BHO CAMP #2: The Rockstar's P...

By MsButterfly

5.6M 107K 9.7K

Lucas Darryl King; he's loud, he's an easy go lucky person and he's a rock star. Me? I'm Freezale Night. I'm... More

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal Assistant
CHAPTER 1 ~ Captain and Lady ~
CHAPTER 2 ~ Personal Assistant ~
CHAPTER 4 ~ Clandestine ~
CHAPTER 5 ~ King ~
CHAPTER 6 ~ Addiction ~
CHAPTER 7 ~ Love ~
CHAPTER 8 ~ Flirty King ~
CHAPTER 9 ~ Ang Dalawang Takas ~
CHAPTER 10 ~ Too Late ~
CHAPTER 11 ~ Dilemma ~
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
CHAPTER 12 ~ Jealous ~
CHAPTER 13 ~ Grumpy King ~
CHAPTER 14 ~ I Don't Know ~
CHAPTER 15 ~ Falling In Love With A Rockstar ~
CHAPTER 16 ~ Breaking ~
CHAPTER 17 ~ Nightmare ~
CHAPTER 18 ~ My King ~
CHAPTER 19 ~ Come Back ~
CHAPTER 20 ~ Sorry ~
CHAPTER 21 ~ Done ~
CHAPTER 22 ~ Ashia King ~
CHAPTER 23 ~ On The Run ~
CHAPTER 24 ~ Lady ~
CHAPTER 25 ~ Revealed ~
CHAPTER 26 ~ Friend ~
CHAPTER 27 ~ Mr. and Mrs. King ~
CHAPTER 28 ~ Our Night ~
CHAPTER 29 ~ Affiliate ~
EPILOGUE
Up Next

CHAPTER 3 ~ Freezale's Rules ~

185K 3.6K 217
By MsButterfly

CHAPTER 3

FREEZALE'S POV

Nakatingin lang ako sa suitcase ko. Handa na lahat ng kakailanganin ko pero hindi parin ako umaalis dito sa control room. Ayokong umalis. Kung bakit naman kasi pinatulan ko pa si Sky.

Kagabi ko pa naiayos ang mga damit ko. May isa pa akong bag ng mga damit na ipinadala ko na kay kuya Thunder. Hinuli ko na'itong sa suitcase dahil sa secret compartment nito ko ilalagay ang mga gadgets at devices na kailangan ko. At dahil may isang parte ng utak ko ang umaasa na sana ay hindi matuloy ang pagsama ko sa kanila.

Pero syempre imposible 'yon. Katulad nga ng sabi ni Sky, ang pustahan ay pustahan. Dapat una pa lang hindi ko na pinatulan ang pustahan na 'yon. Dapat nag-isip muna ako bago ko pinagbigyan ang kapritso ni Sky. Walang talagang naidudulot na mabuti ang pagiging bored ng mga tao dito sa BHO CAMP.

Ang sabi ni Sky kung ano raw ang ibigay sa akin na mission ni Dawn iyon ang tanggapin ko. Nagkataon naman na ang mission tungkol kay King ang kailangan ng marespondehan. Hindi kasi ito ang unang beses na may na-obsess ng todo sa Royalty. Nangyari na ito no'n. Ang pagkakaiba lang ay nananakit na talaga ang threater ngayon. No'ng una ang mga babaeng nalilink lang kay King hanggang sa siya na mismo ang pinagtangkaan ng masama.

Luckily nandoon si kuya Thunder kaya hindi man lang nalaman ni King na may nagtatangka na sa buhay niya. Ang alam niya lang ay nakakatanggap siya ng death threats at iyon ang ikinabahala ng mga magulang niya dahilan para kunin nila ang serbisyo ng BHO CAMP.

Mabuti nga at nagaw nilang mahanap ang BHOCAMP. Halos katulad parin kasing dati ang pagpapatakbo sa agency, ang pagkakaiba lang ngayon ay ang symbol at ang pangalan na Haze Darrence na lamang ang ikinakalat sa labas. Hindi na ang mismong BHO CAMP. Maaring sa isang untraceable e-mail, mail at kahit sa tawag makokontak si Haze Darrence na hindi mag lilink back dito sa HQ. Sino si Haze Darrence? Si Dawn at Triton.

Though kadalasan si Dawn talaga ang nakakatanggap ng mission dahil nga laging nagtatago si Triton.

Sa kaso ni King, si kuya Thunder mismo ang nagpadala ng calling card sa bahay ng mga magulang ni King.

"Freeze?"

Napatingin ako sa pintuan ng control room. Nakatayo doon si Snow. Nakakapagtakang hindi niya ibinalibag ngayon ang pintuan ko.

