The Man After His Own Heart

By _Isabelle_

52.1K 2.8K 1.4K

A story of a man after God's heart More

The Man After His Own Heart (Prologue)
Chapter 1 - Unforgettable
Chapter 2 - Known
Chapter 3 - Secret
Chapter 4 - Agreement
Chapter 5 - Sweet
Chapter 6 - Alone
Chapter 7 - Not Alone
Chapter 8 - Boaz
Chapter 9 - Smile (1)
Chapter 10 - Smile (2)
Chapter 11 - Time
Chapter 12 - Helpful
Chapter 13 - Rain of Emotions (1)
Chapter 14 - Rain of Emotions (2)
Chapter 15 - Rain of Emotions (3)
Chapter 16 - Rain of Emotions (Last Part)
Chapter 17 - His Name
Chapter 18 - Payment
Chapter 19 - Emmanuel
Chapter 20 - Kiss
Chapter 21 - Broken, but Blessed
Chapter 22 - Love blooms slowly
Chapter 23 - Out of the abundance of the Heart (1)
Chapter 24 - Out of the abundance of the Heart (2)
Chapter 25 - Out of the abundance of the Heart (last part)
Chapter 26 - God is with us (1)
Chapter 28 - God is with us (3)
Chapter 29 - God is with us (Last Part)
Note
Epilogue

Chapter 27 - God is with us (2)

1.5K 89 20
By _Isabelle_

“Hello.”Bati niya sa batang babae na sa palagay niya ay nasa dalawa o tatlong taon. Kakatapos niya lang patulugin ang anak at nasa kuna ito sa sala. Lumabas lamang siya dahil sa may narinig siyang mga boses at akala niya ay asawa. Umalis kasi ito ng umaga at pumuntang bayan. Pero heto nasa may baba ng bahay nila ang batang babae. Maputi ito, namumula ang pisngi at labi at tama lamang ang pagiging malusog nito.

“Hi!” Bati sa kanya ng bata. Lumuhod siya para matingnan ang bata. Ang ganda-ganda nito. Doon niya napansin ang mahaba at mapilantik na pilikmata nito. May naisip siya at natigilan. Lalo ng makita niya ang kulay abong mata ng bata na halos kapareho ng shade ng mga mata niya. May tatlo lamang siyang alam na kapareho ng shade ng mga mata niya. Ang lola niya, ang papa niya at ang nakababatang kapatid niya na si Belle. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa realisasyon. Iginala niya ang mata sa may tarangkahan pero walang bulto ng tao o ng kapatid niya.

“Sinong kasama mo baby?” Tanong niya sa bata. Maliwanag ang mga mata nito.

“My parenth.” May pagkabulol pa ito. Ang S nito ay ‘th’ ang pagkakasalita.

“Nasaan sila?” Nag-isip ang magandang bata at nagturo sa parte ng kamalig.

“Thino po kaw?” Manghang tanong ng bata. “You uhm…like Mommy!” Napangiti siya. Tama nga ba ang kaniyang hinala?

“I am Nanay Liv.”

“Nay Liv?” Ngumiti ng malaki ang batang babae at naalala naman niya ang bunsong kapatid sa pagngiti nito. Ramdam niya ang init mula sa kanyang puso.

“Ysa!” Narinig niya ang boses na pamilyar sa kanya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. “Ysabella!” Sabay silang lumingon ng batang babae na nagngangalang Ysabella. At sa paglingon niya ay nakita niya nga na tama ang kaniyang hinala.

“A-ate…”  Nanginginig na salita ng kanyang kapatid na si Belle. Agaran itong tumakbo papunta sa kanya. Kaagad siyang nagbukas ng kamay at braso para sa pagyakap nito. Yumakap sa kanya ang kapatid ng napakahigpit at gumanti rin siya ng mahigpit na yakap. “Ate…” Rinig niya ang paghikbi ng kapatid. Maging siya ay napaluha. Matagal ng panahon na hindi niya nakita ang kapatid. Bilang kasi ang kilos niya sa pamamahay ng mga Romualdez kaya hindi rin niya makausap ang pamilya niya. Wala siyang kalayaan. Isa siyang bilanggo sa kulungan at galamay ng mga Romualdez.

