His Forgotten Heart (A New Co...

By RessButterfly

50.4K 1.7K 87

Diego Del Rosario, a 34-year old resigned policeman and owns a vast land in the province of Cavite. From bein... More

Chapter 2- Unmasking her
Chapter 3- Jealousy Beyond Denial
Chapter 4-His Admission
Chapter 5- Escaped with You
Chapter 6- Sweet Romance
Chapter 7- Justified Words
Chapter 8- The Abduction
Chapter 9- A Pure Love
Chapter 10- The Beginning

Chapter 1-You are a Stranger

9.2K 271 4
By RessButterfly

Nasira ang kotse ni Diego kaya napilitan ang binata na sumakay ng bus pauwi at iwan sa talyer ni Manong Rosauro ang kaniyang Toyota Fortuner na limang taon na ring nagsisilbi sa kaniya. Pauwi na sana siya sa San Sebastian mula sa isang meeting ng mga pineapple plantation owners nang biglang namatay ang makina ng kaniyang sasakyan at ayaw ng magstart. Buti na lang at may kilala siyang shop sa lungsod na iyon at doon niya ito iniwan sa susunod pa kasi na lungsod ang San Sebastian. Alas 9 na ng gabi nang makasakay siya ng bus. Iilan na lang ang pasahero sa loob n bus na iyon at napuno siya upuan sa dulo nito.

"Shit!" Napamura si Diego na masubsob ang kaniyang mukha sa sandalan ng nakasunod na upuan ng bus dahil bigla itong huminto at umalingawngaw ang isang putok ng baril. Bago pa man niya nalinaw kung anong nangyayari ay nasa loob na ang dalawang armadong lalaki na naka-bonnet at hinablot ang babaeng takot na takot sa kanang hanay ng upuan.

"Hold-up to! Ilabas niyo ang mga pera at alahas ninyo kung hindi puputok ang bungo niyo isa-isa at sisimulan ko sa babaeng ito" malakas na wika ng armadong lalaki habang tinutukan ng baril ang babaeng nakakulong sa malabakal na mga bisig nito.

"Goyo, isa-isahin mo ang mga pasahero. Kung magmamatigas, barilin mo na agad."utos nito sa kasama. Tumalima naman ang tinawag na Goyo at hinalughog ang mga damit at bag ng mga pasahero. Naghihiyawan ang mga ito dahilan upang nagpakawala na naman ng putok ang lalaking may hawak sa babae.

Kalmado lang si Diego sa dulo at hinihintay lang na siya ang bubusisiin. Dating police ang binata ngunit hindi na ngayon dahil nag-resign siya nang hingin ito ng kaniyang pumanaw na fiancee bago sila magpakasal sana kaya wala na siyang service fire arm at karapatan na arestuhin ang mga ito. Tiningnan niya ang babaeng hawak ng barumbadong armado. Hindi niya masiyadong makita ang buong mukha nito dahil natatabunan iyon ng shawl. Ngunit naaninag niyang umiiyak ito at halatang nanginginig.

"Pera mo brad, bilis.. Kung ayaw mong iputok ko itong baril sa iyong bungo."paasik na wika ng nagngangalang Goyo.

"Magkano ba ang gusto mo?" kalmadong tanong ng binata na nairita sa sinabi ng lalaki.

"Aba't...-" bago pa nakapagsalita ang kawatan ay mabilis na naagaw ni Diego ang baril nito at pinilipit ang mga braso sabay sipa sa tiyan nito dahilan upang masubsob ito sa makitid na sahig ng bus kasunod niyon ay binaril niya ito sa binti. Naalarma ang isang kawatan na may hawak sa babae at mas lalo itong nagalit dahilan upang itinutok niyon ang baril sa sintido nito.

"Ibaba mo yang baril mo, kung ayaw mong tuluyan ko itong babaeng ito."wika ng galit ngunit paatras na sabi ng kawatan.

"Putang-" napamura ito ng malakas ng umalingawngaw ang isang putok at tinamaan ang binti nito.Akmang kakalabitin ng lalaki ang baril ngunit mabilis na lumundag si Diego sabay hablot sa babae dahilan upang mapasubsob ito sa kaniyang dibdib. Kasunod niyon ay nagpakawala siya ng dalawang putok at tinamaan ang kawatan sa magkabilang bisig nito. Namilipit sa sakit ang buong katawan ng kawatan at sinipa niya ito palabas ng bus kasama na rin iyong tinawag na Goyo.

"Magbagong buhay kayo. Sa susunod na magkikita pa tayo sa ganitong sitwasyon, sisiguraduhin ko ng paglalamayan na kayo."paasik na wika ng binata.

