Under His Hoodie

By bratmind

12.2M 561K 374K

(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obse... More

Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Nazareth's POV (Part 1)
Nazareth's POV (Part 2)
Nazareth's POV (Part 3)
Special Chapter

Simula

805K 20.8K 15.7K
By bratmind

"Hellary, binabalaan kita. Banggain mo na lahat ng estudyante rito sa Elron High basta 'wag lang ang lalaking nakasuot ng grey hoodie jacket," paalala muli ni Hera.

I nodded my head. Ilang beses na bang pinaalala ni Hera 'yan? Sa loob ng mahigit apat na taong pag-aaral ko sa Elron High ay lagi niya iyang bukambibig. Ngunit sa nakalipas na apat na taon ay hindi ko pa naman nakasalamuha ang sinasabi niya.

Sobrang lawak naman ng Elron High. Kaya imposible kong makita ang lalaking tinutukoy ni Hera. At kung makikita ko man ang lalaking 'yon, iiwasan ko siya. Kakaripas ako ng takbo...

I guess?

Sabi ng mga estudyante, lalo na 'yong mga estudyante na napagtanungan ko, ang lalaki na nakasuot ng abong hoodie jacket ay isang myth. Misteryoso ito sa mata ng lahat. Ang rason? Ayon sa sabi-sabi, ang kung sinong lumapit dito o makipag-usap ay habang buhay mamalasin sa pag-ibig.

Marami na raw itong nabiktima ayon sa kanila. At lahat daw ng nakausap ng lalaking 'yon ay minalas sa pag-ibig. Kung hindi niloko ng jowa, hindi naman nililigawan ng kahit sino. Ang mga alumni ang mga nagpapatunay sa haka-hakang iyon. Mga ilang taon ang lumipas pagkatapos maipagawa ang Elron High, nanatili ang myth patungkol sa lalaking nakasuot ng abong hoodie hanggang sa kasalukuyan.

Pero ako? Hindi ako naniniwala.

Hindi ba pwedeng hindi lang talaga sila ligawin o walang nagkakagusto sa kanila? Bakit pa nila idadamay 'yong myth ng school para sa kamalasan nila sa pag-ibig? Ayan tuloy, maraming naniniwala. Ang mga tao pa naman ay mabilis magpaniwala sa mga bagay-bagay.

But I also wondered what he looked like—if it was true. Sabi ng mga nakakita ay balot na balot ang ulo nito ng hoodie. Ibig sabihin, natatakpan ang mukha. Hindi ako naniniwala, but I was really curious. Lahat naman siguro. Lalo na kung araw-araw binabanggit sa 'yo ng kaibigan mo.

Sabi pa nga nila, kung si Eros o mas kilala bilang Kupido ay God of Love, ang misteryosong lalaki naman ay God of Bad Luck in Love.

Seriously?

"Binabalaan kita, Hellary. Ayokong maging malas ka sa pag-ibig. Kaya might as well, avoid the grey hooded-guy, naiintindihan mo?" pangaral ni Hera.

Tumango ako, not very much interested. Ayaw kong tumandang dalaga, but I didn't also believe the myth. Pinasa-pasa na ang myth na 'yan sa mga labi ng mga estudyante rito. Ibig sabihin ay may mga nabago na sa istorya o kaya naman ay yung iba ay hindi naman talaga totoo.

"Got it. Lalayuan ko siya katulad ng gusto mo," ani ko. But the truth was, I wasn't still convinced.

Tumawa si Hera at malakas na hinampas ang braso ko. "Buti naman! Nako, Hell, ayokong tumanda kang dalaga!"

Sinilip ni Hera ang suot na relo. Namilog ang mata niya. "Anong oras na, Hell! Baka hinahanap na ako ni mommy at daddy sa bahay. Isipin na naman ng mga 'yon, lumalandi ako rito sa school imbis na nag-aaral!" she exclaimed.

Tumango ako at tinaboy siya. "I still have things to do here. Kailangan ko itong tapusin ngayon para bukas."

Tinuro ko ang laptop sa kaniya.

"What? Sa bahay n'yo na gawin 'yan!"

Natahimik ako sa kaniyang sinabi. Napansin naman 'yon ni Hera kaya natahimik din siya.

"I-I'm sorry Hell. Nakalimutan ko!" aniya.

Alam ni Hera ang problema ko sa bahay. She wasn't my best friend for nothing. Lahat ng problema ko sa buhay ay sinasabi ko sa kaniya. She was the only one I could talk to when it comes to my problems.