“I missed you! I missed you so much. A-anong nangyari sa’yo ate?” Ramdam niya ang nginig sa boses ng mahal niyang kapatid. Kahit siya ay hindi na mapigilan ang pagluha. Malapit talaga sila sa isa’t isa at alam niya ang pakiramdam kung gaano kasakit malayo rito at hindi man lang ito makausap. “Ate, please huwag ka ng lalayo. Please magtawagan tayo lagi. Magkita tayo lagi.” Tumango siya.

“I’m so-sorry, baby.” Humihikbi niyang salita. “Maraming nangyari kay ate. Sobrang dami.” Kaagad bumuhos ang masaganang luha niya. How she missed her sibling and her parents. “But I assure you now, baby, I’ll be involved again to your life.” Humagulgol ang kapatid at napangiti siya. “Still a crybaby, my baby.”Kahit may anak na siya at may anak na ang bunsong kapatid niya ay hindi pa rin siya napapagod at hindi niya iibahin ang tawag rito na baby. She was her baby sister after all. Natatandaan niya dati na pinagdasal niya ang magkaroon ng kapatid na babae at noon pa lang sinagot ng Diyos ang panalangin niya. God gave her Belle and though their relationship was not that good at first but still she was her answered prayer. Ngayon niya lang narealize ang lahat-lahat. She had been asking God for requests and from her sister to the abundance of her wealth and career her requests were answered. Sadyang bulag nga lang siya para matanto ito noon. At ngayon alam na niya ang Diyos ang may gawa ng lahat nandoon ang taos puso niyang pasasalamat sa mga tinamasa niya sa buhay. She will be grateful to Him forever.

“Mommy, cry. Mommy cry.”Natigilan silang parehong magkapatid sa munting boses at napitingin roon. It was Ysa and worriness was shown on her face. Nag-aalala sa kanyang ina. Kaagad niyang pinunasan ang luha at pareho silang nagbitiw sa pagkayakap at sabay na lumuhod sa harap ng maganda niyang pamangkin.

“Masaya lang si mommy, Ysa.” Hinaplos ni Belle ang mukha ng kanyang anak. Sumugo ang anak nito at yumakap sa leeg ng ina. Napangiti siya dahil roon.

“Ytha mahal mommy.” Lalong lumaki ang ngiti niya sa narinig. Tumingin sa kanya si Belle na nagpupunas na ng luha.

“Mahal din ni mommy si Ysa.” Sagot ng kapatid. “Baby, hindi ba sinabi ko sa’yo meroon big sister si mommy?”

“Uhm.” Sagot lang ng pamangkin niya at bumitaw na sa pagkakayakap sa ina.

“Siya iyon big sister ni mommy. Si Tita Liv.” Lumingon sa kanya ang pamangkin at pinagmasdan lang siya.

“Tita? Nay Liv!” Napangiti siya.

“Nanay Liv?” Tanong sa kanya ni Belle.

“Nanay Liv ang tawag mo sa akin, Ysa. Iyon din kasi ang tawag sa akin ni Emmanuel.”

“Sino si Emmanuel?” Manghang tanong ng kapatid. Ngumiti siya ng malaki. Mukhang wala pang nababanggit ang asawa niya.

“Anak ko…I mean, anak namin ni Boaz.”

“Ni Tatang?!” Hindi makapaniwalang tanong ng kapatid. Nagulat pa nga ang pamangkin sa pagkakasabi ng ina. Tumango siya at ngumiti ng malawig. “Oh my goodness! Kuya ko na si Tatang?!”

