A Rebel Heart (#1)

By parachutelemon

17.8K 591 152

What does it take to change a rebel heart? #AHS1 More

GENERAL DISCLAIMER
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
WAKAS

Kabanata 36

257 9 4
By parachutelemon

Kabanata 36

"Bakit sinabi ni Kiko na ako iyong babae sa pictures na nasa cellphone mo?" Kunot noong tanong ko habang nasa biyahe na kami pauwi.

"I have pictures of you before." He confessed kaya mas lalo pang kumunot ang noo ko.

"Ha? Paano nangyari iyon, ngayon pa lang naman tayo nagkakilala?" Nagtatakang tanong ko.

"Kilala na kita dati pa," simple niyang sabi kaya mas lalo pa akong nagtaka. Why can't he just tell me the exact story? Binibitin niya pa ako eh. Paano nangyari iyon? Kilala niya ako, tapos siya hindi ko kilala?

"Nakita na kita dati." Tipid na naman niyang sagot kaya bumagsak na ang balikat ko. Nakita niya iyon kaya tumawa siya habang nililiko na sa Centro ang sasakyan.

"Kahit noong nasa Amerika ka pa, kilala na kita. Naririnig kita sa kwentuhan ng mga kapatid mo. There was a time na nakikipag-skype ka sa kanila. Birthday mo yata noon, which is birthday ko rin..." Kwento niya at nakangiti na nilingon ako sa tabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Holy shit! I totally forgot that we had the same birthday! Kaya pala mukhang hindi na siya nagulat noong nasa station ako na binati ako ni Kuya Commulus. Pero wala akong maalala na nakipag-skype ako kanila Kuya na nakita ko siya.

"I saw you but you didn't probably saw me. Iyong kaibigan mo kasi na si Neil ang nag tawag sa Kuya mo noon. You were sleeping noong tumawag si Neil sa Kuya mo. Tinapat niya lang sa mukha mo na natutulog ang iPad na dala niya, that's when I first saw you..." Kwento niya at halos lumabas na ang mata ko dahil sa panlalaki niyon.

What the hell, I fucking remember it! Lasing na lasing ako noong time na iyon kaya wala akong lakas na makipag-usap kina Kuya. Doon ako natulog sa apartment ni Neil kaya siya ang nakasagot sa tawag na iyon.

So, that means he already knew me? Wow! How mind blowing is that? And I probably look like shit when he saw me! What the hell?

"Wow? Baka naman naka-nganga ako noong nakita mo ako!" Natatawa kong tanong pero kinakain na ng hiya sa loob. Damn it.

Tumaas ang isang kilay niya at binitawan ang gear stick. Kinuha niya ang kamay ko at dinala iyon doon. I watched it and smiled happily and realized one thing, I love him.

"Kahit naka-nganga ka pa, maganda ka pa rin." He softly said.

Tumawa ako. Why is he so good at his words? Pakiramdam ko may sarili siyang libro na inaaral kung ano ang mga dapat sabihin at gawin sa akin.

"So? Naka-nganga nga ako noong nakita mo ako?" I can't remember anything, honestly.

"You're still beautiful. You're still mine, and I love you." He said at halos matunaw ako. Pakiramdam ko ay para akong isang yelo na tinapat sa nag-aalab na apoy at hindi pa nag-sasampung segundo ay natunaw na.

I sighed heavily at pinagmasdan siya habang nagmamaneho. Siguro naman, ready na ako? Okay na siguro si Kristoff ngayon? Siguro naman pweding, ako naman ngayon? Mahal ko na si Clicko eh.

"I love you too, Clicko Manuel Colston." Mahinang sabi ko. He smiled at me at dinala ang kamay ko sa kanyang labi at hinalikan ng ilang beses.

Nagmamadali kami ni Clicko sa pagbaba sa sasakyan nang makarating sa bahay. May mga police vehicles akong nakikita sa labas. Hindi ko na napansin si Clicko at agad na nagmadaling inakyat ang hagdan papasok sa bahay. Naabutan namin doon si Dad na kinakausap si Martin at Jargo. Si Kuya Stratus ay nasa gilid at may tinatawagan sa cellphone. Si Kuya Commulus naman ay nakikinig sa usapan nina Daddy, bakas sa mukha niya ang kaba at pagkalito.

What's happening?

"Kuya, what's happening?" Natataranta na tanong ko kay Kuya Stratus. Padabog niyang binaba ang cellphone nang mukhang walang sumagot doon. Napahawak siya batok at agad na tumingala.

