Pangako (Published by Preciou...

By MarthaCecilia_PHR

879K 16.8K 858

Pangako by Martha Cecilia Published by PHR More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen

Chapter Nine

42.6K 960 48
By MarthaCecilia_PHR



SHE TOUCHED the solitary tear na naglandas sa pisngi niya nang hindi niya namamalayan. Mula sa pagkakaupo sa settee ay tumayo siya at muling bumalik sa silid. Mukhang wala siyang magagawa kundi ang pagbigyan si Consuelo sa pagnanais nitong makausap siya. Then Jake was right, matapos niyang makausap ang matandang babae ay babalik siyang muli bukas na bukas din. Marami siyang dapat na asikasuhin para magtagal sa Lucban.

Dinampot niya ang telepono upang tawagan si Emma at ipaalam dito ang plano niyang lumabas ng Maynila sa gitna ng katiyakang maraming kliyente ang aasikasuhin niya bukas.

PAGDATING ni Jake kinabukasan ng umaga'y bihis at handa na siya. Original creation ang soft yellow slacks and blouse na suot niya. Christian Dior ang shoulder bag at ganoon din ang Christian Dior sunglasses niya upang hindi gaanong mahalata ang pangingitim ng mga mata dala ng hindi pagkatulog ng sinundang gabi.

Crazy it may seemed pero tiniyak niyang mag-aayos siya nang ayon sa totoong siya.

"You're ready!" He faked the surprise on his face. "Akala ko pa naman ay maghihintay akong makaligo at makapag-ayos ang prinsesa."

"I want this to be done and over with nang makabalik ako agad," malamig niyang tugon.

"Designers' label all over," panunuya nito matapos siyang suyurin ng tingin. "Baka nakakalimutan mong sa bukid tayo pupunta?"

Nagkibit siya ng mga balikat. "Gusto ko ring ipaalala sa iyo, Jake Falcon, na hindi ako mahirap at wala akong damit pangmahirap," ganting-panunuya niya. Sinaktan na siya at ininsulto nito kagabi. She'll be damned kung papayagan niyang gawin uli ng lalaki ngayon iyon.

Tumiim ang mga bagang ni Jake. "Are you sure na hindi natin kailangan ng military escort patungong Lucban? Baka may nakapag-tip na kasama ko ngayon si Janine del Castillo, ang supermodel at ang isa sa mga tagapagmana ng kayamanan ng mga Del Castillo."

Binilisan niya ang paglakad. "Hindi ba't mahusay ako sa pagbabalatkayo, Jake?" ganti niya kasabay ng pagpasok sa elevator.

"Yeah," sang-ayon nito kasabay ng pagtiim ng mukha.

Pagdating sa parking lot sa basement ay nilinga niya ang BMW niya. "Let's take separate cars," wika niya rito at akmang lalakad patungo sa kotse nang hawakan siya ng lalaki sa braso.

"Wait a minute," pigil nito. "Totoong pickup lang ang sasakyan ko pero four-wheel drive at air-conditioned, Janine. Hindi ka maiinitan at kahit papaano'y komportable rin..."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin," aniya na hindi pinansin ang pagbaon ng kamay nito sa braso niya. "Pagkatapos kong makausap si Consuelo'y babalik ako kaagad sa Maynila. There's no need for you to bring me back here."

"Sinundo kita dito, ihahatid kita dito," wika nito sa pinal na tinig at hinila siya patungo sa four-wheel drive pickup. He was literally dragging her inside his vehicle.

Nang isara ni Jake ang bahagi ng pinto niya at pumasok na rin ito sa driver seat ay pinigil ni Janine ang sariling magprotesta. At habang unti-unting lumalabas ng basement ang sasakyan ay nakadarama siya ng pangangapos ng hininga. So this is how it feels to be claustrophobic.

Hindi niya gustong ma-confine sa loob ng sasakyan kasama si Jake sa durasyon ng mahabang biyahe patungong Lucban. Natatakot siyang mahalata nito ang talagang damdamin niya. Funny that she still felt this way when she met a lot of attractive men in the last five years. Men that are so willing to love her and marry her kung binibigyan lang niya ng pagkakataon. Hindi siya nawawalan ng boyfriend. And Matthew being one of them.

