Elusive Butterfly (BoyxBoy)

By junjouheart

300K 13.9K 1.3K

Napakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanta
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampu na Kabanata
Ika-11 Kabanata
Ika-12 Kabanata
Ika-13 Kabanata
Ika-14 Kabanata
Ika-15 Kabanata
Ika-16 Kabanata
Ika-17 Kabanata
Ika-18 Kabanata
Ika-19 Kabanata
Ika-20 Kabanata
Ika-21 Kabanata
Ika-22 Kabanata
Ika-23 Kabanata
Ika-24 Kabanata
Ika-25 Kabanata
Ika-26 Kabanata ( Unang Parte )
Ika-26 Kabanata ( Ikalawang parte )
Ika-27 Kabanata ( Unang parte )
Ika-27 Kabanata ( Ikalawang Parte )
Huling Kabanata ( Unang parte )
Huling Kabanata ( Ikalawang Parte )
Pakibasa !!!
II- Ikalawa
II- Ikatlo
II- Ikaapat
II- Ikalima
II- Ikaanim
II- Ikapito
II- Ikawalo
II- Ikasiyam
II- Ikasampu
II - Ikalabing- isa
II- Ang Huling Kabanata
Elusive Butterfly

II- Una

6.4K 271 25
By junjouheart

" Hindi mo naman kailangang bantayan magdamag ang anak natin. Magpahinga ka na, mahal ko " malambing na pakikiusap ng asawa sa kanyang asawang halata na ang pagod sa mata.

Sa mga araw na ito ay maaari ng lumabas ang kanilang anak kaya ang Primnus ay hinihintay ang paglabas ng kanilang anak. Kahit na marami itong ginagawa sa palasyo bilang pinuno ng kanilang lahi, hindi pa rin nya nakakalimutan ang tungkulin nya bilang asawa. Higit sa lahat, nananabik syang makita ang kanilang anak sa oras na iluwal na ito ng florsa ng kanyang asawa.

" Ano kaya ang magiging itsura ng anak natin? " nakangiting tanong ng primnus ng syang nagpangiti kay Allaode.

Lumapit ito sa kinatatayuan ng asawa at niyakap sa bewang. Inaalisa ni Allaode ang bawat sulok ng mukha ng kanyang asawa na para bang isang magandang pinta ang nasa harap nya.

" Sana ay magmana ang ating anak sa'yo " sabay hawak ni Alloade sa pisngi ni Xeriol. " Makisig na lalaki. Matapang. Responsable. Handang ipagtanggol ang nasasakupan. Pantay ang tingin sa lahat. Sana mamana nya ang katangian mo "

Hindi naiwasang halikan ng primnus ang kanyang asawa dahil sa mga sinabi na ito. Hindi pa rin nya naiiwasang kiligin sa tuwing pinupuri sya ni Allaode.

" Gusto ko ring magmana sa'yo ang ating anak, mahal ko " ngiti ni Primnus Xeriol kay Allaode.

Ilang minuto pang nananatili sa jartsena si Primnus Xeriol bago ito umalis upang magtungo sa palasyo dahil nakatanggap ito ng mensahe na kailangan nyang bumalik. Walang oras ang pinipili bilang Primnus ng isang lahi kahit mapa-umaga, gabi, tanghali o hatinggabi ay ikaw pa rin ang primnus. Mahirap ang maging pinuno ngunit nakakayanan nya ang lahat dahil nais nyang masilayan ng anak nya ang isang mapayapang lugar na hindi tulad ng naranasan ng kanyang asawa na si Allaode. Ito rin naman kasi ang nais ng asawa nya kaya tinutupad lamang nya.

Naiwang mag-isa si Allaode habang nakamasid sa florsa na sobrang tingkad ang kulay na tila apoy na nagliliyab. Ngunit ang dapat na nakangiting ama ay walang emosyong nakatingin sa magiging anak nya. Maraming katanungan, mga agam-agam ang gumugulo sa kanyang isipan na tanging sya lamang ang makakasagot.

