A Rebel Heart (#1)

Od parachutelemon

17.8K 591 152

What does it take to change a rebel heart? #AHS1 Viac

GENERAL DISCLAIMER
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
WAKAS

Kabanata 40

288 10 0
Od parachutelemon

Kabanata 40

"Goodluck for the game later, Heanndra." Nakangiti na sabi ni Ate Ciara na kinakarga si Corin. Sinundan ko siya ng tingin habang hinehele niya ito dahil iyak ito ng iyak.

She looks like a super model sa mga fashion magazines na nakikita ko. Kahit magulo ang buhok niya at nakapambahay lang na damit ay maganda pa rin siya. Maputi at maganda ang hubog ng katawan. Kung hindi ko siya kilala iisipin ko na wala siyang anak dahil hindi halata iyon sa itsura at katawan niya. Hindi ko nga maiintindihan kung bakit ayaw ni Kuya Commulus sa kanya. She's nice and pretty.

Tumigil ako sa pagkain at ngumiti sa kanya.

"Ssshh Corin. Stop crying na." Malambing na sabi niya kay Corin dahil hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak. Napatingin ako sa sala nang dumating si Kuya Commulus at may dalang mga groceries.

Sinalubong siya ng isang kasambahay at kinuha iyong mga dala niyang supot. Kumaway ako sa kanya nang naglakad na siya papasok sa dining area.

"What are you doing?" Takang tanong niya kay Ate Ciara. Bumaling ng tingin sa kanya si Ate Ciara at mukhang nagulat pa nandito si Kuya Commulus sa dining area.

"Uhm tinatahan ko lang. Kanina pa kasi iyak ng iyak." Sagot ni Ate Ciara. Tumikhim si Kuya Commulus at kinuha si Corin sa kanya.

"Ako na. Binili ko na ang kailangan mo. You can check it out now." He seriously said. Tumango si Ate Ciara at binigay si Corin kay Kuya Commulus.

"Goodluck again, Heann." Ngiti ulit niya sa akin.

"Thanks Ate." Tumango na lang ako at kumaway sa kanya. She then exited the dining area kaya naiwan kaming dalawa ni Kuya Commulus doon.

Tumawa ako nang siya naman ang naghehele kay Corin at tumigil ito sa pag-iyak. Matalim niya akong tingnan kaya mas lalo pa akong natawa.

"Bakit ang badtrip mo kay Ate Ciara?' Natatawang tanong ko habang dinadala sa sink ang pinggan.

"Ciara? Ano? Close na kayo?" Sarcastic na tanong niya kaya napataas ako ng kilay. Bakit Ciara naman pangalan niya ah?

"Ciara naman pangalan niya di ba?" Kunot noong tanong ko.

He smirked at dahan-dahan na nilagay ang ulo ni Corin sa balikat niya dahil tulog na ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may anak na siya.

"Just call her CJ." Seryoso na sabi niya kaya umirap ako. It's all the same. Her name is Ciara Janella, pangalan niya pa din iyon.

"So hindi makakanuod si Clicko sa laro mo mamaya?" Tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim at kinuha ang toothbrush. Niligyan ko ito ng toothpaste bago siya hinarap.

"Nope. Ngayong araw din ang admin exams niya." Sagot ko at tumango naman siya. Umalis na siya doon sa dining area kaya nagsimula na ako sa pagto-toothbrush.

Tumawag kanina si Clicko sa akin at sinabi na bumabyahe na siya papunta ng Baguio. Ten o'clock pa lang naman ng umaga at mamayang four o'clock pa ang laro namin pero sinabihan na kami ni coach Robbie na pumunta na ng school sa umaga at maglakad lakad sa grounds. Para daw hindi kami mawalan ng energy at makita namin ang mga makakalaban namin mamaya.

Sumali sina Sarah at Felly sa cheer dance competition na gaganapin mamayang hapon. Isa din iyon sa dahilan ko kung bakit ako pupunta doon kahit mamaya pa ang laro ko, manunuod ako sa kanila. Nad and Dexter are both sa chess game at si Kazandra naman ay busy dahil part siya ng council. Lahat yata kami ay may kanya kanyang sinasalihan.

