The Devil's Son

By Itst4sha

852K 11.6K 3.3K

"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
DO NOT PROCEED
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
BASAHIN NIYO :)
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
I : Ang Anim na Kasalanan
II : Ang Anim na Kasalanan
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
OLD MESSAGES FROM MY READERS
UPDATE
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY-ONE
CHAPTER FIFTY-TWO
TO ALL THE TDS FANS/READER

CHAPTER FIFTY-THREE

588 13 2
By Itst4sha

[STHEP'S POV]

"Tao po! Damon!"

Sa sobrang laki ng bahay di man lang sila naglagay ng doorbell. Maririnig kaya nila ang katok ko?

"May tao! Kanina pa nakatok! Tao po!" Muli kong sigaw.

Nang bumukas ang pintuan ay bumungad sa akin ang mukha ng babaeng matagal ko ng kinalimutan. Kung ipagpapalit lang din naman ni Damon si Kathy sa ibang babae, edi sana ako na lang.

"Pasok ka."

"Kasama ko na yung doktor, special delivery."

Tumango lang siya.

Nang makapasok kami sa loob ay dumiretso kami sa sala. Doon namin natagpuan ang natutulog na Damonyo.

"Hoy Damon. Andito na yung doktor mo." Sabi ko sabay tapik sa balikat niya.

"Doktor ba yan?" Tanong ni Julia sakin.

"Eh wala akong mahilang doktor eh. Busy sila sa totoong taong may sakit ... kaya albularyo na lang dinala ko dito." Katwiran ko.

"Just as what I've expected." Sabad naman ni Damon. "Salamat Sthep."

"Oh kitam." Sabi ko kay Julia sabay ismid dito.

"Anong masakit sa'yo, iho?" Tanong ng albularyo. "Ang sabi sakin nitong si Sthep ay naparalisa ka raw."

"Magaling na manggagamot yan si Mang Gusting. Kilalang-kilala yan sa Quiapo."

Lumapit ang albularyo kay Damon. Hinawakan nito ang noo niya saka ito pumikit.

"A-Alam ba niya ang ginagawa niya?" Tanong ni Julia sakin.

Tinaasan ko agad siya ng kilay. "Ba't di mo i-try? Baka sakaling mawala ang sanib mo?"

Tinapunan lamang niya ako ng tingin.

Inilabas ni Mang Gusting ang mga parapernalya niya sa panggagamot. May inilabas siyang mga dahon, langis at buntot-pagi.

"Ikuha niyo ako ng batya na may tubig saka kandila. Pati na rin posporo, baso at itlog." Utos nito.

Tumingin sa akin si Julia na para bang sinasabi niyang tulungan ko siyang kunin ang mga iyon.

"Excuse me, hindi ako taga-rito." Sabi ko.

Pero hindi niya iyon pinansin. Bagkus ay hinila niya ako patungo sa kusina. Actually, hindi nga hila ang ginawa niya e. Halos kaladkarin niya ako.

"Ano ba!" Sabay hila ko sa kamay ko na hawak niya.

"Kung anuman ang galit mo sakin, pwedeng mamaya na?" Pakiusap niya sakin.

"Sa dami ng kasalanan mo sa kaibigan ko, baka hindi ako makapaghintay ng hanggang mamaya. Ngayon pa lang gusto na kitang sakalin!" Pinandilatan ko siya ng mata.

Walang anu ano'y iniabot niya sa akin ang kutsilyo. "Oh eto, saksakin mo ako!"

Tinignan ko saglit ang kutsilyo sa kamay ko. "Hindi lang masama ang ugali mo ano? Bingi ka pa! Sabi ko sakalin, hindi saksakin. Tanga!" Saka ko iyon padabog na ibinalik sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit siya tumawa sa sinabi ko. Samantalang galit ako. Galit na galit ako. Hindi ako nagbibiro. Sasakalin ko talaga siya, bigyan lang talaga niya ako ng pagkakataon.

Iniabot ni Julia sa akin ang posporo, itlog, kandila saka baso.

"Oh dalhin mo do'n." Utos niya.

"Ang kapal rin talaga ng mukha mong utusan ako, ano?!"

"Gusto mo bang gumaling si Damon?"

Hindi ako nagsalita. Inirapan ko na lamang siya saka ako lumabas ng kusina at muling bumalik sa sala.