"Kuya mo nakabuntis! Kung hindi pa tinangay ng babae ang anak niya, hindi siya magsasabi ng totoo!" Sigaw ni Kuya Stratus kaya nanlaki ang mga mata ko at napasulyap kay Kuya Commulus na pagod na hinilamos ang mga palad sa mukha.

What? Really? Sino iyong babae? Holy shit, I have a fucking niece or a fucking nephew? Napalingon ako sa kanila ni Daddy na tapos na yata sa pag-uusap. Nakipag-kamayan na sila Jargo at Martin kay Daddy gayon din kay Kuya Stratus.

"Don't worry Commulus, we'll do everything we can para mahanap sila." Tapik ni Martin sa balikat ni Kuya Commulus. Tumango naman siya pero bakas pa rin sa mukha ang pag-aalala.

"I'll go with them." Napalingon ako sa likod ko at nandoon pa pala si Clicko. He kissed my forehead at niyakap ko naman siya bago siya naglakad sa tabi ni Jargo.

Agad ding umalis sina Martin pagkatapos ng pakikipag-usap. Nabalot ng katahimikan ang buong bahay. Nabasag lamang iyon nang magsalita si Kuya Stratus.

"I already informed my best men, Dad. Nagsisimula na silang maghanap." Aniya at tiningnan si Kuya Commulus.

"Dad please. Gagawin natin ang lahat." Naiiyak na sabi ni Kuya Commulus.

Natulala ako sa kanya. I've never seen him like this na iyong parang naiiyak na pagod. His child is missing and his girlfriend, ni hindi ko nga alam na may girlfriend pala si Kuya. I thought there is something going on between him and Ate Agnez.

"Of course, Commulus! Sa tingin mo papayag ako na matangay ang apo ko ng ganun ganun na lang? Kailangan mahanap mo ang mag-ina mo sa lalong madaling panahon! And when you do, dito sila sa bahay ko titira, sa ayaw at sa gusto ninyo!" Parang kulog ang boses ni Dad. Walang may nagsalita sa amin kahit isa. Huminga ng malalim si Dad bago umalis sa harapan namin.

Sumunod naman si Kuya Stratus na tinapik muna sa balikat si Kuya Commulus, bago lumapit sa akin at hinalikan ako sa gilid ng ulo ko.

"Magiging okay din ang lahat Commulus. Take some rest, baka bukas may balita na tayo." He said habang nasa tabi ko na. Tumango naman si Kuya Commulus sa kanya at nagpasalamat.

"Goodnight Kuya." Paalam ko kay Kuya Stratus. Kumunot ang noo niya sa akin.

"May hindi ka sinasabi sa amin. Bukas mo na sabihin." Aniya kaya napaisip ako. Anong hindi ko pa sinasabi?

Nagpaalam na rin ako kay Kuya Commulus na mauuna na sa pag-akyat sa taas. Masyado akong napagod sa byahe kaya nagpahinga muna ako saglit bago naglinis at naghanda sa pagtulog. Tumawag din si Clicko sa akin pero maikli lamang iyon dahil matutulog na rin siya.

Naisipan kong lumabas muna at uminom ng tubig dahil hindi ako makatulog. Napatingin ako sa labas nang makita doon si Kuya Commulus na nakaupo sa hagdan at may tatlong lata ng beer sa gilid niya.

Naaawa ako sa kanya. Hindi siguro siya makatulog kakaisip sa nawawala niyang anak at girlfriend. Sa lahat ng kuya ko kay Kuya Commulus ako hindi masyadong malapit. Para siyang may sariling mundo at palaging seryoso, iyong mukhang hindi mabiro at palagi dapat lahat ay magawa mo ng tama sa mata niya. Eh, hindi naman ako ganoon. Palpak ako palagi at pasaway kaya siguro hindi kami ganoon ka close, hindi tulad nina Kuya Cirrus at Kuya Stratus.

"Kuya..." Napalingon siya sa akin habang umuupo ako sa tabi niya. Namumula ang kanyang mukha at namumugto na rin ang mga mata, siguro sa kakaiyak.

"Bakit gising ka pa?" Tanong niya sa napapaos na boses. Kumuha ako ng isang lata ng beer sa gitna naming dalawa at binuksan iyon. Napatingin siya sa akin.

"Umiinom ka nito?" He asked kaya tumango ako.

See? Hindi niya alam na umiinom rin ako because we never hang out, once.

"Kuya, alam mo naman siguro na magaling maghanap ng mga nawawalang tao ang mga tauhan ni Kuya Stratus, di ba? Mahahanap din nila ang girlfriend at anak mo." Diretsang sabi ko at uminom ng beer.

