Pangako (Published by Preciou...

By MarthaCecilia_PHR

880K 16.8K 860

Pangako by Martha Cecilia Published by PHR More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen

Chapter Ten

40.8K 901 63
By MarthaCecilia_PHR



"ANAK ako ni Consuelo Cordero, Jake," she spoke softly. "And Karla was my stepsister but I doubt if she ever knew about it," she added sadly.

Jake was dumbfounded. Humakbang ito patungo sa pang-isahang sofa at naupo. Hindi agad maipasok sa isip ang impormasyong narinig.

"There's no way I could tell you about it before. No one knew. I only wanted to see her and it wasn't possible for her to recognize me since she left me when I was two weeks old. But I guess she suspected from the very beginning. She saw the resemblance I had with my father."

Naguguluhang umiling si Jake. "You're very much younger than Karla, walong taon more or less. Paanong nangyari iyon? Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa Mama Consuelo."

Isang marahang tango ang isinagot niya. Pagkatapos ay pahapyaw na ipinaliwanag dito ang buong pangyayari.

Ilang sandaling katahimikan ang lumipas bago nagsalita si Jake. "And I happened to make your time worthwhile. A passing interlude," he said angrily as if talking to himself. Nagsalubong ang mga kilay ni Janine sa sinabi nito.

Tumayo si Jake at humakbang palabas. Nasa pinto na ito nang lumingon sa kanya.

"Alagaan mo ang mama sa abot ng kakayahan mo," wika nito sa mariing tinig. "Pero wala kang pakialam sa anak ko." naglakbay ang mga mata nito sa kabuuan niya. Then smiled sarcastically. "Mula ulo hanggang paa, designers' label ang suot mo. And I wouldn't even be surprised kung hindi mo alam ang daan patungo sa kusina sa mansion ninyo and know the difference between pots and pans. All your life, sinisilbihan ka ng mga katulong at pagkatapos ay sasabihin mong narito ka para kay Kathleen?"

"I do not understand this." gusto niyang magalit sa panunuya nito pero pinalampas niya at naguguluhang tumingin dito. "Sinabi ni Consuelo na—"

"Wala akong pakialam sa sinabi niya sa iyo. Dito nakatira si Kathleen, Janine, dahil ipinagpilitan ng mama iyon mula ng mamatay ang Papa Anselmo. She's old and lonely and I couldn't refuse. At lalong hindi ko magawang alisin ngayon dito ang anak ko sa kabila ng hindi ito ang nararapat na environment para sa kanya. My daughter is sick and I won't entrust her to virtual stranger!" Ilang minuto nang nakakaalis ang lalaki'y nanatiling nakatayo si Janine, a pain in her heart. Stranger.

ALAS-SIYETE ng gabi nang pagbuksan niya ng pinto si Jake. He was in his usual faded blue jeans at light blue denim long sleeves rolled up a little. And she could smell the faint scent of his bath soap na humalo sa natural nitong amoy and it brings back memories of that long ago... of soft wind and promises.

Biglang naningkit ang mga mata ni Jake pagkakita sa suot niya.

"W-wala akong ibang damit maliban sa suot ko kanina. So, I—I—" hindi niya matapos-tapos ang sasabihin sa galit na nakita sa mga mata ni Jake.

She was wearing one of Karla's semi-formal dresses. Isang purple satin na marahil ay hindi kahabaan kay Karla subalit maiksi ang dating sa kanya since she's taller. At marahil ay hapit sa katawan nito subalit maluwag sa kanya. But among her stepsister's accessories she found a black satin belt and matched it with the violet dress. Sa mga damit ni Karla ay iyon lamang ang nakita niyang maaari niyang gamitin, using her designer's instinct.

"I—I am sorry. Tumawag na ako sa Maynila. Umalis na ang driver upang ihatid ang kotse ko at gamit. He will probably be here before midnight."

"Hindi ballroom dinner ang pupuntahan natin. Wala akong makitang diperensiya sa suot mo kanina! At kay Karla lang bagay ang damit na iyan!"

Kumawala ang galit niya. The inconsiderate pig! Hindi niya inaasahang papurihan siya sa hiram na damit. Oh, well, she knows that Karla's voluptouos and she couldn't compete, pero hindi kailangang pintasan siya.

"Well, I'm sorry, Jake." itinaas niya ang mukha na naghahamon. "Bagay man o hindi ang damit sa akin, wala akong ibang pagpipilian dahil hindi ko ibabalik ang isinuot ko maghapon patungo rito!"

