The Devil's Son

By Itst4sha

852K 11.6K 3.3K

"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
DO NOT PROCEED
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
BASAHIN NIYO :)
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
I : Ang Anim na Kasalanan
II : Ang Anim na Kasalanan
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
OLD MESSAGES FROM MY READERS
UPDATE
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY-ONE
CHAPTER FIFTY-THREE
TO ALL THE TDS FANS/READER

CHAPTER FIFTY-TWO

361 7 6
By Itst4sha

Two Days before Hell

[ERIC'S POV]

Pumasok ako sa silid ni Kathy para silipin siya. Hindi na ako dumaan ng pintuan dahil alam kong mahimbing siyang natutulog. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at lumuhod sa gilid ng kama kung saan siya nakaharap.

Marahan kong hinawi ang buhok na nakaharang sa kanyang mukha. "It hurts me so much to see you like this. But I couldn't just give you up. I love you so much Kathy. Ang gusto ko lang naman mahalin mo ako."

Pinunasan ko ang mga luha sa kanyang pisngi. Sobra na siyang nahihirapan. Ganun din ako. Sobra akong nahihirapang makita siyang nahihirapan. I still have a fvcking feelings but my love for her is stronger than any emotions that I have. I know, eventually, she'll forget. Dahil kapag nasa impyerno na kami, it'll heighten all her negative emotions. She will never love me but atleast, she would be by my side. She'll be with me ... forever.

"

Uhh.." Kathy slightly moved. Nagising yata siya sa pagdampi ng daliri ko sa mukha niya. "Damon ..."

I bit my lip when I heard that name. Hindi naman kailangang mangyari ang lahat ng to kung hindi dahil sa kanya. Kung nakinig lang siya sakin noon, kung nilayuan niya lang si Kathy, hindi mangyayari to.

"I'll be back Kathy, just stay here. Matulog ka lang. Mas okay nang tulog ka kaysa sa makita kitang umiiyak."

Tumayo ako saka naglahong parang bula sa silid na iyon.
---


Nang idilat ko ang mga mata ko ay bahagya akong nagulat. Nasa harapan ako ng isang lumang bahay.

"So, you're here." Sabi ko sa sarili ko.

Hindi na ako nagpakatao. Hindi na ako kumatok at dumaan pa sa pintuan. Bakit pa? Hindi rin naman ako welcome sa bahay na to.

Nang marating ko ang sala ng bahay ay napangiti ako. Bigla ko kasing naamoy ang impyerno. Hindi pa rin maikakaila na si Damon, anak ng demonyo. Hindi pa rin nawawala ang amoy ng impyerno sa pagkatao niya.

"Hello! Anybody home???" Sigaw ko.

Nakarinig ako ng sunud-sunod na yabag mula sa taas pababa. Hanggang sa bumungad sa harapan ko ang taong matagal ko ng hindi nakikita. Lumuwang ang pagkakangiti ko nang makita ko siyang nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin.

"Anong ginagawa mo rito?!" Aniya habang nakaharang ang kanang kamay kay Julia. Gusto kong matawa sa ipinakitang tapang ni Damon. Kailan kaya iyon mawawala sa kanya?

"Naisipan ko lang na dumalaw. Baka kasi namimiss mo na ako." Nang-aasar kong sabi.

"Get the fvck out of here!" Bulyaw niya sa akin.

Tumawa ako. "Ganyan ba kayo magtrato ng bisita? You should atleast ask me to sit down. Right?"

"Nasan si Kathy?"

"Whoah!" Umiling ako. "That's not the right thing to ask when your fiancee is around. Don't you think?"

"Let her go while you have the chance, Eric. Dahil kapag naging demonyo ulit ako, ikaw ang uunahin kong mawala dito sa mundo. At sisiguraduhin kong maglalaho ka rin sa impyerno." Banta niya sakin.

"Nakakatakot naman. Ikaw, di ka ba natatakot?" Nakangisi kong tanong sa kanya. "Nasa akin si Kathy. And she only have a day to live. Ikaw, anong mayron ka? Wala, Damon. Yabang at pulpol na tapang na lang ang natitira sayo."

"Dapat pinatay na kita noon pa lang."

Napansin kong mahigpit na nakakuyom ang kamao niya. Kung demonyo siya, kanina pa ako tinamaan noon.

"Kaya nga nandito ako para pasalamatan ka. Dahil binuhay mo ako." Saka ako bumulanghit ng tawa.

"Please ... umalis ka na." Pakiusap ni Julia. Umiiyak ito habang nakatingin sa akin. "You already have Kathy, ano pa bang gusto mo? Kailan ka ba titigil?"

"Yes, maybe you're right. I have her but I don't have her heart." Mariin ko siyang tinitigan. "And you. You will marry this demon who doesn't even have the slightest feelings for you anymore."

"Wala ka ng pakialam pa don. It's my decision and it does not have anything to do with you. So mind your own business, Erick and leave us alone!" Sigaw niya.

"Sure. Sure." I nodded. "Gusto ko lang sabihin diyan sa demonyong kasama mo na pinuntahan siya ni Kathy sa silid niya. Too bad, hindi niya nakita."

"W-What are you talking about?" Nagtatakang tanong ni Damon sakin.

"Ohh. Biglang naging interesado ang demonyo." Muli akong tumawa. "I gave her the chance to see you. At sinigurado ko na di niyo siya makikita o mararamdaman man lang. How cruel, isnt it?"

"Ahhhh!"

Sumugod si Damon para suntukin ako. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko sa pagaakalang hindi ako masasaktan sa suntok niyang iyon dahil isa siyang tao. Pero laking gulat ko nang buong lakas iyong tumama sakin. Dahilan para dumugo ang labi ko.

