Marrying Mr. Boring (Publishe...

By simplychummy

8.9M 184K 17.8K

si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa i... More

MARRYING MR. BORING ('till boreDAMN do us part)
CHAPTER 1 (DEALING WITH SUPERMAN)
CHAPTER 2 [LIFE OF MR. BORING]
CHAPTER 3 [HER SMILE]
CHAPTER 4 [THE GANG]
CHAPTER 5 [bachelor's list]
CHAPTER 6 [CHEF'S DAUGHTER]
CHAPTER 7 [DAUGHTER'S DILEMMA]
CHAPTER 8 [THE MEETING]
CHAPTER 9 [THE PROPOSAL]
CHAPTER 10 [SISTER's ADVICE]
CHAPTER 11 [ I DO]
CHAPTER 12 [MEET THE FAMILY]
CHAPTER 13 [MY LIFE AND MY FUTURE]
CHAPTER 14 [Wedding Preparation]
CHAPTER 15 (V-DAY IN U.S)
CHAPTER 16 [MR. & MRS.]
CHAPTER 17 [you and me]
CHAPTER 18 [LIVING TOGETHER]
CHAPTER 19
CHAPTER 20 [TELL ME WHY]
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24 [FAR AWAY]
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 32
CHAPTER 33 (MAKE IT REAL)
CHAPTER 34 [OF ALL THE THINGS]
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38 [SAVING FOREVER]
CHAPTER 39
EPILOGUE
SIMPLYCHUMMY'S THANK YOU NOTE

CHAPTER 31

193K 3.7K 276
By simplychummy

CHAPTER 31

[Third Person’s POV]

Ilang linggo na ang nakalipas magmula nung encounter ni Lira at nina Alannah sa mall. 2 weeks and 3 days to be exact. 4 months na din silang kasal ni Liam, meaning 2 months to go na lang tapos na ang deal na ginawa nila.

The funny thing is, yung plano nila ni Liam na papalabasin nila na hindi sila nagwork out kaya sila magdidivorce, ay mukang magkakatotoo nga dahil sa sitwasyon nilang dalawa.

2 weeks and 3 days na ding spaced out si Lira. Hindi lang yung samahan nila ni Liam sa bahay ang apektado kundi pati na din ang trabaho nya. Kung dati rati masyado syang lunod sa feelings nya for Liam, ngayon naman ni hindi nya napapansin ang lalaki. Kapag magkakasalubong sila sa ilang parte ng bahay parang hindi nya ito nakikita. Sa trabaho naman, pilit at mabilis na ngiti lang ang ibinibigay nya sa lahat, kadalasan kasi, malayo ang tingin nya at malilim ang iniisip. Sa madaling salita, madalas syang TULALA.

“Are you alright?” nag-aalalang tanong ni Dee kay Lira.

Nasa dressing room sila, tapos na silang ayusan at sila na lang tatlo nina Nats ang nasa loob, may pictorial sila para sa isang fashion magazine. Alam nila na masyadong naapektuhan si Lira dahil sa nangyaring encounter nito with her mother. Nakwento na rin nina Dee ang nangyari kina Nats, Dylan at Dori, kaya naman lahat sila nang-alala sa kaibigan. Napaka sensitive kasi ng topic na yun para kay Lira kaya naman hindi na nila yun pinag-uusapan kapag kasama si Lira.

“Lira” sabi ni Nats at hinawakan ang balikat nito para makuha ang atensyon.

Nagulat naman si Lira sa ginawa ng kaibigan kaya naman agad syang napatingin sa dalawa saka nag-salita “H-huh?”

“Tinatanong ni dee kung ok ka lang ba?” ulit ni Nats sa tanong ni Dee

Mabilis namang sumagot si Lira

“Y-yes! Of course I’m fine, bakit naman ako hindi magiging ok?” nag-fake laugh pa sya para lang makumpleto ang pag-acting nya.

Nakatinginan na lang ang sina Dee at Nats at sabay na napailing.

“If you say so.” sabi ni Dee sa kanya at hinaplos ang buhok nito. Yun na lang kasi ang magagawa nya ngayon sa kaibigan, ang sakyan ang pagprepretend nito na ok ‘to. 

