Mafia Boss Obsession [PUBLISH...

By Miss_Terious02

2.1M 36K 1.5K

Sa edad na twenty three ay ulila na sa magulang si Abigael Mendez at tanging ang tita niya na lamang ang kasa... More

Mafia Boss Obsession
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Thank You!
MIBF 2023

Chapter 34

38.5K 651 40
By Miss_Terious02



Enjoy reading!

Ilang araw na ang lumipas nang nag-usap kami ni Harvey. At hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang alok niya sa akin. Natatakot ako na baka maulit na naman ang nangyari na pilit kong kinakalimutan.

"Abby, nandyan na ba si sir?" Tanong ni Shane na isang receptionist.

"Wala pa e." Sagot ko.

"Ganon ba? Sige, mamaya na lang ako babalik." Sabi niya at naglakad na. Napatingin naman ako sa aking relo kung anong oras na. Magtatanghali na ngunit wala pa rin si Mr. Lagatuz. Siguro ay may pinuntahan pa siya.

Habang abala ako sa mga files na ipapipirma ko kay Mr. Lagatuz ay biglang tumunog ang selpon ko hudyat na may tumatawag ko. At pangalan ni Mr. Lagatuz ang nakalagay sa screen.

"Hello po, sir?" Sagot ko.

"Hello, Abby, si Mrs. Lagatuz ito." Sabi ng nasa kabilang linya. 

"Sorry po, ma'am. Bakit po kayo napatawag?" Tanong ko.

"Abby, hindi makakapasok ngayon ang asawa ko dahil nandito siya sa hospital." Malungkot na sabi ni Mrs. Lagatuz.

"Ano pong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko.

"I don't know, Abby. Bigla na lang siyang nahimatay kanina. Hindi pa kasi lumalabas ang doctor." Sagot niya sa kabilang linya. Halata sa boses niya ang pag-aalala sa asawa.

"Ma'am, relax lang po kayo, okay? Pupunta po ako riyan." Sagot ko.

"No need, Abby. Ikaw na muna ang bahala sa kompanya. Ako na ang bahala rito." Sagot niya. Ngunit hindi pa rin ako mapakali kapag nandito lang ako. Para ko na rin kasing tatay si Mr. Lagatuz.

"Sige po. Pero mamaya pong uwian ay pupunta po ako riyan." Sagot ko.

"Okay, sige.  Thank you, Abby. Bye." Sabi ni Mrs. Lagatuz at tinapos na ang tawag. Naaawa na  ako kay Mr. Lagatuz. Wala man lang akong may maitulong sa kanya. Nalulugi na nga ang kompanya niya tapos na hospital pa siya. Wala naman kasi silang anak kaya walang tutulong sa kanila.

Ano kaya ang pwede kong maitulong kay Mr. Lagatuz upang mabayaran ko man lang ang mga naitulong niya sa akin. Napayuko ako at napahawak sa ulo ko at nag-isip ng ideya na pwede kong gawin.

"Hey, are you okay?" Napaangat ako ng mukha at tiningnan kung sino iyon.

"Kian?" Gulat kong sabi.

"Yes, ako nga. Mabuti at naaalala mo pa ako." Nakangiti niyang sabi.

"Syempre, kilala kita. Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko.

"I need to talk to Mr. Lagatuz. Ikaw ba ang secretary niya?" Tanong niya.

"Oo, ako ang secretary niya rito. Pero wala siya rito ngayon. Nasa hospital siya." Sagot ko.

"Bakit, anong nangyari sa kanya?" Kunot noong tanong niya.

"Nahimatay raw kasi siya." Sagot ko.

"Ganon ba? Sige, sa susunod ko na lang siya kakausapin." Sabi niya at ngumiti.

"Sige." Sabi ko at ngumiti rin sa kanya at bumalik sa ginagawa ko kanina.

"Abigael, nakapag lunch kana ba?" Biglang tanong niya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Hindi pa. Bakit?" Tanong ko.

"Tara, lunch tayo." Sabi niya at hinila ako.