" Anak " marahang lumapit si Allaode sa kanyang anak. " Huwag ka munang lumabas ngayong gabi " tila nakikiusap ito sa hindi pa naluluwal na sanggol.

Sinubukan nyang hawakan ang florsa subalit kita sa mga mata nya ang pagdadalawang isip kaya hindi na lamang nya itinuloy.

'di ba dapat masaya sya? Kabaligtaran ang pinapakita nya sa tuwing katabi nya ang kanyang asawa habang pinagmamasdan nila ang kanilang magiging anak. Itinatago ang sikretong nagpapabigat sa kanyang nararamdaman dahil may kinalaman ito sa kanilang anak. Natatakot na mangyari ang hindi dapat mangyari.

" Patawarin mo ako, anak. Alam kong nararamdaman mo ang nararamdaman ko ngayon "

Kausap nito ang anak nyang hindi pa nailuluwal kasabay ang pagpatak ng kanyang mga luha na agad rin naman nyang pinunasan. Masakit para sa kanya na hindi nya maiparamdam sa anak nya kung gaano sya kasaya dahil sa mga gumugulo sa kanyang isipan. At mas masakit na alam nyang nararamdaman iyon ng kanyang anak.

Hindi lumisan si Allaode sa tabi ng kanyang anak. Nakatitig lamang ito dito na tila nakikita ang kulay ng apoy ng kanyang asawa.

-

Lumipas ang gabing ito na hindi pa rin ibinubuka ng florsa ni Alloade ang kanilang anak. Tulog na ng mahimbing ang primnus dahil sa pagod sa kanyang trabaho samantalang si Allaode ay nakatitig pa rin sa kanyang magiging anak.

Naglatag lamang sila ng tela sa tabi ng  florsa upang mabantayan ito. Tanging sila lamang ang nasa loob ng jartsena samantalang sa labas ay mga kawal na nagbabantay sa kanila. Marami na ring naghihintay sa paglabas ng kanilang anak.

" A-allaode, mahal ko" inaantok na tawag ni Xeriol sa pangalan ng asawa.

" Matulog ka pa. Ako na ang bahala dito " utos nya ng makitang umupo ang kanyang asawa sa tabi nya.

Tumingin si Primnus Xeriol sa kanyang asawa at hindi naiwasang mapangiti. Nakita ni Allaode ang saya at galak sa mukha ng asawa sa tuwing nakatingin sa kanilang anak.

Ang sama kong ama. Takbo sa kanyang isipan dahil hindi nya magawang maging masaya tulad ng kanyang asawa.

" Allaode "

Napatigil sya sa malalim na pag-iisip ng tawagin sya ng kanyang asawa. Sinundan nya ang tingin ni Xeriol sa kanilang anak at nakita nyang ibinuka na ng florsa nya ang isang talulot nito.

Hindi muna ngayon, anak.

Sumunod sa pagtayo si Allaode sa kanyang asawa saka lumapit sa florsa. Naiiyak sya sa tuwa ng marinig nya ang iyak ng isang bata. Boses ng kanyang anak.

Sumunod ang isa pang talulot kaya nakita na nila ang paanan ng bata na pumapadyak na tila ba gusto ng makaalis sa nilulugaran nya.

Nawala ang lahat ng pangamba at mga iniisip ni Allaode'ng makita nya ang kanyang anak. Ang tanging iniisip nya lang ngayon ay ang mahawakan ang kanyang anak.

" Malapit na syang ilabas " pananabik na sabi ni Xeriol na hindi inaalis ang tingin sa kanilang anak.

Muling bumuka ang isa pang talukot, kasabay ang ikaapat, ikalima, ikaanim at ang huling talulot saka pa lamang nila ito nilapitan.

Pinagmasdan nila ang isang sanggol na umiiyak na walang kahit anong saplot sa katawan. Kung kanina ay umiiyak ito, tumatawa sya ngayon ng lumapit ang kanyang magulang. Tila nananabik na makarga sya ng isa sa kanila.

" Lalaki ang anak natin, mahal ko " sabi ni Xeriol na may luhang pumatak sa mata nya. " Kargahin mo na sya, Allaode "

Umiling si Allaode. " Natatakot ako " sagot nito sa asawa na lumingon sa kanya.

