His Deepest Secret ☑️

By Yaoistorywriter

174K 7.7K 581

When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat... More

Prologue
...baby cute sugar pie dunkin donut?
[1] Bored
[2] Name
[3] Totoo
[4] Dagat
[5] Beat
[6] Training
[7] Room
[8] Hindi
[9] Wirdo
[10] Oras
[11] Kaya
[12] Sino
[13] Pumara
[14] Mukha
[15] Smiled
[16] Alam
[17] Kundi
[18] Natunaw
[19] Realized
[20] Ayoko
[21] Hinalikan
[22] Magkakaroon
[23] Dahil
[24] Oo
[25] Neither
[26] Parang
[27] Muli
[29] Enough
[30] Ano
Epilogue

[28] Do

3K 151 2
By Yaoistorywriter


V I N C E N T

"Si Paul. The weirdest person I have encountered. He's introverted, and I think ako ang extrovert na taong magpapalabas sa kanya mula sa kanyang comfort zone. He's calm, sweet at mabait pa siya. Iba siya kay Renz. He's interesting."

"Talaga?" Tanong ko sa kanya.

He nodded. "Yep. That's how Lord resolve things -- nagbibigay siya ng mga tao. May mga ipapakilala siya sa atin na makakaintindi sa mga problema natin. Hindi lang natin napapansin dahil naka-focus tayo sa pain. Pero kung titingin tayo sa mga positibong bagay, mapapansin mong may gumagawa talaga ng paraan para mawala ang sakit na nararamdaman natin. At maniwala ka o sa hindi, ibibigay rin niya ang para sa'yo."

Marahil noong araw na 'yon ako nagsimulang mahulog sa kanya. Nitong mga araw kasi, tinatanong ko ang sarili ko -- why did I really ended up falling for Ken?

Dati, ang saya pa namin. Halos bangayan lang kami ng bangayan. Noong mga panahong 'yon, palalim na nang palalim ang loob ko sa kanya.

Hanggang makalimot ako sa nakaraan at nag-focus na lang ako sa kanya. Ngunit hindi ko inaasahan na mangyayari sa amin ang mga bagay na 'to. Napakabilis ng mga pangyayari. Halos hindi ako makahinga sa dami nila.

Bakit ba sa ganitong buhay pa ako napunta?

Hindi ba pwedeng kay Paul na lang? Hindi ba pwedeng totoo na lang si Paul?

Napabuntong-hininga ako. Miss na miss ko na siya. At oo, pursigido na talaga akong gawin ang lahat ng makakaya ko bumalik lang sa normal ang lahat.

"Mahal na mahal mo talaga siya, no? Kita ko sa mga mata mo." Sabi ni Lionne. Lumapit siya sa akin at umupo sa harapan ko.

Hindi ako nagsalita. Tiningnan ko lamang siya saglit at iniiwas ko rin kaagad ito.

"R-ramdam kita. Mahirap ang mawalay ka sa taong mahal mo. Mahirap 'yung mahal na mahal mo siya, tapos ikaw, gustung-gusto mo siyang makita kaya lang ang daming balakid. Ang daming humaharang." Sabi niya at napatawa siya ng mahina.

"Sabi sa akin ng mga tumatayong mga magulang ko noon, inampon daw nila ako dahil naawa sila sa akin. Sanggol pa lang daw ako noon nang mawalay ako sa mga tunay na magulang ko. Nagkaroon kasi ng sunog sa amin at hindi ko alam kung hindi ba talaga nila ako hinanap o hindi lang nila ako nakita. Sabi ko pa noon, wala akong pake sa tunay kong pamilya basta't masaya na ako sa kung paano ako lumaki. Hindi ko alam na gagamitin lang pala nila ako ngayong may silbi na ako para sa kanila. At dahil sa realization ko na 'yon, gusto ko nang umalis sa kanila. At gusto ko na ring mahanap ang tunay na mga magulang ko." Dagdag pa niya.