"I didn't mean that—" he stopped in midsentence. Muli siyang hinagod ng tingin at pagkuway humakbang patungo sa pinto. "Let's go."

ILANG sandali pa'y tumatakbo na ang pickup sa madilim na niyugan. Ang tanging liwanag ay nanggagaling sa loob ng sasakyan.

"I'm sorry about Karla," banayad niyang sinabi makaraan ang ilang sandali. Binuksan ang salamin ng pick-up at hinayaang hagkan ng mabining hanging panggabi ang mukha.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jake. At sumagot sa walang emosyong tinig. "Yeah. Me, too."

"At ikinalulungkot kong maipaalala siya sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng damit niya." she sighed. Kaya marahil nagalit si Jake ay dahil doon. Natitiyak niyang dinamdam nang labis ni Jake ang nangyari sa asawa nito at hindi pa nakaka-recover. It has only been more than a week since it happened.

"Forget it," he said in grim face. Naroon ang finality sa tinig nito at nakakaunawang tumango si Janine. It must hurt terribly. Walang namagitang usapan hanggang sa makarating sila sa bahay ng mag-asawang Greg at Allie.

"Janine!" bungad ni Allie na masaya siyang hinagkan sa pisngi. "I am really glad na pinagbigyan mo ang imbitasyon ko." pagkatapos ay tiningala nito ang buhok niya. "I like your hair. Fashionably short. Gusto ko ngang paputulan nang ganyan ang buhok ko pero hindi bagay sa akin."

"Thank you," she said demurely. "Hi, Greg," bati niya sa lalaki na palapit.

"Good evening, Janine," ani Greg sa kanya who was also wearing his blue jeans. "Glad you could come," dugtong nito.

"Let's leave these men alone," ani Allie na hinila siya patungo sa dining room. "Tita Emma send me the tickets for your show at nanghihinayang ako na hindi kami nakapunta ni Greg. Kung bakit ba naman biglang nilagnat si Andre." nagkibit ito ng mga balikat. "Slight fever lang naman, but wait till you become a mother and you will know what I mean." banayad itong tumawa. Inilabas ang mga table napkin mula sa drawer ng cabinet.

"So you gave your tickets to Jake?"

Tumango si Allie. "I was really shocked nang dumating siya dito kahapon ng umaga at itanong sa akin kung paano ka mako-contact. In fact, I wondered why out of the blue he wanted to talk to someone like you. Oh, well, it's understandable kung bakit sa akin ka niya itinanong. I used to move in the same circle as you do now." nilinga siya nito sa nagtatanong na mga mata. "How did you meet my brother-in-law?"

"H-hindi niya sinabi sa iyo?"

"Oh well, knowing Jake..." nagkibit ito ng mga balikat. "How long have you been friends, if you don't mind my asking?"

Wala sa loob na nilaro niya ang isang table napkin. "I—I met him five years ago I was doing my—my thesis and—"

"Ikaw ang estudyanteng sinasabi ng mga tao rito?" Gulat na nahinto sa paghahanda ng mesa si Allie. Naguguluhang umiling. "But I don't understand, bakit hindi ka na lang nagpasabi sa aking—"

Sa puntong iyon ay nagtakbuhang papasok sa dining room ang dalawang bata. "Mommy..." si Andre kasunod si Kathleen.

"Hello, pet." niyuko ni Allie ang anak. "Gutom na ba kayo ni Kathleen?" Sinulyapan nito ang pamangkin na biglang nahinto ang pagtakbo nang makita si Janine. "Andre, say 'hello' to Janine, she's Uncle Jake's friend and ours, too."

Ngumiti ang batang lalaki na bata lang kay Kathleen nang isang taon. "Hello, Janine."

"Hello, young man." niyuko niya ang bata at ginulo ang buhok. Pagkatapos ay nakangiting nilingon si Kathleen. "Hi, Kathleen, remember me?"

Hindi kumibo si Kathleen pero wala na roon ang tila pagkailang sa kanya nang una siyang makita kanina. Nang tumakbo palabas si Andre ay sumunod ang batang babae.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Allie. Tuluyang nalimutan ang topic tungkol kina Jake at Janine. "Hindi siya nagsasalita." inabot ang tray ng ulam mula sa katulong.

"Sinabi sa akin ni—Consuelo. Paano nangyaring hindi siya nagsasalita?"