And for the past years she willed herself not to think of their short love affair. And she really had succeeded in doing so, or so she thought. Until last night.

Palihim niyang sinulyapan ang katabi. Years hadn't changed him that much. The bluish whiskers on his face only served as an added attraction. He looked older but still so darned handsome.

She broke the silence. "Ang sabi ng abogado ay tapos na ang burial nang maospital si—Consuelo..."

Tumango si Jake. "May palagay akong sinikap ng Mama Consuelo na makayanan ang lahat. Pero nag-collapse siya, right after Karla's burial."

Gusto niyang itanong dito kung ano ang nangyari pero napipigil siya ng alalahaning hindi marahil gustong balikan sa isip ng lalaki ang trahedya sa mga sandaling iyon. Muling nangibabaw ang katahimikan sa pagitan nila.

"Did you get a chance to say goodbye to your latest lover?" ani Jake makalipas ang mahabang sandali. Ang mga mata'y nasa daan at nakikita niya ang paggalaw ng muscle sa mukha nito.

"Beat it, Jake." she gritted her teeth.

"I couldn't believe you could go for a quickie, Janine. That hot, huh?" Sandali siyang nilingon nito, with malice in his eyes, bago muling ibinalik ang tingin sa daan.

Sinikap niyang pigilin ang pag-uumalpas ng galit. "Wala kang pakialam sa personal kong buhay, Jake Falcon," sagot niya sa kontroladong tinig. "Isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong gamitin ang sarili kong kotse ay upang iwasan ang ganitong usapan. It bores me."

Nakikita niya ang paniningkit ng mga mata nito at ang paghugot ng malalim na paghinga. Mabilis siyang magmaneho ng kotse pero kinabahan siya sa bilis nila nang sapitin ang superhighway. Ikinabit niya ang seat belt, bahagyang inihilig ang sandalan, settled herself comfortably at ipinikit ang mga mata.

She will be damned kung inaakala ng lalaking ito na masisindak siya. He can drive them to hell for all she cares.

"WAKE up, babe," Jake whispered softly, at banayad na tinapik-tapik ang mukha niya. She stirred and opened her eyes nang tanggalin ni Jake ang sunglasses niya and stared at her in dark and penetrating eyes.

She stared at him dreamily. His face in kissing distance. She could smell the old familiar masculine scent that tickled her senses. And she couldn't take her eyes off him if her life depended upon it. Gumalaw lang siya nang kaunti'y magkakadikit ang mukha nilang dalawa. Then, with a sigh, Jake moved away.

"You haven't changed, Jan," wika nito, his voice trailed off na tila may binabalikan sa isip. "You still stared at me as if you couldn't wait to have your hands on my body," he sighed bitterly. "Oh, well, hindi lang marahil ako ang tinititigan mo nang ganoon. Kung tama ang pagkakatanda ko, columnists tagged you as the woman with hot and sexy eyes—"

"W-where are we...?" agap niya. Hindi niya gustong marinig ang ibang mga sasabihin nito though hindi niya maintindihan kung bakit ipinahihiwatig ng sinasabi nito na sinusubaybayan ng lalaki ang career niya. Inilinga ang paningin sa buong paligid. Mga nakaparadang sasakyan ang bumungad sa paningin niya.

"Hospital parking area," wika nito at hinugot ang susi mula sa ignition. "Nandito na tayo sa Lucban. You complimented on my driving skill by sleeping for four hours," matabang nitong idinagdag.

Ganoon siya katagal na nakatulog? Oh, well, ang pagod at puyat sa mga nagdaang preparasyon para sa show niya at ang tensiyon at hindi pagkatulog kagabi, took its toll.

Lumabas ng sasakyan ang lalaki at umikot sa tabi niya. Binuksan nito ang pinto sa bahagi niya. She went out sleepily and stretched her body. Muntik pa siyang matumba kung hindi siya nahawakan nito sa may baywang.

Mabilis siyang kumawala na tila napaso sa pagkakalapit na iyon. The familiar touch was still electrifying. And hated herself for reacting.

"I have no intention of molesting you in public, Janine," ani Jake sa inasal niya. His eyes in slits. "Hindi mo kailangang umiwas na tila may sakit akong nakakahawa."

