My Rented Boyfriend (Complete...

By missrxist

54.5K 914 23

Mareyna's plan backfires when she discovered the weird beating of her heart and the 'kilig' factor that Cast... More

Teaser
Rented BF 1
Rented BF 1.2
Rented BF 2
Rented BF 2.2
Rented BF 3
Rented BF 3.2
Rented BF 4
Rented BF 4.2
Rented BF 5
Rented BF 5.2
Rented BF 6
Rented BF 7
Rented BF 8
Epilogue
Rented BF 4
Rented BF 4
Rented BF 5
Rented BF 6
Rented BF 7
Rented BF 8
Rented BF 9
Rented BF 10
Epilogue

Rented BF 9

2.3K 47 0
By missrxist

"KUMUSTA na si tatay? Ano po ang sabi ng doctor sa kanya? Pasensya na po 'Nay, Chasen dahil ngayon lang ako nakarating." Yumakap si Castle sa nanay at kapatid nito at saglit na binalingan ang amang natutulog sa hospital bed bago ito lumingon kay Marey na nasa likuran nito saka siya hinila palapit sa tabi nito. "Si Reyna po, kaibigan ko. Reyna, sina nanay at Chasen pala." Pagpapakila nito sa kanila.

Hinawakan naman ng nanay nito ang kamay niya at tipid na ngumiti, gano'n din si Chasen sa kanya kaya gumanti siya ng tipid ngiti sa mga ito. They seemed very nice and approachable people parang si Castle din. Nakuha ni Castle ang ibang features sa nanay nito; maganda ang nanay nito at the same time guwapo din ang nakababatang kapatid nito dahil guwapo din ang tatay nito.

Halos limang oras din siyang nagmaneho kanina at kahit nag-insist ang binata na ito ang magmaneho ay hindi siya pumayag dahil alam niya ang feeling ng kabado at mixed emotions kaya pinaupo na lamang niya ito sa passenger's seat. Taimtim itong nanalangin at nang makalma ito ay saka niya ito kinausap para palakasin ang loob nito.

Dumiretso na sila agad sa public hospital kung saan din dinadala ang tatay nito kapag nagpapa-dialysis, iniwan na lamang nila ang mga gamit nila sa compartment ng kanyang sasakyan at nagmamadaling pumasok sa suite room ng hospital.

Bumaling ang nanay ni Castle sa anak nito. "Thank God, okay na ang tatay mo anak. Nasobrahan kasi niya ang water intake niya kaya namaga ang katawan niya at hirap na hirap siyang huminga, nagkaka-muscle cramps din siya kaya dinala ko na siya agad dito. Buti na lang nakaduty din ang Nephrologist ng tatay mo—si Dra. Hernandez—kaya agad natignan at nalapatan ng lunas ang tatay mo." Thankful na sabi ng nanay nito.

"Mabuti naman po kung gano'n kinabahan po talaga ako nang husto, 'Nay." Ani Castle, "Mabuti na lang din po kasama ko si Reyna at lumakas po ang loob ko sa mga sinabi niya. Hindi ko po siguro alam ang gagawin ko kapag mag-isa kong nalaman ang balita kay tatay," anito. Naramdaman niyang mahigpit na hinawakan ni Castle ang kamay niya, inabot din nito ang kamay ng nanay at kapatid nito. "Kayo lang po ang lakas ko at kahinaan at the same time at hindi ko po alam ang mangyayari sa buhay ko kapag may nangyaring masama sa inyo kaya sana po ay mag-iingat kayo lagi." Anito. Pakiramdam tuloy niya ay kasali din siya sa pagmamalasakit nito na parang isang miyembro na ng pamilya.

Bumitiw ito sa pagkakahawak sa mga kamay nila, t-in-apped ng nanay nito ang balikat ng anak. "Ikaw din anak at pagpasensyahan mo na lang at ikaw ang laging takbuhan namin, hindi mo tuloy na-enjoy ang pagiging binata mo dahil sa amin."

Mabilis na umiling-iling ang binata. "Gusto ko rin naman po itong ginagawa ko dahil mahal ko po kayong lahat." anito.

"Hayaan mo kuya, kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral ko ay ako naman ang magta-trabaho para sa pamilya natin tapos maaari na kayong magpakasal ni ate Reyna." Nakangiting sabi ni Chasen.

