The Devil's Son

By Itst4sha

852K 11.6K 3.3K

"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
DO NOT PROCEED
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
BASAHIN NIYO :)
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
I : Ang Anim na Kasalanan
II : Ang Anim na Kasalanan
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
OLD MESSAGES FROM MY READERS
UPDATE
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY-ONE
CHAPTER FIFTY-TWO
CHAPTER FIFTY-THREE
TO ALL THE TDS FANS/READER

CHAPTER TWENTY

17.4K 219 60
By Itst4sha


[KATHY'S POV]

It was almost a week since the last time Damon and I talked. But it seems like forever to me. Pinanindigan niya ang sinabi niya niya na gagawin niyang madali ang lahat para sakin. Hindi niya ako pinapansin, ni hindi niya ako tinitignan. Parang bumalik kami sa dati, yung hindi ako nageexist sa mundo niya.

There were times that he was just sitting two tables away from me, pero parang Luzon to Mindanao ang layo niya sakin. Hindi ko siya maramdaman.

I thought it would be as easy as 1,2,3 but it was not. It was killing me slowly everyday. Yung feeling na comatose ka at tanging oxygen na lang ang bumubuhay sa'yo pero kailangan mong lumaban kasi hindi lang naman siya ang dahilan kaya nabubuhay ka. Ganon ang nararamdaman ko.

I know, I'm stupid.

Pero mas gugustuhin ko ng magsinungaling at saktan siya kaysa makitang unti-unti niyang isinasakripisyo ang sarili niya para lang sakin.


"I don't hate you. I love you. But loving you is killing me. So this is goodbye even if I don't want it to be."

- Nikita Gill


Itinago ko ang diary sa bag ko.

Simula din noong gabing yon ay hindi ko na din nakita si Erick. I don't

even have the slightest idea where his whereabouts could be. Hindi ko din alam kung nasaan si Sthep, hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko.

Bakit ba kung kailan kailangan mo ng taong makakausap, saka naman sila nawawala?


Out of nowhere ay biglang may lumapit sa akin na dalawang babae. Hindi ko sila kilala pero mukhang alam ko na kung bakit nandito.

"Ikaw ang gumawa ng group project natin. Tutal, ikaw naman ang "magaling" di ba?" She emphasized the word.

"Saka ikaw na din ang gumastos sa printing. Gold digger ka naman so malamang marami kang pera." Dagdag pa ng isa.

Inilapag nila sa harap ko ang mga papel na isang dangkal yata ang kapal. Wala akong magawa kundi ang tumango na lang sa kanila.

Ito na yata yung sinasabi nila na, "Life is a bitch."


"Anong meron?"

"Hi Erick!" Halos sabay na bati ng dalawang babae na nasa harap ko.

Hindi ko na kailangan pang lumingon para alamin kung sino ang dumating.

"Ano 'to?" Tanong ni Erick ng damputin niya ang mga papel sa harapan ko.

"Group Project namin yan. Sabi kasi ni Kathy siya na daw ang gagawa eh. Hinatid lang naming sa kanya." Nakangiting paliwanag nung isang babae.

"Oh I see ..." Lumapit siya sa isang babae saka niya itinapat ang mga papel na hawak niya sa mukha nito. "Nakakain ka na ba ng isang dangkal na papel?"

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko yon mula kay Erick. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon.

"H-hindi pa."

Nagkakandautal na sagot nung babae dahil marahil sa takot.

"Nakakatawa kayo ... nung nagpaulan ng kapangitan ng ugali at itsura, sinalo niyo na yatang dalawa." Saka tumawa ng malakas si Erick. "Subukan niyo pang guluhin si Kathy, hindi lang itong papel na 'to ang ipapakain ko sa inyo."

Hindi na sumagot yung dalawang babae. Kinuha na lamang nila yung mga papel saka sila umalis.

Umupo naman si Erick sa kabilang upuan. Tumingin siya sakin. No - tinitigan niya ako.


"Did you miss me?" He was smiling but it was kind of different.

"H-ha?"

"Alam mo Kathy, hindi ko alam kung may mali ba akong nagawa sa'yo para maging bulag at bingi ka pagdating sakin."

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nagbago. Hindi lang sa ugali kundi pati na rin sa itsura.

Halos makita ko na ang mga ugat niya sa katawan sa sobrang putla niya. Ganoon din ang kanyang labi. And one thing I noticed, yung mga mata niya, nanlilisik. Yung mga tingin niya na kayang pumatay ng tao.

"H-hindi kita maintindihan Erick." Yun lang ang nasabi ko.

"Hindi mo ako maintindihan ..." Tumayo siya saka siya bahagyang lumapit sakin. "Of course, hindi mo ako maiintindihan. Paano mo ako maiintindihan kung palagi na lang si Damon ang iniintindi mo?"

Hindi ako nakasagot.

Nasaktan ko ba siya?

