Loving You From Afar

By suffocatinglove

14.8K 256 23

[Property of: Miryl M./suffocatinglove] Naranasan mo na bang ma-inlove sa taong imposible ka namang mahalin p... More

PROLOGUE
ONE - Meet Zaree Ysabelle.
TWO - Bestfriend.
THREE - Report Card.
FOUR - Hunter Grae.
FIVE - Basketball Game.
SIX - Tutorial.
SEVEN - Gig.
NINE - Guy in Black.
TEN - He's back.
ELEVEN - Deny pa more.
TWELVE - Maling akala.
THIRTEEN - Mahal kita.
FOURTEEN - Mahal mo din ba?
FIFTEEN - Drama.
SIXTEEN - Travis.
SEVENTEEN - Bonding.
EIGHTEEN - Nag-iisa lang.
NINETEEN - Expected.
TWENTY - The Break-Up.
TWENTY-ONE - Sparks.
TWENTY-TWO - Friends.
TWENTY-THREE - The Truth.
TWENTY-FOUR - I'm Always Here.
TWENTY-FIVE - Protector.
TWENTY-SIX - We Could Happen.
TWENTY-SEVEN - Paper Roses.
TWENTY-EIGHT - Love is Sacrifice.
TWENTY-NINE - Hunter Salazar's POV.
NOTE - #VoteKathrynFPP #KCA
THIRTY - The Chase.
EPILOGUE
Author's Note

EIGHT - Tanga.

438 9 0
By suffocatinglove

I know that the chapter's title is a little (okay, little lang talaga) bit harsh pero you'll know the meaning kung tatapusin niyo ang buong chapter. *wink*



-----



{EIGHT}



"Ysabelle?"



Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya, "H-hunter? Anong ginagawa mo dito?"



Akala ko pa naman ay umuwi na sila ni Cassy kaya sila nawala kaninang dalawa sa bar?



"A-ah, napadaan lang."



Napadaan? Seryoso ba 'tong si Hunter?



"Sino yang kasama mo?" lumapit siya sa bata at tinapik-tapik ito sa balikat.



"Ah, si Earl." Sagot ko naman at kumain na lang.



"Hi po, Kuya!" binati naman siya ng bata at ngumiti pa ito sa kanya.



"Hello." Ngumiti siya at lumapit sa akin para bumulong.



"Ka-ano ano mo 'tong bata?"



Humarap ako sa kanya at nginitian na lang siya. Umusog ako ng konti para makaupo siya sa tabi ko at nagsimula na akong mag-kwento.



"Nakita ko siya sa labas kanina habang naghihintay ako ng taxi pauwi sa amin. Nanghihingi siya ng barya kasi wala siyang makain eh." Tumingin ako sa bata at halata namang wala itong pakialam sa amin dahil busy siya sa pagkain.



"Ysabelle, hindi mo ba alam na delikado yang ginagawa mo?"



"Anong delikado doon? Tinulungan ko lang naman siya dahil hindi pa nga siya kumakain. Kawawa nga eh."



"Ysabelle, kahit na. Hindi mo sigurado kung anong pwede niyang gawin sayo. Nako, kahit bata pa yan eh galing sa kalye yan."



Napailing-iling na lang ako at pinihit ang ulo niya para makita niya ang batang kumakain pa rin.



"Tingnan mo ang bata, mukha bang may gagawing masama yan sa akin ha, Hunter?"



"Ysabelle, kahit na."



Ngumiti na lang ako sa kanya at nagpatuloy na lang sa pagkain, "Ikaw? Kumain ka na ba ng dinner mo?"



"Oo, kakatapos lang namin mag-dinner ni Cassy."



Ah, kaya pala bigla silang nawala kanina.



"By the way, ang ganda ng boses mo, Ysabelle. Walang pinagbago."



Napaharap naman ako sa kanya ng sabihin niya yon, "W-walang pinagbago?"



"Oo, hindi mo ba alam na matagal na akong nanunuod sayo kapag may gig ka sa bar na yon?" Alam ko, Hunter. Alam na alam ko.



"A-ah, syempre alam ko."



"Yun naman pala eh. Oo nga pala, pwede ka bang mayaya—"



Wait, eto na ba yon? Eto na ba yung araw na pinaka-hinihintay ko na yayayain ako ni Hunter na makipag-date sa kanya?



Ay, wag ganyan Zaree. Patapusin mo muna si Hunter magsalita.



"...okay lang ba sayo, Zaree Ysabelle?" nabalik naman ako sa wisyo ng bigla niyang banggitin ang pangalan ko.