"Miss, okay na. Maari ka ng umupo." Malamig na wika ng binata pagkatapos ay tinungo ang upuan. Nanginginig naman ang kamay ng tsuper habang unti-unting binubuhay ang makina ng sasakyan. Mabilis na lumipas ang labinlimang minuto at sinapit na rin nila sa wakas ang terminal ng bus ng San Sebastian. Mabilis na bumaba ng sasakyan si Diego ngunit biglang may humawak sa kaniyang braso. Nang lingunin niya kung sino iyon ay nagulat siya.

"Salamat talaga sa pagligtas mo, sir. Hindi ko talaga alam kung paano masusuklian ang ginawa ninyo sa akin." mahinang wika ng isang babae.
     Sa unang pagkakataon, nakita ng binata ang buong pagmumukha nito. Medyo napakunot ang kaniyang noo nang makita ang mga peklat nito sa mukha hindi lang isa kundi marami. Medyo nairita at nandiri ang binata ngunit napalitan iyon ng habag nang makita niya ang luha nito.

"Ah,wala iyon, Miss. Wag mo ng isipin iyon, ang importante ay ligtas tayong lahat." tipid na ngiti ang pinakawalan niya rito pagkatapos ay tumalikod na at nagpatuloy ngunit sinundan siya ng babae. Binilisan niya ang hakbang papunta sa paradahan ng traysikel ngunit linagpasan siya nito at humarang sa kaniyang daraanan.

"Miss,may problema ba?" Kunot-noong tanong ng binata.

"Sir,.." Matagal bago ito nagpatuloy.
"gawin ninyo na lang po akong katulong ninyo. Ang totoo kasi wala na akong uuwian. Kahit hindi na ninyo ako swelduhan, pakainin at patulugin ninyo lang. Marami po akong alam na trabaho. Maglaba, magbunot ng damo, maghugas ng maiitim na kaldero, mag-alaga ng mga hayop." nakangiting wika ng dalaga. Nalilito si Diego sa mga pangyayari. Ang ayaw niya sa lahat ay iyong kinukulit siya at inaabala.

"Miss, may mga katulong na ako. Kung gusto mo bibigyan na lang kita ng pera at-" naputol ang kaniyang sasabihin dahil biglang lumuhod ang babae sa kaniyang harap.

"Sir, nagmamakaawa ako kahit isang buwan lang po." Napabuntung hininga na lang siya. Naawa naman ang binata at pumayag na sa gusto nito.
"Tumayo ka na diyan at halika na dahil gabi na."

"I love you, babe."
"I love you too, babe. Hindi ko talaga inexpect na magpopropose ka sa akin ngayon. You make me the happiest woman tonight."isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Zarah sa katipan habang lulan sila ng kotse mula sa kanilang bakasyon.

" Gusto kong magpakasal na agad tayo after two months. Hindi na ako makatiis, babe. Ayoko na ng malamig na gabi."nakangising wika ng binata.

"Loko-loko ka talaga."natatawang binatukan ng dalaga ang kasintahan.

"Diego..."sigaw ni Zarah nang makita ang paparating na ten-wheeled truck na papunta sa kanilang dako at sasalpok sa kanila. Biglang kinabig ng binata ang manibela ngunit sa kasamaang palad ay dumiretso ang kanilang sasakyan sa matirik na bangin. Nawalan ng malay ang magkasinatahan ng nagpagulong-gulong ang sasakyan habang umuusok.

"Hah!" Nagising si Diego. Napanaginipan na naman niya ang malagim na aksidenteng iyon. Biglang bumalik sa kaniyang alaala ang masakit na sinapit ng kaniyang kasintahan. Tiningnan niya ang kaniyang wristwatch at nalamang alas singko na pala ng umaga. Bumaba siya ng kwarto at pumunta sa kusina upang magtimpla ng kape. Kahit may katulong siya, nakaugalian na ng binata na siya mismo ang nagtitimpla nito. Pagbungad niya sa kusina ay naroon na si Manang Krising at kasalukuyang naghahanda ng bigas na isasaing.

"Maaga yata kayong nagising ,sir." Nakangiting wika ng matanda.
"Ewan ko nga manang kung bakit. Teka, may pinatulog ako doon sa kuwarto malapit sa kuwarto mo manang. Bagong katulong,ikaw na ang bahala sa kaniya. " aniya sabay hugop ng mainit na brewed coffee.
" Ganoon ba sir? Kailan ba siya dumating?"natutuwang wika nito.
"Kagabi, kawawa kasing babae kahit pakainin lang daw siya okay na. Huwag kayong mag-alala pansamantala lang to. Kung sa tingon ninyo ay tamad, kayo na mismo ang magpalayas." Pagkasabi niyon ng binata ay lumabas na siya doon. Dumiretso siya sa balcony sa ikalawang palapag ng bahay kung saan makikita mula roon ang kaniyang maliit na rancho at iilang punong kahoy. Nang maupo siya sa narra na upuan ay may nahagip ang kaniyang mata.

