60 Seconds.

By golddreamer

5.5K 149 4

In just 60 seconds, you already caught my heart. Former: Until She's Gone More

00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
1 -- 1
12
13
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35 prt 1
35 part 2
36
37
38
39
40
Epilogue

14

124 2 0
By golddreamer

 

Alexis: I want to finish this as soon as possible bago mag pasukan :3 

 

 

 

--

 

"Anong dito ka matutulog?" sabi ko kay Sehun, anak ka kasi ng kalabaw, sinabi ba naman dito daw siya matutulog, tss. Porket close na sila ni mama dito na kaagad matutulog?! Swerte niya ah.

 

 

 

 

"Oo nga, tanungin mo pa mama mo! Tabi tayo ah" sabi niya at tumawa, anak nang! Napa death glare naman ako kay mama na kasalukuyang nakatingin saaming dalawa ni Sehun

 

 

 

 

"Ma! Totoo?!" tanong ko kay mama tapos tumango tango siya, psh. Napa face palm naman ako, isusumbong ko kayo kay papa! Ang sama nila, pinagtri-tripan nila ako, wala naman akong ginagawa sakanila ah, mga bully!

 

 

 

 

"Wala daw ang mga magulang niya sa bahay, kawawa naman siya anak, baka magutom sakanila! Hayaan mo na, hindi naman kayo magtatabi!" sabi ni mama saakin, tapos ako naka pout, pagbigyan niyo na ako kahit alam kong hindi ako cute, hahaha. Nakakaasar, kahit na hindi kami magkatabi nakakainis padin! Kung alam mo lang mama kung ano yung balak saakin nang lalaking yang!

 

 

 

 

"Hala! Ang sabi niyo po kanina tabi kami" sabi ni Sehun ang nagpacute sa nanay ko, binatukan ko nga, naasar na ako ah, tabi tabi siya diyan, dito siya sa sofa matutulog akala niya ba!

 

 

 

 

"Tabi mo mukha mo! Dito ka lang sa sofa noo!" sabi ko at nag walk out, pumasok na ako sa kwarto ko at nilock ang pinto mahirap na no, baka mamaya pasukin pa nila at ipagpilitan na matulog dito si Sehun, tsk tsk, bawal!

 

 

 

 

---

 

 

"Angel .. gising ka pa ba?" kakatapos ko lang mag wash at kakapalit ko lang nang pantulog nang may kumatok at nagsalitang bakulaw mula sa labas, psh. Ano nanaman kaya yun?

 

 

 

 

"Matutulog na ako, good night na!" sabi ko nang hindi binubuksan yung pinto, hayaan mo siya, baka mamaya pumasok pa dito eh, mahirap na, at isa pa wala na akong lakas para makipag kwentuhan pa sakanya, inaantok na ako, tinatawag na ako ng aking pinakamamahal na kama!

 

 

 

 

"Ahh, sige sige good night angel, matutulog na din ako .. sweet dreams!" sabi ni Sehun, hindi na ako sumagot, sumampa na ako sa kama ko at dali daling nahiga dahil sa kaantukan, haaayyy!

 

 

 

 

----

 

 

Kagigising ko lang, no. Actually nakapag tooth brush at nakapag hilamos na ako, hahaha. 

 

 

 

"Oh my gosh!" nagulat ako pagbukas ko kasi ng pinto nandito si Sehun sa labas natutulog, sa sahig, may unan lang siyang nakapatong sa ulo niya, bakit siya nandito?! Hala!

 

 

 

"S-sehunna?" sabi ko, lumuhod ako sa harapan niya at pinat ko ang pisnge niya para naman magising siya, nakonsensya tuloy ako kahit papano, kasi naman, sino ba kasing may sabi na dito siya matulog? Psh. Pabo!

 

 

 

"Hmm .. angel?" sabi ni Sehun, haayyy. 

