The Death's Game [EDITING]

By AcediaMoon

20.2K 681 2.1K

The Death is playing with you~ More

Vida e Morte Game
Prologue [EDITED]
Players [edited]
Kabanata 1 (Part 1) [EDITED]
Kabanata 2 (Part 2)
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Epilogue
EXTRA LANG 'TO! NADAWIT LANG PO AKO! HAHA

Kabanata 16

285 18 38
By AcediaMoon

Kei's POV

Note: This is before Raffy burned the Earth Hunter's hiding place

Simula nung lumabas ang mga zombies, dalawa na agad ang namatay.

Nandito kami sa pinagtataguan namin, natatakot kaming lumabas dahil sa panganib na kakaharapin namin. Unti-unti na ring gumagaling ang sugat na natamo ni Scarlet dun sa unang inkwentro namin sa mga Red Killers.

Ilang araw palang kami sa loob ng laro pero pakiramdam ko, ilang buwan na kami dito. Ayoko nang makakita ng taong namamatay lalo na't sariwa pa sa isip ko kung pano namatay ang mga magulang ko, mga magulang namin ni Zed.

Totoong kambal kami, kahit konti ay may makikita kang pagkakahawig namin ng kambal ko, sa ugali ay talagang magkaiba kami. Di ko alam kung alin doon basta sa para sa akin ay di kami magkasundo at malabong magkakasundo pa kami.

"Sino nga pala si Shawn, Zed? Ngayon lang bumalik sa isip ko yang katanungan na yan." Tanong ni Scarlet na umagaw sa atensyon ko. Nakita ba nila si Shawn?

"Ah, siya ba?" Tamad na tugon nito at ginawang unan ang dalawang kamay. "Ewan ko? Itanong mo kay Keingkoy." Ayan na naman! Inaasar na naman niya ako. Kumuyom akin kamao na agad namang hinawakan ni Crystal kaya kumalma ako nang kaunti. Huminga muna ako ng malalim bago magkwento...

"Anim na taong gulang kami noon ni Zed…"

---Flashback---

"Kei, alagaan mo nang mabuti yang kakambal mo, alam mo namang masakitin iyan." Bilin sa akin ni nanay habang hinahaplos ang buhok naming dalawa ni Zed.

"Mama, maglalaro po kami dun kina lola." Paghingi ko ng permiso sa kanya. Pinayagan niya naman kami at hinila ko na si Zed.

Hindi naman ganun kalayo ang bahay ni lola sa bayan kaya nilakad lang namin ito ng kapatid ko. "Kuya, pagod na ako." Reklamo ni Zed at umupo at nagpout pa ito. "Pagod ka na agad? Dalawang bahay pa nga lang nalalampasan natin, pagod ka na?" Nakapamaywang pa ako habang sinisermonan siya.

"Eh kathi (kasi), uwaaaaaa! Ithuthumbong (isusumbong) kitakay mamaaaaa! waaaaa! Maaaa! Away ako ni Kuya Kei!" Naglakad na siya pabalik at kinukusot ang kanyang mga mata na basang-basa na sa luha.

"Oy Zed, ano ba naman yan..." Napakamot nalang ako ng ulo at hinarangan siya. "Sige na nga, sampa ka na sa likod ko." Labag man sa kalooban ko ay binuhat ko parin siya. Payat at magaan lang naman si Zed kaya di rin ako nahirapan at syempre mas matangkad ako sa kanya. Malapit na kami sa labasan ng bayan nang makasalubong namin si Ate Ysa.

Anak siya ng Mayor ng bayang ito. "Kei! Saan kayo pupunta?" Tanong niya sa'kin.

"Kina lola po." Magalang na sagot ko sa kanya at nginitian siya. "Ah, hatid ko na kayo, nakatulog na si Zed sa likod mo oh." Kinuha niya si Zed at kinarga sa kanyang mga bisig at isinandal ang ang ulo nito sa kanyang balikat. Dalawang taon lang ang tanda ni Ate sa amin pero para na siyang mama ko kung magsalita.

Tinawid namin ang tulay ng isang malinis na sapa. Kumikinang ito na parang diyamante dahil sa araw. "Nandito na tayo." Wika niya kaya nilingon ko direksyon ng bahay ng lolanamin.

Naglakad na kami papunta dun. Tamang-tama ang dating namin nangm akita naming nagluluto si lola. "Lola! Mano po." Nagmano ako kay lola at ganun na rin si Ate Ysa habang karga niya parin si Zed. "Napadalaw kayo, mga apo?" Wika ni lola at muling humarap sa niluluto niyang gulay.