"H-Ha?" magkasabay nilang sabi Castle saka sila nagkatinginan at siya ang unang nagbawi ng tingin. "H-Hindi naman kami magkasintahan, e." mabilis niyang depensa.

"Hindi nga ba?" makahulugang ding tanong ng nanay nito na nagpabaling-baling ng tingin sa kanila.

Mabilis naman siyang tumango-tango sa pamilya ni Castle. "Friends lang po kami." Depensa niya. Saka siya bumaling sa katabing lalaki. "Hindi ka ba magsasalita dyan." Aniya. Nakatingin lang kasi ito sa kanila at pigil ang pagngiti.

"Siguro bagay tayong dalawa kaya nasasabi nina nanay at Chasen na magkasintahan tayo." Anito.

"At okay lang sa 'yo? Eh, hindi naman talaga tayo, e." bulong niya dito.

"Eh, malay mo naman maging tayo." Bulong din nito. At halos ma-doble ang kabog ng puso niya sa sinabi nito. Bakit ba ang bilis nitong magbitiw ng joke tungkol sa gano'n nang hindi naaapektuhan, samantalang siya ay sobrang affected? Ngitian siya nito at ginulo ang buhok niya bago binalingan ang pamilya nito. "Magpahinga muna kayo 'Nay, Chasen, kami na muna ang magbabantay ni Reyna kay tatay." Ani Castle.

"Okay lang ba talaga, anak?" anang nanay niya saka bumaling sa kanya.

Mabilis naman siyang tumango-tango sa ginang. "Okay na okay po, tita." Sagot niya.

Magaang tinapik naman ng ginang ang balikat niya. "Salamat, anak," anito na humaplos saglit sa puso niya dahil sa itinawag ng ginang sa kanya. Sa tatlong mga naging boyfriend niya ay wala pa sa mga ito ang nagpakilala sa kanya sa mga magulang ng mga ito. "Kung gano'n ay kayo na muna ang magbantay sa tatay ninyo ha, uwi lang muna kami saglit si Chasen para maligo at magpahinga, babalik din kami agad dito." Nakangiting sabi ng ginang.

"Kuya, ate, kayo munang bahala kay tatay, sige," nakangiting sabi ni Chasen saka nito inalalayan ang nanay nito at sabay ng lumabas sa kuwarto, naiwan na lamang silang dalawa kasama ang tatay ng binata na nakahiga sa hospital bed.

"Magpahinga ka na lang muna sa sofa, Reyna at pagdating nila nanay ay ihahatid naman kita sa condo mo." Ani Castle saka siya hinila paupo sa sofa. "Maraming salamat sa lahat, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kanina dahil halo-halo na ang nararamdaman kong kaba, lungkot, gulat, takot at lahat na. Salamat sa pagpapalakas ng loob mo sa akin." Anito habang nakaupo siya sa sofa ay nakatayo naman ang binata sa harapan niya habang hawak ang dalawang kamay niya. "Ironic, pero dati ako ang nagpapalakas ng loob nila nanay at Chasen pero alam mo bang sa loob-loob ko ay takot na takot ako na baka alam mo na may mangyaring hindi maganda kay tatay," saglit itong natigilan at lumungkot ang mukha nito bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Ang sarap din pala ng may taong handang sumuporta at magpalakas ng loob mo. Ngayon lang ako naramdaman ng kaginhawaan at mas lalong tumatag ang pakiramdam ko dahil feeling ko natagpuan ko ang lakas ko sa 'yo at nakadagdag ka ng lakas sa akin, Reyna at sobrang blessed ako dahil dumating ka sa buhay ko. Mahigit three years na ang pagpapa-dialysis ni tatay at hindi kami kailanman mawawalan ng tiwala kay God na makakasama pa namin si tatay ng matagal na panahon." Anito.

Ngumiti naman siya at tumango. "Nandito lang ako lagi para sa 'yo, Castle. Kung kailangan mo nang tulong ay handa akong tumulong anumang oras." Aniya saka niya pinisil ang kamay nito.

