His BROTHER or HIM?

By mimikmanalastas

12.8K 294 65

Pano kung kailangan mong pumili sa dalawang magkapatid? Pero ayaw mo silang masaktan? Pababayaan mo nalang b... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17(part1)
Chapter 17(part2)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22(part1)
Chapter 22(part2)
Chapter 22(part3)
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50(part 1)
Chapter 50(part2)
Chapter 51(part1)
Chapter 51(part2)
Chapter 53(part3)
Chapter 54(part1)
Chapter 54(part2)

Chapter 23

177 3 0
By mimikmanalastas

Ano ba yun?

May nararamdaman kasi akong parang nagfuflush at nagkiclick na camera sa mukha ko.

Medyo minulat ko yung mata ko.

Maga na?!

Bigla akong napatayo ng mag sink in sakin na may araw na.

"Anong oras na?"

Tanong ko kay Mikhael na may hawak na camera.

"Good morning bhebhelabs :D!" Todo smile na bati sakin ni Mikhael.

"Mga 8 am na, bakit?"

Lagot! Nakatulog pala ako!

"Bakit hindi mo ko ginising?"

"Ginsing kaya kita. Kaso, tulog mantika ka eh!" Sabay tulak sa noo ko. Pero mahina lang naman.

"Ihhh! Sana pinilit mo kong gisingin."

Patay ako nito kay Ken!

Baka hinahanap ako nun!

"Uwi na ko ah."

Nagmamadaliakong pulutin yung gamit ko.

Gamit ko lang sa school, kayo baka may iniisip kayong may ngyari samin ah.

Kayo mga pag iisip niyo! Hindi ako PBB teens noh!

"Hatid na kita. Para mas mabilis kang maka uwi sainyo." sabi ni Mikhael, habang inaabot sakin yung bag ko.

"Hindi na, magcocommute nalang ako. Kita nalang tayo mamaya sa school ah."

Hinatid nalang ako ni Mikhael sa sakayan ng jeep malapit sa garden.

Habang magkaholding hands kaming dalawa. Si Mikhael kasi ayaw bitiwan yung kamay ko eh.

Papa akyat na ko sa jeep.

"Ingat ka ah!" Sabay kiss sa cheeks ko.

"Opo, kay manong mo sabihin, hindi naman ako yung nagdadrive eh."

"Psh! pilosopa." Sabay kurot sa pisngi ko.

Umakyat na ako sa jeep. Umupo ako sa dulo. Kasi yun nalang yung spare seat.

"Ano ba?! Malalate na kami. Mamaya niyo na pagpatuloy yang paglalambingan niyo." Sabi nung majubang malapit sa driver seat.

"Ineng, madaming malalate. Pakibilisan mo na ang pag paalam sa nobyo mo" Sabi ni lolang katapat ko.

"Ang tagal!!" Sabi nung maarteng babaeng katabi ko na punong puno naman ng pintura sa mukha..

Dagukan ko kaya toh?!

"Sige na alis ka na. Nakakahiya sa mga ibang nakasakay."

"Sabi ko kasi ihahatid na kita eh."

"Hindi na nga sabi. Sige na! Babye behebhelabs!"

"Kiss ko?!"

Kiniss ko siya sa cheeks.

"Sa cheeks lang?" Sabay puppy eyes ni Mikael may kasama pang nguso effect.

"Babye na! Sige na! Bitiwan mo na kamay ko."

Pano kasi kami makaka alis kung nakahawak siya sa kamay ko?

Ayaw ata akong pakawalan.

"Isa! Bitaw! Mamaya nalang sa school"

Kiniss niya muna yung kamay ko bago niya bitiwan.

"Okay, babay. I love you!" Ssabi ni Mikhael saka nagbabye na.

At umandar na ang sinasakyan kong jeep.

"Manong paki ingatan po ang pagdadrive andiyan bhebhelabs ko! Papakasalan ko pa po yan!" Pasigaw na sabi ni Mikhael.

Napangiti nlang ako, nakakahiya ka talaga Mikhael. Hahaha

"Ang sweet naman ng nobyo mo iha. Ang swerte mo" Sabi nung lolang katapat ko.

"Hehe, oo nga po." sagot ko sa matanda.

Habang nagbabyahe, nag iisip ako ng ipapalusot ko kay Ken.

Kailangan ko ng maghanda, ilang minuto nalang, malapit na ako sa bahay ni Ken.

Ano kayang gagawin kong palusot dun?

Eto na yung village.

Hindi pa ako nakaka isip ng palusot.

Patay ka na Alleah!

"Manong para po." Sabi ko kay manong driver.

Huminto naman yung jeep sa tabi ng gate ng village.

Bumaba na ako.

"Good morning manong! Hinanap ba ako ni Ken?" Tanong ko kay manong Ruming. Yung security gaurd na pinagkamalan akong magnanakaw.

"Naku! Lagot ka Alleah! Kung ako sayo! Wag ka ng magpapakita kay Ken" Pananakot ni Mang Ruming sakin.

Ano kayang gagawin sakin ni Ken?

A. Papakain sa tigre.

B. Ihuhulog sa kanal, at hahayaang umagos kasam ang patay na daga.

C. Papalayasin sa bahay niya.

D. All of the above.

Huwag naman sanang ganon. Alam kong may natitra pang kabaitan si Ken.

Eto na, natatanaw ko na yung malaking bahay at gate nila Ken.

Pumasok na ko sa gate. Nakabukas. Saka nakita ko pa yung kotse niya.

Andito pa siguro si Ken, baka hindi pa pumapasok sa trabaho niya.

Kakatok ba ako o papasok nalang?

Bahala na,

Pinihit ko yung door knob. Bukas parin.

Sumilip muna ako,

Mukhang walang tao, kaya dumeresto na ako sa loob.

"Aha! Andito na pala ang magaling na katulong ni Ken"

"Ay! Palaka!"

Nagulat naman ako sa mangkukulam na yun!

Biglang sumusulpot!

"Ken! andito na yung magaling mong katulong!" Tawag ni Saab kay Ken.

Mga ilang minuto, lumabas si Ken ng naka sout. Papasok siguro sa trabaho to ngayon.

Habang bumababa siya sa hagdan, ang gwapo niya.

Parang isang prisipe.

Ang gwapo!

Laway mo Alleah! Baka tumulo. Hahaha

"San ka galing?" Tanong kagad ni Ken sakin pagkababa niya sa hagdan.

Patay! Ano bang dahilan na sasabihin ko dito?

*kamot sa ulo

"Ahhhh. Ehhh.. Kila Ging! Tama kila Ging! May ginawa kasi kaming project kaya hindi ako naka uwi kagabi."

Sana gumana kang palusot ka!

Crossed fingers.

"Ah, okay." Sabi ni Ken, sabay alis.

Yun lang?

Ah, okay lang?!

Kala ko naman papatalsikin na niya ako.

Ang dami dami mo kasing iniisip Alleah.

Okay lang pala sakanya.

"Wait Ken! Yung breakfast mo?!' Habol ni Saab kay Ken.

Abay, sumisipsip sa amo ko tong mangku na to ah!

"Sa office nalang ako kakain. Thank you nalang!"

_____________________________________

Ayos lang ba update ko?
Hahaha! Wala na akong maisip eh!
Pagbigyan niyo nalang ako. ;) 

FAN? VOTE? COMMENT?
 

Continue Reading