His Forgotten Heart (A New Co...

Od RessButterfly

50.4K 1.7K 87

Diego Del Rosario, a 34-year old resigned policeman and owns a vast land in the province of Cavite. From bein... Viac

Chapter 1-You are a Stranger
Chapter 2- Unmasking her
Chapter 3- Jealousy Beyond Denial
Chapter 4-His Admission
Chapter 5- Escaped with You
Chapter 6- Sweet Romance
Chapter 7- Justified Words
Chapter 9- A Pure Love
Chapter 10- The Beginning

Chapter 8- The Abduction

3.7K 132 0
Od RessButterfly

  It's been six months mula nang tumira siya sa bahay ng mga Del Rosario. Since the day he confessed, her life instantly changes from a servant to a princess. Pero tulad ng kaniyang nakaugalian, hindi niya gusto ang tumunganga lang. Tuwing wala si Diego, tumutulong siya sa mga gawaing bahay tulad ng paglalaba, pagwawalis at pamamalantsa. Kay laki ng ipinagbago ng binata mula noong nagbakasyon sila sa Palawan. Madalas na itong maagang umuuwi mula sa pamamahala sa malawak na sakahan nito. Hindi na rin ito bugnutin.  And that's because of her.

  "Alam mo hija, bagay talaga kayo ni Sir..."kinikilig na wika ni Manang Krising nang umagang iyon habang sila'y natitiklop ng mga bagong labang damit.

"Bakit mo naman nasabi manang?"natutuwang tanong niya.

  "Guwapo siya at napakaganda mo naman. Sanay ka pa sa mga gawaing bahay taliwas ka sa fiancee niya noon. Kumbaga, ikaw ay magiging perpekto niyang asawa."

  "Naku manang, huwag muna tayong mag-advance. Baka may iba na namang babaeng paparating siya buhay niya ngayon."

  "Excited na akong mag-alaga ng mga anak ninyo hija. Damihan ninyo ha." Pilyang wika ng matanda.

  "Hala si manang. Kasasabi ko lang na huwag muna tayong mangunguna. Hahaha ano ba 'yan! Iba na 'yung iniisip ninyo."

"Ah siyanga pala, pupunta ako sa grocery mamaya at sa palengke. Sama ka ba?"

"Opo, sasama ako. May bibilhin din ako doon."masiglang sagot nito.

            "Sir, parang iba yata ang ngiti natin ngayo ah." Napuna ng isang trabahador ni Diego ang kanyang pagngiti habang nakamasid sa bagong tanim na mga palay.

      "Wala, may naalala lang." He imagined the night when she kissed him in Palawan.

     "Inspired kasi si Sir. Nakakita na ba kayo kay Ma'am Ysabelle? Naku! Sobrang ganda."anang isang matandang nagtatanim ng palay. Ngumiti ng malapad ang binata.

   "May problema nga eh..." Nakingiti niyang wika.

   "Ano po iyon?"

    " Hindi pa ako sinasagot eh halos kalahating taon na. Naubos na ang pera ko noong nakaraang tag-ani pero hindi pa rin umu-o." Natatawang wika niya sa mga ito.

   "Naku sir, huwag mo ng alokin maging girlfriend. Magpropose ka na kaagad. Siguradong hindi na iyan tatanggi."

   " Iyon nga ang balak ko eh. "

   Nagkatawanan silang lahat.
    

"Sigurado ka bang siya iyon, Roland?"wika ng isang matandang lalaki na naninigarilyo.

"Natitiyak ko po. Sino ba naman makakalimot sa ganood kagandang babae. Nakita siya doon sa San Sebastian."

"Sabihin mo kay Carlos na ihanda ang van. Magmamanman tayo doon at pagnagkatyempo kunin natin."

"Yes, boss."

"Buwisit ang babaeng iyon. Mapapahamak ang negosyo natin dahil lang sa kaniya."
Ilang saglit ang lumapas at bumalik na ang lalaking nagngangalang Roland.

"Boss, handa na po ang van. Naroon na sila, ikaw na lang ang hinihintay."

"Mauna ka na. Susunod na lang ako."

         Mabilis na pumatak ang oras. Alas kuwatro na ng hapon. Tinawag na ni Manang Krising si Ysabelle mula sa kuwarto nito sa ikalawang palapag. Nagsusulat ng iaang liham ang dalaga. Isinuksok niya iyon sa kanyang bulsa at bumaba na.

