Pangako (Published by Preciou...

By MarthaCecilia_PHR

880K 16.8K 861

Pangako by Martha Cecilia Published by PHR More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen

Chapter Three

48.1K 907 53
By MarthaCecilia_PHR



DALAWANG linggo mula nang dumating sa Pilipinas ang magtiya ay nagawan na agad ng paraan ni Emma ang pagtungo ni Janine sa mga Cordero. On the third week ay nakahanda na ang dalaga sa pagtungo sa Lucban bilang isang estudyante at gumagawa ng agricultural thesis.

Ang manager ng bangko sa Lucban branch ay kaibigan ng mga Cordero at sa pamamagitan nito'y sa mismong bahay ng mga Cordero tutuloy si Janine bilang guest sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo.

"Kailangan ko bang gumamit ng sasakyan, Tita?" tanong niya sa tiyahin habang pumapasok sa kotse. "Hindi kaya maghinala ang mga Cordero sa akin na baka hindi ako isang ordinaryong estudyante?"

"Uso na ngayon sa middle-income family ang may sariling sasakyan out of necessity, hija. At ang Charade na iyan na bukod sa maliit ay segunda mano pa." nasa mukha nito ang distaste habang hinagod ng tingin ang lumang kotse. Kung ito ang masusunod ay hindi nito papayagan si Janine na mag-drive ng ganoon kaliit at lumang sasakyan. May palagay siyang unsafe ang kotse para sa pamangkin.

Ipinapasok ni Janine ang susi sa ignition nang muling magsalita si Emma. "Remember Allie, Janine? Ang nakatagpo natin sa airport sa LA, noong araw na pauwi tayo sa Pilipinas?"

"Yeah, what about her?"

"Ngayon ko lang naalala, hija, na sa Lucban din pala nakatira ngayon ang batang iyon since she married that farmer."

Nahinto sa pagpihit ng susi si Janine at tumingala sa tiyahin. "You don't think I'll meet Allie there by chance, do you?"

"Oh, I don't think so. Knowing Allie, magtatagal iyon sa Amerika. At kung sakali mang bumalik sila agad ay malaki naman ang Lucban. Chances are, malayo ito sa Falcon Farm."

"'Falcon Farm'?"

"Allie's husband owns the farm, the only consolation about the marriage," she said in a dry tone. "Hindi ko masyadong kabisado ang istorya. We were in the States when Leila's daughter married that farmer secretly." matiim nitong tinitigan ang pamangkin with a warning in her eyes. "Though I doubt kung may mapagtutuunan ka ng pansin sa bundok na pupuntahan mo, still I'm warning you. No hanky-panky, Janine. Huwag kang magkakamaling pumatol sa kung sino mang magpapalipad-hanging mga magbubukid doon."

Hindi na kumibo si Janine. Isinara ang pinto ng segunda manong kotse na binili ni Emma para lang sa lakad niyang ito. Binuhay ang makina at iniatras palabas ng garahe.

HINDI niya matandaan kung saang bayan nagsimulang umulan na nauwi sa mahinang tikatik nang makarating siya sa Lucban. And she thought na hindi naman pala gaanong probinsiya ang town proper. At mula roon ay ipinagtanong niya kung paano siya makararating sa bahay ng mga Cordero.

Isang maliit at nagpuputik na daan ang nilikuan niya. Parang pagong sa bagal ang pagtakbo ng kotse na hindi pa yata pumapalo sa 10 milyahe. Makitid ang daan na napapaligiran ng walang katapusang hilera ng mga puno ng niyog. Kulay-pula ang malagkit at basang lupa na sa pakiwari'y mababaon ang gulong niya anumang oras. Ang malalaking lubak ay puno ng tubig gawa ng ulan marahil.

"Ano ba naman kasi itong nadaanan ko?" usal niya. Iniisip kung nagkamali siya ng daan.

Ang sabi ng napagtanungan niya'y makakakita siya ng arkong may nakasulat na "Falcon Farm" at kasunod na nito ang lupain ng mga Cordero. Muntik na niyang ibalik ang kotse nang marinig ang Falcon Farm. Sa lahat naman ng lupaing maaaring magkalapit ay ang Falcon Farm pa ang malapit sa mga Cordero. Pero determinado siyang makita ang ina at nakaalis na siya ng Lucban bago pa man makabalik sa Pilipinas si Allie at ang asawa nito.

