Fifteen Seconds

By thephantelle

1.2M 15.2K 2.3K

❝Fifteen seconds... and I fell in love with him." More

Fifteen Seconds
I. Kuya (Kathryn)
II. Lola Bambini (Kathryn)
III. Summer Escapade (Kathryn)
IV. Night with Rina (Kathryn)
V. Revelations (Kathryn)
VI. Childhood Memories (Kathryn)
VII. Lies (Daniel)
VIII. Ice Cream (Daniel)
IX. Sad Truth (Kathryn)
X. Who You Love (Kathryn)
XI. Help (Kathryn)
XII. Scared (Kathryn)
XIII. Treehouse (Daniel)
XIV. Letter (Kathryn & Daniel)
XV. Still (Kathryn)
XVI. Hurt (Kathryn&Daniel)
XVII. Three Words (Kathryn & Daniel)
XVIII. With You (Julia & Kathryn)
XIX. Farewell, Neil (Kathryn & Daniel)
XX. Happy Birthday? (Kathryn & Daniel)
XXI. Khalil (Kathryn)
XXII. Papa (Kathryn & Daniel)
XXIII. Official (Kathryn)
XXIV. Selfish (Kathryn)
XXV. Vangie (Kathryn)
XXVI. Master (Kathryn)
XXVII. Migraine (Kathryn)
XXVIII. Clarity (Kathryn & Daniel)
XXIX. Lola Cupid (Kathryn & Daniel)
XXXI. Confused (Kathryn & Daniel)
XXXII. Over My Head (Kathryn)
XXXIII. Unconditionally (Kathryn & Daniel)
XXXIV. Skyscraper (Kathryn)
XXXV. Felicity (Kathryn)
XXXVI. Lia Barretto (Kathryn & Daniel)
XXXVII. Bituin (Kathryn & Daniel)
XXXVIII. I Love You (Lia & Daniel)
XXXIX. Save Me (Kathryn & Daniel)
XL. Hanging On (Kathryn & Daniel)
XLI. Last I Love You? (Kathryn)
XLII. Beginning (Epilogue)

XXX. Lantern (Kathryn)

20.5K 266 34
By thephantelle

"Lola, nakita niyo po ba si Daniel?"

"Hindi ka ba marunong kumatok?" Mataray na tanong ni lola. Nakahiga siya sa kanyang kama at kasalukuyang naglalaro sa kanyang iPad. As usual. At para bang lamig na lamig si lola sapagkat balot na balot siya sa comforter. "Diba, ikaw ang girlfriend? So bakit ako ang tinatanong mo? Hanapan ba ako ng nawawalang tao? Duh, Kathryn! Common sense, please."

Pusang gala! Nakakafrustrate naman 'to. "Lola naman!" Napakamot ako sa ulo ko sa sobrang frustration. Grabe! Kakaayos lang namin ni Daniel pero missing in action siya. Sobra ko kaya siyang namiss. "Nasan po ba kasi si Daniel? Sumagot naman po kayo ng maayos!"

"Yes naman, paiyak na ang apo ko."

HINDI AKO 'PAIYAK NA'! UGH!!!

"Pusang gala naman lola! Umayos kayo!"

Narinig ko ang mahinang tawa ni lola. Shemay naman. Itinigil niya ang paglalaro sa iPad at naglakad siya palapit sa akin. Ngayon ko lang napansin na naka-cocktail dress si lola. Tumingin ako sa paa niya at naka-high heels pa siya. Hanep! Nawala sa isip ko si Daniel sapagkat ngayon ko lang nakita si lola magdamit ng ganito. Feeling teenager si lola. Shemay lang. Tinap ni lola ang braso ko at binigyan ako ng makahulugang ngiti. "Ang drama mo naman, apo. Akala mo naman may namatay. Makikita mo rin si Daniel mamaya. Ikaw kasi! Galit-galitan ka pa sa kanya tapos namiss mo pala ng todo! Kalurks!" Pacute na sabi ni lola.

Napapalo nalang ako sa noo.

Sino naman ang nagturo kay lola ng salitang kalurks?

Shemay! Kalurks!

"Lola, ano bang meron? Bakit ganyan ang suot niyo? At ano po bang pinagsasabi niyo? Mababaliw na po ako sa inaasta niyo, eh." Aniya ko.

"Ang OA mo talaga, apo!" Saad ni lola at hindi na ako pinansin.

Binuksan niya ang napakalaking kabinet sa kanyang kwarto. Mga damit niya ang laman ng kabinet na ito. Para bang may hinahanap siya doon at hindi ko alam kung ano.