Natawa na lang siya sa reaksyon ng kapatid. Iyon ata ang hindi nagbago sa kapatid.

“Oh ate!” Niyakap ulit siya ng kapatid. Kanina pa sila nag-iiyakan dahil sa kwentuhan. Ang mga anak nila ay parehong nasa mga ama nito at mukhang binigyan sila ng espasyo at oras para mag-usap ng masinsinan. At sinabi niya ang lahat. No holds barred. Ayaw na niyang maglihim sa kapatid. At karapatan din ng kanyang kapatid ang malaman ang lahat. “Kung ako ang dating Belle, ate, mata lang ang walang latay diyan sa yumao mong asawa.” Natawa na lang siya pero alam niyang maaring gawin nga iyon ng kapatid kung hindi pa ito nagbago. Siga at basagulera si Belle. Wala itong inuurungan kahit lalaki. Natandaan niya noon highschool ito at nakipagbugbugan sa eskwelahan sa grupo ng mga lalaki kasama ng barkada niyang puro lalaki rin. Wala noon ang mga magulang niya kaya siya ang pinatawag ng school dahil napaguidance ito. Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti. Totoong ang Diyos lang ang tanging may hawak ng ating puso at siya lamang ang maaring makapagpabago noon. God has been gracious to Belle and to her.

“Are you alright now ate?”Tumingin siya sa kapatid at tumango.

“Salamat talaga sa Diyos sa lahat ng ginawa niya sa buhay ko. Ang mga taong nakilala ko sa hacienda at si Boaz. Sila ang naging pamilya ko. At si Boaz…siya ang naging instrumento ng Diyos para sa pagmulat ng mata ko. I’m very grateful to God for giving me Boaz.” Ngumiti ng malaki si Belle sa kanya. Mukhang tanggap na nito ang namamagitan sa kanila ng asawa. Kanina lamang ay halata ang pagkashock nito.

“Si Tatang talaga!” Salita pa ng kapatid. “Gusto ka niya atang masolo ng matagal kaya tinago ka sa amin.” Napangiti siya ngunit umiling.

“It was my own decision, Belle and Boaz respected it like a true gentleman.”

“Pero di talaga ako makapaniwala na sa huli kayong dalawa. Hay… Si tatang talaga—ay dapat kuya na pala. Ate ang hirap tawagin kuya si tatang!” Natawa siya.

“Ikaw talaga. Buti hindi naasar sa’yo si Boaz at tinatawag mo siyang tatang.”

“He is way older than me, ate. Way older. Parang anak na nga ako nu’n kung ituring.”

“Eh di nanang dapat itawag mo sa akin dahil parang anak na rin ang turing ko sa’yo? Di ba ikaw ang first baby ko?” Nangingiti niyang salita.

“No ate! Sige tatawagin ko siyang kuya. Ku-kuya Boaz.” Hirap nitong salita. Natawa siya.

“Matutuwa iyon.” Salita niya. “Pero alam mo naman kung gaano kabait si Boaz. He doesn’t mind whatever you call him. Pero naiilang ako sa’yong tawagin mo siyang tatang. Hindi pa naman siya matanda. At kung titingan mo mukha lang kaming magkaedad. At malakas ang asawa ko idagdag mo pa na gwapo.” Ngumiti ng malaki si Belle na nakatitig sa kanya.

“You really love him ate, ‘no?” Nag-init ang pisngi niya sa sinabi ng kapatid.

“Who wouldn’t love a man like Boaz? Siya ang taong hindi mo mapipigilang mahalin. And it grows deeper and deeper everyday.”

“Aw… Kuya Boaz is really loved and cherished.”

“And he does the same to me and to Emmanuel. Wala na akong mahihiling. I am truly blessed to have him.”

Natigilan sila sa pagkukwentuhan ng may kumatok sa pintuan.

“Tuloy.” Salita ng kapatid. Bumukas ang pintuan at niluwa noon ang gwapong mukha ng asawa.