"Maglalaro lang po kami dito lola, kaya lang nakatulog si Zed." Nakasimangot kong sabi at nilapat naman ni Ate si Zed sa higaan ni Lola sa taas. Magaling si Ate mag-alaga ng bata lalo na't may kapatid din siyang lalake at dalawang taon ang tanda namin doon.

Dahil sa maliit at kubo ang bahay ni lola, di masyadong mainit at malayang nakakapasok ang hangin. "Dito na kayo maghapunan mga apo. Magluluto ako ng kamote pang meryenda natin mamaya."Pumalakpak ako sa tuwa.

Gaya nga ng sinabi ni lola, nagluto siya ng kamote, pero di na ito naabutan ni Ate Ysa dahil sabik na siyang makita ang kapatid niya.

Matapos ang hapunan, nagpasya kaming umuwi na. Hinatid kami ni lola hanggang sa unang bahay papasok ng bayan.

Nakarinig kami ng putok ng baril sa di kalayuan at di nagtagal ay may nakabangga sa amin. Si Ate Ysa pala na umiiyak at natataranta. "KEI! ZED! Dito tayo magtago."Nagtago kami sa likod ng maraming bulaklak. Tatanungin ko sana siya nang tinakpan niya ang bibig ni Zed at sinenyasan akong tumahimik kaya tinakpan ko din ang bibig ko.

Di nagtagalay may narinig kaming mga yabag at lumabas sa gitnang ispasyo ng dalawang bahay ang mga nakaitim na mga lalake.

"Paparating na ang taong bayan at sigurado akong masisisi ang mga Young sa pagkamatay ng Mayor." Di ko man maintindihan ang sinasabi ng mga taong yun, ang tanging nasa isip ko ay ang umiiyak na si Ate Ysa. Lumabas kami sa pinagtataguan namin nang mawala na yung mga lalake. "Ate Ytha~ (ysa), bakit ka po umiiyak?" Tanong ng kapatid ko. Kahit magkaedad at kambal kami, bulol si Zed at bata talaga ang pag-iisip samantalang ako naman ay medyo may naiintidihan sa mundo ng matatanda.

"W-wala lang 'to. *sniff* Ang cute niyo kasi kaya napapaiyak si Ate. Hug niyo nga ako." Niyakap namin siya. Mayamaya pa ay nakarinig kami ng mga tumatakbong tao. "Ysa! Anak!" Niyakap si Ate ng Mama niya at hinagkan ng ilang beses ang noo niya.

"Dito ba dumaan ang mga Young?"

"OO!"

"Pamilya talaga sila ng mamamatay tao!"

"Kailangan na nating umaksyon kundi tayo ang unang mamamatay!"

"Patayin na sila't matigil ang kanilang masasamang gawain!"

"Putulin ang henerasyon ng mga assassin!"

Napapatakip ako ng tainga dahil sa ingay ng mga tao.

"T-teka! H-hindi po ang mga Young ang pumatay sa papa ko. Maniwala ho kayo. Wag niyo pong patayin ang pamilya ni Shawn. Wag niyo pong patayin si Shawn. Nagmamakaawa ako, paniwalaan niyo po ako. Ibang tao po ang pumatay kay papa." Nagpapaliwanag si Ate sa lahat ng mga dumadaan sa harap niya pero wala ni isa ang naniwala.

Napahagulgol ng iyak si Ate habang napapaupo sa lupa at nakatakip ang dalawang kamay sa mukha. "Huwag…walang kinalaman si Shawn. Mababait sila." Hawak-hawak ni Zed ang laylayan ng damit ko habang umiiyak na rin. Kahit ako ay napapaiyak na rin. Hindi ko man alam ang dahilan ng kanilang pag-iyak ay parang nararamdaman ko rin ang kanilang nadarama.

Pagkatapos ng gabing yun, ay di na kami nagkita pa ni Ate Ysa.

After 8 years...

Lumabas ako ng bahay at nakita ang isang magarang kotse na kulay itim. Bumukas ang bintana sa likod at lumabas doon ang mukha ng napakawalangya kong kapatid. Sino pa ba? Edi si Zed Lacus este Zed Takishima na pala ngayon.

"Whoa, kilala ba kita?" Tumawa pa siya na dahilan upang maslalong mag-init ang ulo ko. Kada linggo bumabalik siya dito mula Manila para bwisitin ako. Di ko nalang siya pinansin.

"Teka, ignoring your guest? Kumusta kayo ng magaling kong ina?" Di na ako nakapagpigil pa't kinwelyuhan ko na siya kaya kalahati ng kangyang katawan ay nasa labas na ng bintana ng kanyan sasakyan. Aapila na sana ang kanyang driver nang pinigilan niya ito.