"H-ha? Ano ulit yon?"



"Tss." Ginulo niya naman ang buhok ko, "Ang sabi ko, kung pwede bang ikaw na lang ang tumugtog sa first monthsary namin ni Cassy? Okay lang ba yun sayo, Ysabelle?"



Parang namang may sumaksak na kung ano dito sa puso ko ng marinig ko yun. Hay, masyado na naman kasi akong umasa eh.



Tandaan: Masakit umasa, nakamamatay.



**



Nandito na kaming tatlo ngayon sa labas ng convenience store dahil kakatapos lang namin kumain—ay mali, kaming dalawa lang pala ni Earl ang kumain dahil si Hunter ay binantayan lang kaming dalawa.



"Ate, maraming salamat po sa pag-libre sa akin ha?" niyakap naman ako ng bata sa bewang ko dahil yun lang naman ang abot niya.



"Wala yon, Earl. Oh sige na, mauuna na ako. Wag magiging pasaway para hindi mapahamak sa daan ha? Delikado, wala ka pa namang mga magulang na magbabantay sayo." Tinapik-tapik ko naman siya sa balikat niya at kumalas naman siya sa yakap.



"Kuya, thank you din po." Nagulat naman si Hunter ng yakapin din siya ng bata at agad naman na kumalas ito.



Natawa ako sa naging reaksyon niya. Ano, ngayon lang ba siya nayakap ng isang bata?



"Mauuna na po ako, ate at kuya."



"Sige, ingat ka!" nag-wave naman ako pabalik sa kanya at tuluyan na siyang nakalayo.



Nag-cross arms ako at hinagod-hagod ang magkabilang braso dahil sa lamig ng hangin na tumatama sa akin. Gabi na kasi eh kaya malamig na talaga sa labas.



"Ysabelle, hatid na kita."



"Ha? Hindi na, Hunter. Kaya ko naman mag-commute eh."



"Dali na, hahatid na kita."



"Hunter." I warned him kaya naman tinikom niya na lang ang bibig niya.



Napansin ko naman na hindi pa siya umaalis kaya humarap na ako sa kanya, "Hindi ka pa ba uuwi? Sinong hinihintay mo?"



"Ikaw."



"Hunter, kaya ko naman kasing umuwi ng mag-isa eh. Malaki na ako."



"Ysabelle, wag mo ngang nira-rason yan. Oo, malaki ka na, pero sa tingin mo ba mapo-protektahan mo ang sarili mo kapag may nanamantala sayo?"



"Hunter..."



"Tara na." Nagulat ako ng bigla niya akong buhatin ng pa-bridal style at pinasok sa loob ng sasakyan niya—sa shotgun seat.



Agad niya naman itong ni-lock at umikot para makaupo sa driver's seat.



"Oh, ayan. Edi nakuha din kita. Kulit kulit mo talaga, Ysabelle." Pinisil niya pa ang magkabila kong pisngi bago paandarin ang kanyang sasakyan.



Matagal mo nang nakuha ang loob ko, Hunter. Matagal na matagal na.



**



"Anak! Anak!" nagising ako ng maramdaman kong may yumuyugyog sa buong katawan ko.



Kinusot-kusot ko ang mga mata ko tapos umupo sa aking kama. Nakita ko naman doon si Mama na naka-ngiti sa akin ng wagas. Anong meron?



"Bakit ba, Mama? Late na po ba ako?"



Napatingin naman siya sa orasan dito sa loob ng kwarto ko, "Hindi pa naman, anak. Marami ka pang oras para mag-asikaso."



"Oh? Eh bakit niyo na po ako ginising? Matutulog pa ako." Hihiga na sana ulit ako ng bigla niya akong pigilan, "Ano ba kasi yun, Ma?"



"Bumangon ka na dyan at mag-ayos ng sarili mo. May naghihintay na sayo sa labas ng bahay natin!"



"Ano po? Sino daw po siya?"



"Eh basta! Mag-ayos ka na lang dyan, anak!" tumayo naman siya at lumapit sa may pintuan, "Infairness, anak ha. Gwapo ng boyfriend mo!" tuluyan naman siyang lumabas na ng kwarto ko at isinarado na ang pinto.



Ano daw? Boyfriend? Sa pagkakaalam ko wala pa namang nanliligaw sa akin ah?—Napa-iling na lang ako ng maisip ko 'yon. Tsk, Mama talaga oh.



Bumangon na ako at lumabas ng kwarto para dumeretso sa pagligo. Syempre, nakakahiya naman kung lalabasin ko agad yung bisita ko kahit hindi pa ako naliligo diba?