At kalahating oras na yata siyang nagda-drive ay wala pa siyang nakikitang arko na kakikitaan niya ng Falcon Farm. At bakit napakakitid naman ng daan na mukhang hindi naman yata dinadaanan ng sasakyan? May pakiramdam siyang mababaklas anumang oras ang mga underchassis ng kotse sa lalim ng mga lubak.

"Oh, no," aniya nang mapuna ang pagsulpot sa unahan ng isang lalaking nakasakay sa kalabaw na may hilang karomatang puno ng buko. Bahagya siyang nagmenor kasabay ng paglabas ng kaliwang braso at sinenyasan ang taong nasa likod ng kalabaw na tumabi.

At ewan kung napapansin niyang wala namang tatabihan dahil mga puno na ng niyog ang nasa gilid ng daan. At bagaman mabagal ay tuloy-tuloy pa rin siya, inaasahang ang makakasalubong ang iiwas. Hindi niya pinapansin ang kontra-senyas nito na siya ang huminto. Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. Bakit kailangang siya ang huminto?

Nang halos iilang dipa na lang ang layo nila sa isa't isa'y kinabahan ang dalaga dahil hindi umiiwas ang nakakasalubong. Kinabig niya nang bahagya pakanan ang kotse, sanhi upang mabaon sa iniiwasang lubak ang gulong niya. Ang karomata'y ganoon din, sumadsad sa tabi at tumama sa puno ng niyog ang kahoy na gulong dahil sa pag-iwas sa kanya at tumaob ang kariton kasama ang mga buko.

"Damn!" she swore angrily. Malalim ang lubak at kahit na ano ang gawin niyang apak sa clutch at accelerator upang maiahon ang sasakyan ay lalo lamang nabaon ang gulong sa putik.

Galit na lumabas ng kotse ang dalaga at humakbang patungo sa karomata. Ang lalaki'y husto lang nakatayo mula sa pagkakahulog sa kalabaw.

"Tingnan mo ang ginawa mo! Paano ko ngayon maiaahon ang kotse ko dito?" Bahagya niyang nilingon ang sasakyan na halos mapuno ng putik ang mga tagiliran. "Bakit hindi ka huminto?"

"Ako nga po itong nahulog sa kalabaw, ay. At kayo po ang hindi huminto, eh, pang-isahan lang po itong daan," sagot ng binatilyo na niyuko at dinampot ang malaking sombrero sa damuhan. "Tingnan ninyo tuloy ang nangyari sa mga karga ko." hindi makapaniwalang nilinga ang nagkalat na mga buko.

"Madaling ibalik ang buko diyan sa kariton mo. Ang kotse ko'y hindi madaling iahon," galit niyang katwiran.

"Ay aabutin ito nang ilang oras para lang damputing isa-isa at ikarga sa karomata," wika ng binatilyo na napaungol nang mapunang nabali ang kahoy na kumakabit sa karomata patungo sa balikat ng kalabaw. "Paano ngayon iyan?" Nanlumong naupo sa tabi ng karomata ang binatilyo. "Hinihintay sa bayan ito ngayong umaga..."

"Aba't—" Puno ng iritasyon ang tinig niya at halos panlisikan ng mga mata ang binatilyo. "Huwag mong intindihin iyang kariton mo! Gumawa ka ng paraang maiahon ang sasakyan ko dito dahil nagmamadali ako!" utos niya sa mataas na tinig, bahagya nang narinig ang paparating na nakakabayo mula sa likuran. Subalit ang binatilyo ay nag-angat agad ng tingin.

"Ano ang nangyari, Poldo?"

Ang tinig nito ang nagpalingon kay Janine. Its huskiness vibrated around her. Pero hindi nakarating sa mukha ng lalaki ang paningin ng dalaga. Nanlaki ang mga mata sa malaki at magilas na stallion sa likod niya. Wala sa loob na bahagyang ibinaba mula sa mga mata ang dark glasses upang pintahan ang hayop.