 

 

 

"Anong ginagawa mo diyan Sehun? Nakatulog ka ba ng maayos? Huy! Pabo!" sabi ko sakanya, bakit ba kasi ang tanga niya?! Bakit naman siya dito natulog? May sofa kaya sa sala, hay! Tsk tsk

 

 

 

 

"Binantayan kita kagabi .. hmm" sabi niya habang nakapikit pa, seriously pano niya nagawa yun?

 

 

 

"H-ha? Teka nga, dun ka na nga lang sa kama ko matulog, tara na!" sabi ko sabay inangkay ko siya sa may balikat ko, para tuloy siyang lasing, tapos tinulak ko na siya sa kama, bagsak padin eh, puyat siguro to, psh. Pasaway kasi e

 

 

 

 

---

 

 

"Saan ba tayo pupunta?!" monday na ngayon at hila hila ko si Sehun sa hallway, kinalimutan ko na yung nangyari sa bahay at inutusan ko na din siya na huwag ipagkalat kung gusto niya pang makabalik dun, hahaha.

 

 

 

"Bastaaaa~!!!" sabi ko, ang kulit kasi tanong ng tanong, binge na ako kaka tanong niya, pasaway!

 

 

 

Takbo lang kami ng takbo dito sa hallway, kanina pa naman yung uwian kaya wala na masyadong tao na harang sa dinadaanan namin, hahahaha. May sorpresa kasi ako sakanya, may nalaman kasi ako tungkol sakanya at pakiramdam ko magugustuhan niya to, hahaha, well .. sana nga magustuhan niya

 

 

 

 

"Bilisan mo naman, kalalaki mong tao ang bagal bagal." sabi ko sakanya, ang bagal bagal kasing tumakbo, naeexcite na ako kahit hindi ko pa alam kung anong magiging reaction niya, whoo ..

 

 

 

 

"Tss, saan mo ba kasi ako dadalhin." bigla siyang tumigil, eh hila hila ko siya pero hinila niya ako pabalik dahil nga hawak ko siya, ang ending napaupo ako sa sahig, aray ah. Tss. Tinamad na tuloy akong puntahan yun, siya na nga isu-surprise ayaw pa, bwiset!

 

 

 

 

"Fvck! Angel ok ka lang?" nilapitan ako ni Sehun nung napa upo ako sa sahig, tapos tinatayo niya ako, psh. Gusto ko nang umuwi, nakakainis!

 

 

 

"Ok lang ako, lumayo ka sakin!" sabi ko sakanya nang maka tayo na ako, pinagpagan ko yung uniform ko, tinulak ko nga pala siya palayo sakin, psh. Naglakad na ako palayo sakanya, papalabas ng gate, uuwi nalang ako, nag search pa naman ako kagabi kung saan may malapit nun dito sa school tapos .. haayy! Nakaka stress!

 

 

 

 

"Angel! Saglit lang, sorry na!" si Sehun yun, hindi ko alam kung sumunod siya basta alam kong sumigaw siya, nakatalikod ako sakanya kaya hindi ko makita, wala din akong balak tignan pa, bahala siya sa buhay niya.

 

 

 

 

 

 

"Angeeelll~!!!" nagulat nalang ako nung may humawak sa balikat ko at hingal na hingal .. sino pa nga ba to?! Psh.

 

 

 

 

"S-sorry na, nagulat lang naman kasi ako, bigla ka nalang kasing nagyaya .. sorry." sabi niya at ngumiti, tae siya .. ako pa niloko niya, let the game begin then. 

 

 

 

 

"Dadalhin lang naman kita sa bubble tea shop na nakita ko." sabi ko at nag pout, nanlaki naman ang mata niya at hinawakan ang kamay ko

 

 

 

"Bubble tea ba kamo?" sabi ni Sehun, tumango tango naman ako

 

 

 

"T-Tara na, paborito ko yun!" sabi niya at hinila ako palabas ng school, sabi ko na nga ba, tsk.