Nagpahatid ako kay Manong June sa school at agad akong sinalubong ni Nad sa gate. I texted him to wait for me dahil sasabay ako sa kanila sa panunuod ng cheer dance competition. Nakita ko rin si Dexter na nakatayo sa gilid ni Nad.

"You guys won?" Tanong ko habang naglalakad sa field.

Ang ingay ng buong campus simula noong Monday dahil sa pagsisimula ng Interscholastic. I didn't even know kung bakit sa school namin isinagawa ang Interscholastic. Marami namang magaganda pang schools na pwedi. There are six schools competing kaya marami talaga ang manunuod sa mga laro at palabas dito sa school.

Hindi silang dalawa nagsalita kaya tumigil ako sa paglalakad at tiningnan sila na naglalakad pa rin. Nang mapansin na hindi ako nakasabay sa kanila ay tumigil din sila sa paglalakad at nilingon ako. Tinaasan ko sila ng kilay kaya tumawa si Dexter.

"Of course we won. What do you expect? We are like the God of it!" Tawa nilang dalawa. Huminga ako ng malamim at naglakad na kasabay nilang dalawa.

Dumating kami sa gym habang nag-iingay ang buong paligid. Agad naming nakita ang ibang mga kaklase namin at umupo rin kami doon. Nasa kabilang parte naman ang iilang mga students ng ibang schools. Nakita ko rin sina Kuya Cirrus na nakaupo rin di kalayuan sa amin.

"Nice to finally see you alone without your boyfriend." Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko. Umupo si Dio sa tabi ko. Mag-isa lang yata siya dahil walang bumubuntot sa kanya na mga alipores niya.

I remembered the last time we saw each other. Hindi maganda iyon dahil nagkasagutan kaming dalawa. He even told me to beware of the people I wanna be with. Hindi ba dapat maging aware din ako sa mga taong ayaw kong makasama tulad niya? And Clicko already told me to stay away from him.

Inirapan ko siya at umusog papalayo sa kanya.

"What are you doing here Dio?" Tanong ko sa kanya habang nakatutok ang mga mata sa nagsasalitang emcee sa stage.

"Just trying to hang out with you since your boyfriend is not around." Tawa niya kaya matalim ko siyang tiningnan.

Wala ba siyang ibang magawa kundi ang asarin ako at badtripin? Bakit hindi siya maghanap ng ibang babae na paglaruan niya? Total doon naman siya magaling.

"I'll tell Clicko you're talking to me right now." Matigas na sabi ko at ngumisi naman siya na para bang may nalalaman siya na nakakatawa.

"You go ahead. He probably knew I was gonna talk to you." Tawa niya ulit at kumunot naman ang noo ko.

"What?" Nandidiri na tanong ko. Ngumiwi ako dahil talagang naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya.

Nakahinga ako ng maluwag nang tumayo na siya at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.

"Goodluck with your game later." Aniya at inirapan ko siya habang lumalayo.

He even wished me luck! Hah! Baka mamaya matalo pa kami dahil sa pa-goodluck goodluck niya.

The program started at agad na nagperform ang unang school. Sinundan iyon ng mga taga West. Their cheer captain is Kehla kaya naman tuwang tuwa ako habang nanunuod. Ang gaganda ng mga suot nilang uniforms at costumes. Some even brought their mascots para sumali sa pagsasayaw. Panghuli na nag-perform ay ang East. Thier cheer captain is Circe, a junior na kaklase nina Seaver sa Mass Communication

Natapos ang program nang hindi sinasabi kung sino ang nanalo. Ang sabi nila ay ina-announce daw iyon sa last day ng Interscholastic kasabay ng lahat ng mga nanalo sa iba't-ibang competitions dito sa school.