" Tingnan mo ang anak natin. Gusto nyang kargahin mo sya. Ano bang kinakatakot mo? " mahinahong tanong ni Xeriol.

" Natatakot ako na umiyak sya. Na mawala ang ngiti sa kanyang labi sa oras na hawakan ko sya " sagot ni Allaode.

Ngumiti naman si Xeriol at hinalikan ang ulunan ng kanyang asawa saka niyakap ito. " Mas iiyak sya kung hindi mo sya kakargahin " saad nya.

Napatango naman si Allaode. Lumapit sya sa kanyang anak at marahang inalis ito sa florsa. Pagkaalis na pagkaalis nya sa sanggol ay sya namang pagsara muli ng florsa ngunit agad rin itong nagbukas kasabay ang mga paruparo na panibago sa kanilang paningin.

Kulay pula ang mga kulay nito. Ang disensyo ng pakpak na nakaukit ay tila nagliliyab na apoy. Walang duda na namana ng sanggol ang kapangyarihan ng kanyang ama na may kakayahan sa apoy samantalang kay Allaode ang kakayahan bilang Lapidoptera.

Pinagmasdan ni Allaode ang anak nyang nakangiti sa kanya. Lumapit si Xeriol sa gilid ng asawa habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Ipinahawak nya ang isang daliri nya sa kamay na sya namang pagkapit ng bata.

" Maraming salamat Allaode " napatingala si Allaode sa kanyang asawa ng makita nya itong umiiyak.

Gusto nyang punasan ang mata ng kanyang asawa ngunit hindi nya magawa dahil na rin hawak nito ang kanilang anak kaya hinalikan na lamang nya ito sa pisngi.

" Kamukha mo sya Xeriol lalo na ang kanyang tenga " may halong panunukso ni Allaode sa kanyang asawa.

May kalakihan kasi ang tenga ng kanyang asawa ngunit hindi naman ito masagwang tingnan. Ito pa nga ang gustong-gustong parte ni Allaode ng kanyang asawa.

" Mas mainam dahil alam kong marunong syang makinig sa mga sermon ng magulang nya " pangbawi nya ni Xeriol.

Sinamaan lamang sya ng tingin ng asawa na agad namang ngumiti at muling tumingin sa bata.

" Salvare ang kanyang pangalan. " saad ni Xeriol.

" May ibig bang sabihin ang pangalan na 'yan? " tanong ni Allaode.

" Tagapagligtas " sagot ng asawa na may ngiti sa labi.

Mula sa pagkakarga ni Allaode, ipinasa nya ito sa kanyang asawa na masayang hinehele ang sanggol.

Pinakamagandang pangyayari at tanawin ang kanyang nakikita ngayon. Ang kanyang asawa at ang kanyang anak. Nawala lahat ang nararamdaman nya ng makita ang anak nya at mahawakan ito.

" Xeriol " tawag ni Allaode sa kanyang asawa na sya namang ikinalingon nya na may malawak na ngiti sa labi. " Palakihin natin syang mabuti "

Tumango si Xeriol saka tumingin sa anak nya. " Tulad ng kanyang pangalan, sya ang magiging tagapagtanggol ng lahat ng ating lahi. Gagawin ko ang lahat para sa kanya, Allaode. " saad nya.

Napangiti si Allaode sa sinagot ng asawa. Lumapit sya dito at niyakap ang mag-ama. Winaksi nya ang lahat ng hindi magandang iniisip nya dahil alam nyang nandyan si Xeriol, ang asawa nya, na makakatulong nya sa pagpapalaki ng kanilang anak.

Pinagmasdan nya ang mga paruparong lumilipad sa kanilang na lalong nagpapaliwanag sa paligid. 'Di kalaunan ay bumalik ito sa florsa nya na ngayon ay nasa dati ng anyo na wala na ang tingkad ng kulay. Tila ba mag-iipon ito ng lakas upang bumalik ang dati nitong ganda.

