon at nakapangalumbaba na pinagmasdan siya na nilalagay ang pan sa isang induction cooker.

"Fries? Really Sars? Papakainin mo ako ng fries?" Tanong ko kaya nilingon niya ako at tumawa.

"Hindi noh. Papunta na dito si Kaz at Felly may dala iyon na mga pagkain. For now, ito na lang muna ang ipapakain ko sa'yo. Hindi pa kasi ako nakakapag-grocery."  She said at nag peace sign pa sa akin.

Oh? Pupunta pala si Kaz at Felly dito? I thought mamaya pa kami magkikita-kita sa plano nilang mag clubbing? Kung ako ang masusunod I would prefer a sleep over dahil sawa na ako pumunta sa mga clubs pero ayaw ko naman maging killjoy sa mga trip ng kaibigan ko kaya sige, go na lang.

Saktong naluto ang fries ni Sarah dumating naman sina Felly at Kaz na may dalang sandamakmak na pagkain. Hindi pa sila nakuntento at nagpadeliver pa sa tatlong fast-food chains. Bakit ang patay gutom nilang tatlo? Tataba yata ako kapag sila ang kasama ko eh.

"You know Dex, hindi mo naman kailangan na habulin iyong leche na ex girlfriend mo. You're a great chief sa isang sikat na hotel sa buong mundo! Heck, maraming magkakarandapa sa'yo kapag nalaman nila na single ka na ulit!" Pumalakpak si Sarah habang kumakain ng chicken thigh at kinakausap si Dexter sa laptop.

Nasa Abu Dhabi siya ngayon at isang chief sa sikat na hotel doon. Tumawag siya account ni Sarah sa Skype dahil nakipag-break daw sa kanya iyong girlfriend niya na tinangay ang ipon nilang dalawa ni Dexter na technically, si Dexter naman lahat ang nagbibigay.

Stupid bitch! Gwapo naman ang kaibigan namin, magaling din magluto, mapera at may magandang trabaho. Plus, he's friends with us. Kapag nahanap ko ang babaeng iyon, I'll make her suffer in any way that I can.

"Sarah, he's not after the girl. He's after the money kasi nga tinangay ni Monica ang pera niya." Mahinahon na paliwanag ni Kaz at umupo na din sa tabi ni Sarah at malungkot na tiningnan ang screen ng laptop.

"Uwi ka na dito. Tayo na lang dalawa." Mapang-asar na sabi ko kaya sabay akong nilingon ni Kazandra at Sarah sa likod. Tumawa si Dexter sa screen at ginulo ang mahabang buhok.

"What? Ayaw niyo? Who would dare reject me?!" Natatawa na tanong ko. Lumapit si Felly sa akin at tumayo din sa tabi ko. Inakbayan niya ako at tumingin din sa screen.

"No one of course! Sino ba naman ang aayaw sa'yo? Heanndra Gamora Henzon. CEO ng Zeal, a lawyer and a freaking model!" Pahisterya na sigaw ni Felly na nakaakbay pa rin sa akin. Ngumisi ako at nakipag-fist bump sa kanya.

"Tsss. You're not my type Heanndra. Sige na, I have work. Ibaba ko na." Naiinis na sabi ni Dexter at walang pagdadalawang isip na pinatay ang tawag.

What the heck?

"Ayan tuloy! Biniro mo kasi! Dapat kino-comfort natin iyon eh!" Sabi ni Sarah at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa.

Tinuro niya ako at ngumiwi sa akin. I raised my eyebrows kaya tumawa si Felly sa akin ay nagkibit balikat na lang.

"I saw Samantha Gayson sa lobby kanina. Bakit iyon nandito? May unit din?" Basag ni Kazandra sa katahimikan habang nag-aayos kami sa lakad mamaya.

"Mukhang wala naman. Siguro iyong unit ni Clicko ang pinupuntahan niya dito." Wala sa sariling sagot ni Sarah habang nilalagyan ng eyeliner ang mata. Tumigil ako sa pag-lalagay ng blush on at nilingon si Felly na tumatawa na sa akin.

What?

"Shit. I'm sorry Heanndra." Mura ni Kaz nang marealize na hindi dapat nila pinag-uusapan ang current love life ni Clicko sa harap ko. When infact, I really don't care.