Two hours left para sa laro namin mamaya. Habang palabas kami ng gym ay nakita ko dina Quinnito at iba pa nilang kasama sa basketball team. Naka-jersey pa sila at pawis na pawis. Kakatapos lang rin yata ng kanilang laro.

"Our basketball team won. Sila ang champion." Anunsiyo ni Georgina na kasabay namin sa paglalakad.

Ngumiti ako. Hindi na ako magtataka. I mean Quinnito is the basketball captain! He takes basketball seriously opposite sa pagseseryoso niya pagdating sa mga babae.

"Hindi ba kayo nape-pressure, Heanndra? I mean parang lahat yata ng sports natin ay champions. Kayo ang pinakahuli na maglalaro mamaya, right?" Tanong ni Felly sa akin. Tiningnan ko siya na naka-costume pa ng pang cheer dance.

Syempre sobrang pressured lalo na at nanalo kami sa practice game namin noon sa West. Malaki ang expectations nina Coach Robbie and the whole Athletic Club sa amin. I know people didn't want to expect so much from us, kasi nakasanayan na nila na hindi talaga nanalo ang soccer team ng East. But I wanted to prove that they're wrong. I wanted to prove to them that we still have a chance.

"Naku! No need to be pressured Heanndra. Nakasanayan naman kasi ng lahat na hindi talaga kayo mananalo eh. Just play and have fun." Singit ni Sarah sa usapan at tumango naman ako.

Napataas ako ng kilay. See? Alam na alam ko na ang tumatakbo sa isipan ng karamihan. But hey, Sarah's right, I'll just have to play and have fun.

Hindi taga-West ang makakalaban namin kundi iyong soccer team ng Don Yulo Technical School. Eskwelahan iyon sa kabilang siyudad. Nabanggit sila minsan ni Aro sa amin noong break time sa isa sa mga training namin. Ang sabi ni Aro iyong coach daw nila ay naging coach din ng Philippine soccer team sa RIMPAC.

Isa lang ang ibig sabihin noon, malaki ang chance namin na matalo dahil isang factor din sa isang soccer team ang coach na gumagabay sa team. Magaling naman si coach Robbie but compared to that international coach Aro was talking about, I guess there is big possibility na matalo nga kami. But I still wanna win. After all nasa amin namang maglalaro nakasalalay ang lahat.

"You guys good?" Tanong ni Aro sa amin habang lahat kami ay naghahanda na sa laro ilang minuto na lang.

Nandito na kami ngayon sa bench namin at nag-iingay na ang buong paligid sa dami ng tao sa field.

Sinundan ko siya ng tingin habang suot suot na rin ang jersey namin. Sumisigaw ang apelyido niya na nakasulat sa likod ng jersey shirt at ang number na one. Tumango isa-isa ang mga kasama namin kaya tumango na rin ako. Kahit kinakabahan ay nangingibabaw pa rin ang excitement na nararamdaman ko.

Umupo siya sa tabi ko kaya umusog ako sa gilid habang tinatali ang buhok ko.

"You cool? Mag goal ka mamaya okay?" Seryoso na sabi niya habang inaayos ang medyas sa kaliwang paa. Tinaasan ko siya ng kilay bago nagsalita.

"Tss kahit huwag mo ng ipaalala makakagoal ako mamaya. Ikaw ang dapat maka-goal because you're the team captain. Nakakahiya kapag hindi ka makapuntos." Nanunuya na sagot ko kaya natawa naman siya.

"See that guy in a seven jersey? Iyong may ear piercing?" Bulong niya sa akin kaya sinundan ko ng tingin iyong sinasabi niya.

Natuon iyon sa kabilang bench na may iilang mga players na rin ng Don Yulo. Naka-pula at puting jersey sila. Kumunot ang noo ko at hinahap ang sinasabi niya na naka-seven na jersey.