“Love, dinner na. Kain na muna tayo. Belle, tara.” Yaya ng asawa. Tumayo na siya maging si Belle. Nauna na siya at sinalubong siya ng asawa ng yakap at halik sa noo. It was routinary. At hindi siya magsasawa sa routine na iyon.

“Ay ta-kuya kayo na ang sweet.” Salita ng kapatid at napangiti siya.

“Kuya?” Manghang tanong ng asawa.

“Yes, Kuya Boaz. Now that you are married to my ate by right I should be calling you kuya from now on.” Tumawa ang asawa.

“Bago iyan Belle,ha? Mukhang mamimiss ko ang pagtawag mo ng tatang.”

“See ate. Pwede pa rin tatang. Mas gusto ni kuya na tatang ang tawag sa kanya.”

“Belle.” Iling niya sa kapatid.

“Okay. Ate wants me to call you kuya. So Kuya Boaz kailangan masananay ka na.” Ngumiti siya at ang asawa ay humalakhak. Ngumiti naman ng malaki ang kapatid.

“Uel.” Nilalaro ng pamangkin niyang si Ysa si Emmanuel. Umaga at abala ang lahat dahil sa first birthday celebration ngayon ng anak. Kasama niya ang dalawang bata dahil abala ang kapatid sa pagbabake ng cake ni Emmanuel. Nagpresinta ito kahit na sinabi nilang mag-asawa na meroon ng cake ang anak. And knowing how stubborn her sister is, wala na silang nagawa ng maaga itong lumawas sa bayan kanina.

“Love mo si Emmanuel, Ysa?” Tumango ang pamangkin at hinalikan pa ang anak niya sa pisngi. Tumawa naman si Emmanuel matapos ay umungot. Gusto na nitong magpababa at maglakad. Matikas na itong maglakad pero alerto pa rin siya kasi kung saan-saan ito sumusuot. Binaba na niya ito at naglakad na ito. Nasa tapat sila ng bahay at lupa naman ito kaya hindi siya nag-aalala kung mapapaupo ito. Nakasunod sa kanya si Ysa at mukhang tuwang-tuwa ang anak niya sa bagong kalaro nito. Pilit nitong inaabot si Ysa pero si Ysa naman ay tatakbo palayo kapag malapit na anak.

Nang hindi mahagilap ng anak ang kalaro ay sa ibang direkyon na ito naglakad. At doon niya natanto na palapit na ito sa bayaw niya na si Eki. Kaagad naman kinuha ang anak at kinarga ng bayaw at hinalikan ito sa pisngi.

“ Good morning birthday boy!” Tinaas pa ito at humiyaw ang anak na gustung-gusto. Lumapit naman siya rito. Ngumiti sa kanya si Eki. “ Okay ka lang ba na mag-alaga ng dalawa? Makulit iyan si Ysa.” Napatingin naman siya sa pamangkin na pumipitas ng bulaklak.

“ Okay lang.” Ngiti niya. “Mukhang alam ko na kung kanino nagmana ang anak niyo ni Belle.” Tumawa si Eki at napatawa na rin siya.

“Natatandaan ko nga kung gaano siya kakulit noon mga bata pa tayo.” Anito.

“ Pero sumusunod siya sa’yo. Kaso sa huli inispoil mo ang kapatid ko.” Namula ang bayaw sa sinabi niya. “Alam ko noon una pa lang na espesyal si Belle sa’yo.”

“Mahalaga kayong pareho ni Belle sa akin, Liv.” Nakangiting salita nito.

“Kunwari ka pa.” Biro niya rito. Tumawa na naman si Eki. Namiss niya ang pagngiti ni Eki. Lagi kasi itong nakangiti at maaliwalas ang mukha. Kaya nga siguro nagustuhan niya ito noon. “Mga  bata pa tayo noon. Salamat Eki sa pagmamahal sa kapatid ko. Kita kong masaya sa’yo.”

