Damn Alcohol
Hindi malaman ni Universe kung paano niya bubuhatin si Gerald.
"Ah! Gerald, maglalasing kasi di naman kaya! Damn Alchohol!"
"Ehhhhh, iuwwwi mo naaa ako." mabagal na sambit nito habang nakapikit.
"Paano kita iuuwi ha? Ano tingin mo sakin, si superman?" tinapik tapik niya ito pero narinig niyang humihilik na ito.
"Arrrgh!" wala siyang nagawa at inakay ito kahit na bigat na bigat siya.
Isinakay niya ito sa kotse niya at dumiretso na sa bahay nila.
Sigurado kasing tulog na ang mga kapatid at nanay ni Gerald.
"Kuya! Pakibuhat nalang at pakidala si Gerald sa guest room, pakibihisan narin."
Nauna na siyang pumasok sa bahay samantalang si Gerald ay binubuhat na ng mga guards.
"Anak, bat ngayon ka lang?" bungad sakin ni Papa na nainom ng kape.
"Nighlife! Pero nakita ko si Gerald na naglalasing eh hindi naman kaya!" at pagod na umupo si Universe sa couch.
Nagsidatingan na ang nagbubuhat at idiniretso na si Gerald sa guest room.
"Oh, i see." sabi ni Tito at humigop ulit ng kape niya.
"Sige Pa! Una na ko." Sabi niya at umakyat na sa taas at dumiretso sa kwarto niya
Agad naman siyang nakatulog samantalang si Gerald ay nabihisan na kaya maayos nang nakatulog.
"So, yeah!" sabi ni Universe pagkabihis niya, bumaba agad ito sa kitchen para magluto.
Hindi na nga siya nakapagpalit ng damit.
Agad naman siyang nagluto ng fried rice at steak tapos meron carrots at corn.
Ginisa niya pa ang kanin sa butter para ms sumarap tapos malambot talaga ang pagkakaluto sa karne at fresh din ang gulay.
Nagtimpla din siya ng kape.
Nilagay niya yung sa isang tray at dumiretso sa taas.
"Magugustuhan niya siguro to!" sabmbit ni Universe bago buksan ang pinto.
"Gerald! Free breakfast!" sigaw niya pero nakita niyang walang tao.
Tinignan niya bawat sulok ng lugar, banyo at ang closet pero wala.
Pinatong niya nalang munq sa lamesa yung tray nang may makita siyang papel.
Kinuha niya yun at binasa niya, simpleng mensaheng nagpabagsak ng mga luha niya.
Thank you.
-Gerald
Napaiyak nalang siya, umasa ulit siya.
Nasabi niya nalang na lasing nga pala kaya nasabi niya.
"Bwiset!" umalingawngaw ang sigaw niya kaya may lumapit sa kanya na maid.
"Maam, may problema po?" sabi ng isang maid sa kanya
"Sayo nalang to!" sabi ni Universe at tinuro ang pagkaing niluto niya
"Eh? Maam?"
"Tikman mo." Sinunod nalang ng maid ang sinabi niya, umupo siya dun at tinikman.
"Grabe maam! Ang sarap po!" sabi nung maid kaya agad napangiti si Universe pero nabawi ulit ito at naging malungkot.
"You make me happy, but mae magiging masaya siguro ako kung siya ang magsasabi niyan, sige! Enjoy eating." tapos lumabas na siya, nagayos agad siya ng sarili.
To: Meteor
Make me happy, Im lonely again ya.
Napapikit siya.
"oh! Why are you sad, baby?" nagkita na sila sa mall.
"Baby? Eeew. Hahaha." ngumuso si Meteor.
"Kelan mo ba kasi ako sasagutin?" Napairap si Universe
"Eh kakaumpisa mo palang nung isang araw ah!" sabi ni Universe
"Hindi naman pinapatagal ang panliligaw eh! Kaartehan lang yan hahaha." sinapak ni Universe ng mahina sa braso si Meteor
"Get to know each other yon, shunga!"
"Shzz. You know what, I love you." Napa-O nalang ang bibig ni Universe, paulit ulit na kasi si Meteor.
"You, ah, Uhm! Psh. Grow up, haha." namula ang pisngi niya dahil doon.
"You, ah, Uhm! Psh. I already grown up! hahaha." sinamaan lang ng tingin ni Universe si Meteor ng pabiro.
Nang mahagip ng mata ni Meteor ang lalaking pagewang gewang na naglalakad sa mall habang may dalang jack daniels.
"Si Gerald yun diba?" Nanggaling si Gerald sa bilihan ng mga alak, kaya pagkabili palang niya ay ininom niya kaagad ito.
"Omygosh, lasing nanaman." sabi ni Universe at nagmadaling pumunta kay Gerald na marami nang nasasangga.
"Gerald?! Bakit ka nandito?" sabi ni Universe at inalalayan na ito sa paglalakad, tinulungan naman siya ni Meteor.