My eyes followed his every move habang umiinom ng Gatorade iyong lalaki. Mataas siya at may matipunong katawan. Agad kong napansin ang malaking peklat niya sa kaliwang panga niya. Hindi naman iyon nakakasira sa gwapo niyang mukha, infact the scar even made him look more handsome and hot at the same time. He looks like a bad boy dahil sa ear piercing at buhok  niya na naka-man bun. Tumalikod siya pagkatapos uminom at binasa ko ang apelyido niya na naka-print sa likod.

"Dela Vega."

"Magaling maglaro iyan. Although he's not the team captain but he's really good." Namamangha na sabi ni Aro habang pareho namin na sinusundan ng tingin iyong lalaki.

"Are you suggesting that I should guard him?" Tanong ko. He didn't answer it.

Nanlaki ang mga mata ko nang dumapo sa akin ang tingin noong lalaki. Sandali lamang iyon at lumipat din kay Aro. Tumango ang lalaki kay Aro at ganoon din si Aro sa lalaki. Magkakilala yata sila. Napataas ako ng kilay nang dumapo ulit ang tingin niya sa akin. Kumunot ang noo niya sa akin at agad ding tumalikod.

"I'm saying that you should snatch the ball at him if you have any opportunity." Matigas na sabi niya at agad na tumayo nang pumito na si coach Robbie at nagsimula na ang iba naming kasama na mag stretching.

Halos mabingi ako sa sigawan sa buong paligid. May iilan na tumatapik sa balikat ko pero masyadong magulo kaya hindi ko na tinitingnan kung sino-sino ang mga iyon. Iyong ibang kasamahan ko at iilang students ay kinakarga na si coach Robbie at paulit-ulit na hinahagis sa ere.

"Congratulations Heanndra!" Napatalon ako sa sigaw ni Sarah sa gilid. Tumatalon na rin sina Kazandra at Felly na papalapit sa akin.

"Don't hug me. Pawis na pawis ako!" Sigaw ko na natatawa pero hindi pa rin sila nagpaawat at niyakap pa rin nila ako.

"Congratulations Heanndra. We should celebrate!" Ngiti ni Dexter. Tumango ako sa kanila. Napalingon ako sa gilid ko nang may humatak sa akin at nakita na si Gabby iyon.

"HQ daw muna sabi ni coach Robbie!" Sigaw niya sa akin dahil sa sobrang ingay sa paligid. Bumaling ako kina Sarah at tumango naman sila sa akin.

"Hintayin niyo ako dito." Sigaw ko habang hinihila pa rin ni Gabby.

Nang makarating sa HQ ay batian pa rin ang nangyari. Wala pa doon si coach kaya naman panay ang basaan nila ng tubig sa loob na pasimuno ni Kevin Gonzales. Ilang sandali pa na ganoon ang nangyari bago dumating si coach Robbie.

"Congratulations team. You all did a good job. Especially sa mga naka-goal kanina at sa goal keeper natin si Jamal." Natutuwa na sabi ni coach Robbie kaya umingay ulit ang buong team.

"Pa-party na kayo coach!" Sigaw ng isang kasama namin kaya tumawa si coach at pumalakpak pa.

"Hangga't hindi pa natatapos ang buong Interscholastic ay wala munang pa-party. Hintayin muna natin na ma-announce ang overall champion." Aniya at nag-ingay ulit ang buong HQ.

Napatingin ako sa bag ko nang may tumunog doon. Cellphone ko yata iyon kaya kinalkal ko doon sa loob at nakita na si Kuya Stratus iyong tumawatag. Nilingon ko silang lahat na nag-iingay bago lumabas ng HQ at sinagot ang tawag.

"Kuya!" Masiglang bati ko sa kanya. Ilang sandali pa ang katahimikan bago siya nagsalita.

"Tapos na ba ang laro mo?" Gumaralgal ang boses niya sa kabilang linya kaya nilayo ko sa tenga ko ang cellphone at tiningnan muna iyon bago sumagot.

"Kakatapos lang at nanalo kami. Bakit may problema ba, Kuya?" Kinakabahan na tanong ko. Napakagat ako sa labi ko habang hindi pa siya nagsasalita.