"Naku. Kakagigil!"

Hindi ko namalayan na kasunod ko na pala si Julia. Dala niya ang batyang may tubig.

Nang ilapag niya ang batya sa sahig ay tumingin at ngumiti siya sakin. "Salamat Sthep."

"Wag kang magpasalamat sakin. Ginagawa ko 'to para kay Kathy, para sa KAIBIGAN ko." Mataray kong sagot.

Pinahiran ni Mang Gusting ang noo ni Damon ng langis. Pagkatapos noon ay lumuhod siya sa harapan ng batyang may tubig. Sinindihan niya ang kandila at itinapat iyon roon. Taimtim siyang nagdasal habang nakapikit.

Nang dumilat siya at nang tignan niya ang batya ay bigla siyang nagsign of the cross. "Susmaryosep!" Bulalas niya. Napahalik rin siya sa kwintas na suot-suot niya.

Lumapit ako upang malaman kung ano ang nakita niya.

"Ayos lang ba kayo Mang Gusting? Ano ang may gawa sa kaibigan ko nito?"

Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. "Hindi ano ang may gawa kundi ano ang kaibigan mo."

"Ano ho? Mahina ho ang utak ko sa mga ganyan. Mas maigi ho kung sasabihin niyo ng diretso sa akin Manong." Sabay kamot ko sa ulo.

"H-Hindi siya tao."

"Mang Gusting. Hindi ko ba nasabi sa'yo kanina?"

Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. "A-Alam mo iha?"

Tipid akong ngumiti saka tumango. "Pero tao na po siya, Mang Gusting. Bumalik na po ang pagiging tao niya dahil sa kaibigan kong isa ring nuknukan ng martyr at tanga."

"Hindi. Hindi siya tao."

"Paano niyo po nasabi?" Sabat naman ni Julia.

Ipinatong ni Mang Gusting ang noo ng natutulog na si Damon. Saka ito muling pumikit.

Halos sabay kaming napaatras ni Julia ng biglang mangisay si Damon. Animo'y milyun-milyong boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa katawan niya.

Nakita ko kung paano mapaluha si Julia. Marahil sa takot na rin nito at pagaalala kay Damon.

Nang tumigil ang pangingisay nito ay siya namang talsik ni Mang Gusting sa isang sulok.

Nabasag ang basong may itlog. Kumalat iyon sa sahig. At napaawang ang bibig ko nang maghugis apoy iyon. Parang isang dagat ng lumiliyab na apoy.

Tumakbo ako palapit kay Mang Gusting upang tulungan siyang makatayo. Samantalang tumakbo naman si Julia kay Damon.

"Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko.

Ngunit sa halip na sagutin ang tanong ko ay nanginginig ang mga kamay ni Mang Gusting na itinuro si Damon.

"B-Bakit ho?"

"Anak siya ng demonyo! Isa siyang demonyo!" Hiyaw nito.

"Pero tao na nga ho siya." Pagpupumilit ko pa rin sa matanda.

"Sa isang gabi, kabilugan ng buwan. Pagsapit ng alas tres ng madaling araw. Magaganap ang digmaan ng langit at lupa. May magsasakripisyo. May mamamatay!"

"Si Kathy ... ibig sabihin ... buhay pa ang kaibigan ko!"

Bumangon si Damon mula sa pagkakahiga nito na parang walang nangyari.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong sa kanya ni Julia habang nakaluhod ito sa harapan ni Damon.

Hindi nito pinansin ang tanong ni Julia. "Alas tres ng madaling araw?"

"Alam kong hindi mo kagustuhan ang kapalaran na ibinigay sa iyo. At alam kong gagawin mo ang lahat, mabago lamang iyon." Sagot naman ni Mang Gusting.

"Hindi ko alam kung kaya ko. Pero gagawin ko para matapos na ang lahat ng 'to."

Hinubad ni Mang Gusting ang kwintas niyang suot. At kahit hirap ang matanda ay lumapit ito kay Damon. Saka nito iniabot iyon sa huli.

"Magtagumpay ka sana. Dahil hindi biro ang kumampi sa mabuti kung isa ka sa mga masasama."

Yumuko si Damon. "Serva me et te servabo."

Mahina iyon pero sapat na para marinig ko. Kaya lang di ko naintindihan. Sa english nga hirap ako. Yun pa kayang mga salitang iyon na maski ata sa diksyunaryo, wala.

