Elusive Butterfly (BoyxBoy)

By junjouheart

300K 13.9K 1.3K

Napakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanta
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampu na Kabanata
Ika-11 Kabanata
Ika-12 Kabanata
Ika-13 Kabanata
Ika-14 Kabanata
Ika-15 Kabanata
Ika-16 Kabanata
Ika-17 Kabanata
Ika-18 Kabanata
Ika-19 Kabanata
Ika-20 Kabanata
Ika-21 Kabanata
Ika-22 Kabanata
Ika-23 Kabanata
Ika-24 Kabanata
Ika-25 Kabanata
Ika-26 Kabanata ( Unang Parte )
Ika-26 Kabanata ( Ikalawang parte )
Ika-27 Kabanata ( Unang parte )
Ika-27 Kabanata ( Ikalawang Parte )
Huling Kabanata ( Unang parte )
Huling Kabanata ( Ikalawang Parte )
Pakibasa !!!
II- Una
II- Ikalawa
II- Ikatlo
II- Ikalima
II- Ikaanim
II- Ikapito
II- Ikawalo
II- Ikasiyam
II- Ikasampu
II - Ikalabing- isa
II- Ang Huling Kabanata
Elusive Butterfly

II- Ikaapat

3.8K 174 22
By junjouheart

Pagsikat pa lang ng araw, agad na nagtungo ang buong sandatahan sa pangunguna ni Primnus Xeriol sa dulong bahagi ng ilog. Doon nakita nila na may nakaharang na malalaking tipak ng bato upang harangan ang pagdaloy ng tubig. Ang kataka-taka ay tila sinadya ang pagharang ng mga ito.

" Mga kawal, pagtulungan nyo ang pag-alis ng mga bato " utos ng kanilang pinuno.

Gamit ang kanilang kakayahan, pinagtulungan nilang baragin ang mga bato kaya malakas na dumaloy ang tubig. Nagsigawan ang mga mamamayang sumama sa kanila dahil sa tuwa at galak na mayroon na silang tubig na gagamitin sa kanilang kabuhayan.

Bumalik muli sila sa bayan upang magpaalam. Bilang pasasalamat, nagbigay ng munting handog ang mga mamamayan ng mga magagandang uri ng tela na kanilang pinagmamalaki.

" Tanggapin nyo po ang telang ito para sa inyong anak. Malambot ito at madulas kaya paniguradong hindi maiirita ang balat ng inyong munting anghel " yukong bigay ng babae na pinuno sa paggawa ng mga tela.

" Maraming salamat " kuha ni Xeriol sa tela at inabot kay Styll.

" Mahal na pinuno, lubos po kaming nagpapasalamat na tinugunan nyo ang aming problema. Sa oras na mamunga ang aming itatanim naming bagong tanim ay magpapadala kami sa palasyo bilang pasasalamat muli. " saad ni Ginoong Ansel.

" Tungkulin na pangalagaan ko ang lahat ng mamamayan ng aking nasasakupan. Kaya nagpapasalamat ako sa'yo Ginoong Ansel na pinaalam mo sa akin ang bagay na ito upang hindi pa lalo lumawak ang inyong prinoproblema. Maswerte ang bayan ng Galanta na magkaroon ng isang lider na katulad mo na may nagmamalasakit sa kanyang bayan. Isang mahusay na lider. " papuri ni Xeriol sa matandang nasa harap nya.

" Isang malaking karangalan po ang inyong sinabi para sa akin " naluluhang sagot ng matanda.

Pinuri't pinasalamatan sya ng kanilang pinuno kaya wala syang mapaglagyan ng tuwa at galak sa kanyang narinig. Karangalan na maturing sya ng kanilang Primnus na isang mahusay na lider.

Matapos ang pagpapasalamat, bumalik na sila sa palasyo. Mabuti na lamang ay natatakpan ng makakapal na ulap ang araw kaya hindi ganoong kainit.