She sighed, sinikap na ibalik ang composure. "Don't be ridiculous, Jake," kaswal niyang sinabi. "Nagulat lang ako."

Sandaling matiim siyang tinitigan nito bago nagpatiunang lumakad papasok sa ospital. Sumunod siya. Nakita niya ang mga mata ng ilang nurse na nakasunod ng tingin sa lalaki with obvious admirations. Nilingon siya nito nang matapat sila sa isang silid.

"She's in there." binuksan nito ang pinto at pinapasok siya. "Maghihintay ako sa labas." marahan ding isinara uli ang pinto pagkapasok niya.

Sinulyapan niya ang private nurse na inaayos ang dextrose ng pasyente. "Please, I want to talk to her in private," halos pabulong niyang sinabi. Tumango ang nurse at lumabas.

Nakapikit si Consuelo subalit nang marinig ang anasan ay nagmulat ng mga mata. Matagal siyang tinitigan bago narehistro sa isip kung sino siya. Kumislap ang mga mata nito at tipid na ngumiti.

She cleared her throat, bago nagsalita. "I-ikinalulungkot ko ang nangyari," aniya, tinitigan ang hapis na mukha. She must be fifty-three years old pero sa tingin niya'y sampung taon ang itinanda sa edad nito.

Si Consuelo ay sinuyod siya ng tingin. Banayad na sininghot ang ere na nahawaan ng amoy ng mamahaling pabango mula sa kanya.

"G-gusto ko ang pabango mo. Hindi masakit sa ilong," wika nito, trying to be casual.

"Thank you," pormal niyang sagot, walang emosyong mababasa sa mukha. "No offense meant, I have a spare bottle and you can have it, if you want."

Muling tipid na ngiti ang pinakawalan ni Consuelo. Ilang sandali ang namagitan bago ito muling nagsalita.

"I never thought you'd come," wika nito sa basag na tinig. "Sinubukan ko lang. S–salamat sa pagbibigay mo sa kahilingan ko, Janine."

"I'm not so busy these days," kaila niya to protect a little of her pride. She wanted her to think that coming here is one of those things. Subalit hindi niya maitatangging sa kabila ng lahat ay may bahagi ng dibdib niya ang nabagbag. Ina pa rin niya ito, afterall.

The old woman bit her lower lip and tried to choke her tears. "P-patawarin mo ako sa... sa mga pagkukulang ko sa iyo."

"Kalimutan na natin iyon," she said matter of factly. "Nandito ako at nakahanda akong tulungan ka anuman ang gusto mong gawin ko. I'll arrange for an ambulance to take you to Manila. Mas makabubuting doon kita patitingnan."

Umiling si Consuelo. "Bukas-makalawa'y lalabas na ako, Janine. Hindi para sa akin kaya nais kong narito ka. Para kay Kathleen... sa p-pamangkin mo." tumingala ito sa kanya sa bahaging iyon na para bang tinitiyak na hindi niya tatanggihan ang affinity. "Pansamantala ay gusto kong tingnan mo si Kathleen. K-kawawa naman ang apo ko." she opened her mouth to speak pero inagapan iyon ni Consuelo. "Please," pakiusap nito. "I know it's unfair to drag you here. Hindi ang bukid na ito ang bagay sa isang tulad mo, sa uri mo, pero nakikiusap ako, Janine."

Marami siyang gustong itanong sa ina subalit hindi niya isinatinig. Isang linggong mahigit pa lang mula nang mangyari ang trahedya. Nangako siyang mananatili muna hanggang hindi naaayos ang lahat.

Nasa loob ng pickup si Jake nang lumabas siya. Bukas ang pinto sa side nito. Nakahilig ang upuan half way at nakapikit ito. She gazed at his face tenderly. How foolish of her to think na sa pamamagitan ng pagpapalit-palit ng boyfriends ay malilimutan niya ang lalaking ito.

Nagmulat ng mga mata si Jake and stared at her for a long moment, his face unreadable. Una itong nagbaba ng tingin.

"Tapos na kayong mag-usap?" Tumango siya. Huminga nang malalim si Jake. Bumangon at inayos ang upuan. Inabot ang bahagi ng pinto niya at binuksan. "Get in."