She knew I wasn't on good terms with my step-father. Hindi ko alam. Basta ayoko lang talaga sa step-father ko. Pakiramdam ko kasi ay parang mas pinahahalagahan ng mommy ko ang step-father ko kaysa sa 'kin.

Sinusumpa ni mommy si daddy dahil sa pangangaliwa nito na naging dahilan ng pagkakahiwalay nila. Sinama ako ni mommy sa kaniya. All those things happened back then when I was still seven years old. Noon ay wala pa akong kaalam-alam sa mga bagay na 'yon pero nang magdalaga ako ay unti-unti kong napagtanto ang lahat.

Bumalik si daddy right after my sixteenth birthday. Nagbago na si daddy. Nagtino na siya sa nakalipas na taon. Nakikipagbalikan siya kay mommy pero mas pinili ni mommy ang step-father ko.

She had chosen my step-father over my father.

Dahil do'n ay nagalit ako kay mommy. Madalas niya ring mas pagsilbihan ang step-father ko kaysa sa 'kin. Kaysa sa kadugo niya. Kaya ako na lang ang umiiwas. I know it sounded childish but we all crave for love, aren't we?

"Ayos lang, Hera, naiintindihan ko," sambit ko at ngumiti.

Tumango siya at niyakap ako. "Sorry talaga. Kailangan ko na talagang umuwi. Hindi na kita mahihintay," she apologized.

I smiled warmly to let her know that it was really fine. "Hindi pa naman madilim. Kaya ayos lang."

Sumilip siya sa bintana ng clasroom. "4:30 na, bi! Malapit nang dumilim!"

"Ayos lang kung dumilim. Hindi naman ako takot sa multo."

Wala rin namang multo rito sa Elron High.

"Okay! Bahala ka! I'll go na. Basta kapag nakauwi ka na, text me para hindi ako mag-alala."

Tumango ako at yumakap sa kaniya. "Okay."

Umuwi na nga si Hera. Naiwan ako kasama ng laptop. Muli kong tinuloy ang pagta-type ng report para bukas. Kumakalam na ang sikmura ko pero kailangan kong tapusin ito ngayon din.

Nag-focus ako roon so I could finish it already.

After hours of doing my report, I finally finished it. Malakas akong humikab at nag-unat. Sinilip ko ang labas at gano'n na lamang ang paglaki ng mata ko nang makitang sobrang dilim na.

Halos wala na nga rin ako makitang estudyante. Nagkibit balikat na lamang ako dahil kahit papaano ay maliwanag sa hallway dahil may mga nakabukas na ilaw naman. Wala rin namang magte-tempt na gumawa ng masama sa 'kin dahil full security ang mamahaling school na ito.

Sinimulan ko nang ligpitin ang gamit ko. Sinara ko na ang laptop at nilagay sa lalagyanan. Pagkatapos ay sinukbit ko ang bag ko sa aking balikat at lumabas na ng classroom. I locked the room first. Medyo nahirapan at natagalan pa ako. Umihip nang malakas ang hangin dahilan upang magtaasan ang balahibo ko sa buong katawan.

Teka... ano 'yon?

Napatalon ako sa gulat nang may marinig akong mga yapak sa hallway. Nilingon ko ang buong palapag ng fourth floor para makita kung saan nanggaling 'yon. Sobrang tahimik. Kahit na anong ingay ay libre kong naririnig.

Niliitan ko ang mata ko. Nakakita ako ng anino sa dulo ng hallway.

Hindi kaya?

I found myself running towards the shadow. Kasasabi ko lang na iiwasan ko ang taong 'yon pero I was so curious! Gusto kong makita kung totoo ba ito. Gusto kong makita ang sikat na 'myth' na sinasabi nila gamit ang mismong mata ko.

I ran as fast as I could.

Yabag ko lamang at ng anino mula sa 'di kalayuan ang naririnig. I was scared, alright. Ngunit mas nananig sa akin na malaman ang totoo. I was soaking wet from running. Butil-butil na ng pawis ang lumalandas sa aking noo. But I didn't care. I want to see that mysterious guy with my bare eyes!

Nakita kong lumiko ang anino papunta sa fifth floor. Sinundan ko ito, hindi alintana ang kadiliman. Sa fourth floor area lang pala ang may ilaw, sa bandang dito ay wala na.