" Xeriol, ayos ka lang ba? " tanong ni Styll dahil kita nya sa mukha ni Xeriol na may malalim itong iniisip.

" Parang sinadya ang lahat " tugon ni Xeriol. " Napakabilis na kumalat ang sakit sa buong bayan sa loob lamang ng higit isang linggo. Ang daluyan ng tubig ay hinarangan ng malalaking bato. Ang mga insekto sa pananim ay hindi nanggaling sa ating lugar dahil ngayon ko lang nakita ang ganoong insekto. Nakakapagtaka na para bang sinadya ang lahat "

Iyon rin ang iniisip ni Styll ngunit hindi naman sya magaling pagdating sa pagresolba ng mga problema kaya hindi na lang nya prinoproblema. May gugustuhin na lamang nyang mautusan kaysa mag-isip.

Matapos ang mahigit dalawang oras na pagbabyahe ay nakita na nila ang palasyo. Nakaramdam ng pananabik si Xeriol na makita ang kanyang mag-ama.

" Ito ang regalo sa'yo kanina " abot ni Styll sa telang kulay asul na ibinigay kanina ng makababa sila sa kabayo at matanggal ang kalasag sa kanilang katawan.

Tinanggap ito ni Xeriol at pumasok sa loob ng palasyo patungo sa kanilang kwarto. Pagkarating nya doon, hindi nya nakita si Allaode at maayos na rin ang kanilang higaan. Nagtingin pa sya sa ibang parte ng kanilang kwarto ngunit wala sila.

Tumungo sya sa labas nang may makasalubong syang katulong na may dalang mga prutas.

" Magandang umaga po, mahal na pinuno " bati ng katulong habang nakayuko.

" Para kanino 'yan? " tanong nya.

" Para po sa inyong asawa " sagot nya.

" Ako na ang magdadala " kuha ni Xeriol sa katulong na sinabi kung saan makikita ang kanyang pinakamamahal na asawa.

Nagtungo sya sa labas at sumakay sa kabayo patungo sa jartsena kung saan isinilang ang kanilang anak at kung saan matatagpuan ang florsa ng kanyang asawa.

Pagkarating doon ay binati rin sya ng mga kawal. Pumasok sya sa loob kaya nakita nya ang kanyang asawa na nakaupo sa isang upuan kung saan karga ang kanilang anak na mahimbing na natutulog sa mga bisig nito. Si Allaode ay abala sa pagbabasa ng librong nakapatong sa lamesa.

" Mahal ko " tawag ni Xeriol kaya napalingon si Allaode sa kanya. Ngumiti ito ng makita ang kanyang asawa.

Lumapit sya sa kanila at mabilis na hinalikan ang asawa sa labi samantalang ang kanilang anak ay marahan nyang hinalikan sa pisngi upang hindi magising.

" Naayos mo na ba ang problema sa bayan ng Galanta? " tanong ni Allaode at isinara ang libro upang ituon ang atensyon sa kanyang asawa na nasa harapang upuan nya na.

" Maayos na " sagot nito. " Bakit nandito kayo? " tanong nya.

" Namimiss ko lang ang lugar kung saan isinilang si Salvare at gusto ko ring makita ang aking florsa " sagot ni Allaode.

Hinawakan ni Xeriol ang kamay ni Allaode ng may mapansin sya.

" Nasaan ang singsing mo? " tanong nito.

" Hinubad ko muna dahil pinaliguan ko kanina si Salvare. Nasa kwarto lang natin iyon " ngiting sagot ni Allaode sa kanyang asawa na agad ring ngumiti.

" Alam mo ba Xeriol nanaginip ako ng masama " paninimulang kwento ni Allaode sa kanyang asawa.

" Ano naman iyon, mahal ko? " tingin ni Xeriol kay Allaode.