" Kailangan nating magtungo sa palasyo upang ipaalam ang magandang balitang ito " salita ni Xeriol na ikinatango naman ni Allaode.

Ibinalot muna nila ang sanggol sa hinanda nilang tela na kulay pula na may burdang kulay ginto. Pagkalabas nila sa jartsena ay agad na yumuko ang mga kawal na nagbabantay bilang paggalang sa mag-asawa lalo na sa sanggol sa hawak nila.

" Maligayang pagdating sa inyong sanggol, mahal na pinuno. Ikinagagalak namin na batiin sya sa kanyang pagsilang " saad ng pinuno ng mga kawal na nagbabantay.

Tumayo sila at sabay-sabay na itinaas ang mga hawak nilang sandata na tila nakaturo sa itaas ng sanggol. Nagpasalamat ang mag-asawa sa pagbati ng mga kawal sa bagong silang na sanggol. Nagtungo na sila sa kalesang naghihintay sa kanila at pumasok na sa loob. Marahang pinatakbo ang kabayo patungo sa palasyo.

" Tingnan mo ating anak. Nakangiti sya hanggang ngayon " galak na sabi ni Xeriol habang nakatingin sa kanilang anak na halos mapunit na rin ang labi sa sobrang ngiti.

" Mana sa'yo " sagot ni Allaode.

" Kaya pala magandang lalaki rin ang anak natin, mana rin sa akin. " sagot ni Xeriol at tumawa pa ito.

Napailing na lang si Allaode sa pagiging mahangin ng kanyang asawa   na aminado naman syang tama ang binanggit nya. Hindi lang nya magatungan baka lumaki pa ulo nito.

" Kaya mana ka lang kay Papa Xeriol. Huwag mong manahin ang pagiging sadista at bungangera ng Papa Allao--- aray! " hindi na natapos ang kanyang sasabihin ng batukan sya ng kanyang asawa kahit pa may dala itong sanggol.

" Ano sabi mo? " mapagbantang tanong ni Allaode na bibantaan ang asawa.

" Ang sabi ko manahin nya sana ang pagiging malakas mo. Pakiramdam ko nga magkakabukol ang ginawa mo. Lakas mo talaga " ngiti ni Xeriol na halata namang napipilitan sa kanyang sinabi.

Tumingin naman si Allaode sa anak nila. " Huwag ka palang magmana sa ama mo. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Walang maidudulot ang ama mo sa'yong maganda. Puro papapahangin lang ang alam nyan " bawi ni Allaode sa magandang sinabi nya kanina.

" Mahal ko, naman! Tinuturuan mo na nang hindi maganda ang anak natin " nakangusong angal ng asawa na tila isang bata.

Hindi na lang nagsalita pang muli si Allaode, at hinele na lang ang sanggol na agad naman napapapikit. Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa palasyo. Tahimik ang buong palasyo sa pagkababa nila dahil hatinggabi na kaya mga kawal na lamang ang gising at ang bumati sa kanila.

Nagtungo kaagad sila sa kanilang kwarto upang maibaba nila ang bata sa kanilang kama. Mayroon namang tulugan ang bata kahit hindi pa ito napapanganak ngunit sa panahon ngayon ay gusto muna nilang makatabi ang bagong silang na sanggol.

Marahang ibinaba ang bata sa kama kaya hindi ito umiyak. Napansin naman ni Allaode na lalabas ng kwarto si Xeriol.

" Saan ka pupunta? " tanong nito kaya napahinto sa paglabas si Xeriol.

" Kailangan kong ipaalam sa iba't-ibang sanggunian at kasapi ng aking palasyo ang isang magandang balita. Lalo na dapat ipaalam na natin ito sa iba't-ibang pinuno ng mga lahi " sagot nya.

" Hindi ba pwedeng ipagpabukas mo na lang iyan " saad ng kanyang asawa.

Lumapit si Xeriol kay Allaode at hinalikan ito sa labi. " Babalik rin ako kaagad. Mag-uutos lamang ako na syang magpapadala ng balitang isinilang na ang ating anak " nakangiting sabi ni Xeriol upang gumaan ang pakiramdam ni Allaode na tila nag-aalala ng wala naman dapat alalahanin.