Isang Appaloosa! Itim na itim ang kulay at may white spots sa bandang likod. Where is she? Bakit may ganitong uri ng mamahaling kabayo sa bukid na ito? Sa pagkakatanda niya'y nakakita siya ng ganitong uri ng kabayo sa Paso de Blas. Isang isla na pag-aari ng kaibigan ng Tita Emma niya.

"Eh, Jake, b-bigla na lang sumulpot sa dulong daan ang sasakyan niya. At hindi siya huminto kahit na sumenyas na ako..." ang binatilyo na nakapagpapukaw sa paghanga ng dalaga sa stallion.

"Aba at ako pa ang sinisi mo?" singhal niyang baling dito na nakapamaywang. "Dapat ay ikaw ang huminto dahil nauna akong sumenyas sa iyong tumabi ka. Tingnan mo nga at nababasa na ako dito sa ulanan!"

"Palusong po ang daan, ay, at mabigat ang karga ko, hindi ako maaaring huminto," katwiran nito sa kanya bago muling ibinalik kay Jake ang tingin. "Nabali tuloy ang kariton ko, Jake. Inaasahan pa naman ngayon sa bayan ito."

"Iwan mo ang karomata mo dito, Poldo," utos ng lalaki na ang pagsasalubong ng mga kilay ay hindi mapupuna dahil sa malaking sombrerong nakatakip sa muka nito. "...at gamitin mo ang kalabaw at kumuha ka uli ng isa pang karomata sa inyo. Dumaan ka sa kamalig at magsama ng dalawang tao para tulungan kang ikarga na muli ang mga buko. Sabihin mong utos ko."

"Salamat, Jake." nakahinga nang maluwag ang binatilyo at humakbang patungo sa balikat ng kalabaw upang tuluyang ialis ang kahoy na nakakabit dito.

"Hoy, bakit ang mga niyog mo ang iintindihin mo? Kailangang pagtulungan ninyong dalawa ang pag-ahon sa sasakyan ko!" awat ni Janine na humakbang upang awatin ang binatilyo. Subalit nang pumitik ang buntot ng kalabaw ay nahinto siya sa kinatatayuan and willed herself not to shriek.

Bantulot na tumingala kay Jake ang binatilyo. "Sige na, Poldo," utos ng binata. "Magmadali ka at nang umabot ka sa bayan." Mabilis ang ginawang pagsampa ng binatilyo at tinapik ang kalabaw palayo sa lugar na iyon sa matinding galit ng dalaga.

"Isa ka pa!" baling ni Janine sa lalaki. "Kasalanan ng batang iyon ang pagkalubak ng kotse ko at dapat na pagtulungan ninyong iahon iyan dito!"

"Miss," ani Jake sa tinig na puno ng iritasyon dahil sa pagsinghal niya. "Saang anggulo ko man tingnan ay kasalanan mo ang nangyari. Bahagyang palusong ang daan at nasa gilid na halos ang karomata at sumadsad na sa mga puno ng—"

"Hindi siya dapat sumalubong!" agap ng dalaga. Hindi niya gusto ang tono ng lalaki na tila siya ang sinisisi. "Look what happened to my car." muli niyang nilingon ang nakalubog sa putik na sasakyan.

"Huwag mo akong ingles-in at hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo!" he snapped na bahagyang ikinapitlag ni Janine. Lalong nagalit, wala siyang natatandaang may nagsalita sa kanya ng ganoon sa buong buhay niya.

"Huwag mo akong sigawan!"

"Ikaw ang kanina pa sumigaw!" ganti ni Jake. "Nag-aalala ka sa kotse mo gayong higit na pinsala ang ginawa mo sa batang iyon. Nasira na ang karomata'y may panganib pang malugi."

"Kariton lang iyan," ismid niya. Gustong sabihing kahit isang daang kariton ay mababayaran niya. "Kung ako sa iyo'y magpatawag ka ng tao at ipaahon mo ang sasakyan ko. Magbabayad ako ng labor!"

