[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS...

By iam_MissA

2.7M 63.7K 25.2K

Namiss niyo ba sina Karissa at Marion ng CLASS 4-6? Ready na ba kayong makasama sila sa next level ng relat... More

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCO
Prologue
Chapter 1 - Where is Marion Gatcheco-Gotiangco?
Chapter 2 - Her trust
Special Update
Chapter 3 - He's Back!
Chapter 4 - Bakit?
Chapter 5 - Call me, Kin please.
BIG FAVOR and GOOD NEWS/ANNOUNCEMENT (not an update)
Chapter 6 - Martir
Chapter 7 - Birthday Surprise
TEASER
LITTLE TEASER for CHAPTER 8
Chapter 8 - Marion's explanation
Chapter 9 - Kin Island
Not an Update - KARMAR BS Contest
Chapter 10 - Honeymoon
Chapter 11 - I'm Pregnant
Chapter 13 - Marion 101 #13
Chapter 14 - Karissa Meet Leslie
Ms. A @ MIBF 2018
Chapter 15 - She's what?!
Chapter 16 - Merry Christmas Ayers
Chapter 17 - Sean
Chapter 18 - Daddy Marion
Chapter 19 - "I will be a donor" - Jordan
Chapter 20 - Karissa's first trimester
Chapter 21 - From Bubuyog to Clown
Chapter 22 - Sean Family
Chapter 23 - JorLes Couple
Chapter 24 - Marion - Jordan
Chapter 25 - Gender Reveal
Chapter 26 - Nicole Sandoval
Chapter 27 - I'm the wife
Chapter 28 - B1 and B2
Chapter 29 - Marion's downfall Part 1
Chapter 30 - Marion's Downfall Part 2

Chapter 12 - Papa

45.4K 1.1K 325
By iam_MissA

First of all, i want to greet all AYERS a MERRY CHRISTMAS and advance HAPPY NEW YEAR! I hope that you had a great christmas celebration together with your family and love ones. I am so sorry dahil ngayon lang nakapagupdate si Ms. A, and I know hindi na bago sa inyo ang reason kong super busy.

Hopefully, magustuhan niyo ang christmas gift ko sa inyo.

I love you Ayers. Thank you so much to your unending supports.

***********************************************************

*Karissa's POV*

"ARAAAAAAAAAAAAAAAAY!"

Naputol ang maraming katanungan sa utak ko sa naging sagot ni Marion kay Vince dahil sa sigaw ni Ciara. Gusto ko man pakinggan kung ano ang sunod sa sagot ni Marion na "nope" pero mukhang hindi na niya itutuloy ang sasabihin niya dahil nabulabog din sila sa sigaw ni Ciara.

At dahil na rin sa alam ko ang kalagayan ni Ciara, napatakbo ako agad sa kwarto nila ni Rayne. Sana walang nangyari sa kanilang masama ng kanyang baby.

Pagdating na pagdating ko sa kwarto nila, nagulat ako dahil nakaupo si Ciara sa sahig hawak-hawak ang kanyang tiyan habang umiiyak at si Rayne na umiiyak din sa tabi niya, pero ang mas kinagulat ko ang dugo na tumutulo sa binti niya.

"Hon! Anong nangyari sa'yo?!" Kahit walang maintindihan si Vince, hindi na siya nagdalawang isip na buhatin si Ciara.

"Vince, the chopper is ready."

Tumango lang si Vince at nagmadali siyang dalhin si Ciara sa chopper. Kaming dalawa naman ni Steph sumama na rin sa sinakyan nilang chopper para makagawa na kami ng first aid kit kay Ciara. At ang iba pati na rin si Marion ay susunod na lang habang hinihintay ang ibang chopper.

"Hon, I'm so sorry." sabi ni Ciara kay Vince habang umiiyak.

"Bakit ka nagsosorry, Hon? Anong nangyayari sayo? Bakit ka may dugo?!" Gulong gulo na tanong ni Vince.

"I'm so sorry. I didn't mean it." I know, hindi rin kayang sabihin ni Ciara ang totoo kay Vince tungkol sa baby nila. Gustuhin ko man sabihin kay Vince ang totoo pero wala naman ako sa posisyon sabihin iyon.

Nakarating na kami agad ng ospital at diretso na sa emergency room si Ciara. Kahit anong pilit ni Vince sa mga doctor na sumama sa loob, hindi pa rin siya pinayagan. Wala rin nagawa si Vince dahil kailangan niya maghintay na lang dito sa labas.

Hindi rin nagtagal may lumabas na doctor sa emergency room. Pero mukhang may kailangan lang siya puntahan pero hinarang siya ni Vince.

"Doc, anong nangyari sa girlfriend ko? Is she fine?"

"Mr. De Vera, we are not yet sure if she is fine and her baby."

At nakaalis na ang doctor habang si Vince naiwan na natulala. Kaya nilapitan ko na si Vince.

"Vince, sorry hindi namin--"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagulat na lang ako dahil bigla akong hinawakan ni Vince sa magkabilang braso ng mahigpit. Ramdam ko ang galit sa hawak niya.

"BAKIT HINDI NIYO SINABI SA AKIN?!"

Hindi ako makasagot dahil natatakot ako.

Naramdaman ko, biglang nawala na ang pagkakahawak sa akin ni Vince. Hindi ko napansin na andito na pala sila Marion. At kaya pala nawala ang pagkakahawak sa akin ni Vince dahil hinawakan pala ni Marion ang braso ni Vince at tinitigan ito ng masama. Kaya siguro nabitawan ni Vince ang mga braso ko.