At ayaw ko na sa kwartong 'to kasi mababaliw ako kapag kinausap ko pa si lola. Wala akong makuhang matinong sagot. Shemay!

"Lola, hahanapin ko nalang po si Daniel!!" Sigaw ko.

Nakadalawang hakbang na ako palabas ng kwarto ni lola ngunit narinig ko siyang sumigaw. "TEKA LANG, APO!!! NAKITA KO NA ANG SUSUOTIN MO!! BUMALIK KA DITO!!"

Susuotin ko? 

Wala naman akong pupuntahan, ah! Hindi ako bumalik sa kwarto ni lola. Sa halip, pinagpatuloy ko ang paglalakad. Palayo kay lola! Hay, Daniel, nasan ka ba?

"Ooops, teka lang!" Nahawakan ni lola ang braso ko. Ilang taon ba 'to si lola? Para namang ka-age niya lang kami kung umasta siya. Seryoso. "Ito ang susuotin mo mamayang hapon!" Masayang wika ni lola habang pinakita sa akin ang isang dress.

Hindi lang basta dress. Super magandang dress.

Above the knee ang length ng dress at light blue ang kulay neto. Hindi revealing ang dress na ito. Very preppy ang dating. Actually, ngayon ko lang ito nakita. Walang ganito sa mga malls na napuntahan ko. Ang astig!!!

"Lola, saan niyo po nakuha 'yan? Tsaka ano po bang meron mamayang hapon?" Tanong ko kay lola. Sana naman mabigyan niya ako ng matinong kasagutan. Please lang.

"Pinatahi ko talaga ito para sayo! Ibibigay ko sana ito sayo noong Summer kaya lang hindi pa tapos tahiin. Bagay na bagay ito sa party mamaya." Nakangiting saad ni lola.

"Po? Party?"

"Hindi naman talaga siya party. Bawat taon kasi ay nagkakaroon ng selebrasyon ang mga tao dito. Sa tabing dagat ito ginaganap at sobrang paghahanda ang ginagawa ng mga in-charge. May kainan, kantahan at kung ano-ano pa. Bago matapos ang selebrasyon, lahat ng dumalo ay magpapalipad ng lantern na may wish nila." Aniya lola.

Napatango ako. Ang cute naman ng selebrasyon na iyon. "Ahhhh! Pero bakit po kailangan nakadress? Pwede naman pong nakashorts lang kasi sa tabing dagat naman po gaganapin."

"Bawat taon may required na attire. Last year, kahit ano basta may denim. Ngayon naman, cocktail dress sa babae at suit para sa mga lalake. Ang cute, diba? Ang galing-galing talaga ng nakaisip ng selebrasyong ito." Nakangiting page-explain ni lola.

"O, sino po bang nakaisip?"

"Yours truly. Hihihihihihihi!" Maarteng saad ni lola na para bang proud na proud sa sarili niya. In fairness, ang ganda nga ng idea ni lola. Pero hindi ko sasabihin kasi baka lumaki ang ulo niya. Inabot ni lola ang dress sa akin. "Wag mo na munang alalahanin si Daniel. Okay lang 'yon. Sinabihan ko na rin siya tungkol sa celebration mamaya. Gaya mo, binigyan ko siya ng suit. Pareho kayo ng color ng necktie! Syempre, para cute kayong tingnan mamaya. Maghahanda naman daw siya pero may aasikuhin muna siya. Mauna na lang daw tayo mamaya."

"Ok po. Salamat, lola."

Pumasok na ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos, sinuot ko ang dress na bigay ni lola at kasyang-kasya ito sa akin. Para bang sa akin talaga nakalaan ang damit na ito. Kinuha ko sa bag ko ang aking make-up kit. Wala ako masyadong mga make-up. Kaya sobrang light lang ng inapply kong make-up sa aking mukha. Kinulot ko rin ang aking buhok.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin. 

Kuntento naman ako sa kinalabasan ng ayos ko.

"Apo--" wika ni lola, "--4:30 pm na. Baka mahuli tayo."

Kinuha ko ang purse ko at sinalubong si lola. Nakatsinelas na siya ngayon. Syempre, ako rin. Ang hirap kayang maglakad sa buhanginan kung nakaheels.

Dumeretso na kami ni lola sa venue. Ang daming tao. Mukhang tradisyon na yata ito dito. Nilibot ko ng tingin ang lugar pero hindi ko pa rin nakikita si Daniel. Hinila ako ni lola patungo sa aming pwesto. Ang astig. Parang may party talaga! Table #1 kami ni lola. Siya raw ang may-ari at ang nakaisip ng selebrasyon na ito kaya VIP daw. Hekhek.