    "Pasensiya na Manang, may ginawa kasi ako kaya medyo natagalan ako. Halika na. Ako na ang magdala ng isang bayong na iyan." Kinuha niya ang isang bayong mula sa kamay ng matanda at nagpatiuna na sa paglabas.

     "Tingnan mo kung meron na ba si Berto. Sasakay tayo sa motor niya. Wala kasing maghahatid sa atin."

      "Nandoon na po siya sa labas. Natatanaw ko na po."
       Makalipas ang ilang minuto ay dumating na silang dalawa sa grocery store. Mahaba ang listahan na dinala ni Manang Krising. Parang hindi na ito mamimili sa loob ng isang buwan.

     "Alam mo hija, ito ang paboritong kape ni Sir." Nakangiting wika ng matanda nang nandoon sila sa hanay ng mga dairy products.

    "Ganoon ba manang? Mahilig pala siya sa brewed coffee." Nakangiting wika ni Ysabelle.

   "Oo kaya kung mag-asawa na kayo, alam mo na kung ano ang ititimpla mo."
Halos isang oras ang kanilang nagugol sa pamimili. Nang lumabas sila ng supermarket ay medyo padilim na. Bawat isa sa kanila ay may dalang malaking grocery bag na punong-puno ng laman. Habang sila'y naglalakad papunta sa hanay ng mga traysikel ay may isang lalaking naka-itim na bumangga sa braso ni Ysabelle dahilan upang mabitawan niya ang kaniyang dala.

    "Ano ba 'yan? Parang hindi yata tumitingin sa dinaraanan." Paangil na wika niya. Si Manang Krising naman ay namulot sa natapong mga laman ng grocery bag na dala nito.

   "Man--"   Nanlaki ang mga mata ng matanda nang lumingon siya. Dalawang lalaki ang biglang sumulpot at kinaladkad ang dalaga patungo sa isang puting van na nakaparada sa gilid ng kalsada. Ang isang lalaki ay may hawak na panyo na itinakip sa bibig nito. Nakita niya kung paano nawalan ng malay si Ysabelle kasabay nito ay ang pagkahulog ng isang maliit na papel mula sa kamay nito.

    "Ysabelle.."patakbong sinundan ng matanda ang mga iyon ngunit hinarang siya ng isang lalaking mahaba ang bigote at tinutukan ng baril sa gilid. Naiwang lupaypay at nanginginig sa takot ito. Ilang saglit nang makabawi siya mula sa pagkabigla ay dali-dali niyang pinulot ang bagay na nahulog nito.

  
    Madilim na nang dumating si Diego sa bahay. Hindi naman lingid sa kaniyang kaalaman ang pamamalengke na gagawin ng dalawa ngunit hindi niya inaasahang aabutan ito ng dilim. Kababa lang niya mula sa sasakyan nang marinig ang paparating na traysikel. Laking taka niya nang makitang hindi kasama ni Manang Krising si Ysabelle.

    "Manang, Anong nangyari? Nasaan si Ysabelle?" Kunot-noong tanong ni Diego nang makitang balisa at umiiyak ang matanda habang hindi magkandaugaga sa bitbit ng pinamili.

   " Si Ysabelle..." Humihingos na wika nito.

  "Bakit po ba?" Nagsimula ng bumalot ang takot sa kaniyang buong sistema.

   "Sir, nakidnap po si Ysabelle."   Parang bombang sumabog sa kaniyang tenga ang sinabi nito. Alumpihit na tinanong niya ang matanda matapos mapahilamos ang dalawang kamay sa mukha sa sobrang galit.

   "Puting van po iyon sir." Pagkawika niyon ay halos liparin na niya ang kaniyang silid upang kunin ang personal niyang baril ngunit napahinto siya ng iniabot nito sa kaniya ang maliit na papel.

  " Galing kay Ysabelle yan. Mukhang para 'yan sa inyo."
  Tumango lang ang binata at patakbong tinungo ang silid. Hinalughog niya ang cabinet kung saan nakatago ang mga mamahalin at personal niyang baril tulad ng MK 13 at MPK5N na binili pa niya sa ibang bansa.
Kumuha siya ng mga bala at nagsuot ng bullet proof vest pagkatapos ay nilipad ang labas ng bahay at humarurot palayo. Mariin ang tapak niya sa silinyador ng kotse. Nasa 100 km/h ang basa ng speedometer nito.

