My Personal "BODY" Guard by s...

By spunchbob

1.7M 10.5K 2.2K

una sa lahat, binalaan kita, boring ang umpisa nito at puro kakornihan ang laman ng kalagitnaan nito wahaha... More

ATTENTION: (must read!!)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 3.5
Chapter 4
Chapter 4B
Chapter 5A
Chapter 5B
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 7B
Chapter 7B (restricted)
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10 (rape scene)
Chapter 10
Chapter 11
restricted
Chapter 12
Chapter 13A
must read! :))
Chapter 13 B
Chapter 13 C
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17B
Chapter 17C
....
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20A
Chapter 20B
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26A
Chapter 26B
Chapter 27A
Chapter 27B
Chapter 28
Chapter 28B
Chapter 29
Chapter 29B
Chapter 29C
Chapter 30
Chapter 30B
cool off </3
Chapter 31
Chapter 31B - [Si JunJun]
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 - Gabriel's POV
Chapter 37 B
Chapter 38

Chapter 17A

26.7K 181 39
By spunchbob

dedicated sayo! salamat sa pagwelcome sakin! hahah :]

warning: maraming badwords dito! :] wag tularan..

Note: Pasensya puro write space write space pa ang style ko dito. eedit ko po ito kapag may time na ako pti na rin yung takbo ng story! :)

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Chapter 17A

 

play niyo ---------->

*NP: payphone*

“I'm at a payphone trying to call home
All of my change I spent on you
Where have the times gone, baby it's all wrong
Where are the plans we made for two?

Yeah, I, I know it's hard to remember,
The people we used to be...
It's even harder to picture,
That you're not here next to me.”

amp. Anu ba yung maingay nayun? Taena!

Hinanap ko kung saan nanggagaling yung tunog. Sh*t. Istorbo 'tong phone ko! Taena!

Agad kong kinuha yung phone ko mula sa may bed side table ko tapos pinindot ko yung answer button nang hindi tinitignan kung sino yung tumatawag..

(ay puta! ang tagal mo namang sagutin gab!!)

"gago ka Brit! Nakita mong natutulog ako dito, tapos magrereklamo ka pa? istorbo ka!!"

(ganyan ka ba sa amo mo ha? Nagmamalaki ka na ngayon? ayaw mo ata kay grasya eh?)

"huh? Gracia? Babae?"

 

(bobo! Pag ba grasya, babae agad agad? Ano 'to Pee Bee Bee Teens?! LUL! Grasya as in kwarta..)

"tss. Dami mong pang alam eh. Paligoy-ligoy ka pa eh, diretsuhin mo na nga ako.."

***

ilang minuto pa ang lumipas, natapos na rin yung pag-uusap namin ni Briton sa phone..

Oo boss ko yung gagong Briton na yun. Siya yung palaging nagbibigay sa'kin ng trabaho kapag kailangan ko ng kwarta kaya tuloy nabibili ko lahat ng gusto ko kasi malaki magpasahod yung gagong yun

Bwiset!

Nawala tuloy yung antok ko dahil sa tawag nung hayop na amo ko..

Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba yung trabahong inaalok niya sa'kin..

Gusto ko yung makukuha kong kapalit, pera, lupa, bahay at kotse kaso yung trabaho ayoko!

Puta! Para kasing kagaguhan eh!

Tss. Magbabantay daw ako? Tapos ang kapalit bahay, lupa, kotse at pera? Lul. Ano ko aso? Sino papayag sa trabahong yun? Pakshet. Kahit gusto ko ng pera, namimili rin ako ng trabaho noh! Pwera nalang kung trip ko..

Parang kelan nga lang nag-ala-Superman pako tapos ngayon aso naman? Putek!

Apat na buwan na nga rin halos yung nakalipas nung nagpakaSuperman ako. May natagpuan kasi akong magandang babae sa isang napabayaang bahay noong napasama ako kay Empoy..

Oo maganda talaga yung babae..

Ganito kasi yun..

FLASHBACK

"hoy gab, punta tayo sa Boracay!"

"sus. Eric nagpapatawa ka ba? Eroplano sasakyan natin dun gago! Malayo yun dito sa Manila, Visayas yun tanga!" sagot ko sakanya

Oo ganyan talaga ko makipag-usap sa mga kakilala ko. Mahilig akong magmura at magsalita ng kung anu-ano..

Ganyan kasi halos mag-usap kaming mga lalaki. Murahan, gaguhan, barahan basta walang pikunan..

"shunga ka pare, seryoso si Erick! Pupunta tayong boracay.. Manchichicks tayo!" sabat naman ni Levi

hilig talaga sa chicks nung kumag nato!