"Can you go right now dito sa hospital? Iyong malapit sa Centro?" Seryoso na sabi niya at napatigil ako ng ilang sandali habang napakurap-kurap.

Hospital? Bakit sa hospital? Anong nangyari? Bigla ay may kung ano na tumama sa puso ko at nanlamig ang buong katawan ko.

"Hospital? What hospital? Bakit?" Natataranta na tanong ko at agad na pumasok sa loob ng HQ at niligpit ang mga gamit. Narinig ko pa na tinatawag ako ng ibang mga kasama ko pero wala akong panahon na pansinin sila dahil sa kabang nararamdaman.

"Kuya sinong na hospital?" Tanong ko ulit habang naglalakad na sa field papunta sa exit ng school.

"Just be here. Papunta na diyan si June at susunduin ka. Be at the school exit. I'll hang up." Aniya at halos itapon ko ang cellphone ko.

He left me hanging at mas lalo pa akong kinabahan dahil wala man lang siyang sinabi na kompletong detalye. Nagbalik-balik ako sa paglalakad habang hinihintay na dumating si Manong June. Ilang minuto lang ay tumigil ang sasakyan namin sa harap ko at agad akong sumakay sa front seat.

"Manong June ano po ba ang nangyayari?" Napapaos na tanong ko sa driver namin. Bumaling siya ng tingin sa akin at ibinalik rin kaagad ang tingin sa daan.

"Si SPO1 Colston at ang mga kasamahan niyang pulis ay na ambush po sa daan pauwi dito." Tuloy tuloy na sabi niya at napatulala ako.

What? Martin and his men got ambushed? At nasa hospital sila ngayon! Oh my God! Si Clicko? Oh my God nasabi na ba nila kay Clicko? Nasa biyahe pa siguro iyon pauwi dito.

Mabilis magpapatakbo ni Manong June kaya naman nakarating kami kaagad sa hospital. Sinalubong kaagad ako ni Kuya Stratus sa labas.

"Kuya si Clicko. Tinawagan niyo na ba si Clicko?" Natataranta na tanong ko habang sinusundan siya sa paliko-liko sa mga hallway sa loob. Nilingon niya ako at tumango.

"Clicko is already here. That's why I called you kasi iyak lang siya ng iyak. He needs you right now." Nag-aalala na sabi niya habang mabilis na naglalakad.

Tumango ako at sinundan siya. Isa pang liko ang ginawa namin at nasa harap na kami ng operating room ng hospital. Nakita ko sina Nanay Dalia, Tatay Nestor, Nanay Talia, Timothy, Athena, Kuya Commulus at Ate Ciara na nakaupo sa mga upuan sa harap ng operating room. Bakas sa mukha nila na galing lang sila sa pag-iyak at balisa pa.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Clicko at nakita ko siya na nakaupo sa pinakadulo na nakayuko lang. Nasa tabi niya si Nanay Dalia at hinahagod ang likod niya. Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya at napalingon naman silang lahat sa akin. Tumigil ako sa harap ni Clicko at hinagod ang buhok niya. Nag angat siya ng tingin sa akin at bumagsak ang balikat ko nang makita na namumugto na ang kanyang mga mata.

Biglang namuo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata kaya niyakap ko siya. He wrapped his arms around my tummy at doon umiyak. Napatingin ako kay Nanay Dalia na naiiyak na rin habang hinahagod ang likod ni Clicko.

God this is too much. I can't stand watching Clicko like this. Hindi maaari na mawala si Martin sa kanya because he's the only family Clicko has. I can't imagine Clicko loosing another one from his family.

"Nanay Talia gising na daw po si Jargo. Pwedi niyo na siyang puntahan sa kwarto niya." Basag ni Kuya Commulus sa katahimikan.

Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto. Kasama rin si Jargo sa na ambush? Napatingin ako kay Nanay Talia na tumayo kaagad at inalalayan naman siya nina Timothy at Athena. Agad silang sinamahan ni Kuya Commulus at Ate Ciara sa paglalakad sa hallway.