   "Shit!" Nahampas niya ng wala sa oras ang manibela dahil sa nag-aapoy niyang loob. Idinial niya ang numero ni Gregg, ang hepe ng San Sebastian police station na nakasama niya sa iilang buy-bust operation noon kontra-droga sa panahong nag-lilingkod ba siya bilang pulis.

  "Hey! Diego, napatawag ka?"

   "Gregg, kailangan ko ng tulong mo ngayon. Kinidnap ang girlfriend ko. Feeling ko mga human traffickers 'yun.  Pagalawin mo muna mga kasama mo diyan please. Tiyak akong hindi pa iyon nakakalayo." Halos pasigaw niyang wika dito.

   "Sige, tatawag ako sa Checkpoint station. Isa lang naman ang daan papasok at palabas dito sa atin. Huwag kang mag-alala, I will go next to you."

    "Salamat.." Pinatay na niya ang cellphone at mas lalo pang diniinan ang silinyador ng kotse hanggang umabot sa 140 km/h ang takbo nito. Parang kidlat siyang dumaan sa grocery store kung saan kinidnap ang dalaga. Dumiretso siya sa checkpoint station ng mga pulis. Ngunit napamura lang siya nang malamang mabilis na nakapagbalat-kayo ang mga sindikato at wala pang info na dumating mula kay Gregg ng mga sandaling dumaan ito. Ibig sabihin nahuli sila.

    "Shit! Shit! Maaabutan ko lang kayong mga gago kayo, pupugutan ko kayo ng ulo." Nanlilisik ang mga niya sa galit pagkasabi niyon. Dumiretso  siya sa daan patungog highway at umaasang makakita ng puting van. Halos labinlimang minuto na siyang lumilipad sa daan nang mahagip ng kaniyang mga mata mula sa labas ng bukas na bintana ang isang puting van na lumiko sa ibang direksiyon.  Mabilis na kinabig niya ang manibela sa direksiyon nito. Halos umusok na ang gulong ng kaniyang kotse dahil sa parang kidlat na pagliko niya nito. Diniinan niya ng tapak ng silinyador dahilan upang ilang metro na lang ang layo niya mula rito. Napansin siya ng mga ito at sunod-sunod siyang pinaputukan. Maagap at yumuko naman ang binata upang di tamaan habang hawak pa rin ang manibela. Mabilis niyang tinawagan si Gregg.

    "Oh, Diego..."

    "Hindi ko ibababa ang tawag, i-track niyo ang signal ko. I need back up here mukhang marami sila."

     "Okay, do not off your phone. Nandiyan na kami.."

  Pagkatapos niyon ay gumanti siya ng putok rito. Pilit niyang inaasinta ang gulong nito ngunit hindi tinamaan. Mas lalo niyang dinikitan ang van hanggang sumabog ang dalawang gulong nito sa likod nang muli niyang inasinta iyon.

   Mabilis na lumabas ang mga armado at pinaputukan siya. Tumakbo ang mga ito patungo sa masukal na kagubatan. Nakita nga niya si Ysabelle. Walang malay at karga ng isang matangkad na lalaki. Nahirapan siyang sumunod dahil pinapuputukan siya ng mga kasama nito. Patakbo niyang hinabol ang mga iyon habang panay ang pagpuputok niya. Hindi dapat mawala sa kaniyang paningin ang mga iyon. Napalundag siya sa makapalna damuhan nang muntik siyang tamaan ng bala. Sakto namang may matutulis na mga kahoy pala doon kaya natusok ang binti niya. Pikit matang hinugot niya iyon at nagpatuloy sa paghabol sa mga masasamang-loob. Dahil madilim, hindi niya napansin ang malalim hukay na nandoon kaya nahulig siya rito at tumama ang ulo niya sa bato kaya nawalan siya ng malay.

      Nagising si Ysabelle dahil pagsaboy ng tubig sa kaniyang mukha. Nanlalabo ang kaniyang mga mata nang iminulat ito. Marahan niyang kinurap ang mga ito at napagtantong nasa kamay nga pala siya ng mga kidnapper.

     "Good morning Ysabelle.."  Sumalubong sa kaniyang paningin ang lalaking pamilyar ang mukha. Akma niyang hahampasin ito ngunit nakatali pala ang mga kamay at paa niya. Naalala na niya. Ito ang lalaking humampas sa kaniya noong araw na ibebenta na sana siya.