"May tao ba?" kumatok ulit ako sa pintuan ng CR at narinig ko ang boses ni Kuya Zeke.



"Oo, meron! Saglit lang! Matatapos na ako." Narinig ko pa ang pagbuhos niya ng tubig tapos maya-maya pa ay lumabas na din siya ng CR ng nakatapis lang.



"Oh, dalian mo na maligo, Zaree. May bisita ka." Sabi ni Kuya Zeke sa akin pagkalabas niya ng CR.



"Opo, alam ko naman yun. Kakasabi lang sa akin ni Mama."



Tumango-tango naman siya at pumasok na ako sa CR. Nilock ko ito at nagsimula na akong maligo. Pagkatapos nun ay bumalik ako sa kwarto ko para suotin na ang school uniform ko.



"Anak, napaka-tagal mo talagang kumilos. Nakakahiya sa boyfriend mo." Narinig kong singhal sa akin ni Mama habang sinusuklay ko ang mahaba kong buhok sa harap ng salamin.



"Ma, wala nga po akong boyfriend."



"Anong wala? Eh kakasabi niya pa nga lang sa akin na girlfriend ka daw niya, anak! Hay nako, kelan ka pa natutong magsinungaling sa akin, Zaree Ysabelle—"



Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Mama dahil dali-dali na akong lumabas ng bahay para makita kung sino ang tinutukoy nilang dalawa ni Kuya Zeke.



"Travis? Anong ginagawa mo dito?"



Lumapit naman siya sa akin at inakbayan ako, "Hi girlfriend!"



Ano k-kamo?! Girlfriend?!



Hinampas ko naman ng malakas ang braso niya—dahilan para mapa-'aray' siya, "Hoy, Travis. Sinong may sabing girlfriend mo na ako?"



"Bakit, hindi ba?"



"Hindi!"



"Aray ko naman!" humawak pa siya sa kaliwa niyang dibdib at umarteng parang nasasaktan. Hinampas ko naman ulit siya ng gawin niya yon.



"Tigil-tigilan mo nga ako, Travis Lacuesta!"



"Alam mo ikaw, ang aga-aga highblood ka. Jino-joke lang naman kita eh!"



"Anong joke?! Napaniwala mo sila Mama na boyfriend kita kahit hindi naman!"



"Oh, sorry na," umakbay ulit siya sa akin pero tinabig ko lang ulit ang kamay niya, "Tara, pasok tayo sa inyo. Ako na mismo magsasabi kay Tita na hindi mo ako boyfriend."



Inirapan ko lang siya at nauna nang pumasok sa bahay.



"Good morning po ulit, Tita." Bati ni Travis kay Mama at hinalikan niya pa ito sa pisngi.



"Oh, good morning din sayo, hijo."



"Mama, may sasabihin si Travis sa inyo." Nag-cross arms naman ako at hinintay ko lang siyang magsalita.



"Ano yun, Travis? Na kayo na ng anak ko? Diba kakasabi mo pa lang sa akin kanina? Hayaan mo, tanggap naman kita, hijo. Basta aalagaan mo lang ng maigi itong anak ko."



Natawa naman ng mahina si Travis pero natigil yon dahil hinampas ko na naman siya sa braso niya.



"Sabihin mo na kasi!"



"Oo na, eto na!" hinarap niya naman si Mama, "Tita, hindi po totoo yung sinabi ko sa inyo kanina na kaming dalawa na po ng anak ninyong si Zaree. Joke lang po yun."



Kumunot naman ang noo ni Mama pero maya-maya ay ngumiti na din, "Ay sayang! Akala ko pa naman ay totoo na!"



"Mama!"



**



Nasa daan kami papasok sa school ni Travis dahil sinabay niya ako sa sasakyan niya. Tahimik lang ako pero kanina pa siya daldal ng daldal. Hinahayaan ko na nga lang eh. Haha, sarap niya pag-tripan.



"Zaree sa saturday wag kang mawawala ah?"



Napalingon naman ako sa kanya, "Ha? Bakit?"



Sumulyap siya sa akin ng kaunti tapos tinuon ulit ang tingin sa daan, "Eh may family dinner kami diba?"



"Family dinner naman pala yon eh, hindi naman ako kasama sa family ninyo."



Napansin ko ang pag-ngisi niya, "Tss. Basta, sumama ka na lang sa akin, okay?"



"Sige na nga."



Pinark niya naman sa parking lot ng school ang kotse niya at sabay na kaming bumaba.