"Ba't ka nagagalit? Di ba totoo naman? Dahil kapos tayo sa pera at magaling siyang dumiskarte kaya naisip niya akong ibenta! Ano ngayon ang gustong mong sabihin ko, KUYA." Gumuhit ang isang gagong ngiti sa gagong mukha ng gago kong kapatid.

Akmang susuntukin ko na siya nang naisip kong pabayaan nalang siya. Magsasayang lang ako ng lakas sa isang katulad niya at magsasayang lang ako ng laway sa pagpapaliwanag sa kanya na hindi siya ipinamigay at mas lalong hindi namin siya binenta sa mga Takishima.

Nung pitong taong gulang kami ni Zed, nagkaroon siya ng malubhang sakit na dengue. Inaatake na siya ng kumbolsiyon at ni isa sa mga doctor o nurse ay walang tumulong kay nanay. Karga niya si Zed habanghawak ako sa isang kamay.

Pilit na nagmamakaawa si Mama sa lahat ng doctor pero dahil wala kaming perang ipambabayad sa ospital, walang tulong na dumating para sa amin hanggang sa naawa ang isang ginang sa amin. Si Mrs. Takishima, gusto nilang ampunin si Zed kapalit ng pagpapagamot nila dito.

Gustong magkaanak nina Mr. & Mrs. Takishima ngunit di sila magkakaanak dahil may mga deperensya daw silang mag-asawa.

Para mapabuti ang kalagayan ni Zed ay pumayag si mama kahit labag man ito sa kanyang kalooban.

At ngayon, andito siya sa harapan ko at pilit na pinapamukha sa akin kung gano kami kasamang magulang at kapatid. Kung ako rin naman si mama ay gagawin ko rin ang ginawa niya.

Umalis na ako sa harapan niya at nagtungo sa bahay ng bestfriend kong si Crystal. Si Crystal ang una at malamng magiging huling babae na mamahalin ko habang buhay. Nagkakilala kami nung sampung taong gulang pa lamang ako. Nagkaaminan rin kaming dalawa nung nakaraang buwan, kung pano at ano ang nangyari… sa akin nalang yun, nakakahiya kasi.

Ngunit kahit ganun, napagpasyahan namin na unahin muna ang pag-aaral namin at ipagpatuloy ang kung anumang relasyon namin ngayon hanggang sa umabot sa tamang panahon at pwede na ang lahat sa amin.

Pagdating ko sa kanila ay sinalubong niya ako ng isang mainit na yakap at nagtuloy na kami papunta sa bahay ni lola. Dumaan kami sa bahay nina ate Ysa pero di ko siya nakita doon.

Nung gabing pinatay ang papa niya ay yun din ang gabi ng pagpatay sa pamilya ng matalik niyang kaibigan na si Shawn na minsan ko na rin nakalaro noon. Balita rin na di lahat ng Young ay napatay nung gabingiyon kaya may posibilidad pa na buhay pa si Shawn.

Pagdating namin sa bahay ng lola ko ay nagmano kami sa kanya. Nang-aasar pa nga si lola sa amin ni Crystal.

"Kei, apo. Usok ba yang nakikita ko sa labas? May nagsusunog ba ng mga basura sa bayan?" Tama nga si lola na tanaw na tanaw dito ang maitim na usok. Pero, wala namang nagsabing magsusunog ng basura sa bayan.

Kumaripas kami ng takbo ni Crystal at sumalubong sa amin ang nagwawalang malakingapoy na unti-unting nilalamon ang buong bayan. Wala ni isa sa taong bayan ang nakita kong lumabas sa bayan namin.

"Kei…s-sina mama." Nilingon ko ang kanyang tinuturo, nakita ko ang mama niya at mama ko na hirap na hirap at tinitignan ang kanilang nasusunog na katawan. Niyakap ko si Crystal at hinarap ang mukha niya sa kabilang direksyon. Iyak lang siya ng iyak sa dibdib ko. Siguro nga ay pinipilit ko lang maging malakas para makitang unti-unting namamatay ang buong bayan kasama ang mga magulang namin.

Nakarinig ako ng paparating na sasakyan at mga bombero. Huminto sa aming harapan ang sasakyan na kilalang kilala ko kung sino nagmamay-ari. "Kei! Ayos lang ba kayo?" Tanong nito sa akin.