Kinumbinsi na din nila si Lira na pag-usapan kung anong problema nito, para naman kahit paano gumaan ang pakiramdam nito, pero kahit anong pilit nila, walang sinabi si Lira. Tulad nga ng sinabi ni Dylan, hintayin na lang nila na si Lira mismo ang mag-open kapag maayos na ‘to.

Ilang sandali lang ay lumabas na ang tatlo para sa pictorial nila, hinawakan ni Lira ang braso ng dalawang kaibigan at niyakap ito.

“Thank you” nahihiyang sabi ni Lira sa dalawang kaibigan, alam kasi nya na pati ang mga ito ay naaapektuhan dahil sa kanya. Hindi naman kasi sa ayaw nyang i-share sa mga kaibigan ang problema nya, nahihiya kasi sya sa mga ‘to. Alam din naman kasing may kanya kanya din silang problema ayaw na nyang makadagdag pa. At ang isa pa, hindi pa sya handing pag-usapan. Hindi pa kasi maprocess ng maayos sa utak nya yung mga nalaman nya.

Magkapatid sila ni Alannah Diaz at kasama nito ang Mommy nya. Kung nung una inis, galit at pagkadismaya ang naramdaman nya nung makita silang magkasama ngayon naman iisa lang ang nararamdaman nya, dahilan kung bakit sya palaging tulala at malungkot.

Naiinggit sya kay Alannah. Bago sa kanya ang pakiramdaman na yun. Hindi sya marunong mainngit dahil marunong syang makuntento, at saka isa pa, ano namang ikakainggit nya eh halos lahat naman nakukuha nya?

Naiinggit sya dahil mabuti pa si Alannah, naramdaman kung paano mahalin ng Mommy nya. Buti pa si Alannah, naalagaan nya, napaghanda ng breakfast, nahatid sa school, nakasama magshopping at nakakwentuhan tungkol sa mga crushes at iba pang girl talk.

Bakit? Yan lang yung tanong na paulit ulit sa utak nya, pero wala syang lakas ng loob itanong sa Mommy nya.

---

2 weeks ang 3 days na ding hindi makapagtrabaho ng maayos si Liam, dahil ganun na din katagal syang hindi kinakausap at pipansinan ni Lira. Araw araw gumagawa sya ng paraan para magkaroon sila ng small talk ni Lira o kaya naman ay kahit tignan lang sya nito. Daig pa nya ang hangin sa paningin ni Lira, dinadaan daanan lang sya nito na para bang hindi man lang sya nakita o kahit naramdaman man lang.

Hindi rin sya pumalya sa pagbati ng Good morning o Good night dito kahit deadma ang kausap. Pinagluluto pa rin nya si Lira ng breakfast, lunch at dinner bago sya pumasok sa opisina, kahit na pagdating nya sa bahay ay maabutan nya pa rin lahat yun sa lamesa ng walang bawas. Napapailing na lang sya at napapabuntong hininga kapag naaalala nya si Lira.

Sa sobrang tahimik ng bahay nila, aakalain mong walang nakatira. Napansin nya din ang pagiging tulala at malungkot ni Lira kaya naman ilang beses na din nyang tinawagan ang mga kaibiga ni Lira para tanungin kung may problema ba ito.

“Mas mabuti kung si Lira na lang yung tanungin mo about dyan, sorry Liam” yan lang yung palaging sagot nila sa kanya.

Naputol naman yung pag-iisip ni Liam nung pumasok si Rob sa opisina nya.

“Sir Kurt, nasa hotel garden na po sina Chef Gee, kakadating lang po ng parents nyo at halos lahat po ng guest nasa baba na din po, kayo na lang po yung kulang and hmm, dadating po ba si Ms. Aga?” nag-aalalang tanong nya

Napabuntung hininga na lang si Liam sa tanong ni Rob, dadating nga ba sya?

Ano nga bang meron at nandito ang parents nila, at madaming tao sa hotel ngayon?