Tumawa siya ng kaonti at uminom din sa beer niya. We've never done this before. It's actually nice to just sit here and talk to him. Para lang akong nakikipag-inuman sa isang kabarkada.

"Hindi ko siya girlfriend, but yes I hope so, mahanap na nila ang anak ko. I'd probably lost my shit kapag wala pang balita bukas." Pagod na sabi niya kaya napatigil ako sa pag-inom. Hindi niya girlfriend iyong nanay ng anak niya? Eh ano iyon?

"Hindi mo girlfriend iyong babae? Teka, paano iyon?"

"What happened to us was a mistake, but I never considered our child as one." Malungkot na sabi niya.

So? Hindi niya mahal iyong nanay ng anak niya? Talagang nabuntis niya lang? What the hell?

"Paano nangyari iyon Kuya? Binuntis mo ganoon ba?" Naguguluhan kong tanong at napatingin sa kanya. Bumaling siya ng tingin sa akin na para bang nagulat siya sa tanong ko na iyon.

"Nabuntis ko, hindi binuntis." Pagtatama niya sa tanong ko.

"It was in Bacolod. It's my friend's birthday party at a certain bar. Ayoko sanang sumama pero nag-away kami ni Agnez noong mga panahon na iyon kaya sumama na ako. So we drank and dance. At first I'm still fine, I can still handle myself tapos after an hour I just can't remember what happened. Nagising ako isang umaga nasa isang hotel na ako with a strange girl beside me. We agreed not to see each other anymore after that, and then after two weeks nagpakita siya ulit sa akin asking for help because she's pregnant with my child..." Kwento niya at halos hindi ako makagalaw sa narinig. It was a drunken mistake. Hindi nila alam pareho na may nangyari sa kanila.

"Noong una hindi ko siya kilala but I let her stay in my condo kaya medyo may nalaman din ako. Yes when she was still pregnant we've done a paternity test and it's positive. I am the father that's why pinatira ko sila sa condo ko hanggang sa ipinanganak niya ang anak ko." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

Ang tagal niyang tinago sa amin, kung ganoon? At paano iyon? Nandoon din kaya siya noong nanganak ang babae? Eh halos nandito siya sa bahay ha?

"What the? Ilang buwan mo tinago sa amin kung ganoon Kuya? Wala ka bang balak ipakilala sa amin ang anak mo?" Medyo napataas ang boses ko kaya napatingin ako sa likod at baka may nagising at bumaba sa hagdan.

"Thirteen months ko silang tinago sa condo ko. We were okay that's why I don't understand kung bakit siya umalis kasama ang anak ko." Nanglulumo na sabi niya kaya napakagat ako sa labi ko. I don't know what to say.

"Babae ba o lalaki, Kuya? Siguro kamukha mo?" I tried to laugh kaya natawa naman siya ng kaonti.

"A girl, she looks exactly like you honestly." He said kaya nanlaki ang mga mata ko. I don't know if he's just joking. Hindi din naman niya binawi ang sinabi pagkatapos ng ilang sandali na walang nagsalita sa amin.

"What's her name then?" I asked habang tinitingnan siya na hinilig ang likod sa isang baitang ng hagdan at nakapatong ang dalawang siko doon. He's just looking at the sky kaya napatingin din ako doon. Maraming mga bituin at bilog na bilog ang buwan.

"Corinthian." He said habang hindi nakatingin sa akin. I smiled, it's a cute name. Banal na banal, eh noh?

"Ikaw, may hindi ka sinasabi sa amin. Kayo na ba ni Clicko?" Biglang tanong niya kaya natulala pa ako ilang saglit bago tumango.

"I'll eventually tell you guys about it. Naghihintay lang ako ng timing."

"Paano si Brooklyn?" Taas kilay niyang tanong. I know he would ask me that kahit alam niya rin naman ang totoo na wala akong balak kay Brooklyn. He's a nice guy but I'm just not into him.

"Brooklyn is a friend Kuya.  I'm not interested on him." Tanggi ko.

"Okay din naman si Clicko. Masipag siya at mabait. I'm sure magugustuhan siya ni Dad para sa'yo." Tinapik niya ako sa balikat as if ako ang may problema sa aming dalawa.

"He jogs four jobs para makaipon." Nakangiti kong sabi ko habang nakatingin lang rin sa langit.

"He had to because they don't have parents anymore to provide their needs. Alam mo ba na si Dad ang nagpaaral kay Martin ng highschool at college?" His voice is enthusiastic already. I think I did a good job in cheering him up.