Kahit ganoon, hindi pa tapos si Vince.

"Karissa, bakit hindi niyo sa akin sinabi? Bakit hinintay niyo pa magkaganito?!"

"I'm so sorry, Vince. Ngayon lang din namin nalaman kay Ciara. At nakiusap siyang hindi muna sabihin sayo dahil natatakot siyang hindi mo sila panagutan."

"BAKIT KO NAMAN HINDI SILA PAPANAGUTAN?! THAT'S MY BABY!"

Ramdam ko ang galit ni Vince at takot. Malamang dahil mag-ina niya ang nasa loob ng emergency room. Wala na rin nakasagot sa sinabi ni Vince dahil pumunta na lang siya sa emergency room at kami, heto nakaupo na lang sa tabi habang naghihintay ng balita galing sa doctor.

"Kin, huwag mong gagawin din ang ginawa ni Ciara. Promise me."

"Huh?" Anong sinasabi nitong si Marion?

"Don't ever keep from me if you're pregnant." Paano ko naman sasabihin sa kanya na buntis ako kung siya mismo ayaw na mabuntis ako. Ano? Para pag nalaman niya, hihiwalayan na niya ako agad?

Magtatanong sana ako sa kanya tungkol sa narinig ko kanina pero hindi ko natuloy dahil bumukas na ang pinto ng emergency room at lumabas na ang doctor ni Ciara, kaya napatakbo kami agad sa doctor para malaman ang kalagayan ni Ciara.

"Doc, ok na ba ang mag-ina ko?"

"Yes, Mr. De Vera. They are safe now."

Para kaming nabunutan ng tinik sa narinig namin. Thank you po Lord.

"Mr. De Vera, can you give me a minute to talk with you in private? I need to give you the do and dont about Ms. Salido's pregnancy."

"Sige po, Doc."

Nagpaalam na rin kami kay Vince since hindi rin naman namin puwede makita ngayon si Ciara dahil kailangan na niya magpahinga. Umuwi na muna kaming lahat at babalik kami sa ospital bukas para dalawin si Ciara.

Pagdating na pagdating namin sa bagong bahay namin, dumiretso na kami sa kwarto namin. Gusto ko man magtour dito sa napakalaking kwarto namin pero hindi ko na rin magawa dahil na rin sa pagod.

Si Marion, pagkabihis niya, humiga na rin siya sa kama namin at nakapikit agad ito.

"Kin." Akala ko tulog na itong isa. Nakita kong tinap niya ang space sa tabi niya. Isa lang ibig sabihin niyan, tumabi na ko sa kanya.

Ginawa ko naman dahil gusto ko na rin magpahinga. Pagkahiga ko, niyakap niya ko agad.

"Kin, I'm excited to have our little Marion and little Karissa." para siyang batang excited sa isang bagay.

Pero, teka ano daw?! Akala ko ba ayaw niya ko mabuntis? Tapos ngayon excited siya? Ano ba talaga ang gusto mo Marion Gatcheco-Gotiangco!

Hay, magtatanong na sana ako sa lalaking nakayakap pero hindi na rin makakasagot ito. Dahil rinig na rinig ko na ang hilik niya.

Bago pa ko makatulog, bigla kong narinig na tumunog ang cellphone niya. Sino naman kaya itong nagtext sa kanya?

Kinuha ko ang cellphone niya sa side table namin at binuksan ang cellphone niya. Yup, wala pong passcode ang cellphone niya kaya kahit sino mabubuksan ang phone ng taong ito.

Number lang ang nagtext sa kanya.

Text: 09xxxxxxxxx

Papa! I really miss you! :(

Papa?!

********************************

Thank you again Ayers! Buhay pa si Ms. A, don't worry. Kaya sa mga nagtatanong kung patay na si Ms. A, buhay na buhay pa po ako. Sadyang busy sa work si Ms. A.

I just want to share something and i want and hopefully, everyone can take this seriously. Some of you, treat a depression of other people is just a simple matter. Depression of other people is not just a simple matter and some people cannot be able to handle it properly. Kaya if you know someone that is struggling on depression, please do reach out to them because depression cannot be fight by person alone.

And for those others that took a depression just a joke or just because it will make you trendy then please stop it. or please stop pretending having it and be thankful to your self because you did not have that kind of sick.

For those people that struggling with depression, please do not keep it yourself. As much as possible, reach out to your close friend or it would be better to your family. Please let them help you. Do not lose hope. You can reach out to me. I'm just a one message away, kahit anong busy ko. I will give my time for you.

Because our life is very important.

- Ms. A

(Condolence for the SHAWOLS and for those people who lose their someone due to depression)

FB: MISS.A08

KAKAOTALK: MissA0309

Continue Reading

You'll Also Like

14.8K 223 2
WARNING: SPG | R-18 Blood Duology #2 In a quiet, secluded province of the mortal world, resides a young girl named Emily. Unaware of the extraordinar...
444 96 7
COMPLETE | UNEDITED | SHORT STORY ______________ Sino nga ba ang tunay na salarin? Sino nga ba ang may kasalanan? Sino nga ba ang dapat sisihin? Nagt...
1.4K 84 11
[Rainbow Series #3: Color Yellow] Dahil sa kaniyang malubhang karamdaman, tila nawalan na ng pag-asa buhay ang 18year old na si Sunshine Cinzia Devon...
4.1K 819 79
❝ crush ko pero ang hirap umamin. ❞ ━ in which a girl secretly admires a guy and also secretly admires her. 「 im jaebum • jung eunji...