“At masaya rin ako sa kanya. Lahat gagawin ko para lang sumaya si Belle.”

“ Huwag mo sabihin spoiled pa rin sa’yo si Belle?” Tumawa na naman ito.

“Once in a while I do spoil her.” Pag-amin nito. “Wala naman akong magagawa kasi masaya rin akong naiispoil ko siya.” Napangiti ako.

“Nay!” Napatingin siya sa pagtawag ni Ysa at mukhang nagpapabuhat rin. Binuhat niya ito. Nilagay naman nito ang bulaklak sa tainga niya. “ Pwetty.” Napangiti siya ng malaki dito matapos ay hinalikan sa pisngi. “Daddy than mommy?”

“Mommy’s baking, baby.” Ngumiti ito. “Naku, baka hinahanap na ako ng mommy mo.” Ginulo ni Eki ang buhok ng anak nito. “Pinatingnan niya lang kung ayos kayong tatlo rito. Baka kasi raw nahihirapan ka.”

“I can manage.” Ngiti niya. “Sige na.” Binaba na niya si Ysa para kuhanin si Emmanuel pero bago nito ibigay si Emmanuel ay nilaro pa at tinaas-taas ni Eki.

“Parang gusto ko rin ng lalaking anak.” Bulalas nito bago iabot sa kanya si Emmanuel.

“Pwede naman.” Ngiti niya. “Sabihan mo si Belle na sundan niyo na si Ysa ng lalaki.” Ngumiti ng malaki si Eki.

“Actually Liv…Belle is pregnant.”

“Talaga?!” Natutuwa niyang pahayag. “Baka lalaki na iyan.”

“Sana.” Ngiti nito. “Pinagdadasal ko nga.”

“Pero teka dapat hindi mo pinapagod si Belle. Baka mapano iyon. Tapos nagpresinta pa magbake.”

“Huwag kang mag-alala. Tinutulungan ko siya. Hindi ko siya hahayaan mapagod.” Assure pa nito sa kanya. “Alam mo naman matigas ang ulo noon kaya ayaw papigil na gawan si Emmanuel ng cake.”

“Hay…totoo.” Nakangiti niyang salita.

“But then she is not as stubborn as before. She does listen now to sound reasons.” Napangiti siya. God is truly moving in her life as well as her sister's life.

Natapos ang birthday ni Emmanuel at ganoon na rin ang thanksgiving ng buong hacienda. Pumunta sina Tay Melencio, Inang Naomi at Isay. Lahat ay imbitado mula sa Hacienda Rachel pero ang tatlo lamang ang nakapunta. Ang mga trabahador sa Hacienda Emmanuel maging ang mga staff ng asawa sa opisina ay kasama. Nakilala niya rin ang asawa ni Gracie na si Joshua. Kung anong ingay ni Gracie ay siya naman tahimik ni Joshua. Though hindi naman exactly na tahimik sadyang madaldal lang si Gracie. Nakilala niya rin sa wakas ang kanyang father in law na si Daddy Sac. Malakas pa ito sa edad niya pero doble ang pag-iingat rito dahil sa pagkakaatake na rin nito sa puso. Kasama nito ang lalaking nurse na laging nakaalalay rito na madalas tinatakasan ng matanda. Mas malakas pa raw siya sa kalabaw at lagi siyang natatawa kapag sinasabi iyon ng biyenan.

“Ay salamat, Liv.” Inabutan niya ito ng kape. Nasa labas pa ang biyenan at nakaupo sa beranda. Iniwan muna sila ng nurse nito at sinabing tutulong na lang daw muna ito sa pag-aayos at paglilinis ng pinaghandaan na tinanguan niya lang. “Buti ka pa at binibigyan mo ako ng kape. Pinagbabawalan ako ng mga anak ko.”

