Under His Hoodie

By bratmind

12.2M 561K 375K

(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obse... More

Note
Simula
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Nazareth's POV (Part 1)
Nazareth's POV (Part 2)
Nazareth's POV (Part 3)
Special Chapter

Chapter 2

320K 13.1K 7.5K
By bratmind

"Okay ka na?" he asked.

Inayos ko ang aking sarili. Patuloy pa rin ang pagpaypay niya sa 'kin. The hoodie guy was kneeling in front of me, holding a piece of thick paper. Agad naman niya akong inalalayan nang ako ay tumayo. His eyes intently bore to my face.

My heart skipped a beat.

Masyado kaming malapit sa isa't isa. Hawak-hawak niya ang siko ko, ramdam na ramdam ko ang katawan niya na parang yumayakap sa 'kin. And the way he caressed my elbow was so fragile.

"Ayos na ako. Salamat," wika ko.

Lumayo ako sa kaniya. Muntik na akong matalisod ng isa pang upuan dito sa rooftop dahil sa pag-atras ko. Agad akong napahawak sa aking dibdib.

"I was scared. Akala ko kung ano na," he mumbled.

"Your fault." Tinaasan ko siya ng kilay. "Kasalanan ng pusa mo."

His lips twitched. Mas humigpit ang kapit ko sa sarili ko. Damn it. Ngiti pa lang iyon pero nakatutunaw na ng tuhod!

"Hindi ko alam na allergic ka pala sa pusa." Nung ginulat niya ako kanina ay may bitbit siyang puting pusa. Agad akong inatake ng allergy. My eyes watered and I panted for air pero naagapan naman dahil dala ko ang gamot ko.

"Ngayon alam mo na."

Ngumisi siya, showing his perfect teeth and his charismatic smile. Ilang segundo akong natulala. Bumalik lamang ako sa kasalukuyan nang nilahad niya ang kaniyang kamay sa harapan ko.

"Nazareth."

Tiningnan ko lamang ang kaniyang kamay at tinaasan siya ng kilay. "Hellary."

Umawang ang kaniyang labi at humalakhak. He playfully looked down and slowly bore his eyes to my face. "Ang suplada mo."

"Wag kang umastang parang wala lang. May atraso ka sa 'kin!" I said, greeted teeth.

"I know, I know," aniya habang nakataas ang dalawang kamay. "That's why I'll pay you up."

"Paano? Aber?"

"Tutulungan kita mapalapit kay Neo," He announced proudly, he even winked at me.

Bigla akong nabuhayan. Tutulungan niya akong mapalapit kay Neo? Oh my gosh. That could be a big help! All my life, Neo never noticed me. Suplado siya. I didn't care though, because that was what I liked about him the most!

I remember when I was in grade 8, sa ibang school pa ako nag-aaral noon. Sinubukan kong magpapansin kay Neo. It was odd that he wasn't with friends that time, sitting under the tree while reading a book. I grabbed the opportunity.

Holding two egg sandwiches for him and me, I went to him. Grabe ang kalabog ng dibdib ko. My hands were shaking, sweating. That was my first time talking to him.

Nang mismong nasa tapat niya na ako ay parang wala lang sa kaniya ang presensya ko. Nagkakabuhol-buhol ang isip ko. I knew that he already felt my prescence, pero hindi manlang siya nag-angat nang tingin. Inayos ko ang sarili ko bago nilahad ang dalang sandwich.

"N-Neo, s-sandwich p-p-para s-sa 'yo..." I stammered.

He didn't even look up. He just waved his hand, telling me to leave. I ran. Umiyak. That was an awful memory. Nasaktan ako nang sobra no'n.

I was aware that he was like that. Pero kapag mahal mo, hindi ka mapapagod, 'di ba? Mahal ko si Neo. Ang makita siya sa malayo ay sapat na sa 'kin. Nagmukmok ako ng ilang buwan sa kuwarto ko dahil nasaktan ako.

Pero ang mas nagpawasak ng puso ko, ang malamang lilipat si Neo ng ibang school. Agad akong sumunod sa kanya kaya naman ay napunta ako sa Elron High.

"Paano kung hindi niya ako magustuhan?" tanong ko. "Paano kung hindi niya ako magustuhan? Paano kung hindi niya ako type?"

Pinagmasdan ako ni Nazareth. He tilted his head. "Trust me on this."

I didn't know what's gotten into me, but I fell in his words. Parang sinasabi nitong kailangan ko lang talagang magtiwala sa gusto niya. Na ang bawat salitang sasabihin niya ay talagang mangyayari.

Tumango ako. Inabot ko ang aking kamay sa kaniya. Tiningnan niya ito pero binalik rin ang tingin sa akin.

"Then it's a deal."

My bare hand touched with his. Sumeryoso ang kaniyang mukha habang ang mata'y nakatitig pa rin sa akin. "Deal."

**

Kinabukasan, naging sobrang busy ko sa pag-catch up dahil nga hindi ako nakapasok sa klase ko kahapon. I was too busy doing my assignments that will be submitted later. Nakasimangot ako habang nakapangalumbaba sa table.

Hinampas ni Hera ang balikat ko dahilan para bumalik ako sa ulirat. I was still quite sleepy. Anong oras na rin ako nakauwi kagabi dulot ng nangyari.

"Tapusin mo na 'yang assignment!"

"Hera may tanong ako." Pumangalumbaba ako.

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Ano 'yon, Hell?"

"Totoo ba talaga yung myth?" I asked with so much doubt.

Nagtaka si Hera sa tanong ko. "Bakit mo natanong?"

"K-kasi..."