"What? Don't worry sila Athena at Hera muna daw ang magbabantay ng control room kapag hindi mo trip magtrabaho."

"Hindi naman iyon ang ipinunta ko dito."

Takang tinignan ko siya. "Anong nangyari?"

Sa gulat ko bigla na lang siyang tumakbo palapit sa akin at yumakap. Parang pinompyang ang tenga ko sa lakas ng iyak niya. Pakiramdam ko bigla na lang naglayas ang eardrums ko.

"Stop crying."

"WAAAH!"

Tinignan ko ang lalaki sa pintuan. "Phoenix."

Mabilis na lumapit siya sa amin. Hinarap niya ang mukha ni Snow sa kaniya. "Open your mouth, Snow."

Umiling si Snow.

Bumuntong hininga si Phoenix at bahagya niyang pinisil ang pisngi ni Snow. Nang bahagyang bumukas iyon ay nilagyan niya ng candy ang bibig ng kapatid ko. Manggo flavor for sure.

Unti-unting tumahan si Snow. Hanggang sa sumisinghot-singhot na lang siya. Nangingilid parin ng luha ang mga mata niya pero hindi na katulad kanina na kahit ata nerves ng tenga ko ay gusto ng magbakasyon.

"Wag kang magpapagutom don. Kapag inapi ka ng kahit na sino don, kahit si kuya, sasapakin ko. Kapag inaway ka ng mga fans nila, sabihin mo lang sa akin at ipapakain ko sila kay Twinkle. Si Phoenix pala ipapakain sila kay Twinkle."

Umangat ang gilid ng labi ko. Ginulo ko ang buhok niya.

Bakit ba ang cute ng kapatid ko samantalang kapag tumitingin ako sa salamin hindi naman ako na cu-cute-an sa sarili ko?

"Mabilis lang ang three months, Snow."

"Matagal yon! Wala ng magtatanggol sa akin. Si Phoenix na lang. Pipilitin nila akong magtrabaho, ikaw hindi mo ako pinipilit! Tapos lagi mo akong binibigyan ng manggo saka matatamis na pagkain, sila pinagbabawalan ako. I hate them!"

Napangiwi ako. Parang ang lumalabas, kunsintidor ako. Wala akong ipinagkaiba kay Phoenix. Pareho kaming surrender pagdating kay Snow.

"Kailangan mo ng matuto. Malaki ka na."

Ngumuso siya at hindi na ako sinagot. Sa halip ay hinila niya ang bagahe ko at binuksan. Hinubad niya ang backpack niya at sa panggigilalas ko ay pinaglalagyan niya ng mangga ang bagahe ko.

"Snow!"

Mabilis na kinuha ko iyon at ibinalik sa bag niya. "Mangangamoy ang mga damit ko."

"Mabango naman ang mangga ah!"

"Ayokong mag amoy mangga."

Ngumuso na naman siya. May inilabas na naman siya sa bag niya. Dried manggos saka manggo candies. Hinayaan ko na lang siya at pinagmasdan habang pinupuno niya ang suitcase ko ng mga iyon.

Nang pakiramdam ko ay bigla na lang magkakaroon ng himala at puno naman ng mangga ang ilalabas niya sa bag niya ay pinigilan ko na siya. Isinarado ko na ang suitcase ko at tumayo ako.

"Kailangan ko ng umalis-"

Napapikit ako ng mariin ng ngumawa na naman siya. Lumapit sa amin si Phoenix at inihiwalay siya sa akin.

"I'll be back. Mabilis lang ang two weeks. After the two weeks road tour pwede na akong magpabalik-balik dito sa BHO CAMP. Pwede ka ding umattend sa mga concert nila since iyon din naman ang gagawin ng ibang agents."

Ginuli ko muli ang buhok niya at hinila ko na ang suitcase ko palabas. Salit na nagtama ang mga mata namin ni Phoenix.

"Take care of her." I murmured.

"Always."

Always? I wonder how long that word will last?



NAPATIGIL ako sa tapat ng isang malaking tour bus. Parang familiar ito sa akin. Hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita ang design na ito. Kumatok ako sa pintuan at tahimik na nag-hintay ako pero walang nagbukas ng pintuan kaya kumatok ako ulit. Nang wala paring sumagot ay pinaulit-ulit ko ang ginagawa ko na parang ginigiba ko na ang pintuan.

"Damn! Our door is not a drum-"

Napatigil si King na siyang nagbukas ng pintuan ng makita ako pagkaraan ng ilang sandali lang ay ngumisi siya at tuluyang binuksan ang pintuan. Akmang bubuhatin ko ang suitcase ko pero nauna na siyang kunin iyon at ipinasok sa loob. May natitira naman palang kanormalan sa pagkatao ng abnormal na ito.

