My Chocolate Princess (PUBLIS...

By IrisChase

66.7K 1.5K 154

"Hindi mo narin kailangan matakot na maunahan ka. Dahil noon pa man, ikaw na ang una. Kahit wala kang sabihin... More

My Chocolate Princess
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 10 (REAL ENDING)

CHAPTER 4

4K 101 0
By IrisChase

PRENTENG nakahiga si Maxene sa kama niya. Pero hindi parin mawaglit sa isip niya ang nalaman ni Zeus. Siguro ay papagalitan siya nito o kaya paparusahan siya. Okay! Paranoid na nga siya. Wala naman kasi itong sinabi habang nasa biyahe sila. Tahimik pa nga ang loob ng kotse dahil hindi siya dumadaldal. Nabulabog ang pag-iisip niya nang may kumatok.

“Who dares disturb my royal rest?” Nakasanayan na niyang sabihin ang linyang iyon tuwing may nang-iistorbo sa ginagawa niya o kaya naman ay may kakatok sa pinto niya. Hindi niya muna inabala ang sariling tumayo.

“The King of Olympus, Chocolate Princess.” Nataranta siya nang marinig ang boses ni Zeus. Humarap agad siya sa salamin at inayos ang nagulo niyang buhok at naglagay siya ng face powder. Ngayon lang siya nag-alala sa itsura niya sa pagharap kay Zeus. Dati naman ay wala siya pakialam kahit na hindi pa siya nakapaghilamos kapag kausap si Zeus kapag ginigising siya nito. Ano na ba talaga ang nangyayari sa kanya?

“Sandali lang.” Nang masigurong maayos na ang itsura niya ay binuksan niya na ang pinto. Natulala siya nang makita itong nakatayo sa tapat ng pintuan. He looked like a real Greek God. Pakiramdam niya ay tinamaan siya ng pana ng god of love na si Eros. Teka pakiulit nga, god of love? At paano naman nadamay ang love sa usapan, aber? Erase! Erase! She can’t find the right words to describe him. He is almost perfect.

“Hindi mo ba ako papapasukin?” untag nito sa kanya.

“O-Oo naman papapasukin kita. Come in.” Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. Sana lang ay hindi nito naririnig ang malakas na pagtibok ng puso niya. Nagpaalam muna siya na pupunta sa C.R.

Paglabas niya ng banyo ay laking pagtataka niya nang tila luminis ang magulong kwarto niya. Nilinis pala ni Zeus ang kwarto niya. Nanibago tulos siya. Hindi kasi siya sanay na malinis ang kwarto niya.

“Next time na pumunta ako dito, make sure your room is clean.”

“Bakit? Nagpasabi ka bang darating ka? Tsaka masyado akong busy kaya hindi ako makakapaglinis!” depensa niya.

“Busy? At saan ka naman busy?” Nangalumbaba pa ito habang nakatitig sa kaniya. If he’s seducting her or not, it’s really getting effective. Iniiwas niya ang tingin. Busy sa kaiisip sa’yo?

“Bakit ka ba nandito?” pagbabago niya sa usapan.

“Starting today, I will be your math tutor.” Noon lang niya napansin ang dala nitong mga libro. Pinaupo siya nito sa upuan sa tabi nito. Umupo naman siya kahit nagdadalawang isip siya na mapalapit dito. “Ano ba ang topic niyo ngayon?”

“Huh?” Hindi niya gaanong maintindihan ang sinasabi nito dahil masyado siyang makapokus ang atensyon niya sa mukha nito. Idagdag pa na ilang sentimetro nalang ang layo ng mga mukha nila sa isa’t-isa. Naamoy din niya ang mabangong hininga nito. Oh how handsome he is. Lalo na sa lapitan.

“Sabi ko, anong topic nyo ngayon sa math?” pag-uulit nito sa sinabi.