Nakaupo na ako ngayon di kalayuan kay Clicko. Tumigil na siya sa pag-iyak kaya nakahinga na ako ng malalim habang pinagmamasdan siya na tulala na nakatingin sa pader. Hindi ko siya makausap ng maayos at naiintindihan ko naman iyon kaya hinahayaan ko muna siya. Hangga't hindi pa lumalabas ng operating room si Martin ay hindi kaming lahat mapapanatag dito na naghihintay sa labas.

Pinagmasdan ko ang sarili ko at napasapo na lang sa noo ko. I am still wearing my jersey uniform and my muddy socks and shoes. Amoy lupa at pawis pa ako. I wanted to take a bath and change some clothes pero ayaw ko namang iwan si Clicko dito.

"Ikaw si Heanndra di ba? Iyong dinala ni Manuel sa amin noong nakaraan?"

Napatingin ako kay Nanay Dalia nagsalita sa gilid ko. Nilingon ko ulit si Clicko na nakaupo lang doon sa gilid at kinakausap na ngayon ni Tatay Nestor.

Tumango ako sa kanya at ngumiti naman siya sa akin.

"Mabuti at dumating ka. Ayaw tumahan ni Manuel mula pa kanina eh. Noong dumating ka umiyak nga ulit pero tumahan naman kaagad." Magiliw na sabi niya sa akin.

"Simula noong iniwan sila ng ama nila sa akin ay hindi ko pa nakita ang batang iyan na ngumiti katulad noong pinagmamasdan ko kayong dalawa." Kwento niya sa akin at napangiti ako. May lungkot akong naramdaman doon sa sinabi niya.

Gusto kong purihin ang sarili ko dahil napangiti at napasaya ko pala si Clicko sa iilang araw at panahon na hindi niya nararamdaman iyon dahil sa pag-alis ng ama niya at pagkamatay ng ina niya. I will always pray for Clicko's happiness because he deserve it. Kaya kung isa ako sa mga dahilan ng pagiging masaya niya ay sususbukan kong samahan siya sa lahat at pasayahin pa lalo.

"Maswerte pa rin po si Clicko dahil nandiyan kayo para sa kanya at kay Martin." Sagot at tumango naman siya sa akin at niyakap ako. I know we are all emotional at the moment and everyone of us deserves a very tight hug.

Kumalas si Nanay Dalia sa pagyakap sa akin nang bumukas ang pintuan ng operating room at lumabas doon ang isang lalaki na mukhang doktor. Napatayo kaming lahat at agad na lumapit sa kanya. He removed his face mask at tiningnan si Kuya Stratus.

"SPO1 is now safe and stable but he's still unconscious at aabutin pa ng iilang araw bago siya magising ulit." The doctor said at agad kaming nakahinga ng maluwag. Napaiyak si Nanay Dalia kaya dinaluhan muna siya ni Tatay Nestor.

"Thank you so much, Doc." Ani Kuya Stratus at nakipagkamay sa doktor na umalis din pagkatapos. Nilapitan ko naman si Clicko at niyakap.

"Martin will be okay." Malambing na sabi ko habang hinahagod siya sa likod.

"Clicko you can go home if you want. Hindi pa naman magigising ang kuya mo. Don't worry I'll put some security outside and inside your brother's room." Tinapik ni Kuya Stratus ang balikat ni Clicko kaya kumalas siya sa yakapan namin.

Tumango si Clicko kay Kuya Stratus.

"Thank you." He whispered at ngumiti naman si Kuya Stratus sa aming dalawa.

"Of course. Heanndra, samahan mo si Clicko sa bahay nila. I'll tell Nanag Melinda to pack you some clothes at ipadala na lang kay Sandro dito." Deklara ni Kuya Stratus kaya napakurap kurap pa ako ng ilang sandali.

"Huh? Uh okay." Kibit balikat ko at nilingon sina Nanay Dalia at Tatay Nestor sa gilid namin na nakaupo.