“Ibang kape iyan, Daddy.” Ngiti niya at umupo sa tabi nito. “Caffeine free at good for the heart. Tanim at gawa iyan ng isa sa mga kilala ng anak niyong may-ari din ng bukirin dito. Nasabi nga po ni Boaz na matutuwa kayo na makakainom ng  kape.”

Sumimsim ang matanda matapos ay ngumiti ng malaki. Napangiti rin siya.

“Tulog na ba ang apo ko?” Tumango siya. “Sundan niyo na para maabutan ko pa.”

“Dad, maabutan niyo pa ang susunod naming anak.”

“Damihan niyong anak. Mas marami, mas masaya. Kayang-kaya naman kayong buhayin ni Boaz.” Napangiti siya. Nakatingin sa malayo ang biyenan. “Kung sana maibabalik ko lang ay dadamihan ko pa sana ang anak naming ng Nanay Rachel mo. Pero masaya naman ako sa dalawa kong anak. Parehong mabait, mana sa nanay. Lalo na iyan Boaz.” Napangiti siya. Parang gusto naman niyang makilala ng personal si Nanay Rachel dahil sa sinabi ng biyenan.

“Sabi nga po ni Boaz na the best nanay po si Nanay Rachel.”

“At the best wife.” Ngumiti ang biyenan at kita niya ang saya sa mga mata nito. “Namimiss ko na ang Nanay Rachel mo. Siguro kasi ay nakulitan sa akin sa pagpapainom ng gamot kaya sumama na sa Panginoon.” Nakagat niya ang labi. Aaluin niya sana ang matanda ngunit nakangiti naman ito. “Sana, maging mabuti ka rin asawa sa akin anak, Liv gaya ng yumao kong asawa.” Lumingon ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “Pero sa nakikita ko naman ay mabuti kang asawa sa anak ko. Siguro ngayon maari na rin akong lumisan ngayon may kanya-kanyang pamilya na ang mga anak ko. Ang tagal kasing mag-asawa ni Boaz. Napakapihikan sa babae. Pero mukhang naging maganda ang resulta ng pagkapihikan. Nakapaganda mo hija.”

“Salamat Daddy. Pero huwag muna ninyong sundan si Nay Rachel. Makikita niyo pa ang mga susunod niyong apo sa amin.” Hinaplos niya ang kamay ng biyenan. Ngumiti ito ng malaki sa kanya.

“ O siya sige. Ilan pa ba ang hihintayin ko?” Napangiti siya ng malaki habang nag-iisip kung ilan.

“Anim pa Dad.” Ngiti niya.

“Ganoon kadami?” Tumawa ang biyenan at siya rin ay tumawa.

“Sabi niyo po ay damihan namin ang magiging anak namin.”

“ O sige-sige.” Sang-ayon ng matanda matapos ay tumingin sa langit. “Narinig mo iyon sweetie? Mukhang matatagalan pa ako sa muli nating pagkikita. Gusto ko pang makita ang mga apo natin. Mag-enjoy ka muna diyan, sweetie.” Nakatitig lang siya rito na nakatingin sa langit na puno ng bituin. Sa palagay niya ay kamukha ito ng asawa noon kabataan nito. At ang kulay ng mga mata nito ay kagaya rin ng sa asawa. “Pero walang boys, okay?” Napangiti siya pagbibiro ng matanda pero hindi naman niya napigilan ang pag-alpas ng luha niya. She was touched on how his father in law loved her mother in law. Kitang-kita niya ito sa mukha nito at ramdam niya sa pagsasalita nito ang pagmamahal. That was truly inspiring and worth imitating for.

“Tired?” Masahe niya sa asawa. Nakaupo na sila sa kama. Tahimik na ang buong kabahayan at lahat ng kwarto ay okupado. Mabuti na lamang at maraming kwarto dito sa bahay.