Tumango at tipid na ngumiti. "Mas tatay pa ang turing ko kay tatay Narsing kaysa sa totoong tatay ko dahil si tatay na ang kinakihan kong ama, siya ang sumuporta sa akin at sa amin ni nanay at Chasen at binigyan din niya ako ng pangangailangan ko bilang bata kahit na hirap na hirap na siya noon kaya sinusuklian ko o mas higitan ang kabaitan niya sa akin. Proud na proud ako sa tatay kong 'yan dahil napakabuti niya lalo na kay nanay at mahal na mahal niya kami, kaya mahal na mahal din namin siya, kaya kahit wala ang totoong tatay ko mas sobra-sobra pa ang ipinalit ni God na tatay sa akin. Lagi din sinasabi ni tatay sa akin na hindi daw maganda ang magtanim ng galit sa kanino man kaya ni minsan ay hindi ako nagalit sa daddy ko na nang-iwan kami ng nanay ko ay natuto akong maging mabuting anak at mamamayan dahil kay tatay kaya madami akong pagpapasalamat na dumating siya sa buhay namin."

"At alam ko din na mahal na mahal kayo ng tatay Narsing mo." Aniya.

Tumango-tango ito. "Kapag nagising na si tatay ay ipapakilala kita sa kanya."

Ngumiti siya at tumango sa binata. "Pero nakakahiya kanina dahil hindi mo itinatama ang mga iniisip ng nanay at kapatid mo tungkol sa atin, mamaya hindi ka na magka-girlfriend sa pag-aakala ng iba na hindi ka na available dahil sa akin—"

"I like you, Mareyna de Leon!" mabilis na singit ng binata sa sasabihin niya. Hindi siya agad nakasagot at napatulala lang siya dahil sa kanyang narinig. Binitawan nito ang dalawang kamay niya para haplusin ang kanyang kanang pinsgi. "Oo, hindi ka mali nang pagkakarinig—gusto talaga kita, gusto kita mula splintends hanggang ingrowns." Anito.

"W-Wala naman ako splitends," aniya pero ang bilis ng tibok ng puso niya at hindi niya ma-explain ang nararamdaman niya nang mga sandaling 'yon pakiramdam din niya ay nanginginig ang buong kalamnan niya dahil sa pagtatapat na 'yon ng binata.

"Sorry kung hindi ako perpektong hari na bagay sa isang magandang Reyna na tulad mo, pero ipinapangako ko sa 'yo na magiging magiting akong mandirigma ng magandang Reyna at iingatan ko siya at mamahalin nang buong puso."

"I like you too, Castle." Mabilis na sagot niya sa lalaki. Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito bago siya hinila patayo para yakapin nang mahigpit, naramdaman din niyang humalik ito sa kanyang ulo. "Ang akala ko ay crush lang kita dahil guwapo ka at kamukha mo si Chang Wook hanggang sa mas lumalalim na pala 'yon nang hindi ko namamalayan habang tumatagal kitang nakikilala. Gusto rin kita mula ulo hanggang paa lalo na ang puso mo at hindi ko kakailanganin ang isang perpektong hari'ng hindi ako kayang ingatan at mahalin, mas pipiliin ko ang magiting na mandirigma na kaya akong ingatan, mahalin at hindi kailanman bibitiwan." Aniya.

"Pero magkalayo ang agwat ng mga pamumuhay natin, paano kung malaman ng pamilya mo na galing lang ako sa mahirap na pamilya—"

"Nakita na nila ang picture mo—natin—no'ng reunion party at gusto ka na nilang makilala. And to tell you ay hindi mapanghusga nang kapwa ang mga magulang ko dahil sila ang tipo ng mga magulang na tanggapin ang lahat nang kung sino ang mahal ng kanilang anak."

Kumalas ang binata sa kanya at tumingin sa kanya na may ngiti sa mga labi. "Talaga?"

Tumango-tango naman siya. "Hundred percent!" sagot niya.

"So, pwede ka talagang magkagusto sa akin?" hindi makapaniwalang sabi nito. Ngiting-ngiti na ito sa kanya na di tulad kanina na halos pagbagsakan ito ng langit dahil sa kabang naramdaman nito dahil sa masamang balita tungkol sa tatay nito.

"A-Anak?"

Mabilis at sabay silang napalingon ni Castle sa nagsalita at nakita nilang gising na ang tatay nito kaya mabilis nilang tinungo ang hospital bed. Hinawakan agad ni Castle ang kamay ng ama at tuwang-tuwa makita itong unti-unti nang nakakabawi ng lakas.