"Stratus doon din muna siguro kami matutulog sa bahay nila, para may kasama si Clicko. Kukunin lang namin si Kiko sa cafeteria ng hospital." Anunsiyo ni Nanay Dalia at tumango naman si Kuya Stratus.

"Sige po. Ipapasundo ko po kayo kay Sandro. Pumunta na lang po kayo sa labas at sasalubungin po kayo doon ng mga tauhan ko."

Niyakap ako ni Kuya Stratus at hinalikan sa ulo bago namin sinamahan si Nanay Dalia na kunin si Kiko sa cafeteria na nakikipag-usap lang naman sa mga nagta-trabaho doon. Sabay-sabay kaming lumabas sa hospital at agad kaming sinalubong ng limang nakaitim at nagtatangkaran na mga lalaki.

Mag tauhan ba ito ni Kuya Stratus? Bakit ang dami nila? Sasama ba sila sa amin?
Agad nila kaming dinala sa sasakyan at nandoon na si Kuya Sandro na naghihintay sa amin. Malaki ang van na dinala niya kaya nagkasya na kaming lahat sa likod Nagulat ako nang sumakay din ang dalawang bodyguard ni Kuya Stratus. Sasama rin sila?

"Uh are you also going with us?" Tanong ko sa tatalong naiwan sa labas.

"Yes Ma'am. Naka-convoy po kami sa likod, silang dalawa po sasama dito sa loob para makasigurado po tayo." Walang ka emo-emosyon na sagot noong isa sa kanila.
Ganito ba ka lala ang ambush na nangyari kay Martin at pati kami ay may bodyguard na kasama?

Tumango na lang ako at hinyaan iyong isa na isara na ang pintuan ng sasakyan. Tahimik lang ang biyahe papunta sa bahay nina Clicko. Kahit si Kiko na makulit ay hindi man lang nagbibiro ngayon sa amin. Si Nanay Dalia lang ang sumama at nag-paiwan naman si Tatay Nestor.

"Sa kabilang kwarto kami matutulog ni Kiko, iha. Samahan mo si Manuel sa kwarto niya." Si Nanay Dalia na nakabihis na ng pantulog at karga si Kiko.

Tumango ako at pumasok na sa banyo para maglinis ng katawan at agad na nagbihis. Sinilip ko muna ang labas ng bahay at nakita na hindi lang lima ang bodyguard doon kundi marami na. Dinagdagan pa ni Kuya Stratus?

Ni-lock ko iyong pintuan at agad na pumasok sa kwarto ni Clicko. Pinagmasdan ko siya na tahimik na natutulog habang nakapulupot sa makapal na kumot. Umupo ako sa tabi niya at sinuklay iyong buhok niya. He moved a little bit at that. Sinulyapan ko ang table clock at nakitang eleven o'clock na pala. Pagod siguro ito kakaiyak kanina.

Natigil ako sa pagsuklay sa kanya nang tumunog ang cellphone ko sa mesa. Mabilis ko itong kinuha at baka magising pa si Clicko. It's Kuya Stratus again.

"Is Clicko still awake?" Tanong niya.

"Tulog na. Bakit?" Bulong ko at lumabas sa kwarto.

Tumikhim siya at huminga ng malalim bago nagsalita.

"General Tetangco didn't make it. He died just now." Nanlulumo na boses ni Kuya Stratus.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
Kasama din si General Tetangco sa na ambush?

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

Ice Cold Od m

Všeobecná beletria

2.2M 83.6K 49
[boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feelings for so...
10.8M 500K 43
(alternatively called: slow burn, second-hand embarrassment, and shenanigans) A girl made up of short fuses, clumsy feet and copious amounts of sarca...
KASHI Od stuckinatale

Všeobecná beletria

396K 19.8K 42
"So, Mrs. Kashi Abhay Pratap Singh..chalte hai. Goodbye..". Saying this, he left her broken in this world of betrayal. ~~~~~~~~~~ Kashi, a simple gir...
226K 16.7K 21
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...