"Ano bang pakielam mo sa buhay ko? Magsama kayo nyang boyfriend mo! Basta ako maglalasig ako para makalimutan ko lahat!" sigaw niya at bumitaw sa hawak ng dalawa.
Pagewang gewang parin itong lumabas ng mall, agad naman nila iyong sinundan bago pa may mangyari na hindi maganda.
"Gerald! ANO BANG PROBLEMA MO?!" pumiyok pa ang pagsigaw ni Universe sa dulo at parang namaos sa lakas ng sigaw, napaiyak nalang siya sa nakikita niyang Gerald.
Lumingon ito sa kanya kasabay ng paghagis ng bote na hawak niya, napatakip naman sila ng tenga sa ginawa nito.
"Problema ko? Marami. SOBRANG DAMI!" Dahil sa mga sigawan na iyon ay naglapitan na ang nga tao at guards.
Hahawakan sana nila si Gerald pero isa isa silang tinignan ng masama nito.
"Ano bang mali sakin ha? Naging mabait naman ako. Masunurin na anak. Lahat. Pero bakit kailangan niya tong gawin sakin? Kailangan kong magsakripisyo, na alam kong tama pero ang sakit pala, araw araw parang sinasaksak ang puso ko sa lahat ng yon! Ang hirap." Tapos suminghot ito at naglakad palayo ng medyo maayos na.
*Beeeeeep!*
"Geraldd!" sigaw ni Universe pero nakaiwqs naman sa sasakyan si Gerald at nagpatuloy parin ito sa paglalakad
"Sundan natin siya!" Sumakay sila sa kotse at nagmasid kay Gerald.
Gumaan naman ang pakiramdam ni Universe ng nakita itong umuwi sa bahay nila.
"Wait for me here." sabi niya kay Meteor at lumabas ng kotse at nagdoorbell sa bahay nina Gerald.
"Sandali lang." Napangiti siya ng marinig ang boses ni Melanie.
"Melanie!" Bungad niya ng buksan ito pero parang hindi parin nagdodownload sa utak ni Melanie kung sino ang nasa harapan niya.
"A-te Uni-verse?" mautal utal qt namumutlang tanong nito.
"Oo may problema ba? Pwede ko ba kayong makausap pati si Tita?"
Unting unti itong tumango kaya pumasok siya.
"Hi, tita." Nagulat ang nanay ni Gerald na nanonood ng tv.
"Anong ginagawa mo dito, hija?" sabi nito at pinaupo siya.
"Marami lang po akong gustong itanong sainyo tungkol sa anak niyo." Napalunok ang nanay ni Gerald.
"Melanie, ikuha mo ng inumin ang ate mo." Wala roon si Rhon na nakakqtandang kapatid ni Gerald dahil nasa trabaho ito at ang nakakabatang kapatid naman ay naglalaro sa kwarto niya.
Inaabot na ni Melanie ang juice kay Universe, uminom naman ito ng kaunti saka tumingin sa nanay ni Gerald ng nagaalala.
"Anong itatanong mo?" nakangiti pero alam mong kinakabahan ito.
"Anong problema ni Gerald? Meron po ba siyang hindi magandang pinagdadaanan?"
"Oo." Maikling sagot nito at tumingin sa malayo
"Ano po-"
"Siya nalang ang magsasabi sayo noon hija, masyadong personal iyon kayq baka magalit lang siya kapag sinabi ko na kaagad saiyo." Ngumiti nalang si Universe at tumayo
"Sige po una na ko." Umamba na siyang aalis pero biglang sumigaw si Melanie mula sa kwarto ng kuya niya.
"Ma! Ate! Nilalagnat si Kuya, ang taas. at si Ate Universe po ang hinahanap niya." napatingin silang dalawa doon, ngumiti ng mapait si Universe saka dali daling pumunta dun.
Naabutan nila tong pawis na pawis na nakahiga sa kwarto niya
Umupo sa gilid ng kama.
"Bes.. Andito na ko." Dumilat ito ng kaunti at hinawakan ang kamay niya.
"Dito ka lang ah." sabi nito qt pumikit ulit.
"Oo, dito lang ako." kinuha niya ang cellphone at nagtext kay Meteor na mauna na.
Padabog na pinaandar ni Meteor ang sasakyan, nagseselos siya pero pilit biya iyong pinipigilan dahil may sakit naman ang tao.
"Sige, Universe bantayan mo muna ang anak ko ah, bibili lang ako ng gamot." Lumabas na ito
Kinuha niyq ang bag niya at kinuha ang cool fever at nilapat ito sa noo ni Gerald.
"Ayan, alam mo bang pag may jetlag pa ako yang ang gamit ko hahaha, mawawala sakit ng ulo mo." ngumiti siya sa lalaking nakapikit pero alam mong nakikinig.
"Ah, Gerald." bumitaw siya sa kamay nito kaya napadilat ito ng konti.
"Ipagluluto kita ng soup." Unting unti naman itong tumango.