May nagawa ba akong mali?

May nasabi ba ako sa kanyang masama?

"You we're with him last week, right?" Hindi pa man ako nakakasagot ay muli siyang nagsalita, "You even told him ...




... you even told him you love him."

Napatingin ako sa kanya sa sobrang pagkagulat. "Paano mong-"

"Because I know everything Kathy, everything!"

Naguluhan ako. Paanong nalaman ni Erick ang mga bagay na yon? Sinabi ba ni Damon? Nag-usap ba sila? Pero bakit?

"Erick please ... magulong-magulo ang utak ko ngayon. I need someone to talk to. Hindi ko kailangan ng isa pang problema na dadagdag lang sa iniisip ko." Pakiusap ko sa kanya.

"So I'm a problem to you now."

"Hindi naman sa ganon. Hindi ganon ang ibig kong sabihin." Naiirita ako pero pinipilit kong maging kalmado. "Ano bang nangyayari sa'yo? May problema ba?"

"Even angels get pissed off Kathy."

Nang tumingin ako sa mga mata ni Erick ay hindi siya ang nakita ko kundi ibang tao. Hindi si Erick ang lalaking kaharap ko ngayon. Unti-unti akong nakaramdam ng takot. Kaya naman agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

"I don't know what you were saying. I'm sorry, I have to leave." Nagmamadali kong kinuha ang bag ko saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko.

"No." Bigla niya akong hinawakan sa braso.

Napatingin ako sa kanya. At laking gulat ko ng mapansin ang mga mata niya, kulay pula ang mga iyon.

Kinilabutan ang buong katawan ko sa nakita ko.

"B-bitawan mo ako Erick."

"Hindi kita bibitawan. Kahit kailan, hinding-hindi kita bibitawan. Lahat isasakripisyo ko para sa'yo Kathy. Kahit sarili ko - wag ka lang mapunta sa Damon na yon!"

Sa sobrang lakas ng pagkakasabing yon ni Erick ay nakuha niya ang atensiyon ng gwardiya. Kaya naman nilapitan kami nito.


"Anong nangyayari diyan?" Tanong ni Manong guard habang lumalakad papalapit sa amin.

Then everything just stopped from moving. Parang movie na naka-pause ang lahat. Tanging ako, si Erick at ang gwardiya lamang ang nakakagalaw. Maging si Manong guard ay hindi makapaniwala. Nakanganga ito habang nililibot ng tingin ang paligid.

"E-erick ..." Mangiyak-ngiyak kong tawag sa pangalan niya.

I don't know what's happening in this world. Alam kong minsan nadedemonyo ang mga tao pero hindi ko inaasahan na literal na may demonyo ditto sa mundo. And I didn't see that coming.

Bakit si Erick? Bakit siya pa?

"Pasensiya na Manong pero hanggang ditto na lang ang itinakdang oras ng Diyos para sa'yo." Kasabay noon ay ang pagtawa ng malakas ni Erick. Tawang animo'y nanggagaling sa ilalim ng lupa. Nakakakilabot.

Walang anu-ano'y biglang nilamon ng apoy ang gwardiya. Humihiyaw ito sa takot habang unti-unting inaagnas ng apoy ang katawan niya. Maya-maya pa'y nabiyak ang lupa, kasabay noon ang mga nakakakilabot na sigaw mula sa ilalim nito. Kitang-kita ko kung paano nilamon ang walang buhay na katawan ng gwardiya habang patuloy itong inaagnas ng apoy.

Biglang tumingin si Erick sa akin.


'Damon ... Damon please tulungan mo 'ko.' Sigaw ng isip ko.


"T-talaga bang ganito na lang kadali para inyong mga demonyo ang paglaruan ako?!" Umiiyak kong tanong sa kanya.

"You just don't get it, do you?" Saka niya ako hinila papalapit sa kanya. "Did you know that I was your f*cking angel? I was the one who saved your life, I was the one who protected you from those devils! It was not Damon, it was me!"

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Nalilito at naguguluhan na ang isip at nararamdaman ko. I was scared and confused. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi ko na alam kung paanong nangyayari sa akin ang lahat ng 'to.

"I sold my soul to his father. I gave up being an angel and chose to be a devil for you instead. Kasi ito naman ang gusto mo di ba? Kaya eto, nagpakademonyo ako para sa'yo."

Bigla niya akong niyakap.

Nanginginig ang buong katawan ko.

Hindi sa takot kundi sa pandidiri sa taong may yakap sa akin ngayon.

"I love you Kathy. Mahal na mahal kita."

Kung ganito ang pagmamahal, hinding-hindi na ako magmamahal pa. I just told myself that I would regret leaving Damon. And Karma just bounced back at me, not just once coz I know, it will be ... forever.


Naramdaman ko na lang na nanghihina ako. Unti-unting dumilim ang lahat. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.


Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...