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Jake sa nangmamaliit niyang tono. "Kung may tao mang darating, tinitiyak ko sa iyong hindi para tulungan kang alisin ang lata ng sardinas mo diyan sa putikan," ani Jake na hindi na itinago ang galit. "Hindi ko malaman kung saan ka kumuha ng kagagahan para dumaan dito gayong para lamang sa mga kariton at hayop ang munting kalsadang ito."

Halos umusok ang ilong at maglabas ng apoy ang mga mata ng dalaga sa insulto. Hindi pinansin ang ginamit na pagtukoy sa kotse niya dahil sa kabila ng inis ay may bahagi ng isip niya ang sumasang-ayon sa sinabi ng lalaki. Nungka sa buhay niya na nakapag-drive siya ng ganoong mumurahing sasakyan maliban sa araw na iyon. Mas naningkit ang mga mata niya sa itinawag nito sa kanya.

"Hindi ko akalaing mga walang modo ang mga tagarito! At huwag mo akong tawaging 'gaga'! Dito ako itinuro ng taong napagtanungan ko!"

"Puwes, hindi ka lang pala gaga, mahina pa ang pang-intindi mo," ani Jake sa mariing tono. "Walang sinumang tagarito ang magtuturo sa iyong dito dumaan lalo at alam na may sasakyan ka."

She opened her mouth to retaliate only to close it again. She counted one to ten para hindi sumabog ang pagtitimpi niya. Nasa estrangherong lugar siya at kausap ang isang impertinente at walang modong estranghero na nakikipagsagutan sa babae. Hindi siya nakatitiyak kung ano ang gagawin nito sa kanya kung sakaling makawala ang pagtitimpi niya. Itinuon ang isip sa instruksiyon nang taong napagtanungan kanina.

May daan sa tabi ng arkong may nakasulat na Falcon Farm. Kumaliwa ka doon.

Kumaliwa nga siya sa unang daang nakita niya pero wala siyang nakitang arkong may nakasulat na "Falcon Farm." She inhaled sharply at the thought. Hindi niya gaanong inisip ang instruksiyon. Inakala niyang ang unang kalyeng nakita niya matapos ang mahabang biyahe ay iyon na. Kaya pala hindi niya makita ang arko.

Muling tumaas ang dibdib niya. Medyo giniginaw na siya sa pagkakatayo doon. Totoo namang mahina lang ang ambon at hindi sapat para mabasa siyang talaga pero malamig ang hanging kasama nito.

"At tanggalin mo iyang antipara mong maitim," si Jake uli sa patuyang tono. "Wala namang sikat ng araw para magsuot ka niyan. Kaya hindi mo makita ang tamang daan dahil diyan sa suot mo."

Muling tumaas ang dibdib ng dalaga sa isang matalim na paghinga kasabay ng panlalaki ng mga mata. Noon lang napansing suot pa rin niya ang dark shades. Gamit niya iyon sa simula pa lang ng biyahe dahil mainit naman sa Maynila at kahit sa loob ng ilang oras na biyahe.

"O, nawalan ka na ng sasabihin, Miss Estrangherang Walang Konsiderasyon?" si Jake sa pananahimik niya.

She cleared her throat. Pinalipas ang sinabi nito. If she doesn't concede a little ay baka abutin siya ng hapon dito. Kung nasa Maynila siya'y baka ipinadampot na niya ito sa kaibigang militar ng Tita Emma niya. "Patungo ako sa Cordero Farm. Tumawag ka ng mga tao para maiahon ang sasakyan ko," utos niya pero sa sasakyan nakatingin at sa tonong bahagya lang bumaba.

Hindi malaman ni Jake kung patuloy na magagalit o matatawa sa estranghera.Nagigipit na'y hindi pa rin matutong magbaba ng tinig at gumamit ng "please." Sa hitsura ng sasakyan ay hindi naman mayaman. Pero kung umasta'y tinalo pa si Allie. Ano kaya ang kailangan nito sa mga Cordero?

"Wala akong matatawag na tao sa bukid na ito dahil malalayo at abalang lahat," sagot ng binata sa tonong abutan man siya ng hapon doon ay hindi siya nito tutulungang iahon ang kotse niya. "Bakit hindi ka lumakad patungo sa Cordero Farm at doon tumawag ng tao?"