     "Ang sasama ninyo! Masusunog kayo sa impyerno. Kakahiya kayo! Ang pinapalamon ninyo sa mga anak ninyo ay galing sa kademonyohan ninyo." Galit na sigaw niya rito habang pinipilit makawala sa mga tali.

    "Ang ganda mo talaga Ysabelle. Tingnan ka pa lang nagugutom na ako."

Nag-init ang tainga ng dalaga nang marinig iyon dahilan upang duraan niya ito sa mukha.

   "Gaga!" Hinampas siya ng lalaki sa bibig. Naramdaman niyang dumudugo ang kaniyang mga labi. She's so helpless kahit anong gawin niyang pagtapang-tapangan. Then she thinks about Diego. Darating kaya ito? Napaluha siya ng maalala ang sulat niya para rito.  Kung alam lang niya na hahantong lang pala sa ganito ang lahat, maaga sana niyang sinagot ang binata at isinuko rito ang lahat pati na ang pinaka-iingatan niyang dangal. Sumakit ng husto ang kaniyang puso sa mga isiping iyon.

     Marahang nagmulat si Diego. Puting silid lang ang bumulaga sa kaniya. Napasapo siya sa masakit niyang ulo. May sugat pala ito. Biglang naalala ng binata ang nagyari. Dali-dali niyang hinablot ang dextrose na nakakabit sa kaniya at pumanaog sa kama nang pumasok sa silid si Gregg at nakita ang pinaggagawa niya.

    "Diego! Ano ba iyang ginagawa mo?" Pinigilan siya ng lalaki sa ginagawa niya.

    "Kailangan kong puntahan si Ysabelle. Mga hayup sila! Ahhh.." Napasigaw ang binata sa galit at napasuntok sa pader. Parang pinipiga ang kaniyang puso sa tuwing maiisip na baka binaboy na ang kaniyang minamahal sa mga sandaling iyon.

  "Huwag kang humarang, Gregg! Alis! Ano ba??" Galit na asik niya rito nang akmang lalabas siya.

  "Naintindihan kita Diego pero huwag kang mag-alala. Nahuli namin ang dalawa nilang kasama noong gabing sumunod kami sa iyo. Sinabi nila ang posibleng pinagdalhan kay Ysabelle." Mahinahong wika nito na hinahawakan ang balikat ng binata.

   "Kailan pa ba ako kikilos? Maghihintay ako sa inyo hanggang wala na akong maabutan? Iniisip ba ninyo 'yang mga sinasabi ninyo?"gigil na gigil ang binata na makawala mula rito.

   "Pupunta nga kami mamayang gabi doon. Sasalakayin namin ang hideout nila. Magpaiwan ka na lang dito dahil may sugat ka sa ulo."

  "Damn it! I don't care. Pupunta ako, sasama ako dahil boyfriend niya ako. Hindi ako pupunta doon bilang pulis. Gregg naman oh.."

  "Matigas ang ulo mo, ikaw ang bahala. Pabendahan mo ng makapal iyang ulo mo!" Galit na wikanng lalaki sabay bitaw sa kaniya.

   "Nababaliw ako ngayon, Gregg alam mo ba iyon? Natindihan mo naman siguro ako noh."

    "Oo na. "
  
   Kalmadong tinungo ni Diego ang emergency room at naghanap doonng doktor na titingin sa sugat niya sa ulo bago siya maghanda sa kaniyang sarili.

  

      
  

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

322K 9.8K 27
Meet the youngest of all Montecalvo brothers. The hot banker is about to unleash his handsome image, how could he deal with a potential janitress. A...
48.8K 1.1K 18
(Soon to be published) Shower Me With Your Love Kean and Odessa Si Kean Marie Medrano, isang bilanggo na nahatulan ng reclusion perpetua dahil sa isa...
Ladders Of Love Od julia

Tínedžerská beletria

34.5K 1K 16
[COMPLETED] Astrid Morales, a Civil Engineer, finds her self kissing the Head of Engineering Department, Asher Hernaez. It was just a one kiss, but i...
38.1K 837 24
Sa kanilang magkakaibigan ay siya na lang ang wala pang asawa dahil abala siya palagi sa trabaho at sa mga pamangkin niya. Wala na siyang oras para s...