"No it's okay. I saw Samantha also, kanina bago ako umakyat dito sa unit ni Sarah." Sagot ko at inayos ang lipstick sa bibig.

"You know what? Wala naman talagang confirmation na sila ni Clicko eh." Dugtong ni Kaz na para bang bumabawi sa akin doon sa feeling niya ay mali na pag open ng topic tungkol kay Clicko.

Napaisip ako. I really don't give a damn kung totoo man na sila o hindi.

"I agree on that. Siguro na pagkakamalan lang na sila kasi halos sila naman ang magkasama sa mga elite parties dito sa Manila at isa ibang bansa." Sagot ni Felly kaya tumango ako.

Good for them. Siguro sila na nga.

"Hindi din. May isang event ako na dinaluhan na nandoon din si Clicko kasama iyong pinsan niyang si Nicollo. Sila lang dalawa ang magkasama at wala silang kadate na dalawa!" Pasigaw na kwento ni Sarah at napatigil ako sa pag-aayos.

Pinsan? Nicollo and Clicko are cousins? Paano nangyari iyon?

"Pinsan ni Clicko si Nicollo?" Nagtatakang tanong ko. Sarah nodded at tuluyan na akong tumigil sa pag-aayos at hinarap siya.

"How did that happened? Walang kamag-anak sina Clicko sa Stefanina." Deklara ko. Nanlaki ang mga mata ni Sarah.

"You didn't know?" She asked confused. Napakurap kurap ako at napalunok.

Anong hindi ko alam?

"Know that what?" Nanghihina na tanong ko.

"Right before you left nalaman ni Clicko na anak sa labas ng Lolo ni Nicollo iyong mama niya. Ang kwento ni mommy sa akin noon, nagkaroon daw ng kabit iyong si Don Bian na taga nayon at nabuntis. Syempre ayaw masira ni Don Bian ang reputasyon niya sa madla kaya itinago niya ang babae na iyon. Isa sa sikat na pamilya ang mga Gomez kaya agad na kumalat iyong balita tungkol sa nabuntis na babae."

"Iyong asawa ni Don Bian na si Donya Wilma ay inutusan ang mga tauhan niya na patayin iyong babae na taga nayon but eventually, the lady escaped at napunta sa gubat kasama ang anak nila na iyon ang nanay ni Clicko."

"Nagtaka nga daw iyong mga anak ni Don Bian noong namatay siya dahil may ibinilin siya sa kanyang last will and testament sa isang babae namely Mariana Gomez, Clicko's mom. Her name is Cecilia, that's the name given to her by the one na nagpalaki sa kanya." Kwento ni Sarah at halos mapaupo sa mga namalan.

What the hell that happened before? How come wala akong narinig na kahit na ano sa mga kapatid ko? Kanila Quinn, Nixon at Lyrra? Sa mga pinsan ko?

"So technically speaking, Clicko and Martin Colston are both Gomez by blood at iyong pamana na dapat sa ina nila ay napunta sa kanila ni Martin."

That's it? All this time nasa Stefanina lang pala ang tunay na pamilya ng nanay niya?

"Biglang yaman sila kung ganoon? So that's why Samantha is clinging on Clicko?" Tanong ni Felly na kinukulot ang buhok.

"Samantha is Clicko's ex girlfriend." Diin ko at napakagat sa labi dahil nahuli ko ang pagtaas ni Sarah ng kilay sa akin.

"Oh? So that's why. Anyway, Samantha is everywhere because she's a famous supermodel. Baka nga mamaya makita pa natin iyon sa mga bars na pupuntahan natin eh." Sabi ni Kazandra na pagkatapos maglagay ng lipstick ay ngumiti sa salamin. She purses her lips and made a loud smack using her lips.

"Let's go." She said at naglakad palabas ng closet ni Sarah. Felly slapped her butt nang dumaan siya sa harap nito.

"Buti pinayagan ka ni Ezra!" Natatawa na sigaw ni Felly kay Kazandra na nasa labas na ng closet. Tumawa silang lahat at agad na kaming tumulak palabas.