"psh. Mukha namang ayaw niyan eh. Wag nang isama! Potek. Libre ko pa naman.." sagot naman ni Eric

"seryoso ka talaga pare? Boracay tapos libre mo? Seryoso? Pramis? Dika nagloloko? Serious?"

"puta, unli ka ba pare? Ilang beses ka bang inire ng nanay mo ha pare? Hahahaha" sabat naman ni Carlo

tang*na. Pinagtutulungan ako ng barkada ko ah?!

"sige lang pagtulungan niyo ko! Mga ulol! Badtrip kayo! Hahahaha pero sasama ko. Libre pala eh!! I'll grab it. Hahaha"

"putaena, san mo napulot yang ingles mo?" Carlo

"jan sa ilong mong malaki pare! Hahahaha" sagot ko

"pakyu ka. Hahaha" sabay pakita sakin ni Carlo ng middle finger niya..

“bobo mo pare! Pakyu na nga may ‘ka’  ka pa. hahahaha putaena. Balik ka ngang kinder! Haha” epal ni Levi

“ulol! Hahaha” Carlo

“si Anne Curtis ba kayo?? Kasi, ang babaliw niyo! Hahahaha” Eric

“putek pare! Bagong bago yang pick-up line mo ah! Umuwi ka na!!!!!!! boooooo!!!!!! Hahahahaha!” sarcastic kong sagot kay Eric

“holooooooo! May nagsasalitang multo oh! Diba tatlo lang tayong pupunta ng Boracay? Ha Levi at Carlo?? Hahahahaha :ppp” pang-aasar ni Eric

“gago ka pare! Haha” sabay tapik ko sa braso niya.

Ayun tawanan lang kami ng tawanan dun.

At syempre ganyan talaga kami mag-usap magbabarkada. Gaguhan at asaran pero syempre, bawal ang pikon.

Apat kaming magbabarkada. Ako, si Levi Gonzales, si John Erickson Villacorte at si Carlo Marie De Vera.

Lahat sila mayayaman, oo sila lang ang mayaman, ako kasi….. SOBRANG YAMAN! Hahah biro lamang.

Mahirap lang talaga ako. Pero ngayon, unti-unti ko nang naiaahon sa hirap yung pamilya ko simula nung nagtrabaho ako kay Brit. Ako na kasi yung halos tumayong haligi ng tahanan sa min mula nung iwanan kami nung magaling kong ama!

Briton Anthony Layosa ang buong pangalan ng boss ko. Minsan yung apelyido niya Layosa, minsan naman Lapitsa. Depende sa kakornihan nung author nito..

 

a/n: hahahahaha korni mo Gab!!

Sasama ako sa Boracay, syempre libre ni Eric!! Saka para narin mabisita yung kababata kong si Empoy pati sina tsong at tsang.

***

Dumating kami sa Boracay ng bandang 11am. Syempre pagod na pagod kami sa bayahe kaya naman naisipan naming mamahinga muna ng mga isa’t kalahating oras.

Sabay-sabay kaming kumain ng pananghalian tapos nagliwaliw sa tabing dagat. Marami kaming nakitang magagandang babae at halos lumuwa na yung mga mata nina Carlo at Levi sa dami ng mga nakabikini na babae.

Kinagabihan, naisipan naming tumambay sa may bar. Ilang sandali pa ay sabay na lumabas sina Carlo at Levi at sinabing may pupuntahan lang daw silang chicks!

Tapos nagpaalam muna k okay Eric na dun muna ko sa may labas, sa may nagfifire dancing kasi kanina ko pa napapansin yung patingin-tingin niya dun sa babae sa kabilang table. Kaya ayun,. Napagpasyahan ko siyang iwanan para makapag-ipon ng lakas ng loob at hindi mahiya..

Tumambay ako sa may tabing dagat at nag-isip-isip tapos di kalaunan umakyat nako sa tinutuluyan naming hotel.

 

 

**KINABUKASAN **

Nagpaalam ako sa tatlo na bibisitahin ko muna si Empoy pati narin yung pamilya niya. Matagal ko narin kasing hindi nakikita sina Tsong, at Tsang pati narin sina Iska at toto.

Umupa ako ng 4wheel motorcycle para naman hindi ako mahirapan sa paglalakad at paghahanap ng masasakyan..

Nagdrive ako papunta sa bahay nina Empoy.

**

“tao po! Tao po! *toktoktok*” nandito na kasi ako sa tapat ng pintuan ng bahay nina Empoy.

“aba’y sino yan?” hindi ko sinagot. Patuloy lang akong kumatok kasi gusto kong masurpresa sila sakin.

Bigla-biglang bumukas yung pintuan at bumulaga sa akin ang isang balbasarado at matipunong lalaki..