"It is her."
Tinitingnan niya mula roon ang babae habang nagwawalis ng mga dahon sa paligid ng bahay. Matangkad ito at sexy ang built ng katawan kahit nakasuot lang ng simpleng tshirt at pantalong kupas ang kulay. Naging curios ang binata kung ano ang nangyari sa pagmumukha nito ngunit inignora na lang niya ang ideyang iyon. Biglang tumunog ang cellphone ni Diego dahilan upang pumasok siya sa loob.

"Hello, Dexter?"bungad niya sa linya.
" Hello, pinsan. Pasensiya na at tumawag ako ng maaga gusto ko sanang magpaalam sa iyo na magbabakasyon ako diyan sa mansiyon mo kahit dalawang linggo lang."anang tinig sa kabilang linya.
" Aba, akala ko ba ayaw mo sa buhay dito sa probinsiya?"natatawang wika niya rito.
"Tsk! Diyan na lang ako magkuwento mahabang istorya kasi eh."
"Okay, hindi na kita kukulitin. I will wait you here."
"Salamat pinsan. Maybe next week nandiyan na ako."
"Okay sige,bye!"

Lumipas ang tatlong araw at mabilis na nagkakapalagayang loob ang babae at si Manang Krising. Mabilis at masigasig kasi magtrabaho ang bagong katulong kaya natutuwa ang matanda.

" Ysabelle, hija, masaya talaga ako at nandito ka. Parang hindi ka napapagod. Ilang taon ka na ba pala?"tanong nito habang silay nagsasampay ng mga bagong labang kurtina.

"Naku, manang, matanda na po ako. Dalawamput pitong taong gulang na po ako."nakangiting wika niya.

"Alam mo hija, kung wala lang iyang mga peklat mo sa mukha, ang ganda mo siguro."

"Hay naku manang. Impossible yan."

Nakita nilang dalawa ang paalis na si Diego lulan ng sasakyan nito na kinuha niya sa shop kahapon. Siniko ng matanda ang matanda ang dalaga dahil napansin niyang napatitig ito.

"Marami talagang nagugwapuhan kay sir kaso lang patay na ang puso niyan. Tumitibok lang kasi ang puso niya sa iisang babae ngunit nang pumanaw ito naging malamig na siya at walang panahon sa pag-ibig."malungkot na wika ng matanda. Napakunot naman ang noo ni Ysabelle sa narinig.
"Ano pong ibig niyong sabihin? Patay na ang girlfriend niya?"nagtatakang tanong ng dalaga.
"Oo, naaksidente kasi sila at sa kasamaang palad namatay ang kaniyang girlfriend, dead on the spot. Magpapakasal na sana ang dalawa. Alam mo ba pagkatapos mailibing yung girlfriend niya ay muntik na iyang magbigti si sir kaso napigilan ng asawa kong pumanaw rin noong nakaraang taon."
"Nakakalungkot naman pala. Matagal na ba yung manang?"mahina niyang tanong.

" Halos magdadalawang taon na mula nang pumanaw ang kaniyang kasintahan."

"Siguro, magandang maganda iyong girlfriend niya noh?"

"Isang beses ko lang siya nakita rito hija. Oo, magandang maganda siya dahil isa iyong flight stewardess."

"Naku, kung ako rin siguro ang nasa sitwasyon ni sir, namatay na rin ako."

"May boyfriend ka na ba hija?"pag-iiba ng matanda.

"Wala manang. Ayoko sa mga lalaki."matigas niyang sagot.

"Ha? Bakit? "

" Naniniwala kasi ako na kung pangit ka tulad ko paglalaruan ka lang pero kung maganda ka, swerte ka. Tulad na lang ng girlfriend ni sir."

"Asus, huwag kang ganiyan. Masarap ang magmahal."
Matapos nilang maisampay ang lahat ng mga kurtina ay pumasok na sila sa loob at nagmeryenda.

" Uy, Diego napadalaw ka." Nakangiting bungad ni Rogelio, tiyuhin ni Diego at siyang kumupkop sa kaniya at naging dahilan ng kaniyang paglago nang maulila siyang lubos.

"Gusto ko lang dito magtanghalian na miss ko iyong luto ni Tiyang Aileen."ang tinutukoy ng binata ay ang asawa ng lalaki.

"Hahaha! Tamang-tama nagluto ang tiyahin mo ng tinolang manok. Pagpapawisan ka na naman niyan." Inakbayan ni Diego ang tiyuhin at pumasok na sila loob.