Felly parked the car sa isang sikat na rave bar dito sa Taguig. The name of the bar was engraved at the top of the building in gold letters. Ang ingay sa loob ay agad na bumasag sa tenga ko. Napatili ako nang hilahin ako ni Sarah sa loob. Laser lights and fog enveloped the whole place.

Agad na humalo sa tao sina Sarah at Felly at nakipag-kamustahan sa mga kakilala na nakikita sa loob. Hinila naman ako ni Kaz sa gilid at sabay na umupo sa isang malapad na black sofa. Nagtawag ng boy si Kaz at agad na kumuha ng illang orders. I am not very familiar with this place dahil hindi naman ako palagi na puma-party ng ganito sa Manila. Sa, America siguro kasama ko naman palagi si Neil at iyong mga kaibigan niya.

"Heanndra, let's dance!" Sigaw ni Sarah sa akin dahil sa lakas ng music sa loob. I smiled at hee at nagpahila sa kanya sa dancefloor. Nilingon ko si Kaz sa sofa at nag thumbs up naman siya sa akin.

Humalo kami ni Sarah sa iilang mga tao at sumayaw sa tugtog. I travel my hands all over my body while swaying my hips.

Tumawa si Sarah at ginaya ang ginawa ko. Nakita ko ang iilang grupo ng mga lalaki na papalapit na sa amin ngayon. Some were foreigners at iyong iba naman ay kilala kong mga sikat na TV personalities. This is nice.

"Hi! Viano Marquez!" Nakangiti na sabi noong isang lalaki sa akin at nilahad ang kamay para makipag-hand shake. Humina na ang sayaw ko at tinanggap ang kamay niya.

"Heanndra Henzon." Sabi at napalingon kay Sarah na sumasayaw na rin sa isang lalaki sa tabi ko.

Umiba ang music na pinapatugtog ng DJ at naramdaman ko na sumasayaw na ang laki sa gilid ko. Hinarap ko siya and grind on him. He bit his lip at hinawakan ako sa baywang at sinabayan ako sa pagsasayaw. He twirled me at nasa likod ko na siya. We danced at that position at agad ding tumigil noong napagod na.

I was about to go back sa sofa namin dahil hindi ko na mahanap si Sarah when Viano pulled me at hinila ako papalapit sa table nila.

Agad akong napaayos ng tayo at inayos ang dress nang nakita na nandoon si Samantha na nakikipag-usap sa isang babae. Naka red siya na tight fitting dress at maroon lipstick. Natigil silang lahat sa pag-uusap pati iyong ibang lalaki at natuon ang pansin sa amin.

"Guys, I want you to meet Heanndra Henzon." Pagpapakilala ni Viano sa akin.

Nakita ko ang pagtingin ng iilang lalaki sa akin mulo ulo hanggang paa at saka nag-uunahan na tumayo at naglahad ng kamay sa akin.

"Heanndra? The owner of Zeal? Nice to meet you I'm Kalibre." Pagpapakilala noong isang lalaki. Matangkad siya at may matangos na ilong. Mahahabang pilikmata and a tattoo in his right arm.

Ngumiti ako at tinanggap iyon. Another one lay their hand on me for a handshake. Pilit kong iniisip kong saan ko nga ba siya nakita because he looks familiar to me.

"Napoleon. Nice to meet you. I know your brother, Cirrus?" Nakangiti na tanong niya. I smiled at tinanggap iyong kamay niya.

Some of the ladies also ay ay nagpakilala rin sa akin except Samantha and the girl she's talking to.

"Viano, comfort room lang." Pagpapaalam ko sa kanya. Tumango siya sa akin kaya nagmamadali ako na naglakad sa nagkukumpulan na mga tao at hinanap ang comfort room ng club.

Mabuti na lang at malapad ang comfort room nila at malinis pa. Huminga ako ng malalim habang tinitingnan ang sarili sa salamin. My make up is still there at hindi naman nabura kahit medyo nabasa ako kanina sa dancefloor. Kinuha ko ang clutch bag ko at hinanap ang lipstick doon. Naglagay ako ng kaonti at inayos iyon gamit ang isang daliri.

