His Forgotten Heart (A New Co...

By RessButterfly

50.4K 1.7K 87

Diego Del Rosario, a 34-year old resigned policeman and owns a vast land in the province of Cavite. From bein... More

Chapter 1-You are a Stranger
Chapter 2- Unmasking her
Chapter 4-His Admission
Chapter 5- Escaped with You
Chapter 6- Sweet Romance
Chapter 7- Justified Words
Chapter 8- The Abduction
Chapter 9- A Pure Love
Chapter 10- The Beginning

Chapter 3- Jealousy Beyond Denial

4.6K 178 5
By RessButterfly


Halos magmamadaling araw na ngunit wala pa ring antok na dumadalaw kay Diego. He felt guilty. He admits that it was his mistake why Ysabelle is badly sick now. He feels like he is a criminal killing innocent one. A very beautiful innocent one.

"Tapos ka na Diego, naunahan ka na ni Dexter."wika sa pinakasulok ng isip niya na hindi niya nagustuhan.
He cant understand his feelings why he was affected of her situation. In fact, in the first place, he doesn't notice her. He doesn't even care about her after all.

"Iyon ay iyong hindi mo pa alam na ang babaeng iyon ay si Ysabelle. Paano na, mukhang malakas ang tama ng Dexter na iyon sa kaniya?"

"I hate this!" Pagkatapos tikisin ang sariling isip ay kinuha niya ang kaniyang cellphone at naglaro na lang ng puzzle hanggang sa makatulog siya.

        Ni-hire ni Diego ang nurse na iyon para siyang mag-alaga kay Ysabelle. Naiirita siya sa tuwing makikita ang kaniyang pinsan na masigasig na nag-aalaga sa dalaga. Bakit nga ba hindi? Napakaganda nito at lahat yata ng lalaking makakita ng ganitong klaseng babae ay biglang magta-transform talaga na super gentleman mapasagot lang. Ayaw man niyang sabihin, makikita sa kilos niya na gusto na niyang palayasin ang Dexter na iyon. Nakontamina ang tahimik niyang buhay at naging komplikado pa ang lahat ng dumating ito.
       Kahit tatlong oras pa lang mula nang makatulog si Diego, nagawa pa rin niyang bumangon ng maaga upang tingnan sa kuwarto ang dalaga. Naroon din ang nurse na dinala niya kagabi. Paano ba namang hindi tumanggi ang ito kung agad-agad ay binigyan siya ng binata ng tsekeng nagkakahalaga ng tatlumpong libo? Lagpas isang buwan na niyang sahod iyon kaya masikap siya sa pag-alaga sa kaniyang pasyente.

    "Nurse, kumusta siya?" Nag-alalang tanong niya sa nurse nang makapasok siya. Nasa guest room sila ng bahay niya. Hindi na niya balak patulugin si Ysabelle sa dating maids room kung saan ito unang natulog kasama si Manang Krising.

   "Ah, kayo pala sir. Medyo bumaba na ang kaniyang lagnat. Hindi na naman siya kinumbulsyon."wika ng nurse na medyo pansin ang kaantukan sa mukha.

   "Mabuti naman kung ganoon. Puwede bang humiling ng pabor?"aniya.

  "Ano po iyon?"

  "Huwag mong papasukin dito ang pinsan ko. Iyong lalaki kagabi na kasama ko. Kahit magpumilit siya, humanap ka ng rason huwag lang siyang pumasok."seryoso ang mukhang wika ng binata.

  "Walang problema sir. Ikaw lang ang makakapasok rito."

   " Thats  good! Huwag kang mag-alala. Tinawagan ko iyong katulong namin na magduty na dito bukas para may kaagapay ka sa pag-aalaga sa kaniya."ang tinutukoy ng binata ay si Manang Krising. Pinauwi niya ito tutal nailibing na naman iyong apo niya. Emergency ang kaniyang idinahilan.

  "Salamat sir."

Bago lumabas ang binata ng silid na iyon ay minasdan niya ng tiim ang payapang mukha ni Ysabelle. Parang hinaplos ang kaniyang pusong tigang na sa loob ng mahabang panahon. Ewan niya kung bakit sa tuwing mamasdan niya ang mukha nito ay gagaan ang kaniyang loob. Labis ang kaniyang pagsisisi sa mga
masasakit na salitang binitiwan niya rito.