Napaluhod siya habang humahangos.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kamay kong may dugo nang kapain ko ang parteng iyon ng mukha ko. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. "W-What the --"

"I am Damon, the devil's son. And I'll come for you Erick. I'll fvcking feed your soul to my sinners."

Napaatras ako nang magbago ang boses ni Damon. Lumagong ito na animo'y nanggagaling sa pinakailalim ng impyerno.

Dahan-dahan siyang tumingala at tumingin sa akin. Nakaramdam ako bigla ng takot nang bumungad sa akin ang itim at nanlilisik niyang mga mata.

"You will rot in hell!" Sigaw niya.

"Ahhhhhh!"

Parang akong biglang tinangay nang malaking buhawi sa lakas ng hangin na tumama sa akin. Napapikit ako habang hinahawi at nilalabanan ang malakas na hangin na iyon.

Hanggang sa bigla na lamang akong tumama sa pader. At bumagsak sa sahig. Nabali yata lahat ng buto ko sa katawan dahil halos hindi ako makabangon.

Hindi ako makapaniwala ng idilat ko ang mga mata ko. Naibalik ako ni Damon sa lugar kung saan ako nagmula. Kahit hirap na hirap ako ay pinilit kong tumayo at agad na pinuntahan ang silid ni Kathy.

I was relieved when I saw Kathy still asleep.

Paanong nagawa ni Damon iyon?

Paano nagawa ng isang hamak na tao ang ganoong kalakas na pwersa?

Bumalik na ba ang pagiging demonyo niya?




[DAMON'S POV]

"DAMON!" DAMON!" Pinilit kong idilat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang marahang pag alog ni Julia sa braso ko.

"A-anong nangyari? Nasaan si Erick?"

"Wala na siya. Napaalis mo siya."

Halos di ko maigalaw ang kanang kamay ko. Masakit iyon. Sobrang sakit. "Y-yung kamay ko, Julia. Yung kamay ko hindi ko maigalaw."

"Oh my God!" Bulalas niya. "Y-yung kamay mo!"

"B-bakit? Anong nangyari sa kamay ko??"

Iniangat iyon ni Julia.

"A-Ano to? B-bakit ganito ang kamay ko?! Hindi ko maigalaw!"

Hindi ko masikmura ang itsura nito. May malaking sugat ito na hugis bituin. Halos kita na ang buto ko sa sobrang lalim nito. It's not a devil star but it looks like a fvcking star. Ano bang nangyari? Ano bang ginawa ko?

"Bigla kang nagbago Damon. Para kang naging isang itim na anino kanina. H-hindi ko inexpect na magagawa mo kaya Erick yon."

"All I remember was ... did I punch him on his face?"

Tumango si Julia. "Halika, tulungan kitang tumayo."

Nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko maramdaman ang katawan ko. "J-Julia, hindi ako ... hindi ako makagalaw. Bakit di ako makagalaw??"

Pinilit akong iangat ni Julia pero hindi niya kayang mag-isa ang bigat ko. "Try to get up."

"I c-can't! I can't move!!! Julia, hindi ako makagalaw!!!"

Umiiyak si Julia habang pinipilit pa rin akong maitayo. "Lord please. Help us. Damon, get up."

"Bakit hindi ako makagalaw?! Julia!!!"

Mahigpit ang hawak niya braso ko pero di ko iyon maramdaman. Anong nangyari sakin????????

"I'll get a pillow." Pinunasan ni Julia ang mga luha niya bago siya tumakbo sa itaas para kumuha ng unan.

Nang makabalik siya ay dala na rin niya ang phone. Inilagay niya ang unan sa ilalim nang ulo ko hanggang sa batok. Nakaramdam ako nang bahagyang ginhawa sa ginawa niyang iyon.

"How to unlock your phone? I need to call Sthep!" Sabi ni Julia sa akin.

Ibinigay ko ang combination ng password.

She dialed the number.

"Hello?"

Julia put the phone on speaker.

"Sthep!"

"Damon? Buti naalala mo pa ako." Sagot niya sa kabilang linya.

"I need you. Please. Pumunta ka dito."

"Nasaan ka ba?"

"Nandito ako sa Laguna. Pumunta ka dito."

"Ano?! Nagbibiro ka ba?!" Sigaw niya.

"Magsama ka ng doktor. Hindi ako makagalaw. Tulungan mo ako."

"Bakit ako pa?! Wala bang ambulansiya diyan?!"

"Please, gawin mo na lang yung sinasabi ko!"

"Alam mo minsan hindi ko alam kung bakit ginagawa mong kumplikado ang mga bagay. Isipin mo ha, magdadala ako ng doktor diyan. Nasa bundok ka ba?!"

"Fvck! Gawin mo na lang inuutos ko!" Nauubusan na ako ng pasensiya.

"Okay. Ano bang address?"

"Julia will send the address."

"Okay, wait -- what?!"

"I'll explain later."

"Pero Damon ayokong makita ang ---"

"End the call." Utos ko kay Julia na ginawa naman niya. "Let's just wait for Sthep. She knows what to do."

Nanatili akong nakahiga habang nakatitig sa kisame. Hindi ko maaalala ang mga nangyari sakin kanina. Ang alam ko lang hindi ko napigilan ang sarili ko kaya ko sinuntok si Erick. Pagkatapos noon, wala na akong maaalala.

Hindi ako pwedeng maging inutil at manatili na lang na nakahiga dito. I only have a day to save Kathy. A day before the wedding. A day before Kathy's death.

Hindi pwedeng ganito.

Hindi ako pwedeng maging ganito.

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...