Walang kibong umikot sa kabila si Janine at sumakay. Ilang sandali pa'y nasa daan na sila uli. Inihinto ni Jake ang sasakyan sa isang kilalang kainan.

"Ito lang ang pinakadisenteng mapagdadalhan ko sa iyo," wika nito sa matabang na tono. "Let's have lunch." inabot nito ang doorlock niya and she tried to push herself deeper sa upuan upang hindi madikit ang braso nito sa dibdib niya.

Walang kibong lumabas ang dalaga. Umikot si Jake at hinawakan siya sa siko upang alalayan. Sinikap niyang huwag mapapitlag at itinuring na kaswal ang pagkakahawak nito sa siko niya. Ilang sandali pa'y nakaupo na sila sa pandalawahang mesa.

"Ano ang gusto mo?" tanong ni Jake sa kanya nang lumapit ang waitress at nginitian si Jake.

"Sandwich, kahit na ano'ng klase. You decide for me," walang emosyong sagot niya at pinaglagos ang mga mata sa salamin ng restaurant patungo sa labas.

"Club house and fresh buko juice," ani Jake sa waitress at pagkatapos ay um-order ng pagkain para sa sarili. Pagkaalis ng waitress ay muli siyang hinarap. "Hindi ko naiintindihan ang pagnanais ng mga babaeng maging payat. I hate thin women."

May gumuhit na patalim sa dibdib niya pero hindi niya binigyang-pansin at tumaas ang mga kilay. "It's obvious. You married Karla."

Narinig ni Janine ang ginawang marahas na paghinga nito. At sa isang iglap ay nahagip niya ng tingin ang pait sa mga mata ng lalaki. Nakadama siya ng guilt sa sinabi. Kamamatay lang ng asawa nito. Instinctively, inabot niya ang kamay ni Jake sa gitna ng mesa.

"I'm—sorry, hindi ko gustong—"

"Dammit to hell you should be! Kung hindi dahil sa—" he stopped in mid-sentence nang biglang may lalaking nasa tabi na ng mesa nila. Pareho nilang hindi namalayan ang paglapit.

"Jake Falcon," ang lalaki na bahagyang ngumiti. Napatingala si Janine dito. Hindi kataasan pero magandang lalaki. Marahil ay nasa early forties nito. "Hindi ko inaasahang dito ka manananghalian, Jake." Itinuon nito ang humahangang tingin kay Janine.

"Guenias," usal ni Jake sa paraang tila ba ang pangalan ng lalaki'y hindi dapat mabanggit man lang. Lalong nadagdagan ang galit sa mga mata.

Nanatiling nakangiti ang lalaki. "Pamilyar sa akin ang kasama mo, Jake," wika nito na hindi inaalis ang mga mata kay Janine.

"Janine. this is Almario Guenias, ang dating bise-mayor. Guenias, Janine del Castillo, kaibigan siya ng mga Cordero."

Ibinigay ni Janine ang kamay and gave her usual warm smile nang ilahad ni Almario ang kamay. Hindi pinansin ang panlilisik ng mga mata ni Jake.

"It's my pleasure meeting you, Janine."

"Me, too," kaswal niyang sinabi.

"Sagot ko ang tanghalian ninyo, Jake," masiglang alok nito.

"Kaya kong bayaran ang kakainin namin, Guenias. And if you'll excuse us, 'ayan na ang order namin," ani Jake, in between his teeth.

Nagkibit ng mga balikat si Almario at muling niyuko si Janine. "Hope to see you again, Miss Janine..."

"Sure," nakangiting sagot ng dalaga. Tuluyang tumalikod si Al at bumalik sa mesa nito sa kabilang bahagi ng restaurant. "Hindi ba pambabastos ang ginawa mo?" akusa niya kay Jake nang makaalis ang waitress.

"Kumain ka," utos nito na hindi pinansin ang sinabi niya. "Pagkatapos ay tumuloy muna tayo sa bahay ng mga in-law ko. Alam kong pagod ka sa biyahe. Magpahinga ka muna kahit isang oras bago kita ibalik sa Maynila."