" May kumuha daw sa ating anak at hindi man lang ako nakalaban. Anong mang pilit kong ilabas ang kakayahan ko ay hindi ko magawa dahil mas malakas sila sa akin " pagkekwento ni Allaode sa kanyang asawa na ramdam pa rin ang takot sa kanyang napanaginipan.

Panaginip lang naman iyon ngunit pakiramdam nya ay parang totoo ang nangyari. Ang sakit ng mawalay sa kanyang anak na hindi man lang nakakalaban, ang paglaho ng anak nya kasama ang masasamang nilalang sa panaginip. Hindi nya maiwasan na makaramdam ng takot kahit panaginip lamang iyon.

" Mahal ko " hinawakan ni Xeriol ang pisngi ni Allaode at pinunasan ang luhang pumapatak sa mata nya.

" N-natatakot ako Xeriol kung paano mangyari iyon. Hindi ko makakaya na mawala ang anak natin " saad ni Allaode.

" Mahal ko, huwag kang mag-alala dahil hindi nila makukuha ang anak natin. Hindi ako papayag na kuhanin ang anak natin " pagpapalakas ng loob nya sa asawa. " Hangga't nandito kayo sa loob ng palasyo, ligtas kayo sa anumang kahapamakan. Hangga't buhay ako, hindi nila kayo masasaktan dahil sa oras man na mangyari iyon, ipinapangako ko na hindi ko sila mapapatawad " seryoso pa nitong tuloy.

Tumango naman si Allaode at ngumiti na sa wakas. Napatingin sila sa kanilang anak ng bigla itong tumawa. Hindi nila namalayan na gising na pala ito at kanina pa nakikinig sa usapan ng kanyang magulang.

" Nakausap ko na ang nakatataas na opisyal sa silangang bayan. Ayon sa kanila, walang anumang sulat na ibinibigay ang lider ng bayan ng Galanta sa kanila. Noong binisita nila ito nang isang linggo ay wala silang nakitang problema sa maliit na bayan " ulat ni Styll sa pinapagawa sa kanya ni Xeriol.

" Ngunit ang sabi sa akin ni Ginoong Andel ay nagsulat sya ngunit wala silang ginawang aksyon. Isa pa ay nang isang linggo ay doon nagsimula ang kanilang problema. Totoo ba ang kanilang sinasabi? " nalilitong sabi ni Xeriol.

" Totoo dahil nakita ko ang mga larawan na kanilang kinuha noong nagtungo sila sa bayan ng Galanta. Wala silang tala na nagbigay ng sulat ang Galanta dahil tinatala nila ang lahat ng mga nagsusulat sa kanilang tanggapan. Kaya nga hindi ko masabi na nagsisinungaling ang Galanta dahil kita naman natin na totoong may problema sila ngunit lalong hindi ko rin masisi ang tanggapan ng mga opisyal dahil totoo rin ang kanilang sinabi " saad ni Styll at napabuntong hininga ito.

Napa-isip ng malalim si Xeriol sa nagaganap sa kanyang nasasakupan. Iniisip kung ano o sino ang nasa likod ng paglalarong nagaganap sa kanya na mas lalong ikinasasabik nyang malaman.

" Alam mo ba ang usapan tungkol sa sulare? " biglang banggit ni Styll sa isang salitang na mas lalong nagpakunot sa noo ni Xeriol.

" Anong kinalaman ng mga sulare sa problema natin ngayon? Higit sa lahat matagal na silang napuksa ng mga sandatahang guer " sagot ni Xeriol.

" Alam ko ngunit hindi naman masama kung nakausisa ako sa sentrong bayan. Kanina habang may binibili ako sa pamilihan, narinig ko ang usapan ng mga tindero na may nakakita daw sa isang sulare sa gubat ng Monte. Posible kayang totoo ang mga usapan? " balik-tanong ni Styll.

" Imposible ang sinasabi nila. Una palang ay paano sila nakalabas sa gubat ng Monte dahil alam natin na delikado ang lugar na 'yon. Pangalawa, alam natin na ang sulare ay matagal ng wala dahil sa oras na namatay sila ay hindi na sila maaaring mabuhay pa. " paliwanag ni Xeriol kaya hindi sya naniniwala.