"Gaano kalayo iyon dito?" Muling bumalik ang iritasyon sa tinig niya. "I guess hindi mo ako dadalhin doon dahil sa nakikita ko'y napakamatulungin ng mga tagarito."

Hindi pinansin ni Jake ang panunuya niya. Itinuro ang isang landas sa kanan na gawa ng apak ng tao. "Deretsuhin mo iyang landas na iyan at patungo iyan sa Cordero Farm." pagkasabi niyon ay tinapik ng binata ang kabayo at pinihit pabalik sa pinanggalingan at pinatakbo nang matulin.

"Aba't iniwan ako ng—!" Napapikit ang dalaga sa matinding inis. Gustong mauga ng lupa sa bagsak ng mga paa niya pabalik sa kotse. Binuksan at kinuha ang shoulder bag at ini-lock ang lahat ng pinto at binaybay ang maliit na landas na itinuro ng estranghero.

Bagaman nagpupuyos ang dibdib ay hindi maiwasan ng dalaga ang hindi humanga sa magandang paligid. Hundreds of coconut trees na ang pagkakalinya ay tila mga Westminster guard ng Buckingham Palace at mga nakayuko sa kanyang pagdaan na tila siya si Queen Elizabeth.

She giggled at the thought. Pati ba naman mga niyog ay kung ano-ano ang nai-imagine niya.

Patuloy siya sa pagtahak sa landas habang palinga-linga, umaasang anumang sandali'y makakakita siya ng bahay sa walang katapusang niyugang iyon. Hanggang sa makarating siya sa isang clearing. Nawala ang mga puno ng niyog at ang nahantad sa kanya'y walang katapusang mga damo. Mula roon ay natanawan niya ang bundok Banahaw, which she couldn't identify.

"Beautiful!" marahang bulalas niya sa napagmasdang bundok na dahil sa maulang panahon ay bahagya pang nababalutan ng fogs.

Iniyakap niya ang mga braso sa sarili. Nawala na ang ambon pero napakaginaw talaga. Para siyang nasa Baguio. Subalit malayo na ang nalalakad niya at napapagod na siya'y wala siyang natatanawang isa mang bahay. Palasyo man o kubo. At mukhang walang katapusan ang landas na tinatahak niya.

Niyuko niya ang relong ipinagamit ni Emma sa kanya. Isang ordinaryong relo. Alas doce-y-media! Oh, dear! No wonder na kumakalam na ang sikmura niya. Isang oras na siyang naglalakad at walang pahiwatig na nasa Cordero farm na siya.

Kinakabahang nilinga ng dalaga ang paligid. Saang bahagi ba ng lupa siya naroroon? Gaano pa ba kalayo ang Cordero Farm? Naiiyak na siya sa pagod, gutom, at pangamba. Dapat ay nakinig siyang mainam sa instruksiyon ng taong napagtanungan niya.

Bastos naman kasi at inhospitable ang lalaking nakausap niya. Hindi niya maipinta sa isip ang anyo ng lalaki anumang pilit niya. Bukod sa makulimlim ang panahon ay kay lapad pa ng sombrerong nakatakip na halos sa mukha nito.

And she was wearing dark glasses all the time!

But he's big at pang-FM radio ang boses. Although absent sa tinig nito ang humor na karaniwan na'y nasa mga DJ. Katiwala siguro ng kung kanino mang lupain at ang magilas na stallion ay pag-aari ng amo na kung sino man ay malamang na may sinasabi.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang makarinig ng mga tinig. At hindi pa man nagkapuwang ang kaba sa dibdib niya'y lumitaw ang tatlong babae mula sa nagtatayugang mga talahib na pawang mga nakasalakot. Nagtaka pa ang mga ito nang makita siya.

Si Janine ay nakahinga nang maluwag pagkakita sa matatandang babae. "Excuse me," aniya. "Malayo pa ba ako sa Cordero Farm?"