Gusto niyang sabihin dito ang pinagkasunduan nila ni Consuelo pero naisip na sa bahay na ng mga Cordero. Dahil talagang gutom ay naubos ng dalaga ang pagkain.

Ilang sandali pa'y nasa daan na uli sila. Nilinga niya ang paligid nang papasok na sila sa farm. Sa loob ng limang taon ay sinikap niyang huwag magtungo sa mga lugar na maaaring magpaalala sa kanya ng Lucban. At ngayong nakita niya ang matataas na puno ng niyog, ang naglalakihang puno sa paligid, ang mga bundok, ngayon niya na-realize kung gaano niya pinanabikan ang lugar na ito. No place on earth ang kayang halinhan ang lugar na ito sa puso niya.

Wala silang kibuan hanggang sa makarating sila sa bahay ng mga Cordero. Hindi na hinintay ni Janine na pagbuksan siya ng pinto ni Jake at agad na lumabas. Mula sa kinatatayuan ay minalas ang buong bahay. Walang nabago. Iyon pa rin, maliban sa nag-crack na ang mga pintura at kinalawang at sira na ang ilan sa mga gutter sa bubong.

Doon bumukas ang pinto at lumabas ng balkon ang isang apat na taong gulang na batang babae at tumakbong pasalubong kay Jake.

"Hello, pet." masuyong kinarga nito ang bata at hinagkan sa noo. "Have you been good? Hindi mo ba pinahirapan si Nita?" Tumango ang bata at pagkatapos ay tumitig kay Janine. "Kathleen, I want you to meet Janine, she's your Lola Consuelo's friend."

"Hello, Kathleen..." nakangiti niyang bati subalit nanatiling nakamata ang bata. "I hope we will be friends since I will be staying here for a while," dagdag niya na marahas na ikinalingon ni Jake sa kanya.

Kung ano man ang nais sabihin nito'y napigil nang parating na sasakyan. Kumislap ang mga mata ni Kathleen na nagpababa sa ama. Huminto ang sasakyan sa likod ng pickup ni Jake. Mula roon ay bumaba ang mag- asawang Allie at Greg.

"Narito ka na pala, Jake," bati ni Greg na sandali lang tinapunan ng tingin ang pinsan. Agad na itinuon kay Janine ang mga mata. "Akala ko pa naman ay si Nita lang ang kasama ni Kathleen dito kaya susunduin sana namin ni Allie."

Si Allie ay tinitigan nang husto si Janine and shock registered on her face as recognition dawned on her. "Janine! Is it really you?"

"Hello, Allie, nice seeing you again," kaswal niyang bati na ngumiti.

"Magkakilala kayo, sweetheart?" Si Greg na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang babae.

"Of course. This is Janine del Castillo, the famous model-designer," nakatawang wika ni Allie na niyakap si Janine at hinagkan sa pisngi. "Siya ang kausap ko noon sa airport noong dumating tayo sa LA, remember? One of the Del Castillo heirs. And Janine, this is my husband Greg."

Ngumiti si Greg at inabot ang kamay sa kanya. "I'm pleased to meet you, Janine."

"Me, too, Greg." tinanggap niya ang kamay nito at gumanti ng ngiti. So this is the farmer that she married. Oh, well, I'd marry him myself if he'd asked me. Lihim siyang napangiti at inilipat ang tingin kay Jake, whose face showed signs of boredom. She couldn't believe that both cousins are strikingly handsome. Both large and rugged-looking. Side by side, she could visualize the mythical gods.

"Paano kayong nagkakilala ng pinsan ko, Janine?" tanong ni Greg at sinulyapan nang may interes ang pinsan.

"Hindi ka magiging interesado, Greg," matabang nitong sagot bago pa man makaisip ng isasagot si Janine.

Nagkatinginan ang mag-asawa. Tumikhim si Greg at niyuko si Kathleen na nakahawak sa kamay ng ama. "C'mon, pumpkin." binuhat nito ang bata. "'Sama ka sa bahay, ha. Walang kalaro si Andre." Pagkatapos ay makahulugang tinitigan ang asawa. "Let's go, honey, at imbitahin mo si Janine sa dinner mamaya."

