A Rebel Heart (#1)

Bởi parachutelemon

17.8K 591 152

What does it take to change a rebel heart? #AHS1 Xem Thêm

GENERAL DISCLAIMER
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
WAKAS

Kabanata 33

261 10 7
Bởi parachutelemon

Kabanata 33

Napatigil ako sa pakikinig sa kwento ni Sarah nang tumunog ang cellphone ko. Naghihintay kami ngayon sa susunod na klase namin at heto siya ngayon na hindi pinalampas ang vacant time para ikwento kung paano siya pinagalitan ng nanay niya dahil inuwi siya ni Nad ng lasing.

Napangiti ako nang makita na si Clicko iyong nagtext. Hindi ako mahilig mag text at magbabad sa cellphone pero simula yata noong gabi sa bahay nila ay halos itali ko na ang cellphone sa kamay ko.

Clicko:

Where are you?

Sinulyapan ko si Sarah na napatigil sa pagkwento kay Kaz at tiningnan ako. I smiled at her para hindi siya magtanong. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang nangyari, but I will eventually tell them kapag okay na ang timing.

Ako:

Classroom. Naghihintay ng next class. Why?

"Mabuti na lang talaga at si Nad ang naghatid sa akin! Eh kung iba iyon ay baka nagka-black eye na ako sa nanay ko!" natatawa niyang kwento kaya tumawa rin ako. Naalala ko kasi na si Jamal sana ang maghahatid sa kanya noon. Mabuti na lang at pinigilan ko at binigay siya kay Nad. Napasulyap ako sa cellphone nang tumunog ito.

Clicko:

Can you go out? Nasa labas kami. I want to see you.

Tss. Ang plain niya lang talaga mag text pero napapangiti ako. Hah! This is really really crazy. I am crazy.

Ako:

Sure. Sige hintayin mo ako.

Tumayo ako at inayos ang sarili at tinapik si Sarah sa balikat. Napatingin din sa akin sina Nad, Kaz at Dexter na nakikinig rin sa kwento ni Sarah.

"Alis muna ako, banyo lang" pagdadahilan ko. Napa-cross fingers pa ako para hindi niya sabihin na sasama siya sa akin. Ganoon kasi Sarah, pag sinabi mong magbabanyo ka, sasama agad siya.

"Huh? Okay" agad na sagot niya kaya napahinga ako ng maluwag. Sorry Sars, sasabihin ko na sa'yo sa susunod.

Mabilis akong naglakad sa labas at agad kong nakita si Clicko na nakasandal sa railings kasama si Aro na napamulsa at may sinasabi kay Clicko.

He's finally well? Noong isang araw ay wala siya sa practice namin dahil nagkasakit daw siya sabi ni Coach Robbie. Glad to say that he's finally doing good.

Agad akong nakita ni Aro kaya tinapik niya si Clicko sa balikat. Ngumiti ako at kumaway sa kanya. He smiled at me too kaya lumapit na ako sa kanila. He immediately hugged me nang makalapit ako sa kanya. Nagulat ako dahil nasa gilid lang namin si Aro at nakatingin lang.

Kumalas siya sa yakap ko at hinawakan ako sa kamay. May mga klase yata lahat ng mga students sa hallway na ito dahil kaming tatlo lang ang nasa labas.

"What is it? Are you okay?" I asked habang napapasulyap kay Aro. He smirked at me at tiningnan ang relo sa palapulsuhan niya. Agad kong binalik ang tingin kay Clicko at umiling siya habang tinitingnan ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

"Anong nangyayari?" I asked habang nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Ten minutes. Galing lang ako sa lagnat kaya huwag mo akong pag-antayin." Sabi niya kaya napalingon na rin si Clicko sa kanya at agad ding binalik ang tingin sa akin.

"Nothing I just wanted to see you. Can you like kiss me, para maging okay ako?" seryoso niyang sabi kaya nanlaki ang mga mata ko.

