The Trouble With Good Beginni...

By springmendezphr

145K 1.7K 69

"Hindi naman nawawala agad ang totoong pag-ibig. When it's real, it stays despite the pain." Holly used to be... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter 6-7
Chapter Eight
Chapter Ten

Chapter Nine

6.9K 178 8
By springmendezphr

"I'M SORRY. It was my fault." Puno ng pagsisising sinabi ni Hailey habang pinagmamasdan ang pag-eempake ni Cedrick pabalik sa Pilipinas. Kahit na walang sinasabi ang binata ay alam niyang nasasaktan ito dahil bakas iyon sa mga mata nito.

Tinawagan ng kanyang mga magulang ilang gabi na ang nakararaan si Cedrick at ipinaalam na ikakasal na ang kakambal niya. Gusto ng mga itong imbitahin ang binata. Hindi alam ni Hailey ang bagay na iyon dahil iniwasan niyang makibalita sa mga nangyayari sa Pilipinas. Pinalitan niya ang kanyang numero para hindi ma-contact ng pamilya.

Dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay ayaw niya nang maging pasakit pa sa mga ito. But in the process, she became Cedrick's burden.

"Pero ikakasal pa lang naman siya. May pag-asa ka pa."

"Ang pag-asang makita siya bago siya ikasal ang meron na lang ako ngayon, Hailey."

Mariin niyang nakagat ang ibabang labi. Mula noon hanggang ngayon ay kontrabida talaga siya sa buhay ng mga taong nakapaligid sa kanya. Iyon siguro ang dahilan kaya pinarurusahan na siya ng tadhana.

"Baka magbago pa ang isip niya kapag inamin mo ang nararamdaman mo para sa kanya."

"What for?"

"Holly loved you first, Rick."

Natigilan ang binata.

Mga bata pa lang sila ay mahal na ni Cedrick si Holly at alam ni Hailey na ganoon din ang kapatid. Ang dalawa ang orihinal na malapit sa isa't isa. Parating magkasama ang mga ito noon. Napansin iyon ng mga magulang niya at nag-alala. Palihim na kinausap ng mga ito si Cedrick sa library ng kanilang mansyon noon. Alam ni Hailey ang lahat dahil palihim na sumunod siya at nakinig sa usapan ng mga ito.

Tinanong ng mga magulang niya kung ano ang nararamdaman ni Cedrick para kay Holly. Dinig na dinig niya ang ginawang pagtatapat ng binata. Pero masyado pa raw bata ang mga ito, lalo na si Holly. Nangamba ang mga magulang na baka maging mapusok ang dalawa, lalo na at parating magkasama. Kaya ang mga magulang niya ang kumumbinsi kay Cedrick na sundin ang suhestiyon ng ama nito na sa ibang bansa na magpatuloy ng pag-aaral. Kung sa pagbabalik daw ng bansa at pareho pa rin ang nararamdaman nito at ni Holly para sa isa't isa, hindi na raw pipigilan ang dalawa ng mga magulang niya. Tumupad si Cedrick sa usapan at bumalik sa Pilipinas may dalawang taon na ang nakararaan.

Pero nakialam si Hailey. Nang malaman na bumalik na sa sariling bansa si Cedrick ay sumunod na rin siya roon mula New York.

Dahil mahal niya rin ang binata. Ilang ulit niyang binisita si Cedrick noong nag-aaral pa ito pero iba ang parating hinahanap nito. Nagrebelde siya, lalo na at noong bumalik na si Cedrick sa Pilipinas ay malaya na nitong nakakasama si Holly.

Isang araw ay nagpanggap siya bilang Holly. Isinuot niya ang mga damit ng kakambal at ginaya ang mga kilos nito. Noong panahong iyon ay alam niyang parating din si Holly sa mansyon nina Cedrick dahil may usapan na magkikita ang dalawa. Naghanda ang binata at ipinaayos ang buong hardin dahil plano na nitong magtapat sa kakambal niya. Pero nang maunang makarating doon ay hinalikan bigla ni Hailey si Cedrick. At dahil ang akala nito ay siya si Holly, agad itong gumanti ng halik.

Isang tagpo iyon na naabutan ni Holly. Nang oras din na iyon ay idineklara ni Hailey na may relasyon na sila ni Cedrick sa pagkabigla ng dalawa.

Holly immediately walked out. Mukhang hindi na nito napuna ang bihis niya dahil pinangunahan na ito ng emosyon. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ni Hailey na nagalit nang husto si Cedrick.