"Gumising ka na dahil marami tayong pag-uusapan."

Pagkatapos ng ilang saglit ay lumabas na siya. Pagkasara niya ng pinto ay nagngitngit ang kaniyang loob nang makitang gising na rin pala sa Dexter at papunta  rin yata doon.

"Huwa ka ng pumasok dahil natutulog siya. Medyo bumaba na ang kiyang lagnat."pormal niyang wika sa pinsan at nagtuloy sa paglakad.

"Ganoon ba? Salamat naman. Teka, pinsan, magkuwentuhan naman tayo. Palagi ka na lang seryoso. Sandali, kukuha ako ng kape.."masayang wika ni Dexter dito. Ngumiti lang ng matipid si Diego at tumango.

"Sige, maghihintay ako sa iyo sa balcony."wika niya pagkatapos at tinunton ang hagdanan.

        Nasa kalagitnaan siya ng pagsasalang ng musika sa musi player nang datnan siya ni Dexter. Nakangiting kinindatan siya nito habang dala-dala ang dalawang tasa ng kape. Dexter and Diego are cousins. Their mothers are sisters. Noong mga bata pa sila ay close na close ang dalawa kahit matanda si Diego ng apat na taon. Madalas silang nangangabayo noong nagbibinata na sila. However, they parted their ways nang magmigrate ang pamilya ni Dexter sa Japan. Doon na rin ito nag-aral ng medisina. Ngunit hindi nito natapos ang kurso dahil nagbulakbol ito. Habang ang pamilya ni Diego ay nanatili dito sa probinsiya at dahil sa munting negosyo na lumago nabili nila ang mga malalaking lupain na ibinibenta sa kanilang pamilya noon ngunit maagang naulila ang binata kaya ang kaniyang tiyuhin ang tumulong sa kaniya. Nakapagtapos si Diego ng BS- Criminology at nagsilbi bilang PNP Special Action Force sa loob ng limang taon.

" Here's our coffee." Inilatag ni Dexter ang dalawang tasa ng kape sa lamesita na naroon.

"Salamat, pinsan. Hindi ko inexpect na marunong ka nito."nakangiting wika niya rito.

"Grabe ka naman. May skills naman ako sa ganito kahit papano." Naupo sila sa narrang upuan na naroon.

"Well, your mixture is good enough."aniya pagkatapos humigop ng kape.

"Thanks for the compliment."natatawang wika nito.

"By the way, how is tita? Are they still living in Japan?"
tanong nito sa pinsan dahil sa pagkakaalam niya isang taon na ng pumirmi si Dexter sa bansa. Umuwi kasi ito nang makipagbreak ito sa girlfriend na Haponesa.

"Yes, they are still there. Masaya sila doon eh. By the way, I would like to congratulate you pinsan for being so successful. Wala ka na bang balak bumalik sa serbisyo?" Tinutukoy nito ang kaniyang pagpupulis.

"For now, I have no plans about it. Masaya ako sa farm business ko."

"Nakikita ko nga. Kumusta ang mga kabayo mo? Can I have a ride on it?"

"Oo naman. Alam ko namang bisyo mo ang pangangabayo bukod sa pambabae."natawang wika ni Diego.

" Well, I think its different now. You are right thats the kind of me but not until I met her."nakangiting wika nito.

" Sino?"biglang nag-iba ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

" The woman I brought here last night. She's perfect."

"She is Ysabelle."malayo ang tingin na sabi niya. May kung anong bagay na biglang nag-iba sa loob niya. He hates that feeling. Bigla niyang inisip si Zarah, his dead girlfriend para supilin ang damdamin na gumihit sa kaniyang kalooban ngunit parang hindi naproseso ng kaniyang mga neurons ang alala niya rito. What is clear inside his mind is the present.

"Do you know her?"na-amaze na tanong ni Dexter.

"She is one of my maids in the house. Siguro naman hindi ka ma-aattract sa ganoong klase ng babae. I knew you. You are classy."makahulugan niyang wika.