"After Mr. Cordero died she just stopped talking," patuloy ni Allie. "Pinatingnan na ni Jake ang bata sa mga espesyalista. Iisa ang sagot nilang lahat. She was traumatized by her grandfather's death."

"It's understandable. They must have been closed," nanlumong usal ng dalaga.

"Totoo iyon. And since then, tanging kay Jake at sa amin lamang panatag at relax ang bata." pagkatapos ay ngumiti ito. "Oh, I don't know why I'm telling you all these. Hindi kita dapat na—"

"That's okay," agap niya. "I'm here to stay for a while. Para kay Kathleen at kay Mrs. Cordero." muli ay nagsalubong ang mga kilay ni Allie. The supermodel socialite ay mananatili sa Cordero Farm? May tanong na gumitaw sa mga mata nito pero umiwas ng tingin si Janine. Sumulyap sa malaking sala kung saan naroon ang magpinsan.

Si Jake ay pasadlak na nakaupo sa malaking sofa at nakataas ang mga paa sa center table habang hawak sa kamay ang isang kopita ng alak. She saw the muscles on his jaw moved as he stared at her. She could only think of one thing, intimidating. Nagbaba siya ng paningin.

Si Allie ay matamang pinagmasdan ang dalaga at pagkatapos ay hinayon ng mga mata si Jake na sa buong panahong nag-uusap sila nito ay hindi humihiwalay ng tingin kay Janine.

"ANG pagkakaalam ko'y wala ka pang isang buwang nanatili sa mga Cordero, Janine?" si Greg na ang kuryosidad ay unti-unting napukaw nang malamang si Janine ang guest na pinag-uusapan ng mga tao noong araw sa Farm. Paanong ang isa sa mga stockholder ng Mega Banking ay sa mga Cordero nanuluyan at hindi sa kanila? In fact, during those times, they could have easily accommodated her dahil walang tao sa bahay kundi si Nana Andrea.

"Well, she got what she wanted, all at a time," sarkastikong sagot ni Jake na pailalim siyang sinulyapan. "Bakasyon, the so-called thesis, and pleasure." Binigyang diin nito ang huling sinabi.

Hindi malaman ni Janine kung paano iiwasan ang biglang pagtuon ng tingin ng mag-asawa sa kanya. Niyuko ang pagkain at nilaro ng tinidor.

"But that was sweet and thoughtful of you, Janine, to have come and pay Mrs. Cordero a visit, lalo na ngayon pagkatapos ng trahedya," ani Allie. Unaware that she's threading on dangerous topic.

"She had to," Jake answered in cold tone. "Mama Consuelo's her mother," tuloy-tuloy nitong sinabi at nilingon siya. "Oh, I'm sorry, sekreto pa rin ba iyon o hindi na? They're family, anyway," he said in insincere apology. Hindi pinansin ang pagkamangha sa mukha ni Allie at ni Greg. He was being unfair for putting her on the spot, but he was angry with her.

Nagpupuyos ang loob ni Janine pero sinikap na ngumiti sa mag-asawa. "Jake's right. Consuelo is my biological mother. At hindi ko gustong sirain ang gabing ito para ikuwento ang skeleton ng pamilya. Jake will fill you in sometime later. And then, you can start thinking it over if you still want to befriend a bastard, such as myself." sinadya niyang tuyain ang sarili and raised her chin a fraction.

"Oh, well, siguro si Jake ay pinagsisihang pinag-aksayahan niya ng panahon ang isang tulad ko." she was unstoppable. "Hindi kayang takpan ng lipunang ginagalawan ko at ng pera ng pamilya ko ang pagiging bastarda ko. And I remembered Jake here telling me that he was an old-fashion man."

Bago pa makabawi sa pagkabigla ang lahat ay marahas na tumayo si Jake. "Excuse me..." at tuloy-tuloy na lumabas.

Si Janine ay nanlumong ibinaba sa pinggan ang kutsilyo at tinidor. "I'm sorry," she whispered apologetically

"Huwag mo kaming intindihin, Janine," si Greg na bale-walang ngumiti. "At pagpasensiyahan mo na ang pinsan ko."

"Ngayon ko lang nakitang nagkaganyan si Jake, Janine," si Allie. "In fact, wala akong natatandaang nang-inis o nanghiya ng babae iyan."

"We've been at each other's neck mula pa kaninang dumating ako. I think he resented my presence..."