Ngayon lang naman ipapakita sa public ang wedding pictorial nilang dalawa at nadagdagan pa nga dahil may ilang designers din ang kumuha kay Lira para i-model ang ilang mga wedding gowns na gawa nila. Kaya magkakaroon din ng mini fashion show mamaya.

Sinabihan nya si Lira na magpunta, yun nga lang hindi sya nakakuha ng sagot. Nag-iwan na din sya ng invitation para makita ni Lira pag-uwi nito.

“I don’t know.” mahinang sagot nya kay Rob.

“Pano na po yung fashion show?” tanong ni Rob

“Stick to the second plan, idi-dispaly na lang yung mga wedding dress para makita ng mga guests, bababa na din ako maya maya.” utos nya dito

Tumango na lang si Rob at umalis na.

Napaghandaan na nya ang gagawin kung sakaling hindi nga dumating si Lira, ang hindi nya lang naman napaghandaan ay kung anong irarason nya kapag hinanap si Lira sa kanya ng parents nila.

--

“Mom.” tawag ni Alannah sa mommy nya, pumasok sya sa kwarto nito at nakita nya ang Mommy nya na nakaupo sa gilid ng kama at hawak ang kaisa isang picture nilang ni Aga sa kanya.  Si Margareth habang kalong si Aga na noon ay wala pang isang taon.

“Lanah” ngumiti ito sa kanya at tinap ang tabi ng kama para umupo ang anak sa tabi nya.

Niyakap naman sya ni Alannah. “Don’t worry Mom, everything will be alright. Maiintindihan nya din lahat.”

“I know dadating din ang time na yun. Haayy. Kung malakas lang siguro ang loob ko katulad nya, edi sana hindi kami ganito ngayon.” malungkot na sabi ni Margareth.

Nalungkot naman bigla si Alannah sa sinabi ng Mommy nya pero hindi na lang nya pinahalata dito. Niyakap na lang nya ito ng mahigpit.

“She’s lucky to have a mother like you. Do you want to see her again?” tanong nya dito

Ilang linggo na din kasing malungkot ang Mommy nya dahil sa hindi magandang pagkikita nila ni Aga sa mall. Pare pareho nilang hindi napaghandaan ang pagkikita na yun.

“I don’t think she’s ready to see me again. What if she push me way? What if, ilayo nya lalo yung sarili nya sakin? What if, hindi nya ako pakinggan? ” malungkot na sabi nito

“Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan? Mom, bakit ba ayaw mong iparinig yung side mo sa kanya? Forever mo na lang bang tatanggapin lahat ng galit nya kahit alam mo namang hindi sya dapat magalit sayo? Ok na ba sayo na mag-isip sya ng masamang possibilities kung bakit kailangan mo syang iwan? Kahit mapasama ka?” sabi ni Alannah.

Hindi nya maitago ang pagkainis dahil sa nangyayari. Na nagagalit si Aga nang walang dahilan at lumalabas na masama yung Mommy nya.

Hindi nagsalita si Margareth sa sinabi ni Alannah.

“Mom, kung hindi ka man nya maintindihan ngayon, malay mo balang araw maintindihan ka na nya at sya pa yung mismong lumapit sayo. Pero Mom, ngayon itry natin yung luck natin. Wala naman masama kung itatry natin diba? Three years or five years from now, magiging Nanay din sya at mas maiintindihan nya kung bakit mo ginawa yun diba?” pangungumbinsi pa rin ni Lanah.

“Pero magkaiba kami ng sitwasyon. Mabait ang Daddy nya – hindi katulad ng Daddy ko. Alam ko na hindi mangyayari kay Agatha ang nangyari samin ng Daddy nya.” mahinang sagot ni Margareth

“Kung patuloy si Liam sa pagiging “confused” nya, baka magsawa si Aga at matuloy ang divorce nila ni Liam. Same pa rin kayo Mom na nang-iwan, ang pinagkaiba lang, ikaw pinilit mang-iwan; sya naman napilitan.” Pagbibiro ni Alannah.

“Sira ka talaga, syempre gusto ko din naman magkaroon ng maayos na love life ang anak ko” pagsakay naman ni Margareth kay Alannah

“Pagalitan mo si Liam.”