Why is he so vocal? Hindi ba siya naiilang na nandito si Aro at nakikinig sa amin?

"Tss ang korni mo Clicks! Halikan mo na nga yan nang makaalis na kami dito!" naasar na sabi ni Aro kaya tumawa kaming dalawa ni Clicko.

Why is he so grumpy? May dalawa ba siya ngayon?

"I have to go. Mamaya dadating na yung teacher namin" pagpapaalam ko sa kanya kaya sumimangot siya at bumagsak ang balikat na tumatango.

"Bye, baby" he said kaya natawa ako.

Where the hell did he get that call sign? Habang tumatagal ay napapansin ko na ang pagiging clingy ni Clicko. It's like ayaw niyang mahiwalay sa akin. Everytime na magkikita kami niyayakap niya agad ako or di naman kaya ay hinahawakan ang kamay ko. Ibang-iba siya sa Clicko na nakikita ko kapag hindi ko siya kasama. Seryoso palagi, hindi nakangiti at parang may kasalanan ka sa kanya kung makatingin siya sa'yo.

"What the fuck? Naiihi ako sa inyong dalawa" nandidiri na sabi ni Aro kaya inirapan ko siya.

"Goodbye, baby. See you later.." malambing kong sinabi kay Clicko para mas lalo pang maasar si Aro at tama nga ako. His face is so full of disgust na para bang nakakita siya ng nakakasuka na bagay. I laughed while waving at them at agad ding pumasok sa classroom.

Dumating iyong teacher namin at nagsimula na kami sa klase. Bago ko pa matago ang cellphone ko sa bag ay tumunog ulit iyon kaya binuksan ko ulit.

Clicko:

You didn't kiss me. Kiss mo ako mamaya.

"What the.." napakagat ako sa labi ko sa nabasa at agad na itinapon ang cellphone sa bag. Napapikit ako at hindi alam ang iisipin.

Why is he like this? Hindi ako sanay sa ganito. Mas sanay ako na mukhang siyang snobbish at suplado na masungit. Basta iyong ganoon! Mababaliw yata ako kapag tumagal pa na ganito siya.

"Are you okay?" tanong ni Nad sa akin kaya napamulat ako. Umayos ako sa pagkakaupo at tumango sa kanya. The teacher said something kaya natahimik na kami at nakinig.

Nang matapos ang klase ay naisipan nila Kazandra na sa Centro na lang kami kakain para naman makapag-usap na rin sa gagawin naming presentation next week. Malapit na ang midterm kaya naman dapat ay maipasa namin ito habang maaga.

Nagtrisikel kami papunta sa Centro at tumigil sa isang magandang kainan na pagmamay-ari pala ng Uncle ni Dexter kaya naman hindi na kami pinabayad.

"Break na ba si Clicko at Kiana?" basag ni Felly sa katahimikan habang nag-uusap tungkol sa presentation.

Natigil ako sa pagtipa sa laptop at napatingin sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa kanyang cellphone.

Relax Heanndra. Ano naman ngayon kung malaman nila ang totoo na may something kayo ni Clicko? Kung mahuli, edi magsabi ng totoo. Hindi mo naman siya inagaw kay Kiana kasi ang sabi ni Clicko hindi naman sila di ba? Wala kayong ginagawa na masama.

Nagpaalam si Clicko sa akin kanina sa text na may practical quiz sila mamaya kaya kailangan niyang mag-aral. Hindi daw siya makakapag-aral ng maayos kung kasama niya ako dahil baka daw ako lang ang papansinin niya at hindi ang mga aaralin niya. Naiintindihan ko naman iyon dahil nasa dean's list siya at may scholarship na inaalagaan. Medyo masungit siya at suplado pero takot din daw siya na malaglag sa dean's list o matanggalan ng scholarship. Nakakabawas daw ng pogi points iyon.