“A-Algebra kami. Composites.” Kinuha nito ang librong dala at inilipat ang mga pahina kung saan naroroon ang topic na sinabi niya. Siya naman ay hindi parin inililipat ang paningin. Ngayon ay ang mga mata naman nito ang napagdiskitahan niyang titigan. Geez! Bakit ba para siyang nahihipnotismo? Mukha tuloy siyang tanga ngayon.

“Hindi ka pa ba nagsasawa sa mukha ko? Araw-araw mo nang nakikita ‘yan.” Nilingon siya nito at ngumisi.

“A-Ang kapal mo ah!” Inialis niya na rito ang paningin. Ngunit lumingon din agad siya nang makitang papalapit nang papalapit ang mukha nito sa kaniyang mukha. He was going to kiss her! Hindi niya alam ang gagawin kaya pumikit nalang siya. First kiss niya iyon kung sakali kaya hindi niya alam ang gagawin. It has her very first kiss for pete’s sake!

Pero nainip na siya nang hindi pa dumadampi ang labi nito sa mga labi niya kaya dumilat na siya. Ang herodes! May dinampot lang palang kung ano mula sa likuran niya.

“Nandito pa pala ang ballpen na hiniram mo sakin. Hindi mo isinauli sa akin,” anito habang iniinspeksyon pa ang ballpen. Pakiramdam niya ay napahiya siya. Pero mas nakaramdam siya nang inis dahil binitin lang siya nito. Drat! Napa-isip tuloy siya kung ano ang pakiramdam ng mahalikan nito.

“Sayong-sayo na ang ballpen mo!”                          

Tumayo siya at padabog na tinungo ang pinto. Sumilip muna siya bago tuluyang lumabas. “I hate you!” patuloy parin siya sa pagdadabog habang naglalakad sa hallway ng bahay nila. pagliko niya papunta sa hagdan ay hindi sinasadyang nabangga niya ang mommy niya. Ang dala nitong mga baso at pinggan ay bumagsak at nabasag. Nagkalat ang mga laman at ang mga bubog niyon. Hangos na lumabas ng kwarto si Zeus nang marinig ang pagkabasag ng mga kasangkapan. Tsk. Tsk. Wala talagang nagagawang maganda ang pagdadabog.

“MOMMY! Sorry po! Di po kasi kita napansin.” Tinulungan ni Maxene ang kaniyang ina sa pagpulot ng mga nabasag na baso at plato.

“Kaya ko na’to. Baka masugatan ka pa.” Hindi naman siya nagpapigil rito. Ipinagpatuloy niya ang pagpulot. Kasalanan naman kasi niya kung bakit natapon ang dala ng mommy niya.

Lumapit sa kanila si Zeus. “Ano po’ng nangyari?” tanong nito.

“Dadalhan ko sana kayo ng haapunan. Kaya lang ay nabangga ako ni Maxene.” paliwanag ng Mommy niya.

“Blind curve po kasi ang daan natin dito. Dapat pala bumusina muna bago lumiko.” pabirong sabi niya.

“Naku, ang kulit mo talaga. Bumalik na nga kayo ni Zeus sa kwarto. Ako na ang bahala rito. Kaya ko na ito,” pagtataboy pa ng mommy niya.

Ayaw ko nga pong bumalik sa kwarto na ‘yon kasama ang kumag na ‘yan. Baka kagatin ko pa siya sa leeg dahil sa gigil ko sa kanya.

“Hayaan mo nalang ako ‘my. Kasalanan ko din naman po.” Maya-maya ay nakaramdam siya ng mahapdi sa kaniyang hintuturo. Nahiwa siya ng bubog. “Nahiwa ako.” aniyang parang engot na nakatitig sa dugo na galing sa nahiwa niyang hintuturo.

Hinila naman ni Zeus ang daliri niyang nasugatan at pinunasan iyon ng panyo. “Masakit ba?” tanong nito. Hindi naman siya nakasagot at nanatili lang na nakatitig dito. Hinipan nito ang sugat niya. It was just a simple gesture but she found it sweet.

