Under His Hoodie

By bratmind

12.1M 559K 374K

(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obse... More

Note
Simula
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Nazareth's POV (Part 1)
Nazareth's POV (Part 2)
Nazareth's POV (Part 3)
Special Chapter

Chapter 1

372K 15K 12.7K
By bratmind

Dilat na dilat ang mga mata ko. Walang kurap-kurap, titig na titig ako sa mukha ni hooded guy. Nakapikit siya. Parang dinarama niya ang labi ko.

Is this happening!?

Ang unang halik ko! Bakit napunta sa kaniya?!

Buong tapang kong tinulak ang lalaking ito. Hindi sapat iyon para maalis siya sa pwesto niya. Lalaki siya, mas malakas siya.

Nakaawang ang kaniyang labi habang tuwang-tuwa na pinapanood ako. Nakangisi siya, tuwang-tuwa sa galit ko.

Nagdidilim ang paningin ko. Madilim na nga rito, mas nagdidilim pa. Kaya naman ay dinampot ko ang kung anong madampot ko at walang kapuso-pusong hinampas ito sa kaniya.

"Fuck! Fuck!" he cursed.

"How dare you steal my first kiss! Hayop ka!" Patuloy ako sa paghampas ng matigas na bagay sa kaniya.

Hinarang naman niya ang kaniyang braso upang pangsangga sa bawat palo ko. That kiss didn't happen. Please. Oh my god!

Nawala na 'yong iniingatan kong unang halik na dapat ay ibibigay ko lamang sa isang tao na matagal ko nang gusto. Hindi ko na ito maibibigay kay Neo. It was reserved for him!

Paano na 'to?

"Calm down! Calm down! Okay?" He chuckled.

"Anong calm down-calm down ka riyan! Kinuha mo ang first kiss ko! Para kay Neo lang 'yon!"

He growled a peal of laughter. "At sa tingin mo magugustuhan ka ni Neo?"

Dahil doon ay napahinto ako sa pagpalo sa kaniya. Tuwang-tuwa pa rin siya sa sinabi ko. Samantalang ako ay natulala't hindi nakapagsalita. It seemed like a burst of thunder that made me stop.

Hindi niya napansin na nakababa na pala ang hoodie sa ulo niya. Kitang-kita ko ang kabuuan ng mukha niya. He looked better without something on his head. Mas napagmasdan ko siya. Maaliwalas ang kaniyang mukha. His pushed back hair made him look neat and clean. Ang pantay-pantay na ngipin niya ay kitang-kita rin dahil sa malakas niyang pagtawa.

He's indeed...

A god.

My eyes can't take off of his face. May ganito pala kaputi na tao? Daig niya pa si Snow White sa sobrang puti. Siguro'y pinaglihi siya sa nyebe.

It made me silent for a minute. I was deeply astounded.

Hindi ko tuloy napansin na nakanganga ako habang pinagmamasdan siya. Heck, even his laugh sounded music to my ears. Parang ihip ng hangin na naglaho ang naramdaman kong kirot sa dibdib ko kanina dahil sa sinabi niya.

Bigla akong bumalik sa reyalidad nang magsalita siya. "Bakit ka nakanganga riyan?"

He looked so serious. Ngayon pa lang ay masasabi ko nang ang ganda ng mata niya. Para siyang naka-eyeliner pero hindi naman. Isama pa ang mahaba niyang pilik mata at matangos na ilong.

"Hey, I'm asking you," untag nito.

Kumurap ako. "A-ah. A-ano nga ulit 'yon?"

He chuckled. Pinitik nito ang noo ko. "Aray!"

And because of that, muli kong naalala ang kasalanan niya sa 'kin. Walang pangundangan ko siyang sinaksak ng hawak kong kutsilyo. Biro lang. Hinampas ko lang siya ng sapatos ko.

"Akala mo makalilimutan ko na 'yong ginawa mo?" Gigil ko siyang hinampas.

"I'm sorry!"

"I'm sorry," I mocked while making a face.

"Can you please stop? It hurts!"

"Can you please—"

"If you won't stop, I'll do it again!"

I stopped.

Parang nag-echo sa utak ko ang huling sinabi niya.

"U-u-ulit?"

He smirked. Tumaas ang kaliwang kilay niya at tumango. Tila nanghahamon. His candle-like fingers combed his hair, and he licked his lower lip. Dahil doon ay mas nadepina ang kulay ng kaniyang labi.

"I won't hesitate to kiss you again, lady."

"P-putangina... seryoso ka?"

"I'm dead serious."

Nanlaki ang mata ko at wala sa sariling tumakbo papunta sa pintuan ng rooftop. Rinig na rinig ko ang malulutong niyang halakhak habang bumababa ako ng hagdanan.

**

Kinabukasan, my mind was preoccupied with that hooded guy. Lutang ako habang nagtuturo ang professor sa harapan. Alam ko rin sa sarili ko na kilo-kilo ang eyebags ko ngayon na pwede na sigurong ibenta sa market.

