The Boss

By heyairaaa

337K 6.3K 798

Meet Vanessa Batungbakal, ang babaeng laki sa hirap, palaban, balahura at tirador ng part-time job. Tindera s... More

The Boss
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 7

17.4K 509 30
By heyairaaa

Mga Tingin

 

NAGSIMULA na kami. Matalino naman ako kaya naiintindihan ko naman ang instructions ng photographer kaya nakukuha ko agad ang dapat gawin. Naiilang pa ako noong una pero habang nakakarami na ng shots ay parang nasasanay na ako.

Okay na sana ang lahat kung hindi lang mareklamo yung lead model na si Alliah at idagdag pa yung madilim na tingin sa akin ni Luke na nanonood sa amin.

“Okay, done. Guys, pack up na. Ladies, you can go now.” sabi nung organizer na kinausap namin kanina ni Wax at nilapitan si Alliah na kung ano-ano ang nirereklamo.

Napairap nalang ako at agad na hinanap si Wax kaso hindi ko sya makita. Saan naman kaya nagsusuot yung baklang yun? Sana naman makuha ko agad yung bayad ng mauwian ko ng masarap na ulam si Mama. Purgang-purga na siguro yun sa delata.

“Miss?” tawag nung nasa likod ko kaya napalingon ako. Napakunot-noo ako ng makitang nakangiti sa akin yung photographer namin kanina. Kaya ngumiti nalang din ako bilang paggalang.

“Vanessa po. Bakit? May kailangan pa po ba kayo sa akin?” tanong ko at patuloy kong iginagala ang mata ko.

Natuon ang tingin ko sa pwesto ni Luke na kinakausap ni Alliah. Nanigas ako ng makita nasa akin ang titig nya kahit may kumakausap sa kanyang iba. Agad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko kinakaya yung mga tingin nyang ganyan sa akin.

“I’m Alex. Nalaman ko kay Wax na first time mo ito pero nagulat ako nung makita kung gaano ka kagaling sa pagmomodelo. May shoot ako sa isang clothing line. Hindi iyon gaanong kalakihan kaya tumatanggap sila ng mga baguhan na modelo. Do you want to join?” sabi nya at halos hindi ko iyon naintindihan dahil masyado akong apektado sa presensya ni Luke doon.

Nakakainis. Matapos nyang mawala tapos dito pa kami magkikita. Ang mas nakakainis pa ay imbes na galit ako dahil sa pagtataboy nya sa akin, parang nanlalambot ako tuwing nakikita ko sya.

“So?”  tawag ni Alex sa pansin ko kaya napatingin ako sa kanya. Inulit ko ulit sa utak ko yung mga sinabi nya at prinoseso ko iyon. Nakangiti lang sa akin ang may itsurang photographer habang hinihintay ang magiging sagot ko.

Napakagat ako sa labi ko at tumango. Pera din iyon at kusa na itong lumalapit sa akin kaya dapat ko nang sunggaban.

“Okay. This is my calling card, kung sakaling may mga tanong ka. Alam na din ni Wax iyon dahil kasama ko sya ulit doon. Sige.” untag nya at may inabot sa aking papel saka hinimas ang braso ko bago umalis.

Kinilabutan pa ako sa ginawa nya na iyon pero binalewala ko nalang. Mamaya ko na siguro hahanapin si Wax dahil kailangan ko na munang magbihis.

NATAPOS na akong magbihis pero wala pa din kahit anino ni Wax. Ako nalang ang natira sa dressing room habang inaayos ko ang pagkakatali ng buhok ko. Mas kumportable na ako sa ayos ko ngayon kahit parang hindi ko na nakilala ang sarili ko kanina. Hindi talaga ako mahilig sa mga ganung ayos.

“Ang tagal naman ni Wax.” bulong ko sa sarili ko at sumulyap sa orasan na naroon.

Alas-kwatro na ng hapon at siguro ay uuwi na ako pagkatapos dito kaya dapat ko nang mahanap si Wax para makuha yung pera ko.

Bumukas ang pinto ng dressing room at narinig ko ang pagsara at paglock noon. Siguro ay si Wax na iyon kaya tinapos ko ang ginagawa ko at hinarap na sya.

“Wax, saan ka--” Napahinto ako at nanlaki ang mata ng hindi ang pink na buhok ni Wax ang sumalubong sa akin kundi ang madidilim na mga tingin Luke.

“Anong ginagawa mo dito?” mautal-utal na tanong ko ng makahuma ako sa pagkagulat sa pagkakita sa kanya. Pinilit kong hindi magpaapekto at umaktong normal sa harap nya. Galit ka sa kanya, Vanessa. Galit ka.