“Medyo.” Pinasadahan niya pa ng palad ang likod nito at napaungol ang asawa na  sa palagay niya ay nasaktan. Nitong isang linggo kasi ay abala ito sa trabaho pambukid at pang-opisina. Isama mo pa ang preparasyon sa kaarawan ng anak.

“Love, sinabi ko kay daddy na hihintayin niya ang susunod pa nating anim na anak.” Lumingon sa kanya ang asawa na halata niya ang pagkabigla. Natawa siya.

“Anim?” Natawa ito. “Kakayanin pa ba ng likod kong buhatin ka kapag manganganak ka na at magbuhat ng bata pag nagkataon?” Natatawa ang asawa. Natawa rin siya.

“Sinabi ko lang iyon kasi sa pananalita ni daddy mukhang nagpapaalam na siya. Miss na miss niya na raw si Nanay Rachel.” Kinuha naman ng asawa niya ang kamay niya na nasa likuran nito at iniharap siya rito.

“Thank you for giving him a reason to live. Naging malulungkutin na si daddy simula ng mawala si nanay.”

“Love, bisitahin natin siyang malimit para naman lagi natin siya nakikita. Palagay ko mas ginaganahan at masaya siya kapag may kausap at kasama ang mga apo.” Suhestiyon niya. Ngumiti ng malaki ang asawa at niyakap siya nito.

“Thank you, love. Salamat sa pagmamahal din kay daddy.”

“You have a wonderful family, Boaz and I am thankful to God to be apart of your beautiful family. Mahal ko ang pamilya mo at grateful ako na tanggap ako at mahal din nila ako.”

“Oh love…” Hinagod ng asawa ang kanyang likod.

“Did I thank you enough, love?” Tanong niya sa asawa. “Kasi parang laging kulang ang pagpapasalamat ko sa’yo sa kung anong meroon ako ngayon.”

“Sapat na ang pagpapasalamat mo sa akin, love. Sapat na sapat na. Iyon pagpapasaya mo lang sa akin, kayo ni Emmanuel sa araw-araw ay sapat na.”

“Mahal na mahal kita, Boaz.” Sumiksik siya lalo rito at humigpit lalo ang kanyang pagkakayakap.

“Mahal na mahal rin kita, Liv.” Niyakap siya ng mahigpit ng asawa matapos ay kusa itong bumitaw, sinapo ang mukha niya at hinalikan siya ng buong pagmamahal. Meroon pa ba siyang mahihiling sa ngayon? Puro pasasalamat lang ang laman ng kanyang puso. Tumigil ang asawa sa paghalik sa kanya at tiningnan siya na may malaking ngiti sa labi habang sapo-sapo ang kanyang mukha. “Kailangan na natin magmadali, love para mahabol natin ang anim na kapatid ni Emmanuel.” Napangiti siya ng malawig dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung kakayanin nila ang anim pang dagdag ng anak. Kung loobin ito ng Panginoon o hindi ay magpapasalamat pa rin siya sa Panginoon. She just surrender it all to God because God’s plan is the best plan for their life.

...

Nagloloko ang wp. Sana mabasa niyo ito. Anyway, super lapit ng matapos. I hope matapos ko na ito bago ako maging abala ulit. Godbless us all!







Continue Reading

You'll Also Like

169K 4.1K 30
The Girl In A Vintage Dress By Chelsea Parker Lumipas man ang ilandaang taon, pagtatagpuin at pagtatagpuin ang dalawang tao na itinakda ng tadhana p...
92.6K 206 30
"Hindi naman mahalaga kung mahina o malakas ka, ang importante ay ang kaya mong harapin ang iyong mga kahinaan, ang kaya mo itong baguhin upang sa ma...
90.1K 1.7K 17
May dalawang pangarap ang stand-up comedian na si Beauty: ang maging isang sikat na personalidad at ang mapansin ng artistang si Gavin Acosta. Para m...
506K 17.6K 28
Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020