"You were Hailey all these time?" hindi makapaniwalang sinabi ni Cedrick matapos magtatakbo ni Holly palayo. "How could you!" Sunod-sunod na mararahas na hininga ang pinakawalan nito.

Alam ni Hailey na natutukso na ang binata na saktan siya pero hindi nito ginawa. Mayamaya ay hinawakan siya sa braso at hinila palabas. "Samahan mo ako, utang-na-loob. Tulungan mo akong ipaliwanag kay Holly ang lahat. Maaayos pa namin 'to-"

"Hindi na." Bumitaw siya mula sa pagkakahawak nito.

"Hailey, what in the world are you doing-"

"Be mine, Rick," she said instead. "Akin ka na lang. Mahal kita. Noon pa. Bigyan mo ako ng chance at ipinapangako ko na-"

"Hailey," Napahawak si Cedrick sa noo. "I'm flattered, believe me. But it has always been Holly for me. Wala nang iba. Siya lang. Kaya kung totoong mahal mo ako, tutulungan mo akong maging masaya. Tutulungan mo akong magpaliwanag sa kakambal mo-"

"Hindi!" mariing sagot niya dala ng pinaghalong sakit at pagkabigo. "Kung hindi ka papayag na makipagrelasyon sa akin, sasabihin ko kina Mommy at Daddy na paulit-ulit na may nangyari sa atin sa Amerika pero ayaw mo akong panagutan."

Malakas ang loob ni Hailey na sabihin iyon dahil alam ng mga magulang niya na madalas silang magkita noon ni Cedrick sa Amerika-noon pa na kaibigan ang turing nito sa kanya kaya pinakikiharapan siya. Hindi nagawang makabisita noon ni Holly kay Cedrick dahil pinipigilan ng mga magulang. At masunurin ang kapatid, marunong maghintay sa pinaniniwalaang 'tamang panahon'.

Hindi gaya niya. Noong nasa New York ay madalas niyang puntahan si Cedrick. Ilang beses siyang nagpadala ng pictures sa pamilya niya sa Pilipinas para inggitin si Holly.

She was that selfish. Ilang ulit din siyang naabutan sa condo unit ng binata ng mga magulang ni Cedrick, na ang akala pa nga ay sila na ng anak ng mga ito ang magkarelasyon.

"They won't believe you," ani Cedrick mayamaya.

Tumaas ang isang kilay niya. "Really? At sino ang mas paniniwalaan nila? Ikaw na hindi nila kadugo? Na hindi nila nakasama nang ilang taon? I'm a Lejarde, Cedrick. They will believe me, no matter what. I have ways to make them do so."

Dahil sa naging pamba-blackmail ay naging sila ni Cedrick pero sa mga mata lang ng ibang tao. Alam ni Hailey na natatakot din ang binata na masira ang reputasyon sa pamilya niya pati na ang relasyon ng ama nito sa kanyang pamilya, lalo na at vice-president ng kompanya nila ang ama ni Cedrick.

Nabigla man ang mga magulang ni Hailey ay tinanggap pa rin ng mga ito si Cedrick habang umiwas naman sa kanila si Holly. Ilang buwan lang ang itinagal ng relasyon nila-kung relasyon nga ba iyong matatawag. Sa huli ay hindi niya rin kinaya ang malamig na pakikitungo ni Cedrick sa kanya.

Bago si Cedrick ay marami na rin siyang naging boyfriend sa pag-aakalang malilipat sa mga iyon ang nararamdaman niya para sa binata. Pero nagkamali siya. Iyon ang dahilan kaya hindi tumagal ang mga naging relasyon niya sa ibang lalaki.

Matapos nilang opisyal na maghiwalay sa mata ng lahat ay naging abala si Cedrick sa trabaho. Tuluyan na kasing ipinamana ng tiyuhin nito ang pag-aaring ospital sa binata. Naging director si Cedrick doon. Alam niyang nagkasunod-sunod din ang mga problemang kinaharap noon ng ospital. Kaya ilang buwan ang lumipas bago nagawang puntahan uli ni Cedrick si Holly. Pero naging mailap na ang kanyang kakambal.

Iyon na ang huling balita ni Hailey. Dahil kung ano-ano nang komplikasyon ang pinasok niya matapos ang relasyon nila ni Cedrick.

Hanggang isang araw ay nakilala niya si Athan Williams. More crazy and unexpected things happened that drew her and Cedrick closer in the States. Sinamahan siya ng binata sa Amerika. Dahil pa rin sa kanya kaya lalong naudlot ang dapat ay panliligaw uli ni Cedrick kay Holly.