Naglakad sya papalapit sa akin kaya automatic na napaatras ako pero nakalimutan ko na ang nasa likod ko pala ay pader na kaya wala na akong aatrasan.

“Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan sayo. What are you doing in a place like this?” malamig na pagbalik nya ng tanong sa akin.

Napanganga ako pero agad ko yung tinikom. Aambang magsasalita sana ako pero hindi ko ulit tinuloy. Masyado akong nasaktan sa tanong nya sa akin. Iba ang dating kasi sa akin ng pagkakatanong nya.

Nung sinabi nya sa akin ang tanong na iyon, parang sinasabi nya na hindi ako bagay sa ganitong lugar at sa trabahong ito. Bakit? Walang-wala ba ako sa babae nya, dun kay Alliah? Sya lang ba ang bagay para maging modelo?

Gusto ko syang saktan ng pisikal pero alam kong wala akong lakas para gawin iyon kaya binigyan ko nalang din sya ng malamig na tingin. “Wala kang pakialam.” madiin na sagot ko at nagsimulang maglakad para umalis pero agad nyang hinablot ang braso ko.

Napapikit ako ng mariin dahil sa inis. Ang sarap nyang hambalusin ng upuan. Kung hindi lang talaga sya gwapo ay hindi ako manghihinayang na gawin iyon sa kanya.

“I have the right to know dahil empleyado kita.” iritadong saad nya at diniinan ang pagkakahawak sa braso ko.

Agad kong tinanggal yung kamay nya dahil nasasaktan ako pero hindi sya nagpapigil. Buti nalang ay niluwagan nya ang pagkakahawak doon.

Bumuntong-hininga ako at sumagot nalang para matapos na ito at mahanap ko na si Wax para makauwi na din. “Nandito ako para magtrabaho. Hindi ba obvious?” inis na utas ko at tinitigan sya pero nag-iwas din ako ng tingin dahil hindi ko sya kayang tingnan ng matagal ng ganitong kalapit.

“Kulang pa ba ang pinapasweldo ko sayo para pumasok ka sa ganitong trabaho?” sabi nya at idiin nya talaga yung mga huling salita.

Napataas ako ng kilay at marahas na binawi ang braso ko. Buti at agad na nya itong binitawan. “Ano bang pakialam mo, Sir? Kelan mo pa naging business ang buhay ng isang empleyado mo? Wag kang mag-alala hindi ko pinapabayaan ang trabaho ko sa inyo kaya pwede ba tigilan nyo na to.”

Pagkatapos nun ay tumalikod na ulit ako at naglakad papuntang pinto pero napatigil ulit ako nang humarang sya sa harap ko. Huminga ulit akong ng malalim bago umatras at tingnan sya. Hindi ko alam na may lahi pala sila ng pagkamakulit at pagiging usisero.

“Last na.” aniya at napataas ako ng kilay ng makita syang namumula. Seryoso, may malaking problema talaga yata itong si Luke sa buhay nya. Pati tuloy ako nadadamay saka si Alliah ang kasama nya kaya bakit ako ang napagbubuntunan nito?

“Ano?” inis na saad ko kahit parang nangingiti dahil mukha syang nahihiya. Sa kapal ng mukha nitong lalaking ito, marunong din palang mahiya.

“Bakit ka kinausap nung lalaking photographer kanina? Hindi mo ba napapansin na iba yung tingin nya sayo? Tapos pinayagan mo pa syang hawakan ka nya.” seryosong sabi nya na mas lalong nagpataas ng kilay ko. Hindi lang pala sya sa akin may problema, pati kay Alex.

Napangisi ako dahil mas lalong pumula ang pisngi nya. Biglang naglaho lahat ng inis at galit ko sa kanya at parang gusto ko nalang syang kurutin hanggang sa mapilas ang pisngi nya. Nawala na din ang ilang ko sa kanya kaya natitigan ko na syang mabuti.

“Bakit ganyan ka makatingin?” iritadong tanong nya kaya mas lalong napangiti ako. Nagdidiwang ang sistema ko dahil apektado din pala sya sa akin.

“Wala lang. Ano nga ulit yung sinabi mo tungkol sa photographer, Sir?” makahulugan kong tanong kahit sinabi ko lang iyon para asarin sya.

Tiningnan nya ako ng masama at bahagyang tinulak dahil lumalapit na pala ako sa kanya. Nagulat ako ng bigla syang umalis at iniwan ako dun.

Ang tagal kong nakatulala doon ng biglang dumating si Wax at tumaas pa ang kilay ng makita ako. “Anong nginingisi mo dyan, baks?”

“Wala lang.” utas ko at mas lalo nya akong tinaasan ng kilay.

Simula palang ito ng pang-aasar ko sa buhay mo Luke. Hintay-hintay lang.

Continue Reading