Kabanata 17

278 15 41
                                    

Too Late

 

 

Gray's POV

 

 

Napakadaya talaga ng umatake sa amin kanina kaya ayan tuloy at nabawasan kami ng isa pang kasama. Kahit anong silip ko sa paligid kanina ay wala akong makita. Magaling ang kanilang istratehiya. Flawless ang kanilang pagsagawa ng plano.

"Scarlet." Tawag ko sa kanya dahil inaalalayan ito ni Kraisler na maglakad dahil nabaril nga ang hita niya sa oasis. Sa ngayon ay nakasalalay sa kanya ang isang ligtas na lugar na pwede naming pagtaguan pansamantala. Malakas ang kanyang pandinig at maasahan ang kanyang mga desisyon.

"TEKA!" Pagpigil niya sa amin na magtuloy. "May naririnig akong dalawang tao papalapit kaya magtago muna tayo dun sa gusaling iyon." Sinunod namin ang utos niya at maingat na nagtago sa isang gusali. Ako ang sumilip sa labas para makumpirma ang dalawang tao na paparating.

Lumabas sa kabilang kalsada ang dalawang tao, babae at lalake. Hindi yun ang ikinagulat ko kundi ang katotohanang magkaiba sila ng tribo. Ang lalake ang nabibilang sa Asul na Tribo at ang babae naman ang sa Pulang Tribo. Di ko mamukhaan ang dalawa sa layo nila sa pinagtataguan namin.

"Aling tribo sila, Gray?" Tanong sa akin ni Kraisler habang inaalalayang umupo si Scarlet. "Isang asul at isang pula." Tanging sagot ko lamang. "May namumuo bang pagsasanib pwersa ng ibang tribo?" Tanong naman ni sa akin ni Eunice. Umiiling lang ako dahil ako mismo ay hindi alam ang nangyayari.

"Pano kung ganun nga ang nangyari?" Konklusiyon naman ni Drake. Di ko nalang muna sila pinansin at nilapitan si Kraisler na may malalim na pag-iisip. Tinapik ko ng marahan ang kanyang balikat upang mapunta sa akin ang kanyang atensyon.

Nilingon niya ako't binigyan ng isang nagtatakang tingin. Sinenyasan ko siyang sa pribadong parte ng gusali kami mag-usap. Pumunta kami sa isang silid ng gusaling ito na hula ko ay isang bar. "Bakit, Gray?" Seryosong tanong nito habang nakakunot ang noo. "Hmmm... makakaisip ka ba ng plano for counter attack? Hula ko kasi, ang mga wind ang may gawa nun eh. Masyadong malinis ang kanilang pag-atake sa atin kaya malamang sila na yun." Tumatango-tango lang din siya sa mga sinabi ko.

"Hindi man ako sang-ayon sa hinala mo ay gagawan parin kita ng plano." Wika niya. Talaga namang hindi siya sasang-ayon dahil hindi rin naman talaga ako sigurado kung ang mga wind ba talaga ang may pakana ng sunog na iyon.

Nag-isip kami ng counter attack sa kalaban para makabawi. Ilang beses din nag-iba ang mga plano namin dahil sa ang kalalabasan nito ay puro palpak o may kaunting tsansa ng pagpalya. Hindi parin kami tumitigil hanggang sa nakaisip na kami ng magandang plano.

The Death's Game [EDITING]Where stories live. Discover now