"Bakit bumaba ka agad? Dapat hinintay mo muna akong pagbuksan ka ng pintuan bago ka bumaba, Zaree. Parang hindi naman ako lumalabas na gentleman niyan dahil sa ginagawa mo eh." Pagmamaktol niya pa habang naglalakad kami papasok sa campus.



"Kaya ko naman, Travis. Napaka-arte talaga neto."



"Aba'y sorry na!"



Umiling-iling na lang ako at dumeretso na sa classroom. Nakita ko agad ang dalawa kong kaibigan na busing-busy sa pagsusulat ng kung ano-ano sa papel.



"Aba, busing-busy kayo dyan ah."



Napaharap naman sa akin yung dalawa at halata pa sa mga mukha nila ang pagkagulat.



"Grabe ka, girl! Aatakihin naman kami sa puso ng dahil dyan sa ginagawa mo!" napahawak pa si Sandy sa kaliwang dibdib niya.



"OA mo, Sandy." Natawa pa ako ng mahina at umupo na sa upuan ko.



"Ah, Zaree, nakapag-locker ka na ba?" lumingon sa akin si Audrey at tinaas pa ang isa niyang kilay.



Oo nga pala! Nakalimutan ko mag-locker kanina nung pagpasok ko! Huhu, napaka-kulit naman kasi ni Travis eh!



"Buti pinaalala mo, Audrey! Samahan mo ako, please?"



"Ayun! Tara na! Ayaw kasi ako samahan netong si Sandy eh!" Tumayo naman siya at inayos ang uniform niya.



Lumabas naman kaming dalawa ni Audrey at dumeretso sa locker area. Oo nga pala, may nakakalimutan pa akong i-kwento sa kanya.



"Audrey..."



"Hmm?"



"May sinabi sa akin si Hunter kagabi."



Kumunot naman ang noo niya at napalingon pa siya sa akin, "Ano kamo? Kagabi? Magkasama kayo?"



"Oo, nanuod sila ng gig ko kagabi eh."



"Kasama niya si Cassy?" pinagpatuloy niya naman ang pagkuha ng gamit sa locker.



"Malamang."



"Oh, eh ano ngang sinabi niya sayo kagabi? Na nakaka-inlove kang kumanta tapos nahulog ka lang lalo sa kanya dahil sa sinabihan ka lang niya ng ganon? Hay nako, Zaree."



"Hindi ganon, Audrey!"



"Eh ano?"



"Sinabihan niya ako na kung pwede daw ba na ako yung tumugtog sa first monthsary nila."



"Pumayag ka naman?"



Tumango-tango naman ako bilang sagot tapos nasapo niya ang noo niya.



"Alam mo, Zaree, hindi na namin alam ni Sandy kung anong ipapalaklak namin sayo para magising ka sa realidad."



"Ha?"



Tinapik-tapik niya naman ako sa balikat, "Zaree, kaibigan ka namin ni Sandy. Iisa lang ang ibig sabihin non, mahal ka namin at ayaw ka namin nakikitang nasasaktan. Pero sa ginagawa mo, mas lalo mo lang sinasaktan yung sarili mo eh."



Natahimik naman ako sa sinabi niya at hinayaan na lang siya magsalita, "Tingnan mo ah, nilalayo ka namin kay Hunter pero ikaw 'tong nagpupumilit na mapalapit sa kanya. Ikaw din 'tong nananakit sa sarili mo eh. Pero eto ha, may tanong ako..."



"Ano yun?"



"Kaya mo bang kumanta para sa first monthsary nila kahit may sakit kang nararamdaman dito?" itinuro niya pa ang kaliwa kong dibdib.



Kaya ko ba?



"Siguro?"



"Oo at hindi lang ang pwede mong isagot, Zaree."



Napa-iling iling naman ako, "Pwede bang 'o' na lang yung isagot ko?"



Sinara niya naman ang locker niya pagkatapos niyang kumuha ng gamit at tumitig sa akin, "Alam mo, Zaree, isa kang malaking tanga."



-----

Author's Note: Lahat tayo nagiging tanga pagdating sa pag-ibig, aminin mo man o hindi.





Continue Reading

You'll Also Like

235 69 15
Ethan Mori, a half-Japanese man living in Manila, has always been clear about his life's ambitions, until he reconnects with Zoey, someone he knew fr...
2.3K 557 17
Isang simpleng babae na nakipag sapalaran sa kanila para sa kanyang pamilya. Nangarap at nagsikap abutin ang kanyang mga pangarap. Paano kung may hin...
245K 14.9K 54
"Akong bahala sa pool mo."
77.3K 3.1K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...