"I doubt it," makahulugang sinabi ni Greg and twist one corner of his mouth in a silent smile. "Let's not spoil this dinner," masiglang sinabi nito, sabay abot sa pagkain. "Magagalit ang misis ko 'pag hindi mo ako tinulungang kainin ito," nakangising dagdag nito and gave Janine a wink.

KASAMA na nila si Kathleen pauwi. Nasa gitna nilang dalawa at nakatulog. Hindi sinasadyang napahilig kay Janine.

"I'm sorry," ani Jake na sinulyapan siya. "I went over the line there." Hindi siya sumagot dahil wala siyang alam isagot. "Pinaniwalaan mo bang talaga na mahalaga sa akin kung bastarda ka man o hindi?" dagdag nito.

"Hindi ko gustong pag-usapan," sagot niya sa pinal na tono. She's emotionally and physically tired.

"Damn!" he blurted at wala sa loob na inapakan ang preno. Doon biglang nagising si Kathleen dahil bahagya itong napasubsob at kung hindi naagapan ni Janine ay baka nahulog at tumama sa dashboard.

Jake cursed himself silently at inihintong tuluyan ang sasakyan. "Are you both alright?" nag-aalalang tanong nito na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Si Kathleen ay nanlaki ang mga matang naalimpungatan at napatitig sa ama.

"It's alright, Kathleen," ani Janine sa bata sa banayad na tinig. Kasabay ng pagtuon ng masamang tingin kay Jake. "Gusto mo bang kandungin kita?" Sandali lang ang pag-atubili ng bata at tumango. Inabot ito ng dalaga at kinandong.

"I'm sorry, pet," masuyong wika ni Jake sa anak at ginulo ang buhok. "Hindi ko sinasadyang magpreno." isang tipid at inaantok na ngiti ang pinakawalan ni Kathleen at inihilig ang ulo sa dibdib ni Janine. Sa una'y nag-aalangan subalit nang maramdaman ang banayad na haplos ng dalaga sa braso nito'y tuluyang humilig at ipinikit muli ang mga mata kasabay ng paghikab.

"Hindi ka ba nasaktan?" banayad na tanong ni Jake sa kanya.

She sighed kasabay ng pag-iling. Muling pinaandar ni Jake ang makina. Walang nagsalita hanggang sa makarating sila sa bahay ng mga Cordero. Pagkababa'y umikot sa kabila si Jake at binuksan ang pinto niya at inabot ang natutulog na bata. Hindi sinasadyang nadikit sa dibdib niya ang braso ng lalaki. Jake stiffened at tinitigan siya. Hindi siya nag-angat ng mukha and pretended it didn't happen though she could feel the tingling warmth in her spine.

Sinundan niya ng tingin ang pagpanhik nito sa itaas karga ang anak. Ilang sandali pa'y muling bumaba ito. Tinapunan siya ng tingin at tuloy-tuloy sa pinto.

"I guess you can put up with Kathleen kung sa magdamag rin lang na ito," wika nito nang nasa balkon na. "Bukas ay ipadadala ko dito si Nana Rosa."

"Sino ang kasama ng bata dito mula nang mangyari ang—ang—"

"Ako," sagot nito. "Pero may palagay akong hindi ka papayag na dito ako matulog, hindi ba?" Tumaas ang sulok ng bibig nito sa nang-uuyam na ngiti. "Isa lamang akong magbubukid and not one of those society playboys na nababasa ko sa peryodikong kasama mo. Besides, I don't go for a quickie, baby."

Tumalim ang mga mata niya. "Goodnight, Jake Falcon!" At pabagsak na isinara ang pinto at sumandal dito. Hindi siya umalis doon hanggang hindi niya narinig ang tunog ng papaalis na sasakyan.

"Damn him!" usal niya, sabay panhik sa hagdan.

p>>

Continue Reading

You'll Also Like

788K 17.3K 19
Minsan Dito Sa Puso Ko by Martha Cecilia Published by PHR
74.7K 1.5K 11
Tungkol ito sa dilaw na mga ibon na nakaimbento ng time travel, cure for cancer at bagong social media site. Just kidding. This is about a girl who w...
812K 15.3K 18
Maari ko bang hingin ang gabing ito, Nico? Love me, please..." isang araw ay sinabi ni Erika sa lalaki. Dose anyos pa lamang siya ay hindi na niya gu...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...