“’Yan na nga ba’ng sinasabi ko eh.” Binalingan ng mommy niya si Zeus. “Zeus, pwede bang pakigamot mo naman ang sugat ni Maxene? Liligpitin ko lang ito,” sabi ng mommy niya habang patuloy na nililigpit ang mga nabasag. “Ilayo mo na siya dito at baka madagdagan pa ang sugat ng batang ‘yan.”

“Sige po.” anito.

“’My! Pwede ko naman ‘tong gamutin mag-isa, ah?” protesta niya. Hangga’t maaari ayaw muna niyang malapit kay Zeus dahil baka makagawa pa siya ng masama.

Gaya ng pagsamantalahan siya?

“Huwag na. Baka lalo mo lang paduguin iyan.” sabi pa ng mommy niya. Sa halip kasi na gamutin agad ang sugat ay mas natutuwa pa siyang pagmasdan ang dugo niyon. May pagka-weirdo talaga siya mdalas.

“Okay. Okay.” pagsuko niya.

Bumaba sila ni Zeus sa kusina dahil naroon ang medicine cabinet nila. Umupo siya sa upuan sa tabi ng counter table habang kumukuha naman ng alcohol, betadine, at bulak si Zeus. Kinuha nito ang kaniyang kamay at nilinis ang kanyang sugat sa pamamagitan ng bulak na may alcohol.

Napasingahap siya dahil sa hapdi na dulot ng alcohol. Kahit bahagya lang ang pagdampi ni Zeus sa sugat niya ay masakit iyon. “Tiisin mo lang. sandali nalang ‘to.” Hinipan nito ang sugat niya. These are the times that she sees the gentle side in him, in his simple but sweet gestures. Nakamasid lang siya dito hanggang sa malagyan na nito ng band-aid ang sugat niya.

“Thank you.” Tiningnan niya ang band-aid sa daliri niya. “Pwede ka palang maging nurse.”

Hinimas nito ang sariling baba na animo ay nag-iisip. “Actually, second choice ko ang nursing dati.” animo ay seryoso nitong sabi.

Na-imagine niya itong maging nurse. Napailing siya. Sa itsura nito, baka rey-pin pa ito ng mga pasyente nito. Sayang pa naman ang kagwapuhan nito kung magagahasa lang. Okay na yung siya nalang ang mang-harass dito. Ano ba ‘yan Maxene! Masyado ka nang nagiging berde! “’Wag na! Hindi bagay!” nakangiwing sabi niya.

“Bakit naman? Ako nga palagi ang nurse mo tuwing nagkakasakit ka eh.” Totoo naman ang sinabi nito. Ito kasi ang laging nag-aasikaso sa kaniya tuwing nagkakasakit siya. lalo na kapag wala ang mga magulang niya. Minsan nga kahit nasa bahay ang mga magulang niya ay ito lagi ang nag-aalaga sa kaniya.

“Okay na yung ako nalang ang inaalagaan mo.” Hindi niya alam kung paano iyon lumabas sa bibig niya. But she was pretty sure that is what her heart really wants to say. She wanted him to take care of her-only her.

“Dehado naman ako. Wala na akong sweldo, makulit pa ang pasyente ko.” pabirong sabi nito. Ngumuso siya. “Joke lang. Tara na. tingnan natin kung kamusta na si tita doon.” Paano nga ba niya hindi mapapatawad ito eh ngiti palang nitong ay napasuko na siya.

Tumayo narin siya. “Hindi bale, free psych sessions, gusto mo?” nakangiting sabi niya.

“Masahe nalang. Kapag napagod ako sa pag-aalaga sa’yo.” Kapag napagod na daw ito sa pag-aalaga sa kaniya. Pero sana naman ay hindi ito magsawa sa pag-aalaga sa kaniya. It would surely break her heart.

“Hard lang ang alam ko.” nakangising sabi niya. Nagiging berde na naman ang utak niya. Naughty. You’re such a naughty girl, Maxene.

Malapit na sila sa hagdan nang tumigil ito sa paglalakad. “Maxene.”

