The Heist

By EMPriel

3K 209 79

Nagbalik si Rush matapos ang tatlong taong pagkakawala nang mabalitaan ang pagkamatay ng kanyang nakatatandan... More

Chapter 2: Hustle Rush
Chapter 3: Royal Flush
Chapter 4: Roll the Dice
Chapter 5: All In!
Chapter 6: Diamond Heist
Chapter 7: 6 of Diamonds - Part 1
Chapter 8: 6 of Diamonds - Part 2
Chapter 9: Plan B!
Chapter 10: The High Roller - Part 1
Chapter 11: The High Roller - Part 2

Chapter 1: Dead End

806 31 8
By EMPriel

Warning: Ano mang pagkakahalintulad sa mga pangalan ng totoong tao o lugar ay hindi sinasadya at ginamit lamang ng may akda upang gawing basehan ang isang pangyayari. Pawang kathang-isip lamang ang lahat at kailanman ay hindi gagamitin ng may akda upang maganap ang mga ito sa totoong buhay kung may susubok man.


___________________________


Napapalibutan ng mga pulis, miyembro ng SWAT at media ang isang mansyon sa isang kilalang executive village sa Quezon City nang gabing iyon. May mga dilaw na linya na nakapaikot sa bakuran ng mansyon. Tanging ang mga pulis at mga imbestigador lamang ang nakakapasok sa loob ng linyang iyon. Nang dumating ang forensic experts ay agad silang pumasok sa isang magarang kwarto na tila isang opisina rin. Suot nila ang puting overall na damit, naka-face mask at nakaputing gloves. Ang kwarto ay nagliliwanag dahil sa mga dyamanteng chandelier, ang mga mwebles ay nakukulayan ng ginto at ang mga kurtina ay puti. Kulay abo ang karpet at marmol naman ang mesa na nasa gitna ngunit sa upuan sa likod noon ay makikita ang isang walang malay na bangkay ng lalaki, nakalapat ang kanyang ulo sa mesang tila naging lawa na dahil sa dugo. Sa likod ng kanyang ulo nagmumula ang umaagos na dugo. Isang tama ng baril ang kumitil sa kanyang buhay. Makikita naman ang basag na salamin ng bintana sa kanyang likuran dahil sa pagtagos ng bala mula dito.


"Confirmed sir, bala ng sniper ang tumapos sa buhay nya," sambit ng isang pulis na nakauniporme. Kausap nya ang isang imbestigador na may kabataan ang edad, nakasuot ng bulletproof vest at sinisipat pa ang pinangyarihan ng krimen.


"Walang kahit anong trace?" tanong ng imbestigador.


"Wala po sir. Nagcheck na rin kami ng mga kuha ng CCTV sa paligid pero...wala talaga."


Muling tumingin ang imbestigador sa butas ng basag na salamin ng bintana. Sinilip nya pa ang anggulo nito at sinakto sa ulo ng biktima kung siya ay nakaupo lamang.


"Masyado nang malayo ang building na 'yon 'di ba?" tanong niya sa isa pang pulis habang tinuturo ang kinaroroonan ng isang mataas na gusali sa malayo.


"Condominium ng Arano, halos tatlong kilometro na rin ang layo mula dito sir," sagot naman ng pulis.


"Malayo na nga. Ang longest sniper kill ay nasa dalawang kilometro lang. Imposible naman yata 'to. Pwera na lang kung..." wika ng imbestigador.


"Sir, ito na po ang records niya." Isang babae ang lumapit dala ang isang white folder. Agad nya iyong inabot sa imbestigador. Binuksan niya ang white folder at doon nakadikit ang litrato ng biktima.


"Ernesto Dela Tore, 32, businessman. Owner, casinos and resorts...hmm," bulong ng imbestigador habang binabasa ang kanyang hawak.


"Hindi nga puwede 'tong ginagawa niyo! This is a private property. Hindi niyo ito puwedeng gawin sa kliyente ko!"


Isang may katabaan at may edad na lalaki na nakasuot ng itim na coat ang pilit na pumapasok sa kwartong iyon. Sa kanyang tindig ay makikita ang kanyang pagka-propesyonal. Pilit siyang hinaharang ng mga pulis at ng ilang forensic expert.


"Pasensya na po sir. On going ang investigation. Ano po bang maipaglilingkod namin?" wika ng imbestigador matapos senyasan ang mga pulis na siya ay bitawan.


"Attorney Sebastian Rojo, ang personal attorney ng biktima. Hindi pa ako nakakarating dito ay napuno na agad ng mga pulis ang lugar na 'to. May media pa, alam nyo naman kung anong klaseng tao ang kliyente ko."


"Pasensya na po talaga sa SOP namin, Attorney Rojo. Senior Investigator Ronald Karingal," sagot ng imbestigador habang siya ay kinakamayan. Agad ring nakipagkamay ang attorney.