Napalingon ako sa pintuan at napatigil sa pag-aayos ng lipstick nang makita si Samantha na pumasok sa loob. She smiled at me at nilapag din ang dalang clutch bag sa sink. Tiningnan ko siya ng ilang sandali bago pinagpatuloy ang pag-aayos sa lipstick.

"Nice to see you back here in the Philippines." She said while powdering her face. Napataas ako ng kilay at bumaling ulit ng tingin sa kanya.

Why is she even talking to me? Hindi naman kami magkakilala and I'm not planning on talking to her dahil alam ko na walang mangyayari na maganda kapag mag-uusap kaming dalawa.

"I'm sorry. I'm Samantha Gayson." Ngiti niya sa akin at naglahad ng kamay. I fake a smile at agad na umiling.

"Sorry. Tint." Sabi ko at nilahad ang kamay ko na may marka pa ng lipstick sa isang daliri.

She looks stunned na hindi ko tinggap iyong nilahad niyang kamay pero agad ding bumawi at nagpatuloy sa paglalagay ng lipstick sa labi.

"I'm Clicko's girlfriend by the way." She directly said.

I felt my chest hammered for a moment at agad natigilan sa pag-aayos ng buhok ko. I swallowed the lump in my throat and laughed a little.

Really? Kazandra said there is no confirmation about their relationship and now that it's really coming from her, I felt like I was betrayed because of Kazandra's wrong information. So? It's like a secret relationship?

"Really? Good for you." I said happily but ended up in sarcastic tone. Damn it, Heanndra.

"Nagkita na ba kayo?" She asked. Umiling ako sa kanya.

No we haven't met and I don't have plans on doing so.

"Oh yes. He's still on duty hanggang sa katapusan ng buwan. How silly of me. Ngayon ka lang nakauwi di ba?" She asked again.

Enough of this. Ayaw kong magpaka-plastic sa harap niya ngayong at makipag-usap na para bang ang close naming dalawa. And the hell I care if hindi pa nakauwi si Clicko. I'm not even asking so why the hell is she telling me this stupid informations!?

Tinapos ko ang pag-aayos at hinarap siya.

"Well, good luck to the both of you." I said at agad na naglakad sa hamba ng pintuan sa CR.

Oh, yes and before I forget.

"And oh, Samantha..." Pahabol ko.

Bumaling siya ng tingin sa akin at ngumiti. I also smiled at her pero agad ding binawi iyon habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.

"Send my regards to Clicko. Have a great night ahead." I said and smiled at her again.

I laughed nang makita na hindi ko na siya nakikitaan ng kasiyahan sa kanyang mukha. She looks pissed already.

I stormed out of the comfort room at nang makalayo ay napahawak na lang sa dibdib sa sobrang bilis ng tibok niyon.

Shit. Get your shits together, Heanndra!

Nang kumalma ay agad akong bumalik sa table nina Kazandra. Nakita ako ni Sarah at kumaway sa akin pero agad din niyang binaba ang kamay nang mapansin na hindi na ako makangiti sa kanya.

"What happened?" She asked panicking.

"Let's get the fuck out of here." Madiin na sabi ko sa kanya.

Dumating na rin sina Kazandra at Felly. They look at me confused pero wala na akong panahon magpaliwanag.

I need to get out of here.

"What's happening?" Tanong ni Felly na kay Sarah ang tingin at pero agad ding nilipat sa akin.

"Oh shit. Okay let's get the fuck out."

Deklara ni Sarah na nakapako ang tingin sa likod ko. Bago pa ako makalingon kung ano iyong nakita niya doon ay hinila na ako ni Kazandra palabas ng bar.

What was that?

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 148 56
CHARITY SERIES #3 Stella Sevilla, is a Hired Killer from a dark organization. She was one of the best asset and most overrated member of this organiz...
435K 31.3K 43
ပဲပြုတ်သည်ငပြူးနဲ့ ဆိုက်ကားဆရာငလူးတို့ရဲ့ story လေးတစ်ပုဒ်
443K 16.1K 192
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...
Alina By ihidethisapp

General Fiction

1.5M 37.3K 75
The Lombardi family is the most notorious group in the crime world. They rule both the American and Italian mafias and have many others bowing at the...