Nanlaki ang mata ni Hera. Her lips parted. "Don't tell me nakita mo sya!? Or worst..."

Dinuro niya ang mukha ko gamit ang OA niyang reaksyon. "Nakausap mo sya!?"

"H-Hera..."

"Oh my gosh kang bilat ka!"

"Aray!"

Tumayo siya at lumayo sa 'kin. Parang nandidiri. "Baka mahawaan mo ako ng malas, Hell."

"N-no! I didn't—"

I was about to explain my side, but the bell rings. Mabilis kong hinagilap ang mga gamit ko. Si Hera naman ay mabilis pa sa alas-kwatrong nawala sa paningin ko. Abnormal kahit kailan.

Nang sumapit ang break time ay agad kong dinampot ang bag ko. Pagkalabas ng titser ay agad rin akong sumunod. Hera called me out but I refused to look back. May mahalaga pa akong kailangang puntahan.

My footsteps lingered all over the building. Hingal na hingal ako nang buksan ko ang pintuan ng rooftop. Ni hindi na ako makahinga sa sobrang pagod. The wild wind greeted me. Dahilan para magulo ang buhok ko.

Hinanap ng paningin ko si Nazareth. My eyes landed on the god sleeping peacefully. Nakahilig ito sa sofa. Sobrang amo ng mukha habang nakapikit. I couldn't stop myself from staring at him. Siguro sanay na siyang pinupuri ang itsura niya. And I was so insecure with his white skin, daig pa ako sa sobrang puti.

"Are you done?" he whispered huskily. Napatalon ako sa pagkakatayo ko.

Inayos ko ang sarili. Saktong dumilat ang mata niya. Ngumisi siya at umayos ng pagkakaupo. His hair was a little bit messy that made him hotter. Napanganga ako nang mapansin na naka-uniporme siya. It suited him well. Parang anghel na nagsuot ng uniporme.

But where's his hoodie?

"What time is it?" he asked.

Agad kong tiningnan ang oras sa suot kong relo. "Three on the afternoon."

Tumango siya. Hinilamos niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha dahilan para mapaatras ako ng kaonti. "I'm still sleepy, miss..."

Tumaas ang kilay ko. "Sinisisi mo ba akong napurnada ang pagtulog mo?"

Nagsalubong ang kilay niya. After a minute, he chuckled like what I just said was very funny. He playfully stood up. Bakas pa rin ang ngisi sa kaniyang labi nang salubungin niya ang mata ko.

"Pasensya na. Nakatulog ako habang hinihintay ka," aniya. "Did you bring foods with you?"

"Wala."

He groaned. "Ah shit. I'm hungry."

Inirapan ko siya't nilabas ang sandwich sa bag ko na nanggaling pa sa cafeteria. His eyes twinkled. Agad niyang nilantakan 'yon kaya napasimangot ako. Wala pang ilang minuto ay ubos na 'yon. Hindi talaga halatang gutom siya 'no?

Nilahad niya ang kamay niya sa 'kin na tila nanlilimos. Nagtataka ko naman siyang tiningnan.

"Water."

Sinamaan ko siya nang tingin. "Buy yourself."

He pouted. Pinagdikit niya ang kaniyang palad. "Please?"

Napapikit ako hindi dahil sa inis kung 'di sa pagtitimping baka isako ko itong lalakeng ito.

"Fine." Kinuha ko ulit sa bag ko ang dalang bottled water. Inabot ko iyon sa kaniya na mabilis niya namang kinuha.

Pagkatapos uminom ay pinunasan niya ang labi niya gamit ang kamay. Dumipina ang kulay nito't naging sobrang pula. Iniwas ko ang tingin ko rito.

"So, what are you doing here, lady?" he asked like there was no pact between us.

"Sabi mo tutulungan mo akong mapalapit kay Neo."

Kumunot ang kaniyang noo. Pero bumalik din ito sa dati. "Right. Nawala sa isip ko."

"I don't care. So, what's the plan?"

"Suplada," he mumbled.

"May sinasabi ka?"

"Wala." He chuckled. "Ang unang plano ay kailangan ka niyang mapansin."

"Ni hindi niya ako tinitingnan—"

"Kailangan ka niyang mapansin sa ibang paraan," seryoso niyang wika.

"Paanong paraan? Maghuhubad ako sa harap niya gano'n ba?"

"Of course not!" he exclaimed. "I won't let you do that!"

"Kung 'yon lang ang paraan, why not—"

Salubong ang kilay niyang hinawakan ang balikat ko. "I won't let you, Hellary."

"Nirerespeto ko lahat ng babae kaya hindi kita hahayang gawin ang bagay na 'yon. Nirerespeto kita bilang babae, kaya respetuhin mo ang sarili mo."

I tried to laugh, but it turned out very awkward. Natamaan ako sa sinabi niya dahil iyon naman talaga ang totoo. Para lang mapansin ng taong gusto ko, hindi ko napansin na hindi ko na pala nirerespeto ang sarili ko.

"I-I'm just k-kidding..."

Nanatili ang mata niya sa 'kin. Unti-unti ay natanggal ang hawak niya sa balikat ko. In just a snap of a finger, he showed me again his charismatic smile.

"Let's get started."

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 121 43
an epistolary ; dulce & jake
195K 7.2K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
969 51 4
Aiferniza Key Claramoza is a unique individual who doesn't conform to the typical social norms of being overly friendly, yet she has a strong sense o...
37.9K 1.2K 11
Isang palaisipan sa maraming tao kung posible nga bang maging magkaibigan ang dalawang taong minsan ng minahal ng sobra ang isa't isa. Sabi nila, hin...