"'Tay, kumusta na po kayo? Nag-alala talaga kami nang husto sa inyo, salamat sa Diyos at mabuti na po ang lagay ninyo, salamat 'tay dahil lumaban ka! Mahal na mahal ka po namin, kaya magpalakas po kayo agad." Ani Castle.

Ngumiti naman ang matanda at hinawakan ang kamay ng anak. "Salamat sa Diyos at sa inyo dahil lumalakas ako dahil na rin sa inyo. Huwag na kayong mag-alala dahil hindi ko pa oras kaya hindi pa ako pwedeng mawala sa mundo. 'Di ba nga ang sabi ko sa 'yo noon ay hihintayin ko pa ang magkaapo sa inyo ni Chasen?" nakangiting sabi nito saka ito bumaling sa kanya, kaya mabilis siyang bumati sa matanda at nginitian naman siya nito. "Sino ang magandang binibining ito, anak?" tanong ng tatay niya.

"Si Reyna po, ang Reyna ng buhay ko," nakangiting pagpapakilala ni Castle sa kanya sa ama kaya natampal niya nang magaan ang balikat nito saka siya tipid na napangiti. "Nililigawan ko po 'tay." Dagdag pa nito.

"Nililigawan?" gulat na tanong ng tatay nito saka bumaling sa kanya. "Anak, mabait na bata itong si Castle, sana ay sagutin mo na." ungot pa ng tatay nito na ikinatawa niya.

"'Tay, huwag mong i-pressure baka bastedin po ako, e." natatawang sabi naman ni Castle.

Hindi rin niya napigilang mapangiti. Of course, hindi niya 'yon gagawin. Shunga na lang siya kung pakakawalan pa niya ang katulad ni Castle Wren Jacobs. Inabot naman ng ama ni Castle ang kamay niya at ipinatong sa kamay ng binata.

"Gusto kong magkatuluyan kayo," nakangiting sabi ng matanda saka ito bumaling sa kanya. "Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay isa kang mabuting babae para sa anak ko at alam kong makulit at masayahin si Castle pero ngayon ko lang nakita ganito kasaya ang mga mata niya at seryoso sa isang babae at nakikita ko rin naman sa mga mata mo na gustong-gusto mo si Castle kaya sana ay magkatuluyan kayo at sana gabayan ang relasyon ninyo ng Panginoon."

Napangiti naman siya matandang lalaki. "Opo, tito." Nahihiyang wika niya.

Mabilis namang bumaling sa kanya si Castle. "Pwedeng-pwede na akong manligaw sa 'yo?"

"Oo naman," nakangiting sagot niya. Kung itatanong nga nito kung pwede na siyang maging girlfriend nito ay sasang-ayunan na niya ito kaagad.

Napangiti ang ama nito at tumango-tango sa kanilang dalawa. "Bagay na bagay kayong dalawa, para kayong mga bida sa isang koreanovela." Anito.

"Nanonood po kayo ng koreanovela?" natanong naman niya agad sa ama ng binata.

Tumango-tango ang matanda. "Dahil hindi na ako makapag-trabaho nang mabuti at nasa bahay na lang kaya minsan ay tulutulong ako sa sari-sari store, 'ayon nanunood kami ng tita mo ng Koreanovela sa telebisyon." Nakangiting paliwanag nito.

Napangiti din siya dahil nalaman niyang katulad ng mga ito ay K-drama televiewer din ang mga magulang ng lalaking naninirahan na ngayon sa puso niya.

"'Tay, pareho kayo nitong si Reyna na mahilig din sa mga Koreanovelas." Nakangiting sabi ni Castle, natuwa naman lalo ang tatay nito nang malaman ang tungkol doon at tiyak daw ay magkakasundo sila ng nanay ni Castle.

Saglit na nag-excuse ang binata para lumabas ng kuwarto nang makatanggap ito ng tawag sa cell phone nito. Kaya nagkakuwentuhan muna sila ng tatay nito at tuwang-tuwa talaga siya sa matanda dahil magiliw ito at very cool kaya hindi na niya tatanungin kung saan nagmana si Castle sa coolness nito dahil halatang-halata naman.