"Patay na si Mama, diba yan naman ang gusto mo?" Malamig kong sagot sa kanya. "A-ano… aish! Nag-abala pa akong kunin ang mga bombero tapos yan lang matatanggap ko sayo?" Kinwelyuhan ko siya at si Crystal naman ay inaawat ako.

"IKAW SIGURO NAGSUNOG NG BAYAN ANO? SUMAGOT KA!" Niyuyugyog ko pa siya. Galit na galit ako. Wala akong pakialam sa mga bomberong nakatingin sa amin.

"ANO BANG PINAGSASABI MO? HINDI AKO! Umalis na rin ako mga ilang minuto matapos mong mag walk out. Nakasalubong ko pa si Ate Ysa kaya nagkamustahan pa kami tapos nakita namin ang usok at pinasakay ko siya sa kotse para bumalik dito! Kaya may bombero ngayon." Mahabang paliwanag niya kaya binitawan ko na siya. Inayos niya ang kanyang damit at tinignan ang nasusunog.

Tinanong ko siya kung nasaan si Ate Ysa. "Bigla nalang niya pinahinto ang kotse dahil nakita daw niya si Shawn. Sino ba yun?" Takang tanong nito. Natahimik naman ako, buhay pa pala siya. Di kaya may kinalaman siya sa nangyaring sunog?

---End of Flashback---

"So, pinaghihinalaan niyo si Shawn? Ganun?" Tanong ni Czarina at tinugon ko naman ito ng tango. Lahat kami ay napatahimik. "OHWKAY! Tulog na 'ko." Wika ni Zed at tuluyan nang pumikit.

"Matulog na rin tayo Kei," alok ni Crystal dahil magkatabi kaming matutulog.

"Eunice, kailangan mong matulog. Czarina, matulog ka na rin." Sabi ni Drake.

Tuluyan nang pumikit ang mga mata ko at nakaramdam na ako ng init. Grabe, pinagpapawisan na ako! "Ang init naman..." Reklamo ko sabay upo, nagulat ako sa apoy na nasa harapan ko. "HOY! Gising! May sunog! May Sunog!" Natataranta kong sigaw. Nagising silang lahat sa sigaw ko. Napabalikwas sila ng bangon at isa-isang kinuha ang bag nila. Pinauna ko si Crystal makalabas at nagpaiwan ako sandali dahil nahihirapang kunin ni Czarina ang bag at sandata niya. "Czarina! Iwan mo na yan!" Hinila ko na siya nang malapit na kami sa exit binitawan niya kamay ko. "Teka," sabi niya kaya nauna na akong lumabas. Pero dalawang minuto na ang nakalipas, wala parin siya. "Czarina!" Sigaw ni Gray. Pinasok namin ulit ni Gray ang silid at nakita naming nakulong si Czarina ng mga apoy.

Papasok na sana kami nang may nagsibagsakang mga nasusunong na gamit kaya mas lalo kaming nahihirapan sa paglapit sa kanya. Sumisigaw na siya sa sakit ng kanyang balat dahil nasusunog na ang kanyang katawan. "Wag na kayong pumasok." Wika niya at tumakbo sa nakasaradong bintana at hinayaag mahulog ang kanyang sarili.

Nilikas na namin ang lugar at humanap ng mas ligtas na mapagtataguan. Habang pumapatay kami ng zombies at nakita namin ang nakalagay sa langit. ISang mukha ng isang babaeng nagngangalang Saraffica Gonzales at Czarina Kei Mendez.

Magkapangalan pala kami ni Czarina, nabawasan ulit kami ng kakampi. Sino naman kaya ang umatake sa amin? Si Shawn ba? O baka naman yung Wind o Water? Bukas na bukas din ay dapat makaisip na kami ng counter attack para makabawi.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!! Sorry po! Sorry po! Sorry kung pangit ang chap na ito... babawe po ako sa next. Masyado po bang seryoso ang buhay ni Kei? Patayin ko na ba siya? HAHAHA, joke!

Kahit po nilalagnat pa ako ng konti...nag-effort po akong tapusin ito kasi ayaw ko pong maghintay kayo ng matagal sa UD ko, lovelots readers ko <3  ... Alam ko naman po kasing may mga masisipag na mga redears dito at syempre may laging nakaabang po kasi, sinasabi niya pa na PM ko daw siya pag magUUD ako ... hahahahahha .. kulit eh XD .. love ko po yun, alam mo na kung sino ka? xD ...

Sa mga papasok na bukas sa school... goodluck guys :D

May announcement po ako SOON...

Any reactions regarding sa mga pagkakaugnay ng mga karakter natin? XD

Author SHun~

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 80.9K 70
An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adventure that would shake the world of the T...
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
956K 56.7K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...