"Kaya siguro nagwala siya last time sa Ground Forest. Ang sabi ni Gino sa akin lasing na lasing daw iyang si Kiana at umiiyak. Mabuti na lang daw at dumating iyong pinsan mong si James.." kwento ni Sarah at tinuro ako kaya napaayos ako ng upo at nakinig.

I know James was there pero hindi namin siya nakasabay ni Kuya papunta at hindi ko rin siya nakita buong oras na nasa loob pa ako ng bar. Hindi pa rin pala siya tapos kay Kiana.

"Oo nga, napansin ko rin na hindi na masyado lumalapit si Clicko kay Kiana nitong mga nakaraan.." nagtataka na sabi naman ni Kazandra.

Napatikhim ako at uminom ng tubig. Why am I suddenly so tensed?

"Speaking of her..." bulong ni Felly at napatingin sa labas ng resto kaya napatingin din kaming lahat doon.
Kiana and her friends are here. Kakababa lang nilang lima sa isang itim na sasakyan at dumiretso papasok sa resto ng Uncle ni Dexter.

"Shit dito pa talaga sila papasok ha? Ang ganda naman ng timing!" bulong ni Sarah pero dinig na dinig naming lahat kaya tinapunan ko siya ng tissue.

Napatigil si Kiana sa paglalakad nang dumapo ang tingin niya sa table namin. She scanned each and every one of us on the table at tumigil ang mata niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. I thought she would roll her eyes on me or do something bitchy pero she just looked away and started walking again sa kabilang table sa dulo kasama ng mga kaibigan niya.

Akala ko naman magkaka-part two ang nangyari sa aming apat nina Lyrra at Catherine. Aawayin niya ako? Ano sasabihin niya? Na inagaw ko si Clicko sa kanya? Hindi naman naging sila, eh.

"Hoy!" napasulyap ako kay Sarah nang tapunan niya ako ng kinakain na chichirya. Natigil ako sa pag-iisip at sinamaan siya ng tingin.

"Stop throwing the food!" saway ni Nad sa kanya kaya ngumiwi siya at tumigil.

"Eh kasi ito eh! Kanina ko pa tinatanong kung bakit ganoon makatingin sa kanya si Kiana!" sigaw niya kaya sinaway siya ulit ni Noel.

"Bakit ka pa nagtataka? Hindi ba nagkasabunutan nga sila noong nakaraan?" natatawa na sabi ni Kaz habang tumitipa na sa laptop na nasa harap nilang dalawa ni Dexter.

"Alam mo napapansin ko na ha? Nitong mga nakaraang araw mas lalo kang gumaganda. Tapos pumupula palagi ang pisngi mo..." nanliliit ang mga mata ni Sarah sa akin habang sinusuri ang mukha ko.

Naiilang ako na napayuko. Shit. Ganito ba talaga ang epekto ni Clicko sa akin? Hindi naman ako naglalagay ng blush on, bakit pumupula ang pisngi ko?

"Hindi ka naman naglalagay ng blush on.." pagpapatuloy niya na parang binabasa ang iniisip ko habang tumatango.

"Tumitira ka ba?" biglang tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko. What the hell is she talking about?

"Sarah!" saway ni Noel na natigil sa pagbabasa ng libro at matalim siyang tinitigan.

"OMG! OMG! Nakipag-sex ka ba?" bulong niya kaya tuluyan ng naibagsak ni Noel ang libro sa mesa. Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko.

Minsan talaga gusto kong lagyan ng filter ang bibig ni Sarah. She doesn't know how to control her mouth at hindi na nakakatuwa iyon minsan.

"Sarah Margaret Diaz! What the fuck are you saying?" galit na sigaw ni Nad kaya napatigil si Sarah.

"Sorry naman. Ano ba kasi ang meron ha, Heanndra? Alam ko may nangyayari sa'yo na hindi ko alam eh. Kilala kita eh," hirit niya pa ulit kaya napatigil ako sa pagtipa sa laptop at huminga ng malalim.