"Hello, KUya Diego.."bati ni Claire,
ng mag-asawa at pinsan niya.

"Hi, balita ko may boyfriend ka na." Nakangising wika niya.

"Hala, wala kaya. Ikaw nga diyan tumatanda na."nangungutyang sabi ni Claire.

"Bahala na basta walang kupas ang kaguwapuhan." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagkatawanan silang lahat ay sabay sabay na dumulog sa mesa para sa isang masaganang tanghalian.

"Diego..."wika ng kaniyang tiyuhin habang nasa kalagitnaan.

" Hmmm.."aniya habang ngumunguya ng karne.

"Kailan ka ba magigirlfriend ulit? Tumatanda ka na hijo. Kailangan sa edad mong iyan may anak ka na."

Matagal bago sumagot ang binata.

"Ayoko na po."

"Palagi talagang ganiyan ang sagot mo tuwing pag-uusapan natin love life mo. Naku, mahirap matulog sa gabi kung walang kayakap lalong-lalo na kung umuulan."natatawang wika nito.

" Nasanay na po ako, tiyong!" Tumawa ng mapakla ang binata.

Halos isang oras ng namasyal si Ysabelle sa man-made forest na naroon at wala pa rin siyang kapaguran. Nabanggit ni Manang Krising ang bahagi na iyon sa lupain ng Del Rosario at kaagad niya itong pinuntahan pagkatapos ng lahat niyang gawain dahil may maliit na batis daw sa dulo nito. Madalas daw doon nagpapalamig ang binata lalo na kung tag-init. Isinama ni Ysabelle ang aso na naging kaibigan na rin niya si Moyong. Mga ilang hakbang pa ang kaniyang ginawa at narinig na rin niya sa wakas ang lagaslas ng tubig. Tumakbo siyang wiling-wili at naglunoy sa tubig.

"Halika Moyong, papaliguan kita." nakangiting wika ng dalaga habang sinasabyahan ng tubig ang aso na nakaupo sa batuhan. Ilang sandali ang lumipas ay nagpalinga2x siya. Nang makitang wala naman palang mga tao doon na nagpaparoo't parito ay may kung anong tinanggal si Ysabelle sa kaniyang mukha. Kasunod niyang hinubad ay ang kaniyang mga damit na isusuot pa niya ulit pagkatapos. Masayang-masaya ang dalaga habang naglulunoy sa malamig at malinaw na tubig.

Itinali ni Diego ang kaniyang kabayo sa isang puno sa loob ng man-made forest na ipinagawa niya five years ago. Mula sa tiyuhin ay dumiretso siya sa batis at sumaglit lamang sa bahay para kunin ang kaniyang paboritong kabayo at tumuloy na doon.
Habang papalapit sa batis ang binata ay may naulinigan siyang tinig ng isang babae. Minabuti niyang kumubli sa mayabong na damo at tingnan kung sino ang naroon.

"Who is she?"  Biglang napako ang mga mata ng binata nang tumambad sa kaniyang paningin ang isang napakagandang babae, maputi at makinis at kasalukuyan itong lumalangoy.

"Shit! She's naked. Hindi ba alam ng babaeng ito kung gaano ka delikado ang pinaggagawa niya."

Biglang may kung anong napukaw sa katawan ng binata na naramdaman niya rin noong nabubuhay pa ang kaniyang kasintahan. Pilit niyang inignora ang naramdaman at minabuting mangabayo na lang.

"Oh, hija, kumusta? Nag-enjoy ka ba?" Nakangiting wika ni Manang Krising nang dumating si Ysabelle.

"Oo, manang. Naku babalik talaga ako doon sa susunod."maligayang sagot niya rito. Pagkasabi niya niyon ay dumating si Diego sakay ng kabayo nito.

"Ay, sir. Kayo pala, paumanhin po. Naligo po kasi ako sa batis ninyo nang walang paalam." nakayukong wika ng dalaga.

"Kailan?" Medyo nagulantang ang binata at napansin niya agad ang basang buhok ni Ysabelle.

"Ngayon po." Napakunot ang noo ng binata.



Continue Reading

You'll Also Like

60.3K 1.7K 33
"When I'm with you, I can do things right & easily." ---
32.8K 851 22
Ang matagal nang mag-ex na sina Shary at Niel ay muling magkikita sa isang iglap. Sa kanilang pagkikita, makakapagmove-on pa kaya ng tuluyan si Shary...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
18K 754 48
Hindi ako naniniwala na may forever dahil kung meron hindi sana ako iniwan ng mga taong mahal , kaya nga hindi na ko mag mamahal ulit dahil ayuko ng...