Nang makapasok ako ay natigilan ako sa nakita at muntik na akong mapalabas ulit ng makita ko ang mga tao sa loob. May mga babae. Si kuya Thunder ay may kandong-kandong na babae na humahagikhik. Si Archer naman ay tahimik lang sa isang tabi ngunit may katabi din na babae na kulang na lang ay pumulupot sa kaniya. Wala si Rushmore at si Comet na malamang sa hindi ay tinali na ng asawa niya.

May dalawa namang babae na nakatingin kay King at halatang hinihintay ang lalaki na naistorbo marahil dahil sa pambubulagbog ko. Dalawa. Manyak talaga.

Ngingiti-ngiting ibinaba ni King ang suitcase ko sa isang tabi pagkatapos ay tumalon sa pagitan ng dalawang babae na biglang naghagikhikan.

I tried my best not to roll my eyes. Men. "Saan ako matutulog?"

Tumingin sa akin si King at nagsalita, "May six bunks dito yung pang pito ang private room na nasa dulo. Pinakamalaki sa lahat 'yon kaya mas maayos tulugan. You'll use the private room since you're a woman. Minsan hihiramin namin iyon for uh...private stuff."

Tinignan ko lang siya ng mataman. Private stuff? Yeah, right.

Bumaling si King sa dalawang babae. "Up you go."

Napanganga ako. Nagtayuan na ang mga babae at mapang-akit na nginitian ang mga miyembro bago nauna ng lumabas. Ang dalawang babae sa tabi naman ni King ay ngumuso at hindi umalis. Nagsalita ang isa sa mga iyon, "But we want to stay."

"Nope, sorry. I made this clear last night." Tumayo siya at inilalayan ang dalawang babae para makatayo.

Last night. So ilang oras na din pala ang mga babae na ito dito. Hindi ko na kailangan maging henyo para isipin kung anong ginawa nila. Alangan namang nag jack and poy sila?

Humalik ang dalawang babae sa mgkabilang pisngi ni King na parang wala lang s akanila ang pagtataboy ng laklaki at nakangiti pang umalis.

Parang gusto kong lunurin lahat ng tao dito sa tour bus tapos isasama ko sa kanila ang mga babaeng 'yon. Hindi naman sila mukhang pinilit diba? Kusa silang pumayag sa ganong kasunduan. Hindi pwedeng isisi ang lahat sa mga playboy na 'to. Dahil in the first place hindi naman mapapayag ang mga babaeng 'yon kung hindi naman nila gusto.

Tinignan ko si King. "Do you have a lot of money?"

He smiled at me and wink, "Yes."

"Nasa tamang edad ka na?"

"Yes."

"Then you'll be okay. I-ready mo na ang pera mo in case kailangan mong mag pagamot dahil meron ka na palang AIDS." pormal na sabi ko sa kaniya.

He chuckled. "I'm not an idiot, Lady. I always use protection."

I nodded at him and shrug, "It might protect you from diseases but how many times does a condom didn't work out to prevent unplanned pregnancy?" Dumaan ako sa tabi niya at tinapik siya sa balikat. "Congrats, daddy."

Tinignan ko ang kamay ko na ipinaghawak ko sa kaniya at pagkatapos ay ipinunas ko iyon sa palda ko. Mamaya kung ano pang bacteria ang kumapit sakin. Naglakad na ako papunta sa private room na sinabi niya. Muntik pa akong matalisod sa nagkalat na kung ano. Sinipat ko iyon at naningkit ang mga mata ko ng makita ko ang punit-punit na undies.

Iisang tao lang ang alam ko na mag e-enjoy pag gutay-gutayin ang mga pobreng panties. Silaban ko kaya tapos idamay ko na din itong buong tour bus para mapuksa ang mga babaerong nandito sa loob? Baka sakaling makagawa pa ako ng kabutihan sa mundo. Psh. As if I can do that. Isa sa mga babaerong iyon ang kapatid ko. Unfortunately.

Pumasok ako sa private room. Malinis naman at malaki. Hindi na ako nagtataka dahil malaki naman talaga itong tour bus hindi katulad ng ibang tour bus na nakita ko. Inilapag ko sa dulo ng kama ang suitcase ko at kinuha ko mula roon ang isang jar ng manggo candies. Itinaktak ko ang laman noon sa suitcase at dala-dala ang garapon na lumabas ako.