How the hell did she noticed that? Wala namang may nagbago sa ginagawa ko araw-araw. Paano niya na sasabi na may nangyayari na hindi niya alam? May ginagawa ba ako ngayon na hindi ko usually ginagawa?

Okay. She wants to hear it? I'll say it.

"Something is going on between me and Clicko," mahina na sabi ko at napatigil silang lahat sa kanilang mga ginagawa at napatingin sa akin.

Kumunot ang noo ni Nad sa sinabi ko.

"Shit. What!?" sigaw ni Sarah kaya napatingin ang lahat sa amin kahit na sina Kiana na nasa kabila at kumakain na.

"Pwedi bang huwag tayong sumigaw please?" parang anghel na boses ni Dexter ang nangibabaw sa gitna ng katahimikan.

"Totoo Heanndra?" hindi makapaniwala na tanong ni Kaz kay tumango ako.

"Wow you really did a great job in pissing Kiana off, Heanndra!" medyo sarcastic na sabi ni Sarah kaya kumunot ang noo ko.

Ano ang ibig niyang sabihin?

"I'm not planning on pissing anyone off Sarah. We like each other so we are giving it a shot" mahinahon na paliwanag ko.

Aaminin ko na medyo na offend ako sa sinabi ni Sarah, pero naiintindihan ko iyong reaction niya dahil wala naman siyang alam sa totoong nangyari kay Kiana at Clicko. Everyone knows na may relasyon silang dalawa kaya ang labas ko sa makakaalam tulad ni Sarah ngayon, ay inagaw ko si Clicko kay Kiana.

"Paano nangyari iyon?" tanong naman ni Dexter kaya napahinga ako ng malalim. Hindi ko alam kung paano magsisimula sa pagkwento pero sinubukan ko pa rin na sabihin sa kanila ang lahat.

"Shocks. Talaga? I really thought all this time na silang dalawa talaga. Such a shame.." maarte na sabi ni Kaz pagkatapos kong magkwento.

Agad namang nag-sorry si Sarah sa akin nang marinig na niya ang buong kwento. Naiintindihan ko naman iyon kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

"I think kaya siguro na pagkakamalan na sila because Clicko is trying to get a sponsor para makapasok sa PMA. Kiana's uncle is the Major General of the Philippine Army kaya sinusubukan ni Clicko na magtrabaho sa tatay ni Kiana baka sakaling makakuha siya ng sponsor doon. Clicko actually told me na ayaw niya talaga na magtrabaho doon pero talagang kinuha siya ng tatay ni Kiana. So he just grabbed it," kwento ni Nad kaya napataas ako ng kilay sa nalaman.

Ito iyong sinabi niya sa akin na kinuha talaga siya ng tatay ni Kiana para magtrabaho. Samantalang, nag-volunteer siya kay Dad dahil daw sa akin. But he never told me about this. About the PMA? May plano siyang pumasok sa PMA? So, that's why he's working for Kiana's father because of the sponsor? Biglang pumasok sa isip ko iyong pag-uusap nila Martin noong hinatid nila ako sa bahay.

That's right! They're talking about the sponsor. Major General Antonio? Pero ang sabi niya ay maghahanap na lang siya ng bagong sponsor di ba? General Tetangco?

"Napaka-feeler naman pala ni Kiana kung ganoon? Tss hindi ba nakakahiya iyon? Akala mo kayo tapos biglang hindi pala?" natatawa na sabi ni Sarah kaya natawa naman silang lahat sa table namin.

Should I ask Clicko about this? Natatakot ako na gawin iyon. Hindi pa naman kami official, kaya wala pa akong karapatan na manghimsok sa buhay niya pero hindi ako matatahimik hangga't wala akong sagot na makukuha.

Natigil na kami sa pag-uusap at nagsimula na ulit sa paggawa ng presentation hanggang sa makabalik na kami sa school.

"Heanndra, practice later. Last two na dahil midterm is approaching" sabi ni Jamal sa akin nang magkasalubong kami sa entrance ng school. Tumango ako sa kanya.