"Good afternoon, ladies and gentleman!"

Sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang ipinagkaloob Niya sa amin. Pagkatapos ay nagsimula na ang kantahan at sayawan ng mga tao. Hindi ako masyadong makafocus sapagkat hindi ko pa rin makita si Daniel.

Ano naman kaya ang inaasikaso niya?

Hindi man lang ako ininform o tinext man lang.

"Apo, ang sasarap ng ulam!" Aniya lola. Kainan na pala. Hindi ko manlang napansin. Agggh! Patapos na ata ang selebrasyon pero hindi ko pa rin makita si Daniel. "Kumain ka na, Kathryn. Darating din si Daniel. Tiwala lang."

Gaya nga ng sinabi ni lola, kumain nalang ako. Pag-uwi talaga mamaya sa bahay... lagot sa akin si Daniel. Kakabati lang namin tapos hindi ko manlang siya nakasama ngayong araw na ito.

"Lola, tapos na tayong kumain. Ba't wala pa rin si Daniel?"

"Sssshhh! May sinasabi 'yung host." Saad ni lola at inisnob ako.

Tumingin ako sa stage at lumaki ang mata sa nakita. Si Daniel! Nasa stage si Daniel at may hawak siyang mic. Ano bang klaseng girlfriend ako? Hindi ko manlang nasuportahan ang boyfriend ko!

"Magandang gabi po sa inyong lahat! Pasensya na po kung nanginginig ako ngayon. Hindi po kasi ako sanay tumayo sa stage sa harap ng napakaraming tao. Kaya ko lang naman po ito nagawa dahil sa isang magandang babae." Simula ni Daniel. Naghiyawan ang mga tao.

"Ay tae! Ako ang tinutukoy niyang si Daniel." bulong ni lola. Natawa ako.

"Sobrang swerte ko po dahil nabigyan ako ng pagkakataon makasama ang babaeng katulad niya. Napakaganda, napakatalino, napakabait. Nasa kanya na ang lahat, eh. Ayaw ko na po 'tong pahabain. Basta, Kathryn, mahal na mahal kita." Wika ni Daniel at tumingin sa akin.

Shemay. Namumula na naman ako.

"I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul
You're the one I wanna chase
You're the one I wanna hold
I won't let another minute go to waste
I want you and your beautiful soul
Your beautiful soul, yeah"

Nakatingin lang sa akin si Daniel habang kumakanta. Araw-araw, minamahal ko pa lalo si Daniel. Siya kasi, eh. Binibigyan niya ako ng napakaraming raso para mahalin siya.

Hindi lang siya ang swerte.

Swerte rin ako para makasama siya.

Nang matapos ni Daniel ang kanta ay may kinuha siyang bouquet. Nakangiti siyang lumapit sa akin at buhat pa rin niya ang mic. Nang nasa harapan ko na siya, ibinigay niya sa akin ang bouquet. "Gusto ko lang ipagmayabang sa mga tao dito na meron akong girlfriend na sobrang bait at sobrang ganda. Alam kong marami pa tayong pagdadaanan. Pero hawak kamay natin itong lalampasan. Mahal na mahal kita, Kathryn."

"Tae ka, Daniel!" May tumulong luha sa aking mata. "Mahal na mahal rin kita."

Kinulbit kami ni lola at binigyan kami ng tig-isang lantern at papel at bolpen. Oras na para humiling kami sa Panginoon. Para magwish sa kalangitan.

Nagkatitigan kami ni Daniel at ngumiti.

Sabay naming sinulat ni Daniel... "Lord, sana mas lumakas at tumagal pa ang relasyon naming dalawa. Marami pong salamat!"

Inakbayan ako ni Daniel at sabay naming pinalipad ang aming mga lantern- pinanuod namin ang mga lantern namin at ng iba sa kalawakan.

"I love you, Daniel."
"I love you, Kathryn."

END OF CHAPTER THIRTY
Thank you po sa pagbabasa!

Continue Reading

You'll Also Like

113K 3K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
596 103 33
[Family Series 1] Ano ba ang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko din kasi masasabi kung sino ang tanungin ko dahil siya pa din naman ang sagot sa mga...
8.6K 407 26
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...
4.6K 2.2K 62
[C O M P L E T E D] Unlock the door and step inside, This book's journey you cannot hide, Through love and heartbreak, we will ride, Survival, healin...