"Really? Well, I remember this lyrics saying mahal kita maging sino ka man. I think that is working in me now."natatawang sabi nito na ikinangitngit ng kausap.

"Do not tell me, ngayon ka lang nakakita ng maganda? So, do you lived by this principle, love on the first sight?"he said sarcastically.

"I do not know Diego but all of a sudden, she hits everything in me and I can't seem to resist it." Nakita ng binata na mukhang seryoso ang kaniyang pinsan.

"Why you are acting that way Diego? If he wants her, let him be. Diba ang puso mo ay para kay Zara lang? Damn! What the hell are you doing?" His mind whispers.

"Well, go on."maikling wika niya at tumahimik na.

Mabilis na lumipas ang tatlong araw. Wala na ang lagnat ni Ysabelle ngunit hindi pa rin ito nagigising. Medyo nag-alala na si Manang Krising sa pagkakatong iyon na siyang nag-aalaga na sa dalaga. Sinabi ni Diego sa kaniya ang nangyari kaya hindi na siya nagtaka kung bakit napakalayo ng mukha ng Ysabelle na kaniyang unang nakilala sa mukha ng Ysabelle na nakaratay ngayon sa kama.

"Hmmm.."

"Hija, salamat at gising ka na sa wakas." Mabilis na lumapit si manang sa higaan nito. Ngumiti ito at ginagap ang kaniyang mga palad. Marahang kinurap ni Ysabelle ang kaniyang mga mata dahil nanlalabo pa. Nang makilala kung sino ang nakatunghay sa kaniya ay kaagad siyang napabalikwas at niyakap ito. Humagulgol ang dalaga.

"Patawad manang, niloko ko kayo. Patawad talaga po. Ipapaliwanag ko po sa inyo kung bakit nagkaganoon."aniya habang umiiyak.

"Sshh, mamaya na tayo mag-uusap tungkol diyan kung magaling ka na talaga ha..." Hinaplos nito ang kaniyang likuran.

"Anong gusto mong kainin.?"masuying tanong nito sa kaniya.

"Teka, saan po ba tayo? Paano pong-"

"Natagpuan kang walang malay at nakahandusay sa maputik na daan ni Sir Dexter, pinsan ni Sir Diego noong gabing umalis ka. Dinala ka niya pabalik dito sa bahay kasi saktong dito magbabakasyon si Sir. Nandito ka ngayon sa guest room katabi ng kuwarto ni sir Diego."Pagputol ng matanda sa mga tanong nito.

"Ha?" Biglang sumaklob sa kaniyang puso ang takot. Wala siyang mukhang ihaharap kay Diego. Biglang nagflashback sa kaniyang alaala ang huling paghaharap nila noong gabing iyon.

"Huwag kang mag-alala hindi siya galit sa iyo. Ikinuha ka pa nga niya ng nurse eh na mag-aalaga sa iyo noong hindi pa ako nakabalik ."paliwanang nito ng makita sa kaniyang mukha ang pangamba.

"Nahihiya po ako sa kaniya manang. Ayoko pong magpakita sa kaniya. Aalis na po talaga ako dito." Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa matanda at pinahiran ang kaniyang mga luha.

"Hindi ka aalis. Walang aalis ng bahay." Isang matigas na tinig ang narinig nila buhat sa gilid. Nanlaki ang mga mata ni Ysabelle. Kasasabi pa lang niya na ayaw niyang makita ito ngunit heto na ito ngayon sa kaniyang harapan.

"Manang, iwan ninyo po muna kami."wika ni Diego. Mahigpit na hinawakan ni Ysabelle ang kamay ng matanda ngunit wala siyang naggawa. Yumuko siya dahil hindi niya matiis ang mga titig ng binata.
Tanging katahimikan lang ang namagitan sa kanila. Ibinaling ng binata ang pansin sa door knob at ini-lock iyon. Pagkatapos ay umupo sa plastic stall sa gilid ng kama.

"I'm sorry dahil nabigla ako the last time."basag ni Diego sa katahimikang namamayani.