Kahit tapos na iyong practice game ay nagte-training pa rin kami araw-araw kaya may iniiwan na ako na mga damit sa locker ko at sa lockers namin sa HQ. Pagkatapos ng midterm ay patayan na naman na practice dahil sa Interscholatic na mangyayari.

"Heanndra magkikita ba kayo ni Clicko mamaya?" tanong ni Nad sa akin habang hinahatid ko sila sa gate ng campus. Hindi ko alam. Hindi pa kami nakapag-usap simula kanina.

"Siguro? Hindi ko na tinext dahil baka maistorbo ko. Bakit?" nagtatakang tanong ko. Tumango siya at may kinuha sa bag niya na isang makapal na libro. He handed it to me kaya tinanggap ko iyon.

"Pakibigay na lang sa kanya. Hiniram ko last tutoring," bilin ni Nad kaya napatingin ako sa libro at tumango sa kanya.

"Bye. See you tomorrow" kumaway ako kina Sarah na palabas na ng campus. Bumagsak ang balikat ko nang mapagtanto na may practice pa ako ngayon.

Huminga ako ng malalim at dumiretso sa locker area malapit sa cafeteria. Malapit ng mag-gabi pero marami pa rin akong nakikita na mga estudyante na kumakain sa cafeteria. Probably the night class students. Kinuha ko ang damit na ipapalit ko mamaya at napahawak sa dibdib sa sobrang gulat dahil may tumakip sa mga mata ko.

"Hi," natatawa na bati niya sa akin habang nakatakip pa rin ang mga kamay sa mata ko.

"Clicko!" natatawa na sigaw ko kaya kinalas niya ang mga kamay sa mata ko at agad kong nakita ang nakangiti niyang mukha. Ilang saglit ko siyang pinagmasdan sa uniform niya. Ang itim na backup ay nasa likod niya at malinis na malinis ang buhok dahil naka clean cut ito.

"Training?" he suddenly asked kaya napatango ako at agad na isinara ang locker ko.

Nagulat ako ng kunin niya ang bag ko at isinuot iyon sa balikat niya. Hindi talaga ako sanay na ganito siya sa akin. Hindi yata talaga ako masasanay.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko habang naglalakad na kami sa field.

"I'll wait for you to finish" he said kaya agad akong napailing. Gagabihin ako ng uwi at malapit na ang exam. He needs to study at ayaw kong mapupuyat siya kakahintay sa akin.

"Clicko, I'm gonna be fine. Magpapasundo ako kay Manong June ngayon" tanggi ko. He was about to insist na maghihintay talaga siya pero pilit rin akong umaayaw.

"Sige na please. Sa susunod mo na lang ako hintayin. Please? Please?" I said in a cute tone kaya napailing iling siya habang tumatawa.

It's actually nice just to walk with him. Wala pa kaming ginagawa ay masaya na ako. Habang naglalakad ay napapansin ko iyong mga babae na nakadikit ang tingin kay Clicko tuwing napapadaan kami sa kanila. Kadalasan ay iyong mga freshmen ang nakikita ko. He's actually a head turner, ngayon ko lang napansin na magkasama kami.

Nakarating kami sa HQ at agad narinig ang sipol ni Aro sa malayo. Nakita ko sina Jill at Gabby na nakasunod ang tingin sa aming dalawa ni Clicnic habang papalapit kami sa kanila.

"So uh? I'll see you tomorrow?" he said habang binibigay sa akin ang bag ko. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"I'll see you tomorrow.." I finally said. I wanted to hug him kaya lang ay masyadong maraming tao at nahihiya ako. Nagpaalam din siya kay Aro at agad ng umalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumiko siya sa isang hallway.

"Alam mo bang na perfect niya ang practical quiz kanina? Gun assembly?" bulong ni Aro sa gilid ko habang nakatingin rin sa kung saan lumiko si Clicko.