“hayyyy. Si Liam pa pala, mas lalo atang gugulo kapag nalaman din ni Liam yung tungkol sa sitwasyon natin. Hindi kaya?” nag-aalalang tanong ni Margareth

“Open minded naman si Liam, Mom. He will understand kaya you don’t have to worry about him. Si Aga lang ang dapat nating intindihin ngayon dahil sya yung sobrang apektado sa sitwasyon. Haaayy. Feeling ko tuloy ang laki din ng kasalanan ko kay Aga, ex-girlfriend ako ni Liam and magkasama pa tayo.” malungkot na sabi ni Alannah

“Diba nga sabi mo, balang araw maiintindihan nya din” nakangiting sabi ni Margareth.

“So payag ka na makipagkita ulit kay Aga?” tanong nito sa Mommy.

“Kung papayag syang makipagkita.” hopeful na sagot ng kausap

“Edi tayo pupunta sa kanya.” pag-eencourage ni Lanah

“Alam mo ba kung saan sya nakatira?” tanong ni Marga.

“Yup. She’s living with Liam. So you better get some sleep na, and tomorrow you will see her again.” nakangiti sagot ni Alannah

--

Dumating si Lira sa bahay ni Liam, nagtaka naman sya kung bakit walang tao. 8:30pm na, dapat nasa bahay na si Liam ng 8pm. Sa four months nila nakabisado na nya ang oras ng pasok at uwi nito, pati na rin ang rest day nito. Si Liam lang naman ang hindi makakabisado ng schedule nya dahil na rin sa wala naman syang permanenteng schedule. Kadalasan kasi on call sya at mas madalas din syang wala dahil na rin sa iniiwasan nga nya ang lalaki.

Papasok na sya sa kwarto nya nung mapansin nya yung isang bouquet ng bulaklak sa harap ng pintuan nya.

“Tss. Liam” pabulong nya.

Kinuha nya yung bouquet at hinanap yung card. Hindi na naman bago sa kanya yung makatanggap ng bulaklak mula kay Liam. Sa mga nakalipas na linggo, halos araw araw syang may natatanggap na bulaklak. Well not literally na natanggap nya kasi madalas iniiwan ni Liam sa lamesa, sofa, ibabaw ng ref, coffee table, kama nya, at ngayon nga sa may harap ng pintuan nya.

Masyado syang spaced out nung nakaraang linggo kaya naman lahat ng acts ni Liam hindi nya napapansin. Pero amindao naman sya na natutuwa sya sa ginagawa nito yun nga lang mas nangingibabaw yung lungkot na nararamdaman nya.

Nakita nya yung isang envelope at binukasan yun…invitation. 

“Shoot!” nakalimutan nya na kasi yung tungkol sa party sa may hotel. May mini fashion show nga pala syang kailangan puntahan. At pupunta din ang parents nila.

Dali dali syang pumasok sa kwarto nya at inilagay sa ibabaw ng kama nya yung bulaklak. Kumuha pa sya ng isang pirasong tulip at inilagay sa isang drawer. Yung drawer na yun ay drawer lang para sa mga bulaklak na binibigay ni Liam sa kanya. Yung iba nga lanta na.

Nag quick shower lang sya at mabilis na nagbihis para pumunta sa hotel. Tinawagan na lang nya yung Daddy nya para humingi ng sorry dahil sa late na naman sya. Hindi nya kasi matawagan si Liam dahil sa hindi nya din alam kung paano kakausapin ito. Hindi rin kasi mawala sa isip nya ang possibility na alam ni Liam na iisa lang ang Nanay nila ni Alannah.

---

Sinalubong ni Liam si Lira sa entrance. Nagulat naman si Lira dahil ang akala nya ay Daddy nya ang susundo dito. Dahil sa madaming tao at nasa public place sila kaya naman mabilis syang nagpretend na ok silang dalawa.

Inabot ni Liam yung kamay ni Lira para alalayan itong maglakad papunta sa may hotel garden. Ngumiti na lang ng mabilis si Lira sa kanya at agad na nag-iwas ng tingin. Awkward. Yan yung sitwasyon nila ngayon. Ngayon lang ulit nahawakan ni Liam ang kamay ni Lira.