Binaling nya ang tingin sa batang natutulog at marahang hinalikan ito sa noo. " Anak ko, babalik ako. Tulog ka lang ng mahimbing " mahinang banggit ni Xeriol sa kanyang anak.

Tuluyan ng lumabas si Xeriol ng kwarto kaya naiwang mag-isa si Allaode kasama ang kanilang sanggol. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa tabi ng kanyang anak at may kinuha sa isang kabinet at muling bumalik sa tabi ng sanggol.

Hinawakan nya ang braso ng kanyang anak at may isinuot itong porselas na gawa sa ginto na may kakaibang salitang nakaukit. Ipinikit ni Allaode ang kanyang mata at may binigkas na mga salita na tila sya lamang ang nakakaintindi na nagpagising sa kanyang anak.

Malakas na iyak ang ginawa ng bata habang pinapadyak ang mga paa at kumakawala sa pagkahawak ng kanyang ama ngunit nagpatuloy sa ginagawa si Allaode. Hindi alintana ang malakas na iyak ng kanyang anak.

Ilang sandali pang pagbigkas ng hindi maintindihan na salita ay dumilat na si Allaode. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang bata kaya kinarga na ito ni Allaode habang pinapatahan na sakto namang pagpasok ni Xeriol at lumapit sa kanila.

" Bakit sya umiiyak? " nag-aalalang tanong ni Xeriol.

" H-hindi ko alam. Basta umiyak na lang sya " pagsisinungaling ni Allaode sa kanyang asawa. Labag man sa loob nya ay mas nakakabuti ang ginagawa nyang ito para sa kanila--sa lahat ng lahi.

Hinalikan na lamang ni Xeriol ang sanggol sa noo saka pinagmasdan ang pagpapatahan ni Xeriol sa kanilang anak ng mapansin nya ang kaliwang pulsahan ng sanggol.

" Bakit namumula ang pulsuhan nya? " tanong ni Xeriol.

Napatingin si Allaode sa tinitingnan ng kanyang asawa. Nagkibit-balikat ito kahit alam nya ang dahilan. Nawala ang porselos sa pulsuhan nito ngunit napalitan ito ng pamumula.

" Hindi ko alam. Baka naipit lang kanina habang nakabalot sa pulang tela " rason nito.

Naniwala naman si Xeriol sa nirason nya kaya nakahinga ng maluwag si Allaode. Kalma lang sya habang inaamo ang kanyang anak na tumahan na sa pag-iyak at muli ng nakatulog.

Hiniga nyang muli ang sanggol sa kama at sa pagkakataong ito ay sinamahan na sya ng kanyang magulang sa paghiga. Ipinikit ni Allaode ang kanyang mata ng maramdaman nya ang paghalik ni Xeriol sa kanyang noo. Tanging ngiti na lamang ang ginanti nya sa ginawa ng asawa.

♥♦♥♦♥♦♥♦♥♦♥♦♥♦♥♦♥♦♥♦♥♦♥♦♥♦♥♦♥♦♥♦

Wala akong sasabihin tungkol sa ginawa ko hahahahaha. Kayo na bahalang manghusga.

Btw, salamat pala sa mga nagagalak na may book 2. Unexpected na marami-rami rin pala talaga ang gustong may book 2. Napepressure tuloy ang ganda ko--este ang pagsusulat ko para ipagpatuloy nyo ang pagbabasa sa istoryang ito. Maraming maraming salamat sa inyo.

Ps. Hindi ko alam kung naedit ko na ang ibang typo. Inaantok na kasi ako hahahaha.

-junjouheart-

Continue Reading

You'll Also Like

38.1K 3.3K 76
It follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assassinate the person whom he believes is the...
15.6K 1.4K 53
Genre: Fantasy || Action
11.6K 870 32
Make up. Wig. Pompoms. Short skirts and red lipstick. Ramdam ni Fluke Spellman ang panginginig ng kaniyang tuhod pagpasok sa gym ng Lauren High Insti...
10.4M 479K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...