"Hindi rin po kasi maiwasan. Public safety na rin po lalo na at may mga kapitbahay na nakarinig ng ingay."


"Naiintindihan ko sir. Pero sana pinalibutan niyo muna ang lugar. Hindi yung pumapasok kayo agad. This is still a private property!" galit na sambit ni Attorney Rojo.


"Pakiintindi na lang po at pasensya na rin talaga. I assure you walang mawawala o magagalaw na gamit dito. Nagco-conduct lang naman kami ng imbestigasyon."


"Wala na akong magagawa, na'ndito na kayo eh," sagot ng Attorney. Dahan-dahan siyang lumapit sa biktima at tila napalunok ng kaunting laway at napangiwi nang makita ang sinapit ng kanyang kliyente at malapit na kaibigan. Napahilamos pa siya ng kanyang mukha nang umiwas ng tingin.


"May alam ba kayo dito? Suspetsya sa kung sino ang pwedeng gumawa nito?" tanong ng imbestigador.


"Maraming..." wika ng attorney na tila natigilan. Alam niya man ang mga salitang dapat niyang sabihin ay hindi niya na ito itinuloy.


"Hindi ko alam," sagot na lamang niya. Napakunot naman ng noo ang imbestigador at muli siyang napatingin sa bangkay ng biktima. Napapatungan ng ulo ng biktima ang isang puting folder na namula na dahil sa lawa ng dugo sa mesa.


"Businessman sya. I'm sure maraming dahilan kung bakit nangyari ito pero 'yon lang talaga ang nakikita naming malinaw na dahilan. Ang tanong lang ay sino?" tanong ni Inspector Karingal.


"Hindi ko masabi 'yan sa ngayon. Marami nang gustong kumuha sa posisyon nya, sa mga assets niya. Pero hindi yata sapat 'yon para masagot ang tanong na 'yan. Alam kong malinaw naman sa'yo 'yon, inspektor," paliwanag ni Attorney Rojo.


"Malinaw nga na ganoon ang mangyayari. Anyway, for further investigation kami Attorney. Okay lang naman kung gusto nyong ilipat sa ibang department ang kasong 'to pero, sana maintindihan nyo rin. Nasimulan na namin ang imbestigasyon, gusto na sana naming tapusin."


"Naiintindihan ko. Hindi rin naman gugustuhin ng kliyente ko ang nangyaring ito sa kanya. Justice should be served. Sa ngayon iipunin ko na rin muna ang mga files, assets at iba pang dokumento na pwedeng makatulong sa imbestigasyon. Saka ako magfa-file sa NBI," wika ni Attorney Rojo.


"Sige po...hmm, sa ngayon ang gusto na lang naming malaman, ngayong wala na siya, sino na ang magmamana nitong lahat. Ng mga assets niya? Sorry for the question, pero kailangan ko ring malaman for security and investigative purposes. Alam nyo naman po siguro 'yan, Attorney," wika ng imbestigador. Napatingin namang muli ang attorney sa bangkay at sa mga forensic na kumukha ng litrato sa malamig nang katawan ng kanyang kaibigan. Napapikit siyang muli at napailing.


"Wala na siyang kamag-anak o mga magulang. Ang malayo niyang kamag-anak ay nasa America. Nakasaad sa last will and testament na kung ano man ang mangyari, sa nag-iisa niyang kapatid na lalaki mapupunta ang lahat ng kanyang ari-arian," wika ng attorney habang napapakunot ng noo.


"May problema po ba doon sa last will niya?" tanong ng imbestigador.


"Matagal nang nawawala ang kapatid niya, tatlong taon na ang nakakaraan. Simula nang mamatay rin ang kanilang mga magulang," paliwanag ng attorney.


"Hmm...mukhang problema nga 'to," sambit ng imbestigador habang napapahawak sa kanyang ulo. Napabuntong hininga rin siya habang tinitingnan ang files na nasa kanyang mga kamay. Nagpatuloy naman ang imbestigasyon, napahawak na lamang sa bibig si Attorney Rojo habang muling sinusulyapan ang delubyong nangyari sa kwartong iyon.


_______________________________


3 months later:


May kalakasan ang ulan habang nagmamaneho ng itim na sasakyan si Attorney Sebastian Rojo papasok sa isang sementeryo sa Makati. Sa passenger's seat ay nakalagay ang isang bungkos ng mga puting bulaklak. Tumigil siya sa isang hagdan pataas, kinabig nya ang handbreak at dahan-dahang pinatay ang makina ng kotse.


Nilagay nya ang isang sombrero sa kanyang ulo, inayos ang kanyang coat bago kinuha ang bulaklak at ang kanyang itim na payong. Naglakad sya sa hagdan paitaas, patungo sa puntod ng kaibigan.