"Teka lang wala akong dalang pera." Sabi ko.

"Don't worry. Libre kita." Sagot niya at tuluyan na akong hinila.

Lumabas kami ng building at huminto ang sinasakyan naming kotse sa harap ng isang mamahaling restaurant. Bumaba kami ng kotse at sabay na pumasok sa loob. Namiss ko rin ang lalaking 'to na palaging inaaway ni Harvey. Hindi ko alam kung ano ba ang kasalanan ni Kain sa kanya at galit na galit siya rito.

At pagsapit nang uwian ay agad ko ng niligpit ang mga gamit ko sa lamesa at inayos ang sarili ko. Pagkaraan ay naglakad na ako palabas ng building. Kailangan ko pang pumunta sa hospital upang bisitahin si Mr. Lagatuz kaya agad akong nag-abang ng masasakyan. Malapit lang din ang binigay na address ng hospital ni Mrs. Lagatuz.

Pagkarating ko sa hospital ay agad kong hinanap ang room kung saan naroon si Mr. Lagatuz. At nang makita ko ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko sa loob si Mrs. Lagatuz na nakaupo sa tabi ng kanyang asawa. Napatingin siya sa akin nang marinig niyang tumunog ang pinto nang isinara ko.

"Hija, Abby." Lumapit ako sa kanya.

"Kumusta na po si sir?" Tanong ko.

"Okay na siya. Lalabas na kami bukas. Nahimatay lang siya sa sobrang pagod at stress." Malungkot na sagot ni Mrs. Lagatuz.

"Hija, nakausap mo na ba si Mr. Sandoval?" Tanong ni Mrs. Lagatuz.

"O-opo, ma'am." Sagot ko.

"Anong sabi niya, hija?" Tanong niya.

"Pag-iisipan pa niya raw po." Pagsisinungaling ko. Kahit ang totoo ang may hininhinging kapalit si Harvey.

"Abby, wala na kaming malalapitan pang iba kung hindi ikaw lang talaga. Importante rin sa amin ang kompanya dahil iyon ang pinaka unang kompanya na naitayo namin. Kung kaya ayaw namin na tuluyan ng magsara iyon." Umiiyak na sabi ni Mrs. Lagatuz.

"Ma'am, huwag po kayong mag-alala. Para ko na rin po kayong mga magulang at malaki po ang naitulong niyo sa akin. Gagawan ko po ng paraan upang bigyan kayo ng palugit ni Mr. Sandoval." Saad ko.

"Salamat, Abby." Sabi ni Mrs. Lagatuz at niyakap ako.

"Walang ano man po. Sige po, uuwi na po ako." Paalam ko. Tumango lang siya kaya agad na akong lumabas.

Kinabukasan ay wala pa rin si Mr. Lagatuz at marami na ang naghahanap sa kanya. Marami ang gustong makausap siya. At sobrang naaawa na ako sa kanya dahil sa sitwayon niya ngayon. Ano ba ang pwede kong magawa upang makatulong man lang sa kanya.

"Ilang araw mo na akong iniiwasan, love." Napaangat ako ng mukha dahil sa nagsalita.

"Anong ginagawa mo rito, Harvey?" Tanong ko sa kanya.

"I just want to know your answer. Ang balita ko ay nasa hospital ngayon si Mr. Lagatuz?" Tanong niya.

"Kapag ba pumayag ako sa gusto mo ay matutulungan mo si Mr. Lagatuz?" Tanong ko sa kanya. Napangiti siya sa naging tanong ko.

"Of course, love. Hindi ko na rin sisingilin si Mr. Lagatuz ng utang niya. Just marry me." Seryoso niyang sagot. Sana lang ay hindi ko pagsisisihan ang magiging desisyon kong 'to. Ito lang ang tanging paraan upang makatulong ako kay Mr. Lagatuz.

"Pumapayag na ako." Sabi ko na ikinangiti niya. Nakita kong napangiti siya at lumapit pa nang sobra sa lamesa ko.