Napatingin ako sa kanya. Mula sa pisikal niyang anyo hanggang sa mga mata niya. Punung-puno ito pagod at lungkot. Kung titingnan mo siya ay medyo payat siya kesa sa karaniwan.

"Vincent, nagbago na ang isip ko. Kung ano man ang balak mong gawin ngayon, hindi na kita pipigilan. Instead, willing akong tumulong." Sabi niya.

Tumingin ako sa kanya. I still have doubts in my mind pero tingin ko, seryoso siya sa sinasabi niya.

"Sigurado ka?" I asked her.

She nodded, "Oo. Sigurado na ako. Ang dami ko nang katangahang ginawa sa buhay ko, hindi na ngayon."

Bigla siyang tumayo at umalis saglit.

Kung totoo nga na balak niya akong tulungan, magiging madali sa aking gawin ang lahat.

Pagkabalik ni Lionne ay may dala na siyang mga papeles. Hindi ko alam kung anong meron sa mga papeles na iyon kaya naman nang ilapag niya ang mga ito sa lamesa ay agad ko itong tiningnan.

"A-ano 'to?" Tanong ko.

"Mga financial reports at liham ng mga reklamo mula sa mga employees ng kumpanya niya. Marami rin diyang mga ebidensya na halos kalahati ng pondong nakalaan para sa kumpanya niya ay napupunta sa kanyang bank account. Nasa akin ito dahil madalas ako ang nagtatago ng mga ito at sa akin niya lahat 'to pinagkakatiwala. Vincent, sa tingin ko babagsak siya agad kapag nalaman 'to ng lahat. Pero para makasigurado tayo, may isa pang ebidensya na dapat nating makuha. Kaya lang--"

"Ebidensya? Anong ebidensya?" Tanong ko sa kanya.

"Drug use." Sabi nya.

"A-ano? Drug use?"

"Oo. May isang nakakuha ng video kung saan nasa loob sila ng isang bar at gumagamit ng ilegal na droga. Ako ang inatasan ni dad na dispatsyahin ang taong kumuha ng video at kunin mismo iyon para hindi kumalat. Ang hindi niya alam, hindi ko pinatay 'yung tao. Binigyan ko lamang ito ng pera kapalit nung video. Kaya lang, wala iyon sa akin."

"Nasaan?"

"Nasa flashdrive. Sa lungga niya. Alam ko kung saan iyon nakatago. Kaya lang, hindi siya nagpapapasok ng kahit na sino doon. Vincent, kapag nakuha natin 'yon, mahahatulan na kaagad siya. At isa pa, nararapat lang na malaman ng lahat ang kagaguhan niya." Sabi pa niya.

Napaisip ako. Mukhang magandang ideya nga na makuha ang video na iyon at ipakita sa lahat ang mga papeles na ito. Ang problema ko ngayon ay kung paano namin makukuha yung video.

"Vincent, may naiisip ka bang paraan?" Tanong ni Lionne.

Nag-isip ako. Hindi ko alam kung saan ang lunggang sinasabi niya. Ngunit kung ang tinutukoy niya ay ang kanilang bahay, alam ko kung saan iyon.

Noong kami pa ni Lhor, madalas din akong pumunta sa bahay nila at doon ay mayroon ding opisina ang tatay niya. Nakabukod ito ng gusali. At ang gusaling iyon ay nasa likod lang ng kanilang bahay. Ang hindi ko alam ay kung nandoon pa ba iyon. Balita ko kasi ay pinalitan na 'yon ng isa pang bahay.

Kung mali ang balitang alam ko, malaki ang posibilidad na 'yon ang lunggang sinasabi ni Lionne.

"Pwede mo bang sabihin sa akin kung saan 'yung lungga na sinasabi mo?" Tanong ko kay Lionne.

"Sa likod ng bahay nila. May isang bakanteng lote doon na naging lungga ng mga alagad niya. Itinayo talaga 'yon bilang opisina niya. Pero di kalaunan, doon na niya ginagawa ang lahat ng mga kalokohan niya. Kapag pumasok ka doon, maraming kahoy at mga bakal sa paligid dahil sa konstruksying hindi natuloy. Mayroon 'yong second floor. Doon ang lungga niya. Marami tayong makikitang ebidensya doon." Sabi pa niya.