"Alam mo ba 'yang si Castle masyadong honest sa nararamdaman niya kaya maraming nagmamahal sa batang 'yan mapa-bata o matanda. Madami rin 'yang kaibigan sa amin at kung tatakbo lang siguro siyang kapitan sa lugar namin ay landslide ang pagkapanalo niya," nakangiting pagmamalaki ng matanda sa anak nito. "Kaya kapag sinabi niyang gusto ka niya ay talagang seryoso siya dahil hindi siya marunong magsinungaling saka mabilis ding mabasa kung ano ang nararamdaman niya at very hardworking din na 'yong tipong simula nang magka-trabaho siya sa lahat nang pinapasukan niya; seventy percent ng sahod niya sa amin ng nanay at kapatid niya ibinibigay, 'yong thirty percent sa kanya at iniipon pa niya 'yon para sa kinabukasan niya, kaso dahil nga sa pagkakaroon ko ng sakit, hindi na siya nakakapag-ipon masyado." Medyo nalungkot ang hitsura ng matanda sa sinabi. "Alam kong mahirap ang buhay pero sana magkaroon kayo nang pagkakaunawaan ni Castle bago sumuong sa isang totoong relasyon kasi 'yong mga naging kasintahan niya ay hindi nila naintidihan ang kagustuhan ni Castle sa buhay kaya nakipaghiwalay ang mga ito sa kanila kaya sana anak ay maintidihan mo si Castle,"

Tumango-tango naman siya. "Naiintindihan ko po siya tito." Tipid siyang ngumiti sa matanda. Hinawakan nito ang kamay niya at ngumiti nang tipid.

"Salamat, anak." Masayang sabi nito.

Umiling-iling naman siya. "Mahal ko din po kasi si Castle kaya kung ano po ang mahalaga sa kanya at mahal niya ay gano'n din po sa akin." Aniya. Ngumiti at tumango-tango ang matanda, bago pinakawalan ang kanyang kamay.

"Excited na tuloy akong makita kayong magkasama, magkatuluyan, magpakasal at syempre magkaroon ng mga anak," nakangiting sabi nito. "Alam mo ba anak na magaling mag-cross stitch at knit si Castle kaya pwede niyang gawan ng damit ang mga anak ninyo." Masayang kuwento nito.

"Totoo po?" hindi naman makapaniwalang sabi kaya tumango-tango naman ang matanda. Saglit pa silang nagkakuwentuhan nito nang bumalik si Castle sa kuwarto na masayang-masaya ang hitsura na parang nanalo ng jackpot.

"Oh, bakit anak at masaya ka yata?" nakangiting tanong ng tatay niya.

"'Tay, Reyna, tinawagan ako ng modeling agency kung saan ako nagmo-model at in-offer-an nila ako kung gusto ko daw maging modelo ng branded clothing sa New York at next next month na po gaganapin ang fashion show." Masayang kuwento nito.

Natuwa naman ang tatay nito sa narinig ngunit hindi siya kaagad nakapag-react dahil sa magkahalong gulat at pag-iisip na magkakalayo sila nito. Nang bumaling sa kanya ang binata ay mabilis nitong hinawakan ang kanyang kamay.

"C-Congrats, Castle." Pinilit niyang sumaya para sa lalaki pero ramdam niya ang kalungkutan. She is really happy for Castle, blessing ito para sa binata dahil kikita pa ito nang mas malaki sa kinikita nito at matulungan ang pamilya nito ngunit hindi niya maiwasang malungkot dahil lalayo na ito sa kanya.

"Hey, babalik naman ako, e. Huwag ka nang malungkot." Anito nang mabasa nito ang kalungkutan sa kanyang mukha.

Tumango siya dito at muling tipid na ngumiti. Ayaw naman niyang maging selfish na huwag itong paalisin dahil ayaw niyang mahiwalay dito o baka natatakot lang siyang makahanap ito ng ibang babae sa abroad at matulad ang nangyari sa kanyang nakaraan.

DUMATING ang Nanay at kapatid ni Castle after four hours at nakapagpahinga na din sila ni Castle sa ospital bago nagpasya ang binata na ihatid siya sa condo niya. Nang malaman ng nanay at kapatid nito ang magandang balita tungkol kay Castle ay sobrang natuwa ang mga ito.

"Okay ka lang ba, Reyna? Para kasing kanina ka pa walang kibo?" ani Castle sa kanya saka niya naramdaman na hinawakan nito ang kanyang kamay. Nasa condo na sila noon at kapwa sila nakaupo sa sofa sa kanyang sala at nagme-meryenda, sa hospital na sila kanina nag-lunch kasama ng tatay nito.