Sinipat nya ang anino na nasa harap ng puntod ng kaibigan. Isang lalaki ang nakatayo, nakaitim na trench coat at nakayuko sa puting puntod habang nakahimlay roon ang isang bungkos ng mga bulaklak. Maamo ang kanyang mukha ngunit ang kanyang mga mata ay halos sing talas ng isang patalim. Bagsak ang kanyang maikli at itim na buhok. Hindi nya alintana ang pagpatak ng ulan sa kanyang nababasa nang katawan, tulala at tila malalim ang iniisip habang inuukit ng kanyang mga mata ang pangalan sa puntod na iyon.


Naglakad patungo sa kanya si Attorney Rojo. Dahan-dahan niyang inilapat ang dalang bulaklak sa tabi ng bulaklak ng estranghero.


"Binigyan niyo ba siya ng maganda at maayos na libing?" tanong ng lalaki. Hindi naman sumagot ang attorney na tila nakatulala lamang sa kanya at pilit siyang kinikilala. Ngumisi naman nang bahagya ang binata bago muling nagsalita.


"Pasensya na, kung hindi ako nakapunta sa seremonyas. Matagal na panahon na rin, sa ganitong pagkakataon ko pa pala makikita si kuya."


"R-Rush? K-kailan ka pa dumating?" tanong ni Attorney Rojo. Tila nagniningning ang kanyang mga mata habang nakatitig sa binata.


"Kanina lang. Huli na rin nang malaman ko, na ganito pala ang nangyari," sagot ng binata.


"Ay nako. Teka, nababasa ka. Baka ikaw naman ang magkasakit, hindi 'yan magugustuhan ng kapatid mo," wika niya habang pinapayungan ang binata. Saglit namang tumahimik si Rush. Tumitig lamang siya sa puntod, napapakunot ang noo at hindi maiwasang makaramdam ng kaunting galit. Sinara niya ang mga kamao bago iyon ipasok sa kanyang bulsa.


"Sino ang gumawa nito kay kuya?" mariin niyang tanong.


"S-sa ngayon ay nagco-conduct pa rin ng investigation ang NBI. Wala pang lead. Zero," malungkot na tugon ni Attorney Rojo.


"A-at ang nasa last will ng kuya mo. Siguro alam mo na rin naman na ikaw na lang ang tanging tagapagmana niya. Lahat ng ari-arian niya, sa'yo mapupunta. Pirma mo na lang ang kulang," dagdag pa niya.


"Nagbigay ka ba ng kahit ano tungkol sa kanila? Files? background ng ari-arian nya?" tanong ng binata.


"Pribado ang assets ng kuya mo pero kahit na 'yon ay kinukuha nila. Basic information lang ang naibigay ko sa ngayon. Pero kapag naayos ko na ang mga papeles niya..."


"Huwag mong ibigay," putol ni Rush. Nagulat naman ang attorney sa kanyang sinabi.


"S-sigurado ka ba dyan? makakatulong 'yon sa imbestigasyon."


"Hindi nila maaayos 'to ng ganoon kadali. Malaki ang impluwensya ni kuya. Malalaki at maiimpluwensya rin ang mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi imposibleng mamanipula nila ang ilang mga tao para maging pabor sa kanila ang lahat," paliwanag ng binata. Napatango na lamang ang attorney.


"Pero paano ang imbestigasyon?"


"Ipa-close mo ang investigation. Sabihin mo na hindi na kailangang ilabas ang lahat ng ito sa publiko, para rin sa seguridad ng pamilya niya at ng mga tao sa paligid. Ipaintindi mo sa kanila na mas pinipili mo na lang na manahimik. Para wala nang gulo," sagot ni Rush.


"Paano ang kapatid mo? Hindi niya gugustuhing mawalan na lang ng saysay ang pagkamatay nya, nang walang napapanagot?"


Napatingin lamang si Rush kay Attorney Rojo. Kinapitan niya ang kanyang balikat nang siya ay mapaluha nang kaunti.


"Na'ndito na ko, umuwi na ako. Hindi na ako aalis. Aayusin ko 'to," matigas na tugon ng binata. Muli siyang tumingin sa puntod ng kapatid. Hinawakan niya ang tila arko ng puntod na iyon.


"Magbabayad silang lahat kuya, pangako 'yan," bulong niya bago tumalikod at maglakad palayo. Naiwan naman si Attorney Rojo habang nagpapahid ng luha. Sumulyap siya sa puntod ng kaibigan bago mapatingin kay Rush habang dahan-dahan siyang naglalakad palayo.

Continue Reading

You'll Also Like

25.2M 630K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
1.7M 48.1K 56
She is Akane Rei Lee Yamazaki--A certified childish. She was also a Yakuza Princess. She forced her family to let her experienced how to lived NORMAL...
7.2M 343K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
4.1M 114K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...