At ngayon ay ikakasal na ang kakambal sa isang lalaking nagngangalang Aleron Silva.

Napailing si Hailey. Katulad pa iyon ng pangalan ng kapatid ni Athan.

"Sana nga ay pwede kong panghawakan ang sinabi mong 'yan, Hailey. Pero pareho nating alam na hindi lahat ng unang minamahal, nagtatagal. Just because I was lucky to be the first man she fell in love with, doesn't mean I would also be the last."

Nahinto siya sa pag-iisip nang marinig ang mga sinabi ni Cedrick. Muling bumalik ang atensyon niya sa binata. Tapos na ito sa pag-eempake.

"Bakit ikaw, hanggang ngayon, mahal mo pa rin si Holly?" Hindi na sumagot ang binata. Lalong bumigat ang nararamdaman niya. "Sana kahit minsan, sumbatan mo man lang ako, Cedrick. Sana sisihin mo naman ako sa mga nagawa kong pagkakamali sa 'yo para gumaan naman ang loob ko."

Tumayo si Cedrick mula sa kama at hinila ang maleta. Lumapit ito sa kinauupuan niyang couch. Handang-handa na ang binata sa pag-alis.

"Many times, I must admit, I wanted to blame you, Hailey. Ginusto kong magalit sa 'yo. Pero hindi ko magawa. Maybe because at the end of the day, pareho lang tayong tanga." Nagkibit-balikat ito. "Mga tangang naipit sa isang sitwasyon." Marahang siyang hinalikan nito sa noo. "I hate to leave you," Puno ng pag-aalalang sinabi nito.

"I know." Bahagya siyang napangiti. "Because you are one heck of a good man. Pero tama na, Rick. Wala ka namang obligasyon sa akin. Tapusin mo na ang mga paghihirap mo sa akin. Leave. I can take it from here."

Ilang sandaling pinakatitigan siya ng binata bago mahigpit na niyakap. Mayamaya ay naglakad na ito palayo.

Mariing naipikit ni Hailey ang mga mata kasabay ng tahimik na pagluha. Diyos ko po, pahingi naman ng kaunting lakas.


GUMUHIT ang masayang ngiti sa mga labi ni Holly habang pinagmamasdan si Cedrick na nakaupo sa stool sa kanyang tabi sa maliit na hardin ng bahay niya. Ikinabigla niya ang pagdating nito nang gabing iyon, lalo na at wala itong pasabi. Ganoon pa man ay masaya siyang makita uli ang binata.

Bago si Jazeel ay si Cedrick ang orihinal na bestfriend niya. Naging malapit lang sila ni Jazeel sa isa't isa nang umalis na ang binata papuntang Amerika para doon ipagpatuloy ang pag-aaral. At bago dumating si Aleron ay si Cedrick din ang orihinal na sandigan at kauna-unahang lalaking kinilala ng puso niya. Matagal-tagal na rin silang walang komunikasyon mula nang iwasan niya ito. But seeing Cedrick that night made her realize just how much she had missed him.

Ngayon ay nagagawa niya nang makaharap ito nang walang sakit na nararamdaman. Doon lang nasimulang mapansin ni Holly ang pangungulila sa binata. Pero hindi na sa mas mataas na lebel kundi bilang kaibigan.

"Ceddie?" mahinang tawag niya sa nakasanayang palayaw nito nang mapansing para bang nahulog ang binata sa malalim na pag-iisip habang patuloy na nakatitig sa kanya. Nasorpresa siya nang makita ang pagrehistro ng matinding sakit sa anyo nito. Kasabay niyon ay bahagya siyang natensiyon.

Ganoong-ganoon kasi siya kung tingnan ni Cedrick noong bago ito umalis ng Pilipinas at nang bumalik. He was looking at her with those eyes-eyes that once upon a time, made her believe that he had feelings for her.

Mayamaya ay naipilig niya ang ulo. Ano ba ang mga pinag-iisip niya?

"What's the matter?"

"Your father called me less than two weeks ago. Inimbitahan niya ako sa kasal mo. I rushed back to Manila after I heard the news."

"I tried to call you. Pero hindi kita ma-contact."

Ilang beses niyang sinubukan na tawagan sa numero nito si Cedrick habang inaasikaso nila ni Aleron ang tungkol sa kasal. Pero parating unattended ang cell phone ng binata.