Speaking of his parents, I've never ask him about that. Come to think of it, hindi ko nga natanong sa kanya iyon. Kaya pala nagtatrabaho rin siya at nag-iipon dahil silang dalawa lang ni Martin ang naiwan dito. Nasaan na kaya iyong parents nila?

"Nasaan daw iyong parents nila Kuya?" Halos matawa pa ako sa nangyayari ngayon. Alam kong mag-on na kami ni Clicko pero ang dami dami pa pala naming hindi alam tungkol sa isa't-isa.

Kumunot ang noo niya sa tanong ko. Nagulat din siguro siya na wala akong alam at nagtatanong ako ngayon.

"Hindi mo alam? Bakit? Hindi mo ba siya natanong tungkol doon?" He asked a bit confused. Umiling ako at tinapos ang natitirang beer doon sa lata.

"Nevermind. I'll ask him about that myself." Tawa ko. Bigla siyang tumikhim kaya napalingon ulit ako sa kanya.

"That's why pinapahanap ko ang anak ko dahil baka mawala siya ng tuluyan sa akin. Ayaw ko na maghirap siya when I can provide anything she needs. I don't want her to juggle multiple jobs just to feed herself. I love her so much. Everytime I thought about loosing her in my life, I felt like I was dying." Naiiyak na sabi niya. Ilang sandali pa siya na nakayuko at nag-angat ng tingin. Isa-isang nag-uunahan sa pisngi niya ang iilang luha.

Parang pinipiga ang puso ko. Ang makitang ganito si Kuya Commulus ay hindi ko naisip. Hinilamos niya ang mga palad sa mukha at doon na tuluyang naiyak. Lumapit ako sa kanya at hinagod siya sa likod.

"I'm sorry Kuya. We'll find Corin soon..." Pagpapakalma ko sa kanya. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang hinahagod ang likod niya.

Buong gabi pa na umiyak si Kuya Commulus kaya sinamahan ko na lang siya at halos madaling araw na kami pumasok sa kani-kaniyang kwarto at natulog. Kaya naman kinabukasan ay para akong lantang gulay habang nasa klase.

Break time at wala sina Clicko dahil nasa shooting gallery sila ngayon para sa isang practical quiz. Palagi yatang wala dito sa school ang mga criminology students dahil palagi silang nasa labas at may ginagawa. Okay na rin iyon na wala siya dito dahil wala akong gana makipag-usap. Halos bumigay na ang mata ko sa sobrang antok.

Napahinga ako ng malalim habang hinihiga ang ulo sa mesa. Inaantok pa ako. Napaayos ako ng upo nang niyugyog ni Sarah ang mesa. Badtrip naman oh!

"Hoy! Ano ka ba? Porket wala lang si Clicko ngayon ang tamlay tamlay mo na!" Sigaw niya kaya inirapan ko siya.

"Matamlay ako dahil inaatok ako Sarah! May nangyari sa bahay kagabi kaya hindi kami halos lahat nakatulog!" Naiinis na sigaw ko sa kanya.

Dumating na sina Nad na may dala ng mga pagkain na inorder nila. Bumagsak ang balikat ko nang mapagtanto na hindi ko naipasama sa kanila ang gusto kong iorder. Tumayo ako at agad na hinanap ang wallet ko sa bag.

"Bibili lang ako ng pagkain ko." Deklara ko at hindi na hinintay ang sagot nila. Agad na akong nagmartsa papunta doon sa mga pagkain.

Nakailang hakbang pa lang ako nang may bumangga sa akin at natapon ang dala niyang malamig na orange juice sa palda ko. Dark colored ang skirt namin kaya medyo hindi kita ang mantsa ng juice doon.

"Hala sorry! Sorry po! Sorry po Ate!" Natataranta na sabi noong babaeng maliit na may kulot na buhok at may makapal na salamin na nakabunggo sa akin. Mabilis siyang kumuha ng tissue sa gilid at pinunas iyon sa akin.

Napakurap-kurap ako nang ma realize na nakaluhod na siya ngayon habang pinupunasan ang palda ko. Nakatingin na sa amin ang lahat ng estudyante sa cafeteria kaya naman mabilis ko siyang hinawakan sa braso at pinatayo.

"Ah. Okay na Miss. Okay lang. Tumayo ka na kasi pinagtitinginan na tayo ng lahat eh." Wala sa sarili kong sabi habang iginagala ang paningin sa paligid.

Nahihiya siyang yumuko sa harap ko at nanginginig pa.

"Ate Sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya. Ano po ba ang gagawin ko para mapatawad ninyo ako?" Medyo kabado na sabi niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.

May kailangan bang gawin para mapatawad ko siya?