"But of course," sang-ayon agad ni Allie. "Please come, Janine. Magtatampo ako. Kahit minsan ay hindi ako nadalaw ng Tita Emma dito sa Lucban."

"Nangako ako sa kanyang ibabalik ko siya sa Maynila sa araw na ito," protesta ni Jake.

"Hanggang alas-doce ng hatinggabi ang tapos ng araw na ito, Jake," nakatawang sabi ni Greg. "You can take her home right after dinner."

Tinapik ni Allie sa balikat ang bayaw. "Dalhin mo siya sa bahay." Muli nitong nginitian si Janine bago tuluyang sumakay sa sasakyan.

Ilang sandali pa'y sila na lang dalawa sa gitna ng malawak na bukirin. At hindi alam ni Janine kung paano kikilos sa mapanuring tingin ni Jake. Paanong ang lalaking ito ay makapagpawala ng composure at tiwala niya sa sarili gayong hindi mabilang na tao ang nakakasalamuha niya sa araw-araw and yet no one made her feel uncomfortable tulad ng ginagawa ni Jake sa kanya ngayon.

She sighed miserably. Tumalikod at pumanhik sa balkon. Sumunod si Jake. "Mukhang nalagay ako sa kompromiso at wala akong mapagpilian kundi ang isama ka mamaya," wika nito.

"Y-you can always give them some excuses for not taking me," aniya nang nasa loob na ng kabahayan. Nasulyapan niya ang dalagitang katulong na agad ding pumasok sa kusina.

"And deprive Allie of one of the few chances to have a tete-a-tete with someone from her class?" patuyang sagot nito at mabilis na idinagdag: "Which is the only thing you shared in common with her. Allie was an honest woman from the very start."

She winced. Sa isang iglap ay tumalim ang mga matang nilingon ang lalaki. Hindi lang siya ang nagkunwari. Hindi ba at ito man ay ganoon din? He professed love, promised to marry her after graduation, and all along he was already spoken for. She opened her mouth to retaliate pero naunahan siya ng lalaki.

"At ano iyong kasinungalingang sinabi mo sa bata kanina na magtatagal ka rito nang ilang araw? Pati ba naman bata'y gusto mong lokohin?" pagalit nitong tanong.

Humugot ng malalim na paghinga ang dalaga bago nagsalita. "I am staying for a few days, Jake, so let's bury the hatchet. Dahil narito ako sa ayaw mo at sa gusto mo at—"

"What?!" halos pasigaw na agaw ni Jake sa sinasabi niya.

Hindi niya matiyak kung dapat sabihin kay Jake ang katotohanan. Pagkatapos ay naisip na wala nang mga taong masasaktan at wala nang pamilyang maliligalig kung malalaman nito ang totoo.

"P-pinakiusapan ako ni Mrs. Cordero na manatili rito nang ilang araw para alagaan si Kathleen...."

"You're kidding!" he snapped angrily. "Hindi ko alam kung ano ang dahilan at ipinasundo ka ng mama. But surely, hindi ang pakiusapan kang manatili rito. Hindi sasabihin ng Mama Consuelo iyon. You were not even friends. You were a passing guest. And as far as I know later that night, after you left hurriedly, both Karla and my mother-in-law didn't like you."

Bakit ba naroon pa rin ang sakit gayong tapos na ang lahat? Nakapagpatawad na siya and her mother made her peace with her already.

"That's water under the bridge now," she said painfully. Kung anuman ang sinabi ni Karla at Consuelo tungkol sa kanya'y hindi na mahalaga. "Consuelo wants me here for her and for Kathleen." akmang magbubuka ng bibig si Jake subalit nagpatuloy siya. "No matter what she said about me, it's my obligation to be here bilang anak niya at tiyahin ni Kathleen."

"What?!"

WhO1

Continue Reading

You'll Also Like

82.4K 2K 13
PHR #1623 Rico and Audrey were best of friends. Click na click sila sa isa't isa. Maglaitan man sila mula ulo hanggang paa, o mag-away man sila na d...
4.1K 206 11
Palagi na lang nahuhulog ang loob ni Hershey sa mga bad boy types. Hindi naman sa sinasadya niya iyon pero madali talaga siyang ma-attract sa mga gan...
2.1M 61.8K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
113K 1.8K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...