 

 

 

---

 

(play the song on the side.) 

 

 

Ang cool nga sa shop na to, ang cute tignan tapos relaxing, kahit Justin Bieber pa yung tugtug, nakangiti naman si Sehun, idol niya ba si Bieber? Hahahahaha

 

 

 

"Idol mo ba si Justin?" tanong ko sakanya, magka holding hands kami nung pumasok sa shop, nakatayo padin kami, tinitignan kasi namin kung anong magandang orderin, ano kaya?!

 

 

 

"Pano mo nalaman?" sabi niya, ngumiti naman ako sakanya

 

 

 

"Enjoy na enjoy mo yung kanta eh, hahaha" sabi ko, pinisil niya naman yung ilong ko at hinalikan yung noo ko, nakakatakot tong taong to, yung mood niya deadly, hahaha

 

 

 

"Hmm .. ano bang gusto mong order?" tanong niya sakin, pumila na kami, medyo madami din tao, karamihan estudyante sa school namin, nakatingin nga sila saamin eh, mostly saakin at sa kamay naming dalawa, tinatry ko ngang bitawan pero mas hinihidpitan niya lang yung hawak niya sa kamay ko

 

 

 

"Uhm .. gusto ko taro" sabi ko sakanya, ngumiti naman siya sakin

 

 

 

"Parehas kayo ni Luhan hyung, ako gusto ko chocolate eh." sabi niya at inakbayan ako, binitawan niya na yung kamay ko, oo. Mas sinandal niya ako sakanya, I mean is nag lean ako sakanya ng kaunti, napatingala pa nga ako sakanya kasi sobrang tangkad niya, hinalikan niya lang ako sa noo

 

 

 

"Alam kong naririnig mo mga sinasabi nila.." sabi ni Sehun, binulungan niya ako na more like kiniss niya yung pisnge ko, hahaha. Narinig ko naman yung mga bulong bulungan ng mga tao, napa pout tuloy ako, ito kasing kasama ko, malandi.

 

 

 

 

"Huwag kang mag pout diyan, bahala ka, baka gusto mong manakaw ko first kiss mo." nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya, lokong to, daming balak, hahaha. Natawa naman siya sakin, kinabahan kaya ako dun, kung nanakawin niya man na huwag naman sana sa coffee shop este bubble tea shop talaga?!

 

 

 

"Ano ba, itigil mo nga yan!" sabi ko sakanya, ginulo niya naman yung buhok ko at nag order na since kami na pala yung mago-order, hindi ko napansin yun ah, ang bilis ata hahaha

 

 

 

---

 

 

"Ito na po ang chocolate at taro bubble tea niyo, enjoy po!" sabi nung waiter samin, ang bilis! Hahahaha, naka upo na kami ni Sehun dito sa taas, sa dulo nga kasi yung mga nasa unahang part puno na, pero mas maganda na din to, ayoko ng masyadong crowded.

 

 

 

 

"Thank you." sabi ko kay Sehun sabay ngiti, kumunot naman yung noo niya

 

 

 

"Para saan?" tanong niya sakin

 

 

"Sinamahan mo ko dito." sabi ko sakanya, ngumiti naman siya saakin

 

 

 

"Ikaw nga dapat kong pasalamatan, favorite ko kaya to!" sabi niya saakin at tumawa, ngumiti naman ako sakanya .. 

 

 

 

"Oo nga pala Sehun, m--may sasabihin ako sayo.." five .. four .. three .. two .. one. Ito na yun. 

 

 

 

 

 

 

 

"Hmm, ano yun?" tanong sakin ni Sehun, I smiled at him.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Tayo na." then his eyes became wide, and his smile.. well it's cute.

 

Continue Reading

You'll Also Like

52.5K 66 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
50.2K 1.5K 26
GXG
80.7K 2.4K 62
This story was all about the obsession of Miss Amora Ellie Jimenez to the girl she have taken.