Nagkatinginan ang mga ito bago muling bumalik ang tingin sa kanya. "Tagasaan ka ba, nene, ay naligaw ka yata?" tanong ng isa,

Nagsalubong ang mga kilay niya. Naligaw? Wala siyang natatandaang lumihis siya sa landas na itinuro sa kanya. Katunayan ay nakatayo pa rin siya sa walang katapusang landas na iyon.

"N-nasaan ho ba ako?"

"Nasa loob ka ng lupain ng mga Falcon, Ineng," sagot uli ng matandang babae. "At bagaman magkadugtong lang ang lupain ng mga Cordero at Falcon ay hindi ito ang daan patungo doon. Narito ka sa kabilang bahagi ng lupain at para makarating ka roon nang madali ay dapat na sa Ibayo ka nagtuloy."

"Kunsabagay ay may daan din naman dine pero malayo na ito at tatawid ka ng batis," sabad ng isa pang babae. "Kung nasa Ibayo ka'y wala pang cinco minutos at nasa lupain ka na ng mga Cordero."

"Ang—ang daang Ibayo bang tinutukoy ninyo'y ang dulo nitong landas na tinahak ko?" Unti-unting bumabangon ang galit sa dibdib niya na humalo sa matinding pagod at gutom. Muling nagtinginan ang mga babae sa tono niya at sabay-sabay na nagsitango.

That bastard! She gritted her teeth in anger. Nabaling ang tingin niya sa tatlong matatanda nang magbulungan ang mga ito. Bigla niyang kinalma ang sarili. Pinuno ng hangin ang dibdib.

"Excuse me, pero maaari ko bang malaman kung kilala ninyo ang lalaking nakasakay sa malaki at kulay itim na kabayo at—"

"Si Jake Falcon," sagot agad ng isang babae na tinanguan naman ng dalawa. "Walang ibang maaaring sumakay kay Mercury dahil nasa ibang bansa sina Greg at Allie."

Jake. Iyon ang narinig niyang itinawag ng binatilyo sa puwerhisyong lalaki. Jake Falcon. Bahagya lang siyang kinabahan. Hindi iyon ang asawa ni Allie dahil magkasama ang dalawa sa America. He must be relative. Isang bastos na magbubukid na nasakay lang sa magandang Appaloosa ay akala mo kung sino na. Humugot siya ng matalim na paghinga. Na-good time siya ng walanghiyang lalaking iyon. Muli ang pagpupuyos ng dibdib niya.

"Iyong... sinabi ninyong nasa ibang bansa, sila ba ang may-ari ng lupaing ito?" muli niyang tanong, sabay ikot ng tingin sa kalawakan ng paligid.

"Ay hindi, nene. Ang bahaging ito ng lupain ay kay Jake. At ang kabilang bahagi ay kay Greg Falcon, ang pinsan niya. Mga tauhan niya kami sa bukid, neneng."

Oh, well. Magbubukid pa rin ang bastos na iyon.

"Sa mga Cordero ang tungo ko. Naligaw lang ako. Tama kayo. Nag—kamali ako ng daang tinahak..." sang-ayon niya kasabay ng pagtagis ng mga ngipin. "Maaari ho ba ninyo akong samahan patungo roon?"

"Aba'y oo. Kung kaya mong tumawid sa batis ay mas mapapadali ang punta natin doon." hinagod siya ng tingin ng mga ito at napapailing. "Mukhang hindi ka tagarito, hane? Kay puti mo na tila baga magagalusan ka kahit madantayan ng dahon iyang balat mo."

Sa puntong iyon ay nangiti ni Janine. "Taga-Maynila po ako at nasiraan ako sa may—daang....Ibayo ba ang tawag ninyo doon?"

nths ago, =3

Continue Reading

You'll Also Like

33.1K 724 13
Ayaw nang masaktan at mabigo ni Jenise sa pag-ibig dahil quota na siya kung iyon din lang ang pag-uusapan. Kaya nang mag-offer ang best friend niya n...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
23.5K 430 10
Completed na po ata ito? hehe
4.2K 206 11
Palagi na lang nahuhulog ang loob ni Hershey sa mga bad boy types. Hindi naman sa sinasadya niya iyon pero madali talaga siyang ma-attract sa mga gan...