"Ha? No! Of course not. Sige na, okay lang ako." Ngumiti ako sa kanya at tinapik siya sa balikat. Unti-unti na sumilay sa mukha niya ang tuwa dahil sa sinabi ko.

"Salamat Ate!" She said at agad na umalis din sa harap ko. Bumalik ako sa table namin ng walang dala kahit isang pagkain. Tinaasan ako ng kilay ni Felly habang nakatingin sa palda ko kaya umirap ako. Nakita rin yata nila ang nangyari.

"CR lang ako. I'll just wash this." Paalam ko sa kanila at tumango naman sila sa akin. Ayaw ko na sanang maghugas kaya lang ang lagkit kasi.

Mabilis akong pumasok sa CR at naghugas doon. Ilang sandali pa ay may pumasok na mga babae at isa na doon si Kiana. Napasulyap siya sa akin habang nakatingin sa salamin. Inayos niya ang buhok at naglagay ng konting lipstick sa bibig.

Napasulyap rin ako sa kanya at nagpatuloy na lang sa paghuhugas doon sa palda ko. Akala ko aalis na siya pero nanatili pa siya doon sa sink at tinitingnan isa-isa ang mga babaeng nag-CR kanina na palabas na ngayon. Nang makalabas na sila ay nagulat ako nang malakas na isinara ni Kiana ang main door ng girl's CR at ni lock iyon.

"What the..." Mura ko at natigil sa paghuhugas. Pagtapos e-lock ay sumandal siya sa pintuan at matalim akong tiningnan.

Baliw ba siya? Bakit niya kami ni-lock dito?!

"What the hell are you doing Kiana?" Pagtatapos ko sa paghuhugas at lumapit sa kanya sa pintuan. She rolled her eyes on me at humalukipkip doon.

"Oh c'mon! Don't be a dumb, Heanndra! I know you know what I want!" Sigaw niya sa akin kaya napataas ako ng kilay.

I know she's upset about what happened to her and Clicko. Matagal silang nagkasama tapos nang dumating ako ay bigla na lamang nagbago iyon. Clicko actually warned me about this, na baka kausapin ako ni Kiana. Hindi ko lang talaga inaasahan na sa ganitong paraan niya gagawin iyon.

She can't shake me. Baka yata nakakalimutan niya na nangyari na ito sa amin dati. I'm well aware now.

"Okay. Let's talk about what you want to talk." Kalmado na sabi ko na pinapanuod siya na nanggagalaiti na sa galit.

"Stay away from Clicko. Hindi siya seryoso sa'yo at ginagamit ka lang niya." Diretsong sabi niya at halos malaglag ang panga ko sa narinig.

"What?" Wala sa sarili kong tanong. Sobrang hina noon na parang ibinulong ko na lang sa sarili ko.

"Just like what he did to me. Hindi niya nakuha ang gusto niya sa akin kaya iniwan niya ako at sa'yo naman siya dumikit." Matigas na sabi niya at seryosong nakatingin sa akin.

Tiningnan ko ang pulang labi niya na nakangiwi sa akin.

"What are you talking about?" Kunot noo na tanong ko. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Tumawa siya at humalukipkip na nakasandal pa rin sa pintuan ng CR.

"Shit naman Heanndra. Hindi ko inaasahan na tanga ka rin pala? I thought you were better!" Sigaw niya sa akin at itinuro pa ako.

"Quit fucking Kiana. Talk straight to the point." Kalmado na sabi ko. Pilit kong pinipigilan ang galit na gusto ng kumawala sa sistema ko.

Tumigil siya sa pagtawa at naging ngisi na lang ngayon. Umalis siya sa pagkakasandal sa pintuan at lumapit sa akin.

"Clicko is in a rush. Gusto niya ng madaling paraan para makuha ang gusto niya." Aniya habang naglalakad paikot sa akin.

"He wants someone to pay for his school at gusto niyang makapasok sa PMA. He wants connection. Hindi naibigay ni Uncle kaagad ang gusto niya so he quit working for my Dad." Pagpapatuloy niya.

Kumunot ang noo ko. What does it have to do with me? Wala naman akong kilala na nasa pamilya ko na nasa larangan ng pagsusundalo? At hindi ko makita kay Clicko ang aura na nanloloko ng tao. He seems true to his words. He loves me. Sinabi niya iyon sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

30.7K 814 18
Yuki Subaru had had his first kiss stolen! The whole school is buzzing with the news, Ako's in tears (or is she?), Mahiru's angry that he ruined her...
441K 15.9K 192
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
218K 16K 20
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...