Nang makaisip ako ng ideya ay nabuhayan ako ng loob. Kung papalarin ako na hindi pumalpak ang magiging plano ko, mapapabagsak ko ang demonyong 'yon.

"I have a plan." Sabi ko.

Napatingin sa akin si Lionne. "Ano?"

"Itong mga papeles na 'to," hinawakan ko ang mga papel na nilagay niya sa lamesa, "give this to Renz. Kaibigan ko siya. Tatawagan ko siya at papupuntahin ko siya rito. Pagpunta niya, ibigay mo sa kanya ang lahat ng ito. Ako na ang magsasabi sa kanya kung anong gagawin nya sa mga 'to." Sabi ko sa kanya.

She nodded. "Sige. Doon sa flash drive? Anong balak mo? Kung gusto mo, ako na lang ang kukuha--"

"No," pagtigil ko sa kanya. "Baka mapahamak ka. Huwag na. At isa pa, may iba akong ibibilin sa'yo."

"Ano?"

"Si Ken, at ang pamilya niya. Bantayan mo sila." Sabi ko sa kanya.

"Teka, paano ka?"

Tiningnan ko siya sa mata. "I will disguise myself as a stranger." Sabi ko sa kanya. Medyo naguluhan naman siya sa sinabi ko.

"H-ha?"

"Lionne, kakailanganin natin ang kapangyarihan mo. Magpapanggap ako bilang ibang tao. Then, sasamahan mo ako papunta sa lungga ng dad mo. Sigurado akong wala 'yun doon dahil paniguradong kasama niya ang dad ko sa trabaho. Kung meron man siyang mga alagad dun sa lungga niya, sabihin mo sa kanila na nandun ako para mag-inspect. Sabihin mo sa kanila na galing ako sa isang private agency at pinagkatiwala ako ng dad mo para i-secure ang lahat ng tinatago nila. Then, I will do the rest. Pasimple akong aakyat sa taas at hahanapin ang dapat na hanapin."

"Vincent, pwede namang ako na lang--"

"No, Lionne. May iba kang gagawin. Pagkatapos mo akong ihatid doon, puntahan mo si Ken sa bahay nila. I will give you the address--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang mag-ring ang aking cellphone. Tumatawag si Renz.

Agad ko itong sinagot.

"Hello?" Tanong ko rito.

"Vincent, si Ken. Nawawala siya." Sabi niya.

Napatayo ako at napatingin kay Lionne.

"A-anong sabi?" Lionne worriedly asked.

I continued talking to Renz, "N-nawawala? Kailan pa?"

"Kagabi daw. I don't know. I'm sorry. Kasalanan ko. I'm sorry." Sabi pa niya.

Napapikit ako. Bigla akong kinabahan ng sobra. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Renz, m-makinig ka sa sasabihin ko. Pumunta ka dito sa bahay ko mamaya. I will give you something. Ingatan mo ang bagay na 'yon." Sabi ko sa kanya at pinutol ko na ang tawag.

I looked at Lionne, "Nawawala daw si Ken." Sabi ko sa kanya.

Her eyes turned guilty and worried. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Napapikit siya.

"I knew it," she paused, "Vincent, kailangan na nating kumilos ngayon. Alam ko kung nasaan siya. Nandun siya sa pupuntahan natin." Sabi niya.

Hindi na ako nagsalita pa at agad-agad na akong kumilos.

Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ko ang lahat ng kakailanganin ko sa pagpapanggap. Isang weirdly styled wig, facial rubber mask, retainer and my glass.

Isinuot ko ito isa-isa. Pagkatapos ay tumingin ako sa salamin. I heaved a huge sigh.

Let's do this, Paul.

---

A/N: From rom com to action real quick. 🤣

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 81.1K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
420K 17K 52
Author's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo it...
307K 7.9K 39
OLSG II: I'LL NEVER GO
746K 24.2K 35
[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging mal...