"Wala po iyon. Karapatdapat lang po iyon na mangyari."nakayukong wika ng dalaga.

" I would like to listen your story."mahinahong boses ang pinakawalan ng binata.

"Ho?" Sa pagkakataong iyon nag-angat siya ng tingin. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Doon niya masugid na nasilayan ang guwapong mukha nito. His eyes are deep dark brown that draws his lonesome character. He has this sharp nose that blends well with his moist thin lips. And a divided chin that makes him so sexy with his sharp edged jaw. Humagod ang paningin ni Ysabelle hanggang sa Adam's apple nito. Tila nag-iba ang kaniyang naramdaman dahilan upang mapalunok siya.

"Gusto kong malaman why you are wearing that prosthetics."wika nito. Ibinaba ng dalaga ang kaniyang paningin dahil biglang nag-init ang kaniyang mga pisngi. Nagpakawala siya ng malalim na buntung-hininga bago nagsimulang magsalita.

"Nagsimula ang kuwento ko noong isang araw na may nagpunta doon sa aming barangay na di umanoy isang recruitment agency from Manila. In demand daw sa abroad ang caregiver at naghahanap sila ng mga pinay na gustong magtrabaho sa ibang bansa. Wala na si itay ng mga panahong iyon at since ako ang panganay, pinangarap ko talagang tulungan ang mama ko sa pagtaguyod at pagpapaaral sa mga kapatid ko. To make it short, kasama ako sa mga kababaihang dinala sa Maynila. Doon namin nalaman na gagawin lang pala kaming mga prostitute. Hanggang sa dinala kami sa isang lugar na hindi namin alam kung saan dahil every time na itatransfer kami sa ibang lugar nakapiring ang aming mga mata. May isang lalaking pumili ng mga magaganda doon-"

"At kasali ka doon.."dugtong ni Diego. Tumango si Ysabelle at nagpatuloy.

"Lima kami noon, dinala kami sa isang hospital at may test na ginawa sa amin. Pagkatapos niyon ay nahiwalay na kaming lima mula sa karamihan. Kinunan kami ng litrato .....hubad..." Nagsimula ng tumulo ang mga luha ng dalaga ngunit nagpatuloy pa rin ito. She wants to be honest this time.

"Nang marinig ko ang mga hayup, may presyo na kami bawat isa. Ibi-bid raw kami sa mga politiko. Iyong medical exam ipapakita daw nila sa mga politicians to attract them. Siyempre yung highest bidder siya ang mag-uuwi. Sa kasamaang palad dalawa lang kaming pasado sa medical exam. Iyon daw ang magbibigay sa amin ng mataas na presyo. Ewan ko kung anong nakalagay doon."

"That means you're  a virgin. You could have been so expensive." anang isip ng binata. Biglang may napukaw sa kaniyang pagkatao ng maisip niya ang ideyang iyon. Ngunit pinayapa at sinupil niya ang sarili.

"The night kung kailan gagawin ang bidding, nakatakas ako. Nagtago ako ng dalawang linggo sa isang kumbento at tinulungan ako ng isang madre doon upang magkaprosthetics ako. Hindi ko iyon tinanggal hanggang nagkrus ang landas natin sa bus ng gabing iyon. Takot akong mahanap nila, takot akong makilala."

Hindi nakapagsalita si Diego. Labis siyang naawa sa dalaga. He felt fondness towards her. Parang gusto niyang batukan ang sarili dahil dinagdagan lang niya pala ang bigat ng problemang pasan nito ngayon. Until he found himself hugging her tightly. Nagulat si Ysabelle sa ginawang iyon ng binata. Naisip niyang marahil ay awang-awa ito sa kaniya kaya ito yumakap. Hinaplos nito ang kaniyang mahabang buhok. She felt so special. Kay init ng katawan nito at nagdala iyon ng kakaibang dulot sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

154K 3.7K 54
What will you do if you end up in someone else body?
32.8K 851 22
Ang matagal nang mag-ex na sina Shary at Niel ay muling magkikita sa isang iglap. Sa kanilang pagkikita, makakapagmove-on pa kaya ng tuluyan si Shary...
1.8M 36.5K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
767K 26.5K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...