"Damon?" Tawag ni Julia sa pangalan nito.

Bigla itong tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong nakita ni Julia kay Damon dahil bigla na lamang siya umatras at napaupo sa sahig.

Muli namang bumagsak si Damon sa sofa at nawalan ulit ito ng malay.

"Ut benedicat tibi Dominus et custodiat te." Ani Mang Gusting habang binabasbasan si Damon sa pamamagitan ng pagsasign of the cross nito.

Hindi ko magets ang mga nangyayari. Isang albularyong nagsasalita ng salita ni Damon. Sana talaga nagkaintindihan sila.

"Aalis na ako." Paalam ni Mang Gusting.

"Samahan ko na po kayo palabas ng bahay nila." Sabi ko naman.

Tumango ito.

Pero bago pa man kami lumakad palabas ng sala ay nilingon ni Mang Gusting si Julia.

"Ituloy niyo ang seremonya. Pakasalan mo ang anak ng demonyo. Dahil yun lang ang paraan para mailigtas mo ang sarili mo." Anito.

Hindi naman nagsalita si Julia. Ngumiti lang ito sa matanda. Hindi ko alam ang tungkol sa kasal. Wala akong alam sa mga nangyayari. Pero kung ano man ang binabalak nila Damon, may tiwala ako. At magtitiwala ako, para sa kaibigan ko.

"Madilim na po Mang Gusting. Bukas na lang po kaya kayo umuwi?" Sabi ko sa matanda.

"Kaya ko ang sarili ko. Kayo ang dapat mag-ingat. Dahil hindi titigil ang kampon ng kasamaan hanggang hindi nito nakukuha ang ibig nito."

"Totoo po pala, ang galing ninyo!"

Ngumiti si Mang Gusting sakin. "Siya nga pala, may kanina pa pabulung-bulong sa akin. Ibigay ko raw sa iyo ito. Sana'y maalala mo raw siya."

May dinukot si Mang Gusting mula sa kanyang bulsa. Nang ilabas iangat niya ang kanyang kamay mula rito ay bumungad sa akin ang isang kwintas na gawa sa pwet ng baso.

Aba. Imposible naman na magkaroon si Mang Gusting ng kristal na kwintas.

"Heto." Iniabot niya sa akin.

Pinagmasdan ko iyon sa kamay ko. Hindi ko napigilang hindi mapangiti ng makita ko ang pangalan na nakaukit sa pendant nito.

Kurt...

"Mang Gusting, salamat --" Natigilan ako ng nawala na lamang ang matanda na parang bula. "S-Saan nagpunta yon?"

Nilibot ko ng tingin ang paligid. Ni anino ni Mang Gusting, di ko na nakita. "Mang Gusting! Salamat po sa kwintas na 'to! Pakisabi po sa nagbigay, hinding-hindi ko siya malilimutan!!!"

Pagkasabi ko noon ay bigla kong nasapo ang nakaawang kong bibig. "OMG! Paanong -- kwintas -- Kurt -- Mang Gusting?????"

Agad akong pumasok sa loob saka ko isinarado ang pinto. Tumakbo ako pabalik sa sala.

"Anong nangyari sa'yo???" Tanong ni Julia.

"Si Mang Gusting ...." Humahangos kong sabi habang nakaturo sa may pintuan.

"Ano si Mang Gusting? Naihatid mo ba siya sa sakayan?"

Hindi ko pa rin maaawat ang sarili ko sa paghangos. "Yun na nga ... si Mang Gusting ... nawala siya."

"Ano?! Anong nawala?!"

"Hindi siya nawala na nawala! Nawala siya. Magic! Abracadabra! Ganon!" Sabi ko habang hawak hawak kwintas sa dibdib ko.

"Alam mo Sthep, masyado ka lang nadala sa mga nakita at narinig mo. Kumain na lang tayo saka tayo magpahinga."

Iniwan ako ni Julia na humahangos pa rin sa sala. Kung anomang uri ng tao si Mang Gusting o multo o kung anu pa man. Lihim akong nagpapasalamat. Hindi lang dahil sa pinagaling niya si Damon kundi dahil sa pagbibigay niya akin ng kwintas na ito.

"Kurt, sana magkasama ulit tayo." Bulong ko sa hangin. "Pero sana sa langit ha? Please?"

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...