Pumunta siya sa kusina.
"Melanie, magluluto ako ng soup ah."
"Sige lang po ate." Nagluto na siya ng simpleng soup.
Inilagay niya iyon sa tasa, at nagtiis na mapaso.
Hindi mo aakalain na kaya niyang tiisin ang lahat ng paso.
"Gerald, umupo ka muna ng maayos ah." Inalalayan niya naman ito.
Dumilat na ito.
"Say aaaah." Ngumanga naman ito, hinihipan niya muna bago isubo kay Gerald.
"Alam mo bang pinagluto kita ng masarap tapos pagpunta ko sa kwarto mo umalis ka na pala." napangiti ito.
"Sorry.."
"Ayos lang, pinakain ko naman sa isang maid kaya di nasayang."
Sinubuan niya lang ng sinubuan ng soup ito.
"Ikaw naman kasi, wag ka na ngang magiinom, di ka naman sanay! Ayan nilagnat ka kaagad." Napatawa naman ang dalawa, narinig nilang dumating na ang nanay niya.
"Oh ito ipainom mo sa kanya pagkatapos niyan." Naubos naman ang isang tasa ng soup kaya pinainom niya na ito ng gamot kasabay ang tubig.
"Hija, dito ka nalang maghapunan." tumango nalang ang dalaga dahil ayaw niya pang iwan ang bestfriend niya.
Kumain sila ng hapunan.
"Namiss ko po yung Pork Steak niyo tita! Ang sarap po talaga." sabi ni Universe at kumain ng kumain
"Di bale hija, pagnandito ka ipagluluto kita ng ipagluluto."
"Gusto ko yan Tita." Hindi na pala nagising ang bunson kapatid ni Gerald kaya tatlo lang silang nakain.
Natapos na silang kumain at dumiretso kaagad siya sa kwarto ni Gerald.
"Gerale aalis na ako." sabi niya at nagpaalam pero hinila siya nito kaya nagkalapit mula ang mga mukha nila.
"Dito ka lang." at hinila ulit siya nito kaya bumagsak ang ulo niya sa gilid ng leeg nito.
Agad siyang napatayo.
"Hija kung pwede sayo dito ka nalang matulog." Wala na siyang nagawa at pumayag
"Pagmatutulog ka na pumunta ka nalang sa bakanteng kwarto ah." Tumango ito.
Nakatulog na ng mahimbing si Gerald, tinititigan niya ang malaanghel na mukha.
"Hay nako, Dyan ka na pala nakatulog." Nagunat ng kanyang nga braso si Universe ng magising siya, doon na pala siya nakatulog sa kwarto ni Gerald.
"Uuwi na po ako, pakisabi nalang po kay Gerald." Umuwi na siya at naligo.
Magkikita daw ulit sila ni Meteor. May ihinanda ang binata sa kanya.
From: Meteor
Hi, Babe! :* Punta ka sa Fridays. 2:00 pm. Ingat ka papakasal pa tayo.
Napangiti nalang si Universe sa kabaliwan nito.
Nagayos naman siya ng maganda at kaagad na dumiretso doon.
Pagkapunta niya palang ay may mga petals na ng rosas ang nasa daanan niya.
Pumunta na siya sa restaurant na sinalubong siya ng mga nagviviolin, may babaeng naglagay sa kanya ng roses sa gilid ng tenga niya
Hanggang sa naaninag niya na si Meteor.
"Ano ba to ha? Kelan ka pa natuto nito? hahaha."
"Sit down." Wala sa sarili na sabi ni Meteor, patingin tingin ito sa cellphone niya.
Naging akward naman si Universe.
Inihain na ang pagkain pero wala paring umiimik. Hanggang sa natapos na silang kumain, wala parin sa sarili si Meteor.
"Para san ba to ha?!" Medyo iritadong tanong ni Universe.
Hindi parin nagsalit si Meteor.
"Kanina ka pa text ng text sa phone mo ah?! May iba ka bang katext? Akala ko ba sakin ka lang may gusto?"
"Sorry." Nakatungong sabi ni Meteor, napatayo si Universe
"Ano to?" sabi niya, tumayo na din si Meteor at ngumiti ng nakakaloko.
"Naalala mo pa ba? Isa akong mantritrip, at ano bang ginagawa ng nantritrip? Diba nanloloko! Kaya ikaw napagtripan ka lang! Umasa ka, Tanga ka!" isang malutong na sampal ang nakuha niya kay Universe.
"I hate you." Tumalikod na si Universe at tumakbo palayo.
Pero kaagad na tumulo ang luha ni Meteor, hindi dahil sa sampal, kundi sa sakit na nararamdaman niya sa puso.
---
Ang panget ng UD ko :'(
Comment naman lahat ng makakabasa, please? Namumulubi na ako sa comments. Kailangan ko kayo, silent readers wag ng mahiya! Mabait naman ako di nangangain.
-camillegold