Huminto ako sa pagtakbo sa harap ng pinto. Pinakiramdaman ko ang paligid. Nabibingi ako sa sariling tibok ng puso at sa mababa kong paghinga. Hindi ako maaring magkamali. Dumiretso ang anino papuntang rooftop.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Bumungad sa' kin ang bulto ng isang lalaki sa gitna ng dilim. I was facing his back. Nakatalikod ito habang nakatingala sa buwan.

My heart intensified its beat like it was running against the odds. I also felt my knees went limped. Ang talampakan ko rin ay nanlamig. Even my hands! They were freaking cold!

So... the myth was true?

"H-hoodie guy?" I mumbled.

Hindi ito nagsalita. Kaya naman ay wala sa sariling hinarap ko ito sa akin at gano'n na lamang ang pagbilog ng mata ko. It was a hoax!

"Mannequin?"

Pabalang kong hinagis ang mannequin sa sulok. So, the myth wasn't true? Guni-guni ko lang siguro 'yong mga narinig kong yapak kanina.

Tumalikod ako at ambang aalis na. I waisted my time running all the way here, tapos wala lang pala akong mapapala. Pero 'yong anino? Guni-guni ko rin ba iyon? Pero 'yong mga yapak kasi ay parang totoo talaga.

Hindi kaya...

"What are you doing here, lady?" I heard a voice. It was cold, enough for me to shivered.

I slowly turned around. Tinitimbang ang maaring mangyari. And once my eyes landed on his, my heartbeat gone wild. Kung kanina ay malakas na ang tibok nito, mas dumoble pa. When I heard his voice, I felt my whole body shivered. Pero nang makita ko ang mukha niya ay para akong naestatwa.

A god.

He's not a human but a god!

A god in disguise!

"Why are you so stunned?" He chuckled very softly. It's chilling.

His grey eyes examined my body. Then it lifted to my face. Halos mabilaukan ako sa sariling laway dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay nanliit ako. "T-totoo ka? 'Y-yung nasa myth?"

His face turned dark. "If I were you, you'll leave this place."

Nakikipag-usap ako sa kaniya, at gano'n din siya sa 'kin. Mamalasin na ba ako sa pag-ibig? Ugh, Hellary hindi naman totoo yon! Pero he was in front of me! The myth they were talking about!

"S-so you're real..."

He took a step forwad on my direction. Hindi ako nakapag-react dahil sa bilis ng pangyayari. Dilat na dilat ang mata ko when he tilted his head. "You won't leave?"

"Ikaw 'yong nasa myth—?"

Nanliit ang mata niya. He pursed his lips like he was curbing his laughter.

Under his hoodie, kitang-kita ko ang perpektong mukha niya sa tulong ng liwanag ng buwan. The shape of his face was perfectly curved like Leonardo Da Vinci sculpted it. He has the eyes of a wolf, keen and sharp grey. His deadly thick brows complemented it. I looked down at his pursed lips. It was red as blood. Narrowed nose. Skin as white as snow. And a chiseled jaw that could cut anything.

What a god!

"I'll give you a chance, lady. I'll let you run away. Bago ko sirain ang buhay mo."

Nanliit ang mata ko. "It's not true. Hindi totoong kapag kinausap ka nila ay mamalasin sila sa pag-ibig!"

Natahimik siya, pinipigilan pa rin ang malakas na tawa. "It's true. Kaya umalis ka na rito at gusto ko nang magpahinga."

Mas nanliit ang mata ko. "You sleep here?"

Natutulog ba siya sa Elron High para bente kwatro oras siyang makahahanap ng biktima? He was so cruel if that's the reason, then. I pity those people who his curse had victimized.

I heard him utter some swear words. Mukhang nakukulitan na sa 'kin.

"Damn it. Umalis ka na rito habang nagtitimpi pa ako!"

Nilibot ko ang paningin ko sa rooftop. There was a sofa from afar. Malaki 'yon.

"It's so big. D'yan ka ba natu—"

Bago ko pa sabihin ang nais kong sabihin ay hinawakan niya na ang panga ko at siniil ng halik sa labi. At ngayon ko lang naisip na sana pala...

Sinunod ko na lang ang sinabi niya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 432 20
Chats For My Writer: An Epistolary An avid fan of a famous writer constantly sends messages on the writer's kubool account. She asks him about what h...
109K 9.2K 44
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
10.3K 504 43
Ano ang gagawin mo kung ang isang tao ay magpapakita sa 'yo ng motibo tapos iiwan ka rin dahil sa maling conclusion sa isip niya? Tataggapin mo pa ba...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...