"Okay lang ako, Castle." Aniya.

Akmang susubo siya ng cookie na hawak niya ay mabilis 'yong sumingit si Castle at ito ang sumubo sa cookie, napatingin tuloy siya dito at tipid na tumawa. Ngumiti naman ito at nag-peace sign bago nginuya ang nasa bunganga at nilunok 'yon.

"Simula nang ibalita ko ang good news sa 'yo ay nagkaganyan ka na. Hindi ka ba masaya para sa akin? Ayaw mo ba akong tumuloy sa States?" anito.

Mabilis naman siyang umiling. "Ang totoo niyan, masaya talaga ako para sa 'yo and proud at the same time dahil malayo na ang mararating ng modeling career mo, maipapagawaan mo na ng restaurant ang mga magulang mo," nakangiting sabi niya, hinawakan naman nito ang kamay niya at hinalikan ang ibabaw niyon. "Pero nalulungkot lang din ako na magkakalayo tayo lalo na ngayon at nasanay na akong lagi kang kausap at ka-text." Pagtatapat niya.

Nagulat siya nang mabilis siyang niyakap nito at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "Anim na buwan lang naman akong mawawala, Reyna at kung magustuhan nila ang performance ko ay baka mag-extend pero babalik at babalik pa rin naman ako; sa pamilya ko at lalo na sa 'yo." Seryosong sabi nito. "Saka pinagbilinan ko na din nang mabuti si Chasen na alagaan nang mabuti si tatay dahil malalayo ako sa kanila at kapag nakapag-ipon na din ako nang malaki-laki, magpo-propose na ako sa 'yo..."

Mabilis naman siyang humiwalay sa yakap ng lalaki. "Ni hindi pa nga kita sinasagot, propose na agad?" Aniya.

"Eh, kailan mo ba ako sasagutin?" naglalambing na tanong nito.

"Kanina ka lang nagsimulang manligaw, ah." natatawang sabi niya.

"Eh, kapag naging tayo ay araw-araw pa uli kitang liligawan pati kapag kasal na tayo at nagkaanak." Nakangiting sabi nito.

"Ang layo na nang itinakbo ng isip mo." Natatawang sabi niya.

"Dahil ikaw na ang iniisip kong future ko." Seryosong sabi nito. "I love you, Reyna, seryoso!" anito saka nagtaas pa ito ng kanang kamay.

Hindi rin niya napigilang kiligin at mapangiti. "Sige na, mahal din naman kita." Kinikilig na sabi niya.

Saglit itong natigilan bago nanlaki ang mga mata sa gulat. "Oh God, kung gano'n... tayo na?" tanong nito. Nang ngumiti at tumango siya ay halos magsisisigaw ito sa labis na kasiyahan. Niyakap siya nito at mabilis na hinalikan sa kanyang mga labi. "Thank you, thank you," masayang sabi nito. "I love you!"

"I love you too, Castle." Nakangiting sabi niya. Siya man ay labis na nasisiyahan dahil sa pakiramdam na parang muling napunan at nabuo ang puso niya ng lalaking noon ay nirentahan lang niya para magpanggap na kasintahan ngayon ay siya nang tunay na laman ng puso niya!

Naniniwala siya sa pagmamahal ni Castle sa kanya at sa pagiging tapat nito ngunit hindi lang maalis sa isip niya ang posibilidad na muling mangyari ang nakaraan tulad ng mga past relationships niya lalo na at magkalayo sila ng lalaki.

Iba si Castle sa kanila!

Muling bumalik ang kalungkutan sa isipin na magkakalayo sila ni Castle for six months at maaari pa daw 'yong ma-extend kapag nagustuhan ng agency ang performance nito. Mami-miss niya ito segu-segundo!

Continue Reading

You'll Also Like

64.1K 1.7K 60
Saico Series #2: Love like it's the only thing you know. (He is Mr. Saico Book 2)
82.1K 1.8K 52
Im trained to kill. Im bound to murder. What can I do? If i fail my only treasure will lost forever. Ill do anything even if my Operation is to Assa...
56K 976 13
love is unexplainable---that whatever happens you will do everything just to be with your love.
2.2K 168 40
Book 2 : "In another life, i hope we'll meet again, to continue our unfinished story. I hope someday the ending wont be this sad. We had the right l...