Napangiti ako. Gustong gusto niya talaga iyong mga ginagawa niya. Siguro kaya ganoon na lamang niyang gusto na makapasok sa PMA. He really wants to be a soldier huh?

"Palagi namang perfect iyon eh..." bulong niya pa ulit kaya hindi na ako natigil sa pagngiti.

"Mahal mo na noh?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Siguro? Kasi hindi naman ganito ang mararamdaman ko kung hindi di ba?

Tumawa si Aro nang wala akong maisagot sa sinabi niya. Binuksan ko ang bag ko para makabihis na nang makita ang libro na binigay ni Nad sa akin kanina.

Shit. I need to give this to Clicko baka kailangan niya itong basahin mamaya. Mabilis akong naglakad sa field papunta sa hallway ng Health Allied department. I'm sure hindi pa naman nakakalayo si Clicko. Mahaba itong hallway kaya kung bibilisan ko ay maabutan ko pa siya.

May iilang mga estudyante akong nakikita na naglalakad. Madilim na rin kaya may mga ilaw na rin sa hallway. Nagpalinga linga ako baka sakaling makita ko siya. Lumiko ako sa kaliwa, nandoon ang mga display na taxidermy na gawa ng iilang mga Medical Technology students. Napatago ako sa gilid nang dingding nang may marinig.

"What do you want Kiana? Bakit dito mo pa gustong makipag-usap? Ayoko na naglilihim ako kay Heanndra ng ganito," napalunok ako nang marinig ang medyo galit na boses ni Clicko.

Sumilip ako doon at nakita si Kiana na umiiyak. Nakatalikod si Clicko sa akin at si Kiana lang ang nakaharap kaya siya lang ang nakikita ko.

"Ano? Ganoon na lang iyon? Itatapon mo ang pinaghirapan mo ng ilang taon para sa babaeng iyon?" nanghihina na sabi ni Kiana habang umiiyak.

"I already said sorry to your Dad and Uncle, Kiana. Sa kanila naman talaga dapat ako humingi ng tawad because I disappointed them. Wala akong dapat ihingi ng tawad sa'yo. Alam mo yan.." seryoso ang tono ni Clicko.

Mas lalong naiyak si Kiana. Pulang pula na ang mata niya at namumugto na iyon.

"Paano ang sponsor mo? Hindi iyon ibibigay ni Uncle sa'yo dahil sa ginawa mo! Hindi na matutupad ang gusto mong makapasok sa PMA!" sigaw ni Kiana habang pilit na pinapahiran ang kanyang mga luha.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog noon. Dahil sa ginawa ni Clicko? Bakit ano ba ang ginawa niya? And she's threatening Clicko? Pangarap ni Clicko ang ginagamit niya para huwag umalis si Clicko sa kanila? She's pathetic as hell! Why would she do that? Ganoon na ba siya ka desperada?

"I know. I expected it already na hindi ibibigay ni Major General sa akin iyong sponsor. I will never stop there Kiana, gagawa ulit ako ng paraan para makahanap ng bagong sponsor" sagot naman ni Clicko.

Bumagsak ang balikat ni Kiana sa narinig at hindi na nagsalita. She immediately turn her back on Clicko at umiiyak na tumakbo palayo.

Napakagat ako sa labi ko habang nag-iisip. Sino kaya ang kilala ni Daddy na may rank din sa Philippine Army? And what did Clicko do? Anong nangyari?

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

444K 16.2K 192
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...
48M 2.5M 68
|| Available in book stores!! || watty award 2017 winner! || Becca's life takes a thrilling turn when she pretends to date Brett Wells, the most pop...
Ice Cold Bởi m

Tiểu Thuyết Chung

2.2M 83.5K 49
[boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feelings for so...
Alina Bởi ihidethisapp

Tiểu Thuyết Chung

1.5M 37.3K 75
The Lombardi family is the most notorious group in the crime world. They rule both the American and Italian mafias and have many others bowing at the...