Chapter 29 - God is with us (Last Part)

1.7K 87 49
                                    

"Emmanuel!" Sigaw niya.

"Love, love!" Rinig niya ang boses ng asawa kaya pinilit niyang imulat ang mata. Madilim pa rin sa buong kwarto at tanging ilaw mula sa lamp shade ang ilaw nila. Bumungad sa kanya ang mukha ng asawa na nag-aalala. Tumingin siya sa paligid matapos ay huminga ng malalim. "Masamang panaginip?" Umahon ang asawa sa pagkakahiga at sumandal sa headboard. Ganoon rin ang ginawa niya matapos ay yumakap sa asawa. Naramdaman niya ang pagyakap nito at paghalik sa kanyang sentido.

"Kinuha nila si Emmanuel. Tumatakbo ako para habulin ang anak natin pero nakuha na nila ang anak natin." Kinuha niya ang baby monitor at nakita niya ang anak na tulog na tulog sa crib nito sa kwarto nito. "Sobrang takot ko, Boaz. Sobra. Parang totoo ang mga nangyari." Naluluha pa nga siya sa masamang alaala ng panaginip.

"Panaginip lamang iyon." Pukaw sa kanya ng asawa ng matulala siya. "We prayed about this, Love. Tinaas na natin sa Panginoon ang lahat ngayon hayaan na natin siyang gumalaw sa buhay natin."

"Pasensiya na. Hindi ko sadyang mag-alala kahit sa subconscious mind ko. Alam kong hindi dapat ganito."

"Naiintindihan ko, Love at naiintindihan din ng Diyos ang pinagdadaanan at nararamdaman natin."

"He does...I know he does." Napapikit siya.

...

29 Hindi ba ipinagbibili ang dalawang maya ng isang sentimo? Gayunman, kahit isa sa kanila ay hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahihintulutan ng iyong Ama. 30 Maging ang mga buhok ninyo sa inyong mga ulo ay bilang niya ang lahat. 31 Kaya nga, huwag kayong matakot sapagkat higit kayong mahalaga kaysa sa maraming maya. (Matthew 10:29-31)

Dala niya ang lumang bibliya ng asawa at nandito siya sa quiet place nila sa may bukid. Alas-singko y media pa lamang ng umaga. Matapos kasi niyang managinip ay hindi na agad siya nakatulog. She was worried and anxious. She was finding something to read in the bible when she stumbled upon Matthew 10 and that verse touched her.

"Natatakot po ako, Panginoon. Hindi po mawalay sa isip ko ang takot at pag-aalala sa mangyayari sa kaso. Alam niyo po kung gaano ko kamahal ang aming anak at ang isipin mawalay siya sa amin ay napakasakit sa akin bilang ina. Sa amin bilang magulang. Hindi ko po alam ang mangyayari ngunit batid ko po na alam niyo ang kalalabasan ng kaso. Kung anuman po iyon Panginoon bigyan niyo po ako ng puso na matanggap ang lahat ng bagay at ang lakas para kaharapin ang anuman." Pagsusumamo niya sa Panginoon.

"Ang mga ibon nga ay namumuhay sa plano at layunin ninyo papaano pa kaya ang gaya kong anak niyo. Alam kong kagaya nila ay hindi niyo kami pababayaan. Calm my heart. I rest my case in you not because I am tired of being anxious and worried but because I know you are God. Kung anuman po ang mangyari, I know you are faithful and I know you are good all the time" Taimting niyang bulong.

Pumikit siya at dinama ang malamig na hangin ng umaga. Nagsisimula ng magtilaukan ang manok na tandang at alam niyang ilang minuto ay pasikat na ang araw. Gustung-gusto niya ang umaga sa bukid. Napakapayapa. Pero bukod pa roon ang umaga sa bukid ay tulad ng tipan natin sa Diyos. His love and mercy are new every morning. Ganoon ang pagmamahal sa atin ng Panginoon.

"Love." Napangiti siya sa pamilyar na boses na narinig. Ito ang asawa niya at nilagay nito ang kamay sa kanyang balikat.

Naupo sa tabi niya ang asawa na kasama na pala ang anak na gising na rin ngunit nakayupyop sa dibdib ng kanyang ama dahil siguro ay inaantok pa.

"Alam naming nandito ka." Salita ng asawa at inakbayan siya at inihilig ang ulo niya sa balikat nito. Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang ulo. That made her smile.

The Man After His Own HeartWhere stories live. Discover now