"Yeah." Tumango-tango ito. "Na-snatch ang phone ko. Kailan lang ako nakabili ng bago dahil marami-rami akong inasikaso. Si Uncle pa lang ang nagawa kong tawagan dahil siya lang ang may contact number doon sa ospital na pinanggalingan ko sa Amerika na konektado sa kanya. Sa kanya ko kinuha ang numero ni Daddy. Hindi na mahirap isiping kay Daddy nakuha ni tito Alfar ang bagong number ko.

"I wanted to call you every single day. But there are things I had to do first before I can do that. Before I can face you. Because those things, in some way, are connected to us. Pero ganito ang nangyari." Bumuntong-hininga ito. "May isang linggo na rin mula nang makabalik ako dito sa bansa. Paulit-ulit kong inisip kung ano ba dapat ang gawin ko. Binalikan ko ang lahat ng mga lugar na madalas nating puntahan noon."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Hindi ko maintindihan. Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Mahal kita, Holly. At iyon ang ibig kong sabihin."

She gasped.

Inabot ni Cedrick ang isang kamay niya. "Noong araw na naabutan mo kami ni Hailey sa bahay, magtatapat na sana ako sa 'yo. Akala ko, ikaw 'yong dumating. Hailey pretended to be you. When she kissed me, I kissed her back thinking that it was you. And that was my greatest regret. Sana pala, hindi ako nagpadala sa nararamdaman ko noon." Natawa ito. Pero malungkot iyon sa kanyang pandinig. "I was so stupid. I immediately grabbed the chance to kiss you back when I thought she was you. Because I thought that was a sign that you loved me, too.

"'Tapos dumating ka. Ginusto kong magpaliwanag but Hailey blackmailed me. Kung hindi ako papayag na magkaroon kami ng relasyon, masisira ako lalo sa 'yo at sa mga magulang mo. Posible ring magkalamat ang sitwasyon ni Daddy at ni Tito Alfar dahil doon. Damn," Naihilamos nito ang kamay sa mukha. "I know I'm not supposed to say those words. After all, it's in the past already. It's also ungentlemanly. Pero nababaliw na ako." Itinuro nito ang dibdib. "Ang sakit-sakit na kasi dito. Para akong sasabog dahil ang dami kong gustong sabihin. Pero hindi ko alam kung paano magsisimula."

Natulala si Holly. Napatitig siya sa matinding paghihirap sa anyo ni Cedrick. "P-pero bakit naman gagawin iyon ni Hailey?"

"Because she said she loved me, too." Inilahad ni Cedrick ang mga nangyari noon dito at kay Hailey.

Bumitaw siya mula sa pagkakahawak nito. Pilit na binalikan niya sa isip ang mga nangyari noon. Mayamaya ay hindi makapaniwalang napailing siya.

Posible kayang si Cedrick ang dahilan kung bakit hindi sila naging malapit sa isa't isa ni Hailey noon? Dahil mga bata pa lang sila, gaya niya, minahal na rin nito si Cedrick at nagseselos sa kanya?

Naalala niya ang mga naging pagtataray sa kanya ng kakambal nang wala namang dahilan at ang nahuhuling pag-irap sa kanya tuwing kasama niya si Cedrick. Nakikipag-unahan din si Hailey sa pag-upo sa passenger seat sa tabi ni Cedrick kapag sinusundo sila ng binata sa school. Parati rin itong sumusulpot at nakikisalo sa usapan nila ni Cedrick tuwing binibisita sila noon. Naalala rin niya ang pamamaga ng mga mata ng kakambal noong araw na umalis ang binata papuntang Amerika. Ilang araw itong hindi naglalabas ng kwarto nito noon.

Oh, God. Bakit ba hindi niya iyon napansin noon? Siguro ay masyadong natangay ang batang puso niya ng mga nararamdaman. Ang alam niya lang ay ang kilig at saya sa puso niya. Nakaligtaan niya nang isipin kung ano ang posibleng nararamdaman ni Hailey.

Anong klaseng kakambal siya? At si Cedrick...

Napahawak si Holly sa noo. Kulang dalawang taon din siyang nagpakalunod sa sakit dahil ang buong akala niya ay niloko siya ng binata at pinaasa lang. At ngayon ay nasasaktan ito nang dahil sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang unang iisipin.

Sunod-sunod na malalalim na paghinga ang pinakawalan niya. Bukas na ang kasal niya. Pero hayun siya at sinorpresa pa ng mundo. Bigla ay gusto niyang pagsisihan na hindi siya pumayag sa suhestiyon ng mga magulang na sa mansyon na magpalipas ng gabi kasama ang mga ito. Sa huling sandali ay ginusto niyang mapag-isa na muna. Para maramdaman ang huling gabi niya bilang dalaga, bago harapin ang panibagong kabanata ng buhay, kasama ang lalaking laman hindi lang ng puso kundi pati na ng mga pangarap niya.