Huminto ako sa gitna ng living room ng tour bus at hinarap ko ang mga miyembro ng Royalty at pagkatapos ay ibinaba ko ang jar sa gitna ng lamesa.

"I'll be your personal assistant. As Captain said before, I need to make sure you eat healthy, I need to remind you of your schedule and exercise time and to make sure that you practice. Sinabi din ni Captain na hindi ko maaring pakielamanan ang private life ninyo."

Sumaludo sa akin si King. "You got it, lady."

"Pero para makasigurado na kakain kayo ng tama, makaka-attend schedule sa tamang oras, makapag exercise sa tamang araw at makapagpractice ay binibigyan ko ng karapatan ang sarili ko na pakielamanan ang relasyon niyong tinatawag."

Kumunot ang noo ni Archer. "Hey, wait Miss-"

Itinaas ko ang kamay ko at binigyan siya ng nagyeyelong tingin. Kaagad naman niyang itinikom ang bibig niya na para bang natatakot siya na bigla ko na lang tahiin 'yon kapag hindi ko nagustuhan ang sasabihin niya. "Bilang empleyado karapatan ko din ang gumawa ng mga bagay na sa tingin ko kailangan para magampanan ko ang tungkulin na ibinigay niyo sa akin. Nothing will work if you don't give me a little reign."

Tumango-tango si King at nakangiti parin na nakatingin sa akin. "Let's hear it."

"How many boxes of condoms do you bring on a two-week tour?"

Tumaas ang kilay ko ng mapanganga silang lahat. Humalukipkip lang ako habang hinihintay ang sagot nila.

"Sis-"

Pinutol ko ang kung ano pang sasabihin ni kuya. "I want answers."

Tumikhim si King. "Twenty-four. We divide it so we have equal boxes. So, eight for each one of us."

"Hindi kasama si Rushmore and si Comet, I presume?" Hindi kasama si Comet dahil malamang may asawa na 'yon. Si Rushmore naman, nirerendahan ni Den, isa sa mga affiliate ng BHO CAMP. Denaley is not an agent but she provides source for us.

"No." King answered again.

"How many condoms are inside the box?"

Halatang hindi na sila komportable sa pinag-uusapan namin. Namumula si Archer sa isang tabi habang ang kapatid ko naman ay parang gusto na lang takpan ang tenga niya. Si King na lang ang hindi sumusuko. Wala talagang kahihiyan sa katawan.

"Six."

"So bawat isa sa inyo ay may forty-eight condoms."

"Y-Yes."

"I will make sure that you all eat healthy foods. Kahit anong ihanda ko sa harapan niyo ay kakainin niyo. Ayoko ng fast foods. Obviously, it's not healthy. You can eat some of that unhealthy food but as snack and not as your meal. You all will practice, exercise and follow your schedules. I will make sure of that. No drinking."

Kaniya-kaniya na ang angal na narinig ko. Huminga ako ng malalim. Mabuti na lang matagal ng natrain ang pasensya ko kundi kanina ko pa sila ginawang taong yelo. Kung kaya ko man iyong gawin.

"Fine. You can drink after a concert but not when you have practice the next day or if you have a concert or a gig." Itinuro ko ang jar. "Everytime you won't follow my rules, maglalagay kayo diyan ng isang condom. In short, mababawasan ang kaligayahan niyo. Walang bibili. Nagkakaintindihan tayo?"

Archer raise his hands up, surrendering. "Fine."

Dumako ang tingin ko kay kuya. Bumuntong-hininga siya pagkatapos ay nagkibit-balikat. "Whatever you say, sis."

Tinignan ko si King. Sandaling tinitigan niya lang ako habang nakangiti at pagkaraan ay kinindatan ako. "You're a feisty one, aren't you, lady?"

"I don't know what you're talking about, Captain."

"Why are you always calling me that?"

"Why do you keep calling me lady?"

Lalong lumuwang ang pagkakangiti niya. "You're different, huh. Wala pa akong nakikilala na katulad mo. I think I like you, Lady."

Tumalikod ako at naglakad na pabalik sa kwarto ko. Napahinto ako ng may maisip at bahagya ko siyang nilingon. "Never fall in love with me, Captain."


___________________End of Chapter 3.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 73.7K 45
Levi is a notorious playboy; women around him would beg for his attention, that's until he finds himself kissing a woman who happens to be a nun. For...
352 110 22
(Writer Ă— Bassist) (Completed) Armed with writerly wisdom, Crisanta Marie broke from tradition to chase music, despite her family's disdain. A sister...
30.7K 1K 10
Victoria Jule Crivelli is at the top of her game. Everything is going according to her plan. But somehow, she feels like her life is dull. Like somet...
3.3M 113K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.