Ewan ni Liam pero natutuwa sya habang nakatingin sa kamay nilang magkahawak. Siguro dahil sa ang tagal din nilang nag-iiwasan ni Lira kaya nga nung binalita sa kanya ni Chef Gee na malalate lang ito natuwa sya. Hanggang sa makarating sila sa mag hotel garden hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi ni Liam.

Isa lang ang sigurado nya. Na- miss nya si Lira.

Habang masaya si Liam dahil kahit na alam nyang pag-arte lang ang ginagawa nilang pagpapansinan para kay Liam pagkakataon yun para maka-usap nya ulit si Lira. Para namang automatic na nagrereply sa utak ni Lira yung nangyari nung birthday nya. Same place, same time. Para ngang may phobia na sya sa lugar na ‘yun.

Nag-bihis na si Lira para sa mini fashion show na gagawin nya. Irarampa lang naman nya yung ilang wedding gown. Kahit na hindi nya feel ngumiti sa camera pinilit pa rin nya. After ng mini fashion show pumunta na sya sa table nila ni Liam. Solo kasi silang dalawa at center pa.

“Are you alright?” tanong ni Liam sa kanya

“yeah.” tipid na sagot nya

“Are you sure?” pangungulit ni Liam

“Well, just reminiscing some bad memory about this place” malungkot na sagot nya.

“What is it?” tanong ni Liam. kahit alam na alam naman nya ang sagot sa sariling tanong. Itinanong nya pa din dahil nilulubos na nya ang panahon na nag-uusap sila.

“You know.” tipid na sagot ni Lira.

 “Your birthday… Lira I’m s—“

“Don’t.” pigil ni Lira sa paghingi na naman ng tawad ng lalaki.

“Thank you.” mahinang sabi ni Liam.

“For?” tanong ni Lira.

Kanina pa sila nag-uusap pero hindi sila nagtitinginan. Nakatingin lang sila pareho sa table kuung saan nakapatong ang kamay nilang dalawa. Kaya naman ginrab ni Liam ang chance na yun para hawakan ang kamay ni Lira at tinignan nya ito.

Kaya automatic napatingin si Lira sa kanya.

“Thank you for coming, for talking to me again kahit na alam ko na we’re just pretending na ok tayo dahil nasa public palce tayo. And thank you for standing up for me, kahit na alam naman nating dalawa na nagsinungaling ka sa interview mo. Thank you dahil kahit na sinabi mo na wag kitang pakialaman hinahayaan mo pa rin akong ipagluto ka, kahit hindi mo naman kinakain at kausapin ka kahit hindi mo naman ako pinapansin. Thank you dahil kahit nasasaktan ka ng dahil sakin, nasa tabi pa rin kita. Thank you for not giving up on me” sabi ni Liam

“Why are you saying all of these?” tanong ni Lira. Pinipilit nyang hindi maiyak sa sinasabi ni Liam.

“I don’t know, I just feel like saying it. Ayaw mo kasing mag-sorry ako, kaya magsawa ka sa pagta-thank you ko” nakangiting sabi ni Liam sa kanya

“Liam…….if you like me, just say so. But if you don’t then, stop acting like you do.” malungkot na ngumiti si Lira sa kanya.

Mas lalo lang kasi syang naguguluhan sa ginagawa ni Liam.

**********************************

Continue Reading

You'll Also Like

257K 9.7K 64
"My name is Celeste Cheng. And I'm a blog girl."
1.6M 24K 53
All rights reserved. © 2013-2014. Credits to the owners of the quotes and banats I posted here. ☠ uy salamat sa pagbabasa nito kahit na sobrang corny...
4.2M 22.8K 7
[The Walkers Trilogy #2] [Sequel to 'The Perverted Vampire] Savannah Kier Walker will never be normal. From the very start, she knew that she's diffe...
1.6M 44.6K 23
Totoo nga ba ang Happily Ever After? Nagkakatuluyan ba talaga ang mga mag-soulmates? At mahal pa rin kaya ni Nathan at Alex ang isa't-isa pagkatapo...