Hindi ako nakatulog kagabi nang dahil sa lalaking 'yon!

Bago pumasok ay nakita ko ang aking repleksyon sa salamin ng coffee shop na nadaanan ko. Namumula ang mata, tapos yung ilalim ng mata ko ay itim. I sighed. Grabe ang iyak ko kagabi. Hindi talaga ako makapaniwala na yung reserved first kiss ko ay nakuha ng iba.

Dapat kay Neo 'yon.

Wala na akong magagawa.

"Miss Angeles get out of my class kung hindi ka makikinig sa klase ko!"

"Ay pepe mo!"

Napatakip ako ng bibig dahil sa nasabi ko. Kitang-kita ko ang pagsalubong ng kilay ni Mrs. Makatarungan at ang pamumula ng kaniyang mukha.

Lagot!

"Get out of my class!"

Nagmamadali kong dinampot ang bag ko. Nadaanan ko si Hera na nag-aalalang nakatingin sa 'kin. I smiled to assure her that I was fine.

Pagkalabas ko ng room ay nakurot ko ang sarili ko. It was so embarassing! Ito ba ang epekto ng walang tulog?

Dumiretso ako sa library pagkatapos no'n. Siguro dito na lamang ako magpapalipas ng oras. I texted Hera that she should pick me up in the library after Mrs. Makatarungan's class.

Nagtungo ako sa pinakadulong table. Nilapag ko ang bag ko sa katapat na upuan. Malalim akong bumuntong hininga. That kiss bothered me so much. Ang sakit sa panga ng malas na 'yon!

Ang tanga mo rin kasi, Hellary. Pinapaalis ka na nga, hindi mo pa sinunod. Anong nangyari? Eh 'di na-sample-an ka?

Sa inis ko ay pinukpok ko ang ulo ko nang paulit-ulit. "Bobo mo, Hellary. Dapat kasi sinunod mo na lang siya! Ayan tuloy! Nawala na yung first kiss mo! Ano na lang sasabihin sa 'yo ni Neo? Na yung future girlfriend niya ay malandi?" I said while tapping my head.

"Pffft."

Nahinto ako sa pagpukpok ng sarili ko. May narinig akong tumawa!

Dahan-dahan akong lumingon, sapat na iyon para makita ang taong hindi ko inaasahan.

Prenteng-prente siyang nakaupo sa upuan habang nakasandal ang kaniyang batok sa kamay niya. Nakapatong ang kaniyang paa sa table. Nakangisi siya habang kagat ang ibabang labi.

"K-kanina ka pa riyan?"

Umayos siya nang pagkakaupo. Nangalumbaba siya gamit ang dalawa niyang kamay. Naglalaro ang ngiti sa labi niya habang nakatitig sa 'kin. Ang gwapo!

"Kanina pa."

Natawa siya sa reaksyon ko na parang batang natatae. Ibig sabihin, nakita niya ang ginagawa ko kanina? Hala ka, Hellary. Nakakahiya!

Namula ang mukha ko. Pero bakit hindi ko siya napansin? Oh, God. I must have been too preoccupied about the kiss. I didn't notice he was there.

"N-n-nakita mo?"

Muli niyang kinagat ang labi niya at dahan-dahan siyang tumango.

Napa-facepalm na lamang ako. Nakita niyang kinakausap ko ang sarili ko kanina. I couldn't be more embarrassed. Ang sarap magpalamon sa sahig.

"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong niya.

"Ano pa, edi napuyat sa ginawa mo!"

Muli ko na namang naalala ang nangyari kagabi. "Dahil sa 'yo—"

"Hush! Get out of the library!" nanlilisik na wika ng librarian. "Dahil sa 'yo ako'y matapang? Char. Get out!"

"Sorry po," sabi ko at tumayo. Samantalang nagpipigil naman ng tawa si grey-hoodie guy.

Lumabas na ako dahil baka mapagalitan pa kami lalo. Mahirap na't baka detention ang abot ko nito. Sumunod naman siya sa 'kin. Akala ko susunod rin siya papuntang cafeteria pero tumalikod na siya habang nakapatong ang kamay niya sa likod ng kaniyang ulo.

Malakas ang loob niyang lumabas dahil class hours ngayon. Walang mga estudyante ang gumagala. At pansin ko rin na naka-hoodie pa rin siya ngayon. Hindi niya ba nilalabhan 'yan?

Inirapan ko siya kahit alam kong hindi niya makikita. Basta ako, kakain na lang ako sa cafeteria. Hindi rin pala ako nag-breakfast kanina. Nagmamadali akong umalis sa bahay para hindi makasalamuha ang step-father ko kasama si mommy. A mere sight of them would choke me to death. So, I'd rather not see them together. I would remember how my mom left my father for that bastard.