“Hmm?”

“Promise me that you would listen carefully and understand what I teach to you, okay? Para hindi ka na mahirapan sa lessons niyo. I know you can do it.”

“Okay.” nakangiting sabi niya. “Promise.” Itinaas pa niya ang kanang kamay. Natutuwa siya dahil  naniniwala ito sa kakayahan niya. Akala niya ay mamaliitin lang siya nito dahil mahina siya sa Math. Pero mali pala siya. Ito pa ang naniniwala na kaya niya. And that is a big deal for her, having his trust.

SABADO ng madaling araw nang magising si Maxene. Hindi na siya nakatulog ulit dahil masyado siyang na-bother sa panaginip niya. She has been having the same dream for three days straight simula nang i-tutor siya ni Zeus at sinimulan niyang kwestyonin ang mga kakaibang damdamin na iyon ‘pag kasama ito.

Sa panaginip niya, lagi niyang kasama si Zeus. Dinadala daw siya nito sa isang mataas na lugar kung saan natatanaw ang isang puting bilog na keso. Mas nagtaka siya sa isang bagay kesa sa puting keso. In her dream, they were kissing--passionately kissing. As if they were in love with each other. Na imposible namang mangyari. Paano naman ma-i-in love ang isang tulad nito sa kagaya niya? Childish, clumsy, and talkative. She’s an idiot if she believes that would happen. Pwede na sigurong siya nalang ang ma-i-in love dito kesa ito ang ma-in love sa kaniya. There you have it. You just confessed to yourself that there is a possibility that you can fall for him. Or maybe, talagang in love ka na nga sa kanya? Matutunaw na talaga ang utak niyang malabnaw na sa kaiisip kung ipagpapatuloy pa niya ang pagkausap sa sarili tungkol sa nararamdaman niya sa isang lalaking hindi naman naiintindihan ang nararamdaman niya. Well, hindi ko rin naman naiintindihan ang sarili kong damdamin.

Hoy! Ang sabi ko itigil mo na iyan.

Kahit madilim pa ay bumangon na siya. Kaysa maburyong siya sa ka-iisip at maipadala pa sa mental hindi bilang psychologist kundi bilang pasyente.

Pinatungan niya ng jacket ang pajama-top at nagsuot ng sneakers niya. Sa back door siya dumaan palabas ng bahay. Lumipat siya sa bakuran ng mga Montera. May daanan kasi mula sa bakuran nila, papunta sa bakuran ng mga ito. Hihiramin sana niya si Voltaire-ang family dog ng mga Montera. Maamo naman ang asong iyon sa kaniya dahil kilala na siya nito bata pa lamang sila. Para man lang may kasama siya. Ipapalapa niya kay Voltaire ang magtatangka ng hindi maganda sa kanya.

Patay pa ang mga ilaw sa bahay ng mga Montera dahil masyado pang maaga. Inistorbo niya ang pagtulog ng pobreng aso. “Halika Voltaire, mamasyal tayo. Wala akong pasok ngayon. Maglalakad-lakad tayo.” Kasalukuyang tinatanggal niya ang pagkakatali ng aso nang may humawak sa braso niya. Nanigas siya sa takot. Oh God! Mamamatay na po ba ako? Mamatay po akong ‘No boyfriend since birth’ at tigang ang buhay pag-ibig? Ni hindi ko pa nga naiisip kung mahal ko talaga si Zeus. Tulungan Niyo po ako.

Continue Reading

You'll Also Like

18.1K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.9M 38.8K 75
[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 2] They are finally together-Viel and Hanna. For 4 years he searched the country just to find her. Trials tested them. And...
1.8K 139 30
Nagkagusto si Hera sa matalik nitong kaibigan na si Charwin na lalaki rin ang gusto. Walang perpekto at lahat ay nagbabago, hindi nito inaasahan na a...
7.3K 62 50
Ang storyang ito ay ang kwento na magpapagulo sa mga isipan niyo.