“aba’y Gabriel anak! Ikaw naba yan ay?! Aba’y kagwapo mo naman ata ah?” bungad saakin ni Tsong

“ahh hehehe mano po Tsong! *kamot ulo* opo Tsong! Ako nga! Dipa rin kayo nagbabago, lalong bumabata ah!”

“palabiro ka talaga Gabriel, halika’t pumasok ka sa loob.. ahh Remedios, nandito si Gabriel, ipaghanda mo nga ng makakain..” sigaw ni tsong kay tsang Remi.

“tay!!!!! Anjan daw si Kuya Gabriel??” hingal na hingal na sabi ni Toto.

Halatang galing sa kapitbahay kakalaro ehh!

“oh eto nap ala si toto eh! Sandali ah.. maiwan ko muna kayo Gabriel. Oy toto ikaw muna bahala sa kuya mo ah!” Tsong

“sige po tay!” sagot naman ni Toto

“kuya Gabriel!!” tumakbo si Toto papunta saken at agad ko naming ginulo yung buhok niya nung nakalapit na siya saakin

“ui toto, lumalaki ka na ah! Ilan taon ka nab a ngayon?”

"walong taon palang ako kuya! alam mo ba, durog ang puso ko ngayon.. kasi ni-busted ako ni BingBing TT____TT"

walang hiya.. walong taong bata heart broken agad-agad???? ano to?? Pee Bee Bee Teens???! tssss

"ang bata bata mo pa nanliligawa ka na agad!"

"eh kasi kuya.. wala akong magagawa kasi.. nimahal ko siya eh! tinamaan po ako nung naglalaro kami ng bahay-bahayan.. siya daw yung nanay tapos ako daw yung tatay tapos alam mo ba kuya..."

"hindi pa.. ano ba yun??"

"eeeehhhhh! nahihiya ako!" >////////<

putcha! namumula si Toto! kabata-bata ang dami nang alam sa buhay. hahaha

"tsss. ano nga yon??? dali sabihin mo na.. tayo lang naman nandito oh. nahihiya kapa tapos namumula ka pa! nag-toot ba kayo ha??"

"kuya anong toot??? eh kasii... ano.... ni-kiss niya ako dito oh!" sabay turo niya sa cheeks niya..

"hahahah ikaw talagang bata ka! *ginulo ko lalo yung buhok niya..* bata ka pa kaya dapat pag-aaral muna ang atupagin mo! haha natatawa ko sayo kais baka maunahan mo pa kuya mo! teka nga pala, asan pala si Kuya mo??"

"si Kuya Empoy ba?"

"ayyy hindi hindi.. baka may iba ka pang kuya ehh? haha"

"grabe naman kuya.. nagtatanong lang eh! syempre nandun si Kuya Empoy sa work niya sa may kabilang kanto. mamaya pa uwi nun eh"

"ahh sige sige. pupuntahan ko nalang siya mamaya.."

"Gabriel, magmirienda ka muna oh.." sabi ni Tsang habang may dala dalang tray na may Juice at bibingka. 

"ahh tsang mano po.."

"ahh sige na.. mukhang namiss ka ni Toto ah?!"

"oo nga po eh. namiss ko rin yung kakulitan nung batang to ehh.."

"oh bakit ka nga pala naparito??" tanong ni Tsong na kababalik pa lang.

"eh yung kaibigan ko po kasi nagyaya magBoracay, eh libre naman dw niya. kaya po ayun sumama nako para narin makita ko kayo kasi medyo matagal na rin po nung huli kaming nagpunta nila Inay dito.."

"eh kamusta na pala yung inay mo?" tanong ni Tsang

"ahh ayun po abalang abala sa page-aerobics! hahaha. kaya po ayun masiglang-masigla pa rin.."

"talagang yang nanay mo nahilig na sa pagsasayaw noh??"

"oo nga po eh! masayang masaya po siya sa pagtuturo niya ng sayaw kaya po ayun, seksing seksi pa si inay. may asim pa. hahahahah"

ayun.. nagkwentuhan at nagtawanan lang kmi nila tsong at tsang habang si toto naman eh bumalik na sa kapitbahay para makipaglaro ulit.

di rin nagtagal, nagpaalam narin ako kila tsong na pupuntahan ko muna si Empoy sa trabaho niya sa may kabilang kanto..

hindi ko na rin inabutan si Iska sa bahay nila. sabi kasi ni Tsong nasa may Resort daw siya eh since dun rin naman pala sa resort na tinutuluyan namin si Iska eh tyak makikita ko rin siya roon.

hmm. kamusta na kaya siya?!

panigurado lalong gumanda yon.. hayyyyy

kung mababago ko lang sana yung mga ginawa ko at mga nangyari noong nakaraan.. T__T

to be continued...

(c) neodge

Continue Reading

You'll Also Like

855K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...