Pero kung kasama lang sana ni Holly ang mga magulang ay alam niyang hindi siya hahayaan ng mga ito na makausap nang matagal si Cedrick. Hindi sana magugulo ang isip niya.

At si Hailey...

Muli siyang napabuntong-hininga. Hindi nila ma-contact ang kakambal. Hindi nila alam kung saan ito hahagilapin.

Si Hailey ang orihinal na gusto ni Holly na maging maid-of-honor sa kasal. Pinuntahan nila ni Aleron ang kakambal sa dating apartment nito sa New York, pati na sa mga lugar na madalas nitong puntahan noon. Pero hindi nila ito makita.

Nagtanong-tanong na rin ang mga magulang niya sa mga kaibigan ni Hailey. Pero wala ring alam pati ang mga ito kung nasaan ang kakambal niya. Nag-aalala na nang husto ang mga magulang. Humingi na ang mga ito ng tulong sa isang pribadong imbestigador para mahanap si Hailey. Pero wala pa ring balita hanggang ngayon. Nag-aalinlangan din ang kanyang ina na ituloy ang kasal niya, na mag-celebrate nang nawawala pa rin ito.

Pero nakahanda na ang lahat. Bukod pa roon ay gusto na rin ni Holly na maikasal agad kay Aleron. Hindi na siya makapaghintay na makasama ang fiancé. Kaya napagkasunduan nila na itutuloy pa rin ang kasal. At magkakaroon na lang ng ikalawang celebration sa oras na dumating na o kaya ay matagpuan na si Hailey. Si Jazeel ang naging maid-of-honor niya.

Nanlaki ang mga mata ni Holly nang bigla ay lumuhod si Cedrick sa harap niya. Napuno ng pinaghalong tuwa, awa at sakit ang kanyang puso. Tuwa dahil hindi naman pala siya niloko ni Cedrick noon. She was loved by him from the very beginning. Awa dahil sa sitwasyon ng binata; at sakit dahil sa nalamang pinagdaanan nito. Lalo na ni Hailey na sa huling sandali ng kunwa-kunwariang relasyon ay hindi nagawang angkinin ang puso ng binata.

"This is going to be the stupidest and craziest thing I'll ever say in my entire life. Pero akin ka na lang uli, Holly, utang-na-loob. Mahal na mahal kita. Sa akin ka na lang sumama bukas."

"God, Ceddie." Nagpapaunawang ikinulong ni Holly ang mga pisngi ni Cedrick sa kanyang mga kamay.

Iyon ang nakasanayan niyang gawin sa binata noong parati pa silang magkasama. Hindi siya sanay na makita ang binata na nagkakaganoon.

"I'm happy to know that you truly loved me." Bahagya siyang ngumiti. "Hindi pala ako nabigo sa unang subok ko sa pagmamahal noon. Nasasaktan ako para sa 'yo. Para sa inyo ni Hailey. Pero wala akong magawa. It's Aleron that I love now. And I'm sorry."

Naging malamlam ang kanyang mga mata. She didn't want to break Cedrick's heart even more. But she had to say those words.

"I'm so sorry because after everything that I've heard, I'm still going to wake up tomorrow morning to prepare for my wedding. 'Wag ka nang pumunta bukas. Ayoko na masaktan ka pa lalo. You are one of the kindest men I've ever met, Ceddie. Isa ka sa mga rason kung bakit nakapagsulat ako ng mga nobela. Dahil malaking bahagi ka ng inspirasyon ko. At alam ko, sa oras na pakawalan mo ako sa puso mo, marami ang nakahandang pumila para palitan ako." Muli siyang ngumiti. "Let me go, Ceddie. Free your heart from me. Iyon na lang ang wedding gift mo sa akin at sa sarili mo. Sa muli nating pag-uusap, alam ko, tatawanan na lang natin ang pangyayaring ito. Sa ngayon, umalis ka na muna, please. Ayokong magkasakitan pa tayo lalo."

"I love you so much," bulong ng binata.

"I know that now." Mahinang sagot niya. Lalong naghirap ang loob niya. "Tama na, Cedrick-"

Nagulat si Holly nang abutin ni Cedrick ang kanyang batok at likod. At bigla na lang siya nitong hinalikan sa mga labi.

Continue Reading

You'll Also Like

205K 11.4K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
37.8K 3.2K 46
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...