"Deal, then?" Nakangiti niyang tanong at inilahad ang kanyang kamay sa akin. Agad ko namang tinaggap iyon. Matagal pa bago niya binitiwan.

"Pero tuparin mo ang ipinangako mo, Harvey. Dahil kung hindi ay makikipag hiwalay ako sa 'yo." Pagbabanta ko sa kanya.

"Yes, love. I promise." Sagot niya.

Ang akala ko ay aalis na siya pagkatapos naming mag-usap ngunit nanatili siya sa kanyang kinatatayuan kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Pwede ba tayong lumabas ngayon?" Tanong niya.

"May trabaho ako. Sa susunod na lang." Sagot ko.

"Hindi pwede, love. Kailangan nating sabihin 'to kila mommy at daddy ang tungkol sa kasal natin." Sabi niya.

"Pwede naman sa susunod na nga araw, Harvey. Kita mong may trabaho ako—hoy!" Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin at naglakad papunta sa elevator.

"Harvey, ibaba mo nga ako." Utos ko sa kanya. Agad niya naman akong ibinaba nang makapasok na kami sa loob ng elevator. Inayos ko pa ang damit ko dahil tumaas.

"Naroon na sina mommy at daddy sa restaurant." Sabi niya na ikinagulat ko. Alam kaya ng mga magulang niya na ang sama ng ugali niya?

At habang palabas kami ng building ay marami ang nakatingin at ang iba ay nagbubulong-bulungan pa tungkol sa amin.

Nakayuko lang ako habang naglalakad kami palabas ng building hanggang sa sumakay kami ng sasakyan.

Sa isang mamahaling restaurant huminto ang sinasakyan naminh kotse at agad akong pinagbuksan ni Harvey ng pinto. At sabay rin kaming pumasok sa loob ng restaurant.

"Harvey, Abigael!" Tawag ng mommy ni Harvey at nakita namin sila sa isang sulok. Kumaway sila sa amin kaya agad kaming lumapit sa kinaroroonan nila.

"Hija, how are you?" Tanong agad ng mommy no Harvey at nakipag beso pa sa akin.

"Okay lang po. Kayo po, kumusta?" Tanong ko habang nakangiti.

"I'm fine, hija. Pinapunta kami rito ni Harvey dahil may sasabihin daw kayo?" Tanong niya. Tiningnan ko naman si Harvey na ngayon ay nakatingin din sa akin. Pinaupo niya muna ako bago siya nagsalita.

"Yes, mom. At napag-usapan na namin ang gaganaping kasal." Sagot niya. Agad namang sumilay any ngiti sa mukha ng mommy niya dahil sa kanyang sinabi.

"Really, son? Kailan?" Excited na tanong ng mommy niya.

"After three weeks, mom." Nagulat ako sa sinabi ni Harvey. Hindi pa namin napag-usapan kung kailan ang kasal ngunit nag desisyon siya ng siya lang mag-isa? Parang hindi naman yata tama 'yon.

"Ibig sabihin malapit na pala ang kasal niyong dalawa. Kailangan ayusin na natin ang magiging kasal niyo." Excited pa rin na sabi ng mommy niya.

"Hija, kailan ba kami mamanhikan sa inyo?" Nagulat ako sa naging tanong ng daddy ni Harvey. Mamanhikan? Hindi nga alam ng tita ko na ikakasal na ako after three weeks.

"Dad, no need na. Pumayag na ang tita ni Abigael." Sagot ni Harvey.

"Okay, ang kailangan na lang natin gawin ay paghandaan ang gaganapin niyong kasal. Kami na ang bahala ng mommy niyo." Sagot ng daddy ni Harvey. Napaka supportive naman nilang magulang.

Ang problema ko na lang ngayon ay kung paano ko sasabihin ito kay Tita Rose at kay Jarenze. Siguradong ayaw nila sa desisyon kong ito ngunit awang-awa na ako kay Mr. and Mrs. Lagatuz.