Nag-order ako ng carbonara at orange juice. Maybe I will not eat later for snacks. Carbonara was enough to fulfill my stomach, as usual. It was my favorite food. Naalala ko noon palagi akong nilulutuan ni mommy tuwing birthday ko ng carbonara, but things had changed when she separated from my daddy and found another man.

May mga bagay kasi talagang kapag iniwan mo ay hindi na katulad ng dati kapag binalikan mo. Nakakatakot yung gano'n. Iniwan mong nasasaktan, binalikan mong maayos na at walang kahit na anong iniindang sakit mula sa 'yo.

Pagkatapos kong kumain ay tumambay muna ako sa garden ng Elron High. It was restricted. Bawal pumasok ang kung sinong estudyante rito pero wala akong pakialam. Wala namang nakabantay.

Humiga ako sa damuhan. Hindi ko na ininda kung marumi ang hinigaan ko. Basta para sa 'kin ay nakaka-relax ang amoy ng paligid. Ang preskong hangin mula sa mga puno, ang humahalimuyak na bangong taglay ng mga bulaklak.

Sinandal ko ang aking ulo sa wrist ko. Pinanood ko ang mga ibon sa kalangitan. They soar high above the earth, high above troubles and doubts. Minsan hiniling ko na sana ay isang ibon na lamang ako. Lumilipad nang walang problema, masayang nagpapatangay sa hangin.

When I was a child, I also dreamed of becoming an abstract painting. Yung kahit magulo ang pagkakapinta ay pilit pa ring iintindihin ng mga tao malaman lang ang nakatagong ibig sabihin nito.

Gusto ko 'yon. Gusto kong intindihin ako ni mommy, gusto kong malaman niyang gusto kong magkabalikan sila ni daddy. At nais ko ring malaman niya na hindi ko gusto ang relasyon nila ng step-father ko. Because it was tough for me growing up.

Pero lahat nang 'yon ay hindi mangyayari.

My mom would not even want to hear me out.

She didn't care about me nor my words.

Malabo.

But the moment she had chosen that bastard over my father, she had also lost her daughter. She put a dot between us, and it was never my fault to feel this way.

Bumuntong hininga ako't pumikit. Dinama ko ang sariwang hangin galing sa mga puno na humahampas sa mukha ko. I did the inhale and exhale exercise. I texted Hera that she should pick me up in the garden and not in the library and cafeteria.

Hindi ito agad nag-reply dahil malamang ay tutok ito sa klase.

Siguro'y sa antok ay hindi ko namalayan na umidlip na pala ako. Nagising na lang ako nang mag-vibrate ang phone ko.

Napabalikwas ako ng bangon. Madilim na ang kalangitan. Wala na ring estudyante sa paligid. Tanging huni lamang ng mga insekto.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong hindi ako nakapasok sa mga klase ko at nakatulog ako buong araw!

Oh my god.

Agad kong dinukot ang cellphone ko, sapat na iyon para makita ang message ni Hera.

Hera:

Uy 'te! Pasensya na ngayon ko lang nakita message mo. Dead batt ako eh, 'di ko nacharge kagabi. Nasa bahay na ako, sana nakauwi ka na sa inyo. Mwa. Ingats.

Napalo ko na lang ang tuktok ng ulo ko. Nagtipa ako ng reply kay Hera.

Ako:

It's okay, I'm fine. I'm OTW home.

Inayos ko na ang sarili ko. Sinukbit ko na ang aking bag sa braso ko. May mga ilaw pa rin naman ang campus ngunit iilan lang. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot kaya napayakap ako sa sarili ko lalo na't biglang lumamig ang hangin.

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok.

Hindi kaya... may multo talaga rito sa Elron High?

"Boo!"

"Ay!"

Nakarinig ako ng malulutong na halakhak. Ako naman ay gulat na gulat dahil may humila ng paa ko. Paglingon ko ay tumambad sa 'kin ang mukha ng hoodie guy. May hawak itong flashlight na nakatapat sa kaniyang mukha.

Tawang-tawang siya habang nakaturo sa mukha ko.

Pero nakaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Bumilis ang aking paghinga at parang pinipilipit ang dibdib ko. Panay ang buka ng bibig ko upang makasagap ng hangin.

Natigil siya sa pagtawa.

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
916 120 8
[The chapters of this story can be found on MajCreationsʼ profile. To continue on reading, kindly visit her profile, thank you!] Ang gusto lang nama...
1.6M 76.9K 44
(Garnet Boys Series #2) Aurelia turns out to be the daughter of a big time criminal. And she lost everything because of it... Yaman, mga kaibigan, at...
CLOSURE By 🥀

Teen Fiction

385K 19.5K 38
Bri and Gani. How long would it take for you to realize that something changed? Book cover by @heysedayu 🌸 Highest rank: #4 in Teen Fiction (June 3...