Ang mga sulare ay mga kaluluwang piniling manatili sa lupa at magpanggap na buhay sa pamamagitan ng pag-alay ng buhay ng isa sa kanilang angkan upang pumalit ang sulare. Mabubuhay lamang sila kung patuloy silang kukuha ng iba pang buhay. Mas maraming buhay ay mas tatagal ang pananatili nila sa mundo.

Kaya noon ay maraming namatay dahil sa kanila. Bawat oras ay may buhay na nawawala dahil sa mga sulare hanggang sa dumating ang panahon na naghangad sila na manatili dito sa bayan at sila ang pumalit sa mga buhay kaya nagkaroon ng mga digmaan sa pagitan ng sandatang guer na pinamunuan ng ama ni Allaode at mga sulare. Napagtagpuyan ang digmaan at lahat ng mga sulare ay namatay kasama ang nagsasagawa ng ganoong kasamaan dahil kamatayan ang kanilang kaparusahan.

" Malay mo naman totoo " kibit-balikat ni Styll.

" Malay mo rin mabatukan kita dahil sa mga sinasabi mo. Umalis ka nga lang sa harap ko dahil hindi ako makapag-isip ng maayos " pagpapalayas ni Xeriol sa kaibigan.

Tumayo naman si Styll. " Wala man lang pasalamat o kaya ' eto Styll pera, mamasyal ka muna dahil ang rami mo ng naitutulong sa akin ' Iba ka talaga,hanep ka! " reklamo nya.

" Kung ayaw mo ng nauutusan, maraming naghihintay na kapalit mo. Nagpapadala nga sila ng mga mamahaling gamit para lang sumipsip sa akin " saad naman ni Xeriol.

Ngumiti naman si Styll. " Hindi ka naman mabiro. Sige na magtatrabaho na ako kasi ang sipag-sipag ko at ang bait-bait ko. Mauna na po ako mahal na pinuno " magalang na sabi ni Styll bago tuluyang umalis.

Napailing naman si Xeriol sa asta ng kanyang kaibigan ngunit agad na bumalik ang problemang iniisip nya. Ano ang misteryo ba mayroon sa bayan ng Galanta? Kailangan kong malaman ang lahat sa lalong madaling panahon.





--------------------------------------------

Akala nyo gano'ng kadali makukuha si Salvare. Hahahahahaha. Peace po!

Btw, nagloloko si wattpad talaga. Hindi ko mabasa ang mga comments nyo pati ang message nyo. Late na rin mag-appear sa mga notification at minsan hindi pa nag-no-notif. Nang nakaraan di ba nag-update ako, akala ko cellphone ko lang ang may sira dahil ayaw mag-publish, ilang beses kong inulit kaya napublish pero late na rin nagnotif. Kaloka si wattpad. Nakipagbreak lang ako sa kanya, ayaw na tumino. Chaar!

Alam kong maikli ang update na 'to kaya asahan nyo na mabilis na tatakbo ang oras sa next chapter. Okay?

Salamat sa patuloy na nagbabasa, nagkokomento at bumoboto.


-junjouheart-

Continue Reading

You'll Also Like

153K 9K 59
Shawn, the fifth gate keeper of Kosmos. Genre: Fantasy/Action/Romance
24.5K 1.6K 61
Book 1 Hindi ko alintana ang malakas na pagbuhos ng ulan at malamig na hangin dala na siguro ng kaba kaya hindi ko na ito maramdaman pa. Kanina pa ak...
46.2K 2.6K 62
It appeared to everyone that 19-yr old Cilan's decision to enroll at Baguio City's most prestigious international school, Celesticville University, w...
352K 11.6K 53
Dream Guy (Boyxboy) BOOK 1 || BL novel by BlackFiffy STATUS: COMPLETED/UNEDITED