Umagang-umaga kinabukasan, paglabas ko ng apartment ay agad kong nakita ang itim na kotse ni Harvey na nakahinto hindi kalayuan sa apartment. Tiningnan ko pa ang bintana ng apartment at baka nakasilip si tita o 'di kaya ay si Jarenze doon at makita pa si Harvey.

Mabilis ang bawat lakad ko patungo sa kotse ni Harvey at agad na kinatok ang bintana ng kotse niya. Bumukas iyon at nakita ko si Harvey na nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo rito? Baka makita ka ni tita." Mahinang sabi ko.

"Sinusundo ka." Sagot niya. Agad akong umikot at pumasok sa front seat. Mahirap na at baka makita pa ako ni tita sa labas.

"Kailan mo sasabihin sa kanila ang tungkol sa atin?" Tanong niya at pinaandar na ang sasakyan.

"Sasabihin ko rin naman pero hindi pa ngayon. Kumukuha pa ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanila." Sagot ko. Hindi na rin siya nagsalita pa muli at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. Ngunit napansin ko na ibang direksyon ang dinadaanan namin. Hindi ito patungo sa kompanya ni Mr. Lagatuz.

"Saan tayo pupunta? Hindi 'to daan papunta sa kompanya ni Mr. Lagatuz." Sabi ko.

"May pupuntahan lang tayo." Sagot niya.

"Saan? May trabaho ako, Harvey." Reklamo ko.

"Babayaran kita sa isang araw mo. Samahan mo lang ako ngayong araw." Sagot niya. Dapat lang na bayaran niya ako. Hindi naman ako magtatrabaho sa kanya.

Habang nagba byahe kami ay may napansin akong isang itim na kotse na kanina pa sunod nang sunod kung saan kami pupunta. Bigla akong kinabahan. Sino kaya ang mga 'yan? Tiningnan ko si Harvey kung nahahalata ba niya na may sumusunod sa amin ngunit patuloy lang siya sa pagda drive.

"Harvey, may sumusunod sa atin." Kinakabahan kong sabi sa kanya. Parang hindi man lang siya natakot sa sinabi ko. Tumingin lnag siya sa side mirror upang tingnan ang sumusunod sa amin na itim na kotse.

"Don't worry, love, mga tauhan ko sila." Napalaki ang mga mata ko sa sagot niya. Pinakaba pa ako ng mga tauhan niya.

Huminto kami sa isang kulay itim na bahay. Kahit saan ka tumingin ay may mga lalaking naka itim at may hawak na baril. Biglang tumaas ang mga balahibo ko sa mga nakikita ko. Parang katulad lang nang pinuntahan namin noon sa Boracay na hide out nila.

"Nasaan tayo?" Tanong ko.

"Nasa hideout tayo." Sagot niya habang naglalakad kami papasok sa loob. Napakapit pa ako sa damit niya dahil natatakot ako. Narinig kong tumawa siya at pinulupot ang braso niya sa aking baywang.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.

"May kailangan lang akong gawin." Sagot niya. Nang makapasok na kami sa loob ng hide out nila ay sinalubong kami ni Kyle.

"Boss." Tawag niya kay Harvey at tumingin sa akin.

"What happened, Kyle?" Agad na tanong ni Harvey.

"Ang sabi ng mga pulis ay nakawala raw siya sa kulungan, boss." Sagot ni Kyle. Ang seryoso ng mga pinag-uusapan nilang dalawa at hindi ko alam kung sino ba ang tinutukoy nila.

"We need to find her." Seryosong sabi ni Harvey. Tiningnan ako ni Harvey.

"Wait me here, love. Maupo ka muna roon." Sabi niya sa akin at tinuro ang isang upuan sa gilid. Tumango lang ako at naglakad papunta sa upuan.






Miss_Terious02

Continue Reading

You'll Also Like

27.5K 1K 30
" In one night's mistake, their lives will change. She got pregnant by unknown guy "
775K 19.2K 42
#Maid Series I #Romantic Comedy #Former Known as His Maporma Maid Si Jessica ay isang masayahin, makulit at babaeng lumaki sa probinsya